Chapter #4: Hiwalayan

1557 Words
Lexi's POV "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Lexi, habang sumasagi na naman sa isip niya ang kataksilang ginawa ni Michael. "Sorry na, baby. Hindi kita nakamusta, na-busy lang talaga ako," sagot ni Michael sabay abot ng bulaklak. Aakma sana siyang hahalik kay Lexi, pero bigla siyang pinigilan nito. "Na-busy? Ilang araw kang hindi nagparamdam sa akin! Kahit isang simpleng message, hindi mo man lang nagawa," sagot ni Lexi, ramdam ang bigat ng sama ng loob sa kanyang dibdib. Pilit niyang pinipigilang mapaiyak. "Baby, sorry na. Kaya nga may dala akong bulaklak, kasi alam kong gusto mo ito kapag sinusuyo kita. At gusto rin kitang ayain mag-lunch para makabawi sa’yo. Sorry na, baby," sabi ni Michael habang inaabot ang kamay ni Lexi. Bigla namang lumayo si Lexi. "Ha! Busy? Busy talaga? O baka naman nasasarapan ka sa pakikipaghalikan sa secretary mo?!" singhal niya kay Michael, na nagulat sa sinabi niya. "Sino nagsabi niyan sa’yo? Hindi totoo ‘yan! Kung sino man ang nagkalat niyan, ipapatanggal ko siya dahil gumagawa ng kwento!" sagot ni Michael, halatang nag-aalibi. Lalong uminit ang dugo ni Lexi sa narinig. "Walang nagsabi sa akin!" galit niyang sagot. "Nakita ko kayo mismo! Naglalaplapan kayo sa harap ng mesa mo! Napagdesisyunan kong puntahan ka kasi baka busy ka sa trabaho, pero ang totoo, busy ka sa pakikipaghalikan sa kanya!" galit na sabi ni Lexi. "Baby, sorry na! Temptation lang ‘yon! Kasi ang clingy niya sa akin, tapos syempre, lalaki ako eh…" paliwanag ni Michael. "Pero sorry na, hindi ko na uulitin, baby." Muli niyang tinangka na lumapit kay Lexi, pero bigla siyang lumayo. "Break na tayo," matigas na sabi ni Lexi. Nanlaki ang mga mata ni Michael, hindi makapaniwala. Alam niyang gustong-gusto siya ni Lexi, kaya iniisip niyang kahit anong kasalanan ang gawin niya, patatawarin pa rin siya nito. "Hindi! Ayoko makipaghiwalay sa’yo! Mahal na mahal kita, Lexi!" Napatawa na lang si Lexi sa sinabi ni Michael. "Mahal?! Mahal ba tawag mo sa ginagawa mo?" sarkastikong sagot niya. "Hindi ako papayag! You are mine, Lexi!" biglang tumalim ang tingin ni Michael, dahilan para mapaatras si Lexi sa takot. Hindi pa niya nakikita ang ganitong mukha ni Michael noon. Bigla siyang hinawakan nang mahigpit ni Michael. "Aray! Bitawan mo ako, Michael! Nasasaktan ako!" pakiusap ni Lexi, ngunit lalo pang humigpit ang hawak ng lalaki. "Bitawan mo ako!" pilit niyang pagpiglas, pero mas lalo lang sumakit ang kamay niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Michael. Sakto namang dumating ang assistant niyang si Shiana, at nakita nitong sinasaktan siya ng kanyang boyfriend. Agad itong tumawag ng security guard. Dali-daling pumasok ang guard at pumagitna upang protektahan si Lexi. "Kuya Jonathan, ilabas mo ‘yan dito! Sinasaktan niya si Ms. Lexi!" utos ni Shiana. Aakma sanang hawakan ng guard si Michael, pero pumalag ito. "Wag mo akong hawakan!" matapang niyang sabi. Bago tuluyang lumabas, tinitigan pa niya si Lexi at bumulong, "Tandaan mo ‘to, Lexi. Akin ka lang." Sinamahan siya ng guard palabas, tinitiyak na hindi na ito makakabalik. Agad lumapit si Shiana kay Lexi at nakita ang namamaga niyang kamay. "Ms. Lexi, upo ka muna. Kukuha ako ng yelo," aniya bago mabilis na lumabas. "Sofia…" mangiyak-ngiyak na tawag ni Lexi sa kanyang best friend. "Michael… hurt me." Tuluyan nang bumagsak ang luha niya. Sofia’s POV Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Lexi at bumungad ang kanyang best friend. "Where is that MTHRFCKR?!" sigaw ni Sofia, pero agad nawala ang galit sa mukha niya nang makita niyang umiiyak si Lexi. Agad siyang lumapit at niyakap ito. "I broke up with him…" humahagulgol na sabi ni Lexi. "Sinaktan niya ako. Ayaw niyang makipaghiwalay kaya nagalit siya… ang higpit ng hawak niya sa akin…" "Aray!" napangiwi si Lexi sa sakit. Napatingin si Sofia sa namamagang kamay ng kaibigan. "That MTHRFCKR! Buti naman at hiniwalayan mo na ‘yang gago mong boyfriend! At least lumabas na rin ang tunay niyang ugali! Kung andito lang ako kanina, binugbog ko na ‘yung hayop na ‘yon!" Sakto namang dumating si Shiana dala ang yelo. "Ms. Lexi, ilagay mo ito sa kamay mo," mahinahong sabi niya. "Mas mabuti siguro, Ms. Lexi, kung umuwi ka na muna. Ako na ang bahala dito. Ibigay mo na lang sa akin ang mga report na kailangan tapusin," mungkahi ni Shiana. Si Shiana ay isang matalinong assistant—mabait, masipag, at maaasahan—kaya hindi nahihirapan si Lexi sa trabaho. "Salamat, Shiana. Mabuti na lang at dumating ka," taos-pusong pasasalamat ni Lexi. "Wala pong anuman, Ms. Lexi. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko," sagot ni Shiana. "Salamat talaga. Ikaw na muna ang bahala dito," pakiusap ni Lexi. "Pakihanda na rin ang lahat para sa meeting bukas. Bandang 9:30 ng umaga, andito na ako." "Masusunod po, Ms. Lexi." Sabay nilang nilisan ang opisina. Sa Sasakyan "Kumusta na ang kamay mo?" tanong ni Sofia. "Medyo okay na. Namamaga pa rin, pero siguro bukas mawawala na ‘to. May kaunting pasa lang," sagot ni Lexi habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. "Tama lang ang desisyon mong hiwalayan na ‘yung hayop na ‘yon," saad ni Sofia. Sakto namang dumating na sila sa apartment ni Lexi. "Magbihis ka muna. Ipagluluto kita," sabi ni Sofia. Tumango si Lexi at tumungo sa kanyang kwarto para magpalit ng damit. Napabuntong-hininga siya at bumulong sa sarili, Simula ngayon, hindi na ako magpapauto sa lalaking ‘yon. Ang kapal ng mukha niya—siya pa ang may ganang magalit! Habang bumababa, iniisip niya kung paano niya ipapaliwanag sa kanyang mga magulang ang nangyari. Napabuntong-hininga ulit siya bago tuluyang pumunta sa kusina. "Halika na, kumain na tayo," yaya ni Sofia. Tahimik silang kumain, hanggang sa binasag ni Lexi ang katahimikan. "Ano kaya ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nakipaghiwalay na ako kay Michael?" Nag-aalalang Saad ni Lexi "You deserve better, Lex," sagot ni Sofia. "Sabihin mo sa kanila ang totoo—kung anong kahayupan ang ginawa ng lalaking ‘yon." Tumango na lang si Lexi. "Magpahinga ka na muna, at huwag mo na siyang isipin," sabi ni Sofia. "Salamat, ha? Lagi kang nandiyan para sa akin," sabi ni Lexi habang hinahawakan ang kamay ng kaibigan. "Makakahanap ka rin ng totoong magmamahal sa’yo at ipaparamdam kung gaano ka kahalaga," sagot ni Sofia sabay yakap sa kanya. Matapos magpaalam, bumalik na si Lexi sa kanyang kwarto. Habang unti-unting dinadalaw ng antok, umaasa siya na balang araw, may darating na taong ipaglalaban siya at ipaparamdam kung paano ang tunay na pagmamahal. Evie’s POV Malakas na katok ang narinig ni Kris, sabay bukas ng pinto niya. "Kriiiiis gising ka na at kakain na!" sabay tawa. "Himalang maaga ka, ah! Excited kang makita si Lexi," panunukso niya sa kaibigan. "Bilisan mo na at maaga pa tayo. Mahaba pa ang biyahe natin." Biglang tumalon si Kris nang maalalang nasa bahay pala sila ni Evie. "B***h! Akala ko nasa apartment tayo! Napasarap ang tulog ko," sabay nagtawanan ang magkaibigan. Pagbaba nila, agad nilang binati ang mga magulang ni Evie. "Good morning, Dad! Good morning, Mom!" sabay halik sa mga ito. Ganoon din ang ginawa ni Kris. "Kris, you can come here kung kailan mo gusto, okay?" saad ng ama ni Evie. "Thank you po, Tito Richard," sagot ni Kris sabay ngiti. "Oh siya, sige na at kumain na tayo. By the way nga pala, we got invited sa gala ng mga Thompson. You can come, Kris, if you want—kung ayaw ni Evie pumunta," tugon ni Richard. "May meeting kami ngayon sa Thompson Building, so yeah, makakapunta kami," sagot ni Evie. "Kami nga pala ang magpe-prepare ng mga pagkain nila, Tito Richard, kaya siguradong makakapunta kami," dagdag ni Kris. "Oh, okay! Maganda at nagustuhan nila ang Java Junction ni Jastine. Mukhang makikilala na rin ito," sabay ngiti ni Richard. Sa sobrang saya niya, naisip niyang hindi na nasayang ang tulong ni Evie sa kanyang pinsan. Ayaw sana nitong tanggapin ang tulong, pero pinilit ni Evie na bigyan sila ng pagkakakitaan. Sa wakas, nagbunga rin ang kanilang pagsisikap at nakilala ang Java Junction. "Bye, Mom! Bye, Dad! Aalis na kami. Mahaba pa kasi ang biyahe eh," sabay halik muli sa mga magulang. Ganoon din si Kris. "Bye, Tita! Bye, Tito! Salamat po sa pagtanggap sa akin," sabay ngiti ni Kris bago sila tuluyang umalis. Lexi’s POV Nagising nang maaga si Lexi at sinimulan ang kanyang morning routine—pagpunta sa gym. "Good morning, Ms. Lexi," bati ng nagbabantay sa gym. "Good morning to you too," sagot niya sabay ngiti. "Ang ganda talaga ni Ms. Lexi," saad ng isang staff doon, at sumang-ayon naman ang kasamahan nito. Manghang-mangha sila sa kagandahan ni Lexi, pati na rin sa kanyang ugali. Hindi siya mayabang, simple lang siya at hindi maarte—hindi tulad ng ibang mayayaman. Pagkatapos mag-gym, agad siyang nag-prepare para maligo. Pagkatapos maligo, nagluto siya ng kanyang almusal. Mahilig siyang magluto kaya siya mismo ang naghahanda ng pagkain niya, lalo na’t mag-isa lang siya sa kanyang apartment at walang katulong. Matapos kumain, umalis na siya at naisipang bumili ng kape. Bigla namang sumagi sa isip niya si Evie—ang magagandang mata nito, ang hubog ng katawan, at ang mapupulang labi kahit walang lipstick. "Aaaahh! Ano ba itong iniisip ko?" iniling-iling niya ang ulo, pilit winawaksi ang iniisip. "F**k! Bakit hindi ka maalis sa isip ko?" Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso patungong Java Junction.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD