Chapter #5: Selos

1855 Words
Lexi’s POV Tumingin muna sa relo si Lexi bago pumasok. "8:30 AM pa lang, mahaba pa ang oras," saad nito sa sarili. Naisipan niyang dito na lang magkape. "Good morning, Ms. Lexi! Ano po ang sa inyo?" bati ng cashier. "Good morning to you too, Ella," sagot ni Lexi. Kilala niya ito dahil matagal na itong nagtatrabaho rito, at palagi silang nagkikita. "Isang matcha latte, please," dagdag niya. "Copy po, Ms. Lexi," sagot ni Ella na may ngiti. Palinga-linga si Lexi, nagbabakasakaling makita si Evie. Naupo siya malapit sa glass wall at tumingin sa paligid, umaasang makikita niya ito. Pero hanggang sa maubos niya ang kape, hindi niya nakita si Evie. Napabuntong-hininga na lang siya at umalis, may kaunting lungkot at panghihinayang Ng hndi makita si Evie. Pagkarating sa opisina… "Good morning, Ate Claudette," bati ni Lexi habang abala ito sa paghahanda para sa meeting mamaya. "Good morning to you too, Ms. Lexi. Handa na po ang lahat para sa meeting mamaya," sagot ni Claudette. Pagtingin ni Lexi sa relo, "Okay, 9:35 AM pa lang naman," naisip niya. "Okay, salamat, Ate Claudette," pasasalamat niya bago pumasok sa opisina niya. "Good morning, Ms. Lexi! Kamusta na ang kamay mo?" tanong ni Shiana, bakas ang pag-aalala sa boses nito. "Good morning to you too, Shiana. May pasa pa ng kaunti at medyo masakit pa, pero I'm good," sagot ni Lexi habang iniangat nang bahagya ang kamay niya. Napabuntong-hininga na lang si Shiana. Umupo na si Lexi sa kanyang upuan at tumingin sa phone niya habang naghihintay ng oras. Evie’s POV Papasok na sila ng building nang biglang magtanong si Kris. "Anong gagawin ko? Pinasama mo ako, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko," reklamo nito, sabay tawa. Hindi niya rin alam kung bakit siya sumama sa meeting na hindi siya handa. "You're my assistant for now," natatawang sagot ni Evie. "Ahh, okay. I will take notes na lang for you, Ma'am," sagot ni Kris, sabay tawanan silang dalawa. Pagdating sa reception area, nilapitan nila ang receptionist upang magtanong. "Hello, Miss. Saan po ba ang conference room? We are from Java Junction," tanong ni Evie. Napakagat-labi ang receptionist. Sino ba naman ang hindi mabibighani kay Evie? Kahit ang mga straight, napapalingon sa kanya, kahit wala siyang ginagawa. "A-a... Ah! Nasa 10th floor po. P-pagdating ninyo doon, kumanan po kaaaa-kayo at makikita ninyo na po d-doon," pautal-utal na sagot ng receptionist, halatang kinakabahan. "Salamat po," sagot ni Evie na may kasamang matamis na ngiti bago sila umalis. Pagkaalis nila, napahinga nang malalim ang receptionist at napatingin sa papalayong si Evie at Kris. "B**h! Kahit kailan, lakas ng tama ng mga babae sa'yo... o kahit mga lalaki man! Nauutal-utal tuloy yung receptionist sa'yo!" tukso ni Kris, sabay tawa. "Ewan ko ba! Wala naman akong ginagawa, pero lapitin talaga ako, eh," sagot ni Evie na may halong pagmamalaki, dahilan para lalo silang matawa. "Bilisan na natin, late na naman tayo," sabi ni Kris. Alas-diyes y medya na, sampung minuto na silang late! Pagdating nila sa conference room, nagsimula na ang meeting. Pagkabukas ng pinto, agad nagtama ang mga mata nina Evie at Lexi. Sa wakas, nakita ulit ni Evie ang babaeng nagugustuhan niya. Yes, she likes Lexi. "Pasensya na, late kami," si Kris na lang ang nagsalita dahil nanatili pa ring nagkakatitigan ang dalawa. Sa kabilang banda, nagulat si Lexi at hindi inasahang magkikita sila sa ganitong sitwasyon. Agad niyang inayos ang sarili. "Okay, maupo na kayo," sabi ni Lexi, sinenyasan silang umupo. Bago magsimula ang kanyang presentation, muli siyang tumingin kay Evie. "Any suggestions?" tanong ni Lexi. Nagsalita si Evie, "Para mapaligaya ang mga bisita natin, maaari tayong maglagay ng mga sorpresa," aniya. "Maaari tayong magbigay ng mga libreng sample ng mga bagong pagkain at inuming kape. At para sa mga unang dumating, maaari tayong magbigay ng mga libreng gift bag na may mga produkto ng Brews & Bites. Hindi lang dahil sa produkto namin, kundi para maengganyo natin sila at magkaroon sila ng kumpiyansa sa Thompson Gala na gaganapin." "Okay, mayroon na tayong mga ideya para sa mga aktibidad at pagkain sa gala," sabi ni Lexi. "Ngunit paano natin mapoprotektahan ang seguridad ng mga bisita natin?" Si Lexi ay nag-isip ng sandali bago sumagot. "Maaari tayong mag-hire ng mga security guard para magbantay sa mga bisita." Tumango si Evie. "Mabuti. Maaari tayong maglagay ng mga security guard. At paano natin mapoprotektahan ang mga bisita natin sa mga posibleng panganib?" Si Kris, na nakikinig sa pag-uusap, ay sumali sa diskusyon. "Maaari tayong maglagay ng mga CCTV camera sa mga strategic na lugar para masubaybayan ang mga bisita at ang mga kilalang panauhin natin." Biglang tumayo si Michael, inilagay ang mga kamay sa mesa, at mayabang na nagsalita. "Hindi mo na 'yan tungkulin, Evie. Bakit ka pa nakikialam sa seguridad?" Tumingin si Evie sa kanya nang matatag, hindi nagpapakita ng takot. "Mga kilala at hindi basta-basta ang ating mga bisita, Michael. Kailangan natin ng matibay na seguridad para sa kanila." Nagkatitigan ang dalawa, kapwa ipinapakita ang kanilang matibay na paninindigan. Tumingin si Kris at Lexi sa kanila, halatang nababahala sa tensyon. Sa huli, unang nagbitiw ng titig si Michael, halatang hindi makayanan ang kumpiyansa ni Evie. Napangiti si Evie nang bahagya, tanda ng kanyang tagumpay sa pagpapanatili ng kanyang posisyon. Samantala, napahanga naman ni Evie si Lexi sa kanyang mga ideya at katapangan. Habang patuloy na nagpapaliwanag si Lexi, hindi mapigilan ni Evie na mapatingin sa kanya. "I like her lips… What would it feel like if her lips were on mine?" bulong ni Evie sa sarili habang kagat-labi siyang nakatitig kay Lexi. Napansin ni Lexi ang paraan ng pagtitig ni Evie sa kanya, pati na rin ang kanyang pagkagat-labi. Pilit niyang kinokontrol ang sarili upang hindi mailang habang nagpapaliwanag pa rin nang propesyonal. Biglang siniko ni Kris si Evie. "Stop eye-f*ing her at mag-concentrate ka sa meeting," seryosong saad nito. Ngunit kahit anong gawin niya, hindi mapigilan ni Evie ang paghanga kay Lexi. "I really, really like her. Every time I see her… sana maging akin siya," isip ni Evie. Natapos ang meeting, at nagsimula nang magligpit ang lahat. Bago umalis, lumapit muna si Evie kay Lexi. "Pasensya na, Ms. Lexi. Na-late kami kanina, naabutan kasi kami ng traffic," paliwanag ni Evie nang pormal. "It's okay, Evie," sagot ni Lexi. Nagkatitigan silang dalawa, at doon napansin ni Lexi ang berde niyang mga mata. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa malalim na titig ni Evie. Biglang sumingit si Michael. "Baby, we need to talk," sabi nito, halatang nagmamakaawa. Tumingin si Lexi kay Evie at nakita niyang parang may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit agad niyang ibinalik ang tingin kay Michael. "Wala na tayong pag-uusapan," matigas na sagot ni Lexi. Halata ang halo ng galit sa boses niya, ngunit hindi niya ito ipinapakita lalo na't nariyan si Evie. Alam na ni Evie na kailangan niyang manatili nang kaunti. Napansin ni Evie ang namamagang kamay ni Lexi. Wala naman itong pasa kahapon, kaya agad siyang nag-alala. "Baby, please. I'm sorry. Nadala lang ako sa emosyon ko kaya kita nasaktan," sabi ni Michael, halatang guilty. Dahil sa narinig, nag-init ang ulo ni Evie. Pilit niyang kinokontrol ang sarili. "Please, ayusin natin ang problema. Ayokong makipaghiwalay ka sa akin. Mahal na mahal kita," pagpupumilit ni Michael sabay hawak sa kamay ni Lexi—sa mismong parte kung saan may pasa. "Aray! Bitawan mo ako!" pakiusap ni Lexi, nanginginig ang boses. "No! Mag-uusap tayo!" sigaw ni Michael. Biglang humakbang si Evie at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Michael. "Bitawan mo siya. You're hurting her." Tumingin si Michael kay Evie, galit na galit. "Who do you think you are? Huwag kang makialam sa away naming mag-jowa!" Matigas ang titig ni Evie. "Tapos na Tayo, Michael. Ayaw ko na." Halata ang sakit sa mukha ni Lexi habang patuloy na hinahawakan ni Michael ang kanyang kamay. Muling humigpit ang hawak ni Evie kay Michael. Sa sakit, napilitan siyang bitiwan si Lexi. "Away naming mag-girlfriend 'to!" pasigaw na sabi ni Michael. Matigas ang sagot ni Evie. "Hindi ako nangingialam, pero nakikita kong sinasaktan mo si Lexi. Do you think hahayaan kong saktan mo siya?" Sa sandaling iyon, naramdaman ni Lexi ang kakaibang seguridad. Hindi siya natakot, hindi tulad ng dati. Tumingin siya kay Evie, hindi makapaniwalang ipinagtatanggol siya nito. Lumapit ang isang security guard. "Sir Michael, please give her space. Umalis na po kayo at huwag na kayong manggulo rito." Sa galit, tiningnan ni Michael si Evie. "You are mine, Lexi. Gagawin ko ang lahat para maging akin ka lang muli." Binalingan niya si Evie at nagbanta. "May araw ka rin sa akin." Hindi natinag si Evie. Kung alam lang ni Michael kung sino talaga ang kinakalaban niya—hindi lang basta mayaman si Evie, kundi kinatatakutan ng mga mafia at ng buong mundo. Tumingin si Evie kay Lexi. "Are you okay, Lex?" tanong niya, puno ng pag-aalala. "Yes, I'm okay," sagot ni Lexi. Biglang lumapit si Kris. "B*h, kanina pa ako nagsasalita. Hindi ka pala sumunod sa akin, nandito ka pa pala." Ngunit natigilan si Kris nang makita ang pasa ni Lexi. "Oh, sorry. Nakastorbo ba ako?" Napatawa si Lexi. "No, it's okay." Tumingin siya kay Evie. "Salamat nga pala kanina." Tinitigan ni Evie ang kamay ni Lexi. "Siya ba ang may gawa nito?" tanong niya. Tumango si Lexi. Muling nagtama ang kanilang mga mata. Parang natutunaw si Lexi sa lalim ng berdeng mga mata ni Evie. Biglang sumingit si Kris. "Pwede bang kumain muna tayo? Ipagpatuloy niyo 'yan mamaya, nagugutom na ako!" Sabay tawa si Kris at hinampas ni Evie. "Aray! What's that for?" reklamo ni Kris. Sabay tawa naman ni Evie. "Ang ingay mo kasi!" Sakto namang pumasok si Sofia para yayain ang best friend niya. "Ohh, hello, Evie!" bati ni Sofia na may ngiti. "Hi, Sofie!" sagot ni Evie, sabay yakap sa kaibigan. Napatingin si Sofia kay Lexi na may nakakalokong ngiti. "Sabay ka na sa amin mag-lunch. Saan ba gusto ninyo?" tanong ni Evie. Sumagot naman si Kris, "Gusto kong kumain ng steak." Ngumiti si Kris kay Evie, alam niya kasing may alam itong restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Evie. "Okay, okay. Okay ba sa inyo? Libre ko kayo," saad ni Evie. Napangiti si Sofia, habang si Lexi naman ay nahihiya pero napilitang tumango. Sabay-sabay na silang naglakad papunta sa parking lot. Habang palabas sila, patungo sa sasakyan, nakasalubong nila ang receptionist na babae. "Hello! Kamusta ang meeting?" tanong nito kay Evie, sabay kagat-labi. Naiinis si Lexi at siya na ang sumagot bago pa makapagsalita si Evie. Hindi niya kasi napansing kasabay pala ito ni Evie pababa. "Are you done asking, Ms. Santos?" matapang na sabi ni Lexi, sabay tingin nang masama sa receptionist. "Oh, sorry! Hindi ko po napansin na nandiyan po pala kayo, Ms. Lexi. Ako'y babalik na sa trabaho ko," mabilis na paliwanag ni Ms. Santos. "Good!" sagot ni Lexi. Natawa si Sofia dahil alam niyang nagseselos Ang kaibigan. Nauna nang lumakad si Lexi, habang si Evie naman ay napangiti at nag-smirk sa inis na ipinakita ni Lexi. "Ow, babe, you're so jelly," bulong ni Evie sa sarili, hindi mapigilang mapangiti sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD