Evie POV
Maagang gumising si Evie upang paghandaan ang panayam para sa mga doktor na nais maging bahagi ng SHT Hospital. Isa siya sa mga mag-iinterview, isang responsibilidad na hindi niya madalas ginagampanan, ngunit mahalaga para sa hinaharap ng ospital.
Habang nag-aayos, dumating si Stella Smith, dala ang isang tasa ng mainit na kape.
"Mukhang kakailanganin mo ito," aniya, inaabot ang inumin. "Salamat. Alam mong hindi ako pwedeng magsimula ng araw nang walang kape," sagot ni Evie bago uminom. "Handa ka na ba?" tanong ni Stella.
"Always naman Ako handa." sagot ni Evie Sabay tawa. Hindi nagtagal, dumating sila sa ospital at sinalubong ng HR team. Inihatid sila sa conference room kung saan gaganapin ang interview. Doon, dumating si Lara Thompson, ang chairman ng SHT Hospital. Sa pormal nitong kasuotan, halatang sanay ito sa corporate world, ngunit may aura rin ng pagiging mabuting pinuno. Lumapit ito sa kanila, nakangiti.
"Lara, gusto kong ipakilala sa’yo si Doctor Evie Smith," sabi ni Stella. "Isa sa Kasama nating may-ari ng SHT Hospital at bahagi ng panel ng interviewers ngayong araw." Naglahad ng kamay si Lara. "Ikaw pala si Evie Smith. Ikinalulugod kitang makilala."
Ginantihan ito ni Evie ng isang magalang na ngiti at tinanggap ang kamay nito. "Ang karangalan ay sa akin, Miss Thompson." Sabay ngiti nito. Hindi pa alam ni Lara na si Evie ay hindi lang basta isang may-ari ng ospital at isa siyang anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo. Ngunit hindi pa ito ang tamang oras upang malaman niya ang katotohanang iyon.
Makalipas ang ilang oras ng masusing panayam sa iba’t ibang doktor, dumating na ang huling aplikanteng si Anna Belle. Tahimik siyang pumasok sa conference room, ngunit hindi niya napigilang magulat nang makita kung sino ang isa sa mga mag-iinterview sa kanya.
Si Doctor Smith
Sa loob-loob niya, hindi niya inaasahan ito. Na si Doctor Smith ang mag iinterview sa kanila, pero hindi ito ang tamang oras para ipakita na Kilala Niya ito Kaya sa halip na ipahalata ang kanyang pagkagulat, nanatili siyang propesyonal. Inayos niya ang kanyang postura, hinarap ang panel, at ngumiti nang magalang.
Si Evie naman ay tahimik lang na pinagmasdan siya. Alam niyang mahusay si Anna Belle dahil noong nag-aaral pa lamang ito, nasaksihan na niya ang kakayahan, determinasyon, at talino nito. Hindi na siya nagulat nang makita ang pangalan nito sa listahan ng mga aplikante. “Maupo ka, Dr. Belle,” magiliw ngunit pormal na sabi ni Evie. “Salamat po,” sagot ni Anna Belle, sinisikap gawing kalmado ang boses.
Sinimulan ng isa pang panelist ang interview, nagtatanong tungkol sa kanyang background, specialization, at kung bakit nais niyang maging bahagi ng SHT Hospital. Makinis at direkta ang mga sagot ni Anna Belle, walang bahid ng kaba o alinlangan. Ngunit nang dumating na ang tanong mula kay Evie, hindi maiwasan ni Anna Belle ang kabahan nangkaunti pero hndi ito pinapakita.
"Dr. Belle, alam kong mahusay ka noong nag-aaral ka pa lamang. Ngunit sa tingin mo, ano ang pinaka-malaking hamon na kinaharap mo bilang isang doktor, at paano mo ito nalampasan?" Napalunok si Anna Belle, ngunit hindi siya natinag. Tiningnan niya si Evie sa mata, hindi nagpapahalata ng anumang emosyon. "Ang pinaka-malaking hamon ko ay ang pagtanggap na hindi lahat ng pasyente ay kaya mong iligtas, gaano ka man kagaling," diretsong sagot niya. "Ngunit natutunan kong gamitin ang bawat pagkatalo bilang aral upang maging mas mahusay pa sa susunod."
Natapos ang interview na maayos at propesyonal. Nang lumabas si Anna Belle ng silid, saka lang siya nakahinga nang maluwag.
Habang si Evie naman, nanatili sa kanyang upuan, at nag text na nangamusta Kay Lexi.
Matapos ang matagumpay na panayam ng mga aplikante, nagsimula nang magligpit sina Evie Smith, Stella Smith, at Lara Thompson sa conference room. Napagod man sa mahabang araw, pakiramdam nila’y naging produktibo ang proseso ng pagpili ng mga bagong doktor para sa SHT Hospital.
Habang abala sila sa pag-aayos ng mga dokumento, biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang pamilyar na pigura ni Lexi Thompson. Natigilan si Evie ng Makita si Lexi at napa smirk ito. Napatingin si Lara sa kapatid at ngumiti. "Oh, sakto ang dating mo, Lexi. May gusto akong ipakilala sa'yo."
Lumapit si Lexi, may maamong ngiti sa labi, ngunit sa loob-loob niya, hindi niya inaasahang magkikita sila ni Evie dito. "Lexi, this is Doctor Smith ay isa sa may-ari ng ospital at bahagi ng board. Isa siya sa nag-interview ng mga doktor kanina at ito namn ay Kapatid ko na si Lexi," ipinakilala siya ni Lara kay Evie. Hindi alam ni Lara at magkakilala na Sina Evie at Lexi, at higit pa roon may damdamin sila para sa isa’t isa. Ngunit pinili nilang hindi ipahalata.
"Nice to meet you, Dr. Smith," ani Lexi, pormal ang tono, ngunit daming Tanong na gustong sabihin Kay Evie. Bahagyang napangiti si Evie. "Nice to meet you too, Ms Lexi" sabay kindat ni Evie. Samantala, tila walang napapansin si Lara. "Lexi, gusto kong i-tour mo sa ospital pagkatapos nito. Maganda kung makilala niya rin ang ilan sa mga doktor."
Tumango si Lexi, ngunit ang atensyon niya ay hindi na kay Lara kundi nakatutok ito kay Evie.
Si Evie naman, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. Ngunit sa loob-loob niya, ay mukhang lagot ito Kay Lexi.
Abala si Lexi Thompson sa pagtutour kay Evie Smith sa buong ospital, ipinapakilala siya sa mga doktor, nars, at iba pang staff. Bagama’t sanay si Evie sa atensyon, hindi niya maitanggi na iba ang pakiramdam pag kasama si Lexi.
Habang naglalakad sila sa isa sa mga pasilyo, biglang lumapit ang isang doktorsi Dr. Cruz. Agad nitong inangkin ang atensyon ni Evie, may kaswal ngunit matamis na ngiti sa labi. "Evie? Ikaw nga ba 'to?" masayang bati ni Dr. Cruz. Nagulat si Evie sa biglang paglapit nito. "Dr. Cruz? Hindi ko inaasahan na nandito ka pala."
Agad na napansin ni Lexi ang kakaibang aura ng doktor ito'y confident, charming, at tila may mas malalim na koneksyon kay Evie. Hindi siya umimik, ngunit ramdam niyang may kung anong bumibigat sa dibdib niya. "Kilala mo si Dr. Cruz?" tanong ni Lexi, pilit pinapanatili ang kanyang malamig na tono. "Oo, nagkakilala kami noong nasa Japan ako," sagot ni Evie. "Nagkakilala lang?" bulong ni Lexi sa sarili, ngunit hindi ito pinaalam sa dalawa.
Samantala, walang pag-aalinlangan si Dr. Cruz sa pagpapakita ng interes kay Evie. Tumayo ito malapit sa kanya at may bahagyang pilyong ngiti. "Hindi ko inaasahan na magkikita tayo ulit. Na-miss kita, alam mo ba 'yon?"
Naramdaman ni Evie ang pagkabalisa ni Lexi, na tahimik ngunit halatang hindi natuwa. Nakita niya kung paano lumamig ang tingin nito, at paano ito pilit pinipigilan ang selos. Ayaw niyang gawing awkward ang sitwasyon, kaya sa isang mahinahon ngunit matatag na paraan, humarap siya kay Dr. Cruz. "I'm happy to see you again, Dr. Cruz, pero sana tandaan mo na wala kang dapat asahan."
Tumawa lang si Dr. Cruz sa sagot ni Evie, at ngumiti . "Ah, ganun ba? Sayang naman. Pero if kailangan mo Ako, Call me. Well, good luck sa’yo dito." Nang lumayo na si Dr. Cruz, hindi pa rin nagsasalita si Lexi. Tahimik itong naglakad, bahagyang nauuna kay Evie, ngunit ramdam ng huli ang bigat ng emosyon nito.
Pagdating nila sa isang tahimik na hallway, biglang hinila ni Lexi si Evie sa isang sulok. Napaatras si Evie sa gulat, ngunit bago pa siya makapagtanong, tinitigan siya ni Lexi ng seryoso, ang mga mata nito puno ng selos at determinasyon. "You are mine," madiin ngunit puno ng emosyon na sabi ni Lexi. Napangiti si Evie, na tila ba nagustuhan ang reaksyon ni Lexi. "Oh? Sinasabi mo ba na nagseselos ka?"
Hindi ito itinanggi ni Lexi. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak kay Evie. "I like you, Evie. At hindi ko hahayaang may ibang umangkin sa’yo." Sa halip na sumagot, bahagyang lumapit si Evie, nakangiti, at marahang hinaplos ang pisngi ni Lexi. "Kung ganun, ipakita mo sa akin, Babe. Dahila sinabi ko na sayo na I really really like you a lot." Hindi na maitago ni Lexi ang saya sa sinabi ni Evie. Hindi man nila tahasang inaamin sa lahat, pero kahit na hndi pa opesyal na Sila na ay may espesyal silang nararamdaman para sa isa’t isa. At sa sandaling iyon, alam nilang walang kahit sino ang makakapigil sa kanila.
Nang matapos ang tensyonadong usapan nila sa hallway, hindi pa rin humuhupa ang init na nararamdaman nina Evie at Lexi. Ang selos at pag-angkin ni Lexi kanina ay nag-iwan ng kakaibang epekto kay Evie at hindi lang siya nagulat, kundi natuwa at na-excite sa bagong bahagi ng personalidad ng dalaga. Habang naglalakad sila patungo sa opisina ng chairman, napadaan sila sa isang bakanteng silid na kasalukuyang hindi pa nagagamit. Doon, walang pasabi hinila ni Lexi si Evie sa loob at sinara ang pinto. "Lexiiii" Hindi na natapos ni Evie ang sasabihin dahil agad siyang hinalikan ng mariin ni Lexi, puno ng pagnanasa at pag-angkin.
Nabigla si Evie, ngunit hindi siya tumanggi. Sa halip, bumigay siya sa halik, marahang gumanti, hanggang sa naging mas mapusok ito. Naramdaman niya ang mainit na palad ni Lexi na dumapo sa kanyang baywang, hinahatak siya palapit. Ang kanilang mga katawan ay halos magdikit, at ang init ng kanilang hininga ay naghalo sa pagitan ng kanilang labi.
"Damn, Evie... Alam mo bang kanina pa ako naiinis kay Dr. Cruz?" bulong ni Lexi habang hinahaplos ang mukha niya, ang mga mata nito ay puno ng desire at possessiveness. "Talaga? Pero mukhang hindi lang inis ang nararamdaman mo," tugon ni Evie, nakangiti bago muling kinuha ang labi ni Lexi sa isang mas malalim na halik.
Nararamdaman nilang pareho ang pagtaas ng tensyon sa pagitan nila. Ang mga halik ay nagiging mas matindi, mas mapusok, at tila wala nang ibang bagay sa paligid nila kundi ang isa't isa. Habang nagpapalitan sila ng halik, narinig nila ang mga yabag ng mga taong papalapit sa pintuan. Agad silang kumalas sa isa’t isa, kapwa habol ang hininga, at mabilis na inayos ang kanilang mga sarili.
Nagtinginan sila habang pinakikiramdaman ang mga boses sa labas. Ilang segundo lang, at dumaan lang pala ang mga staff at hindi pumasok sa silid. "Damn it," bulong ni Lexi, halatang bitin. Napangiti si Evie. "Mmmmm don't stop." Tiningnan siya ni Lexi at napa smirk at hinalik halikan Ang leeg ni Evie at tumigil ng may mapang-akit na ngiti. "We will continue mamaya..." sabay kindat nito.
Napalunok si Evie at nararamdaman niyang uminit ang kanyang pisngi. Wala siyang masabi kay Lexi was so damn hot when she was jealous and bossy. At alam niyang ang susunod nilang pagkikita ay magiging mas mapusok, mas delikado, at mas hindi nila makokontrol ang kanilang nararamdaman.