Evie POVE
Habang nagkukwentuhan sa opisina ni Lara, hindi maiwasan nina Evie at Lexi ang patuloy na paglalaro ng kanilang mga titig at kilos. Sa ilalim ng mesa, marahang gumalaw ang paa ni Evie, hinahaplos ang paa ni Lexi na nagdulot ng hindi maipaliwanag na kiliti sa katawan ng huli. Napahinga nang malalim si Lexi, pilit na pinapanatili ang composure niya upang hindi mahalata nina Stella at Lara ang nangyayari. Ngunit hindi niya mapigilang mag-smirk habang nakatingin kay Lexi.
Patuloy ang kwentuhan, at si Lara naman ay walang kamalay-malay na may nangyayaring lihim sa pagitan ng dalawa. "So, Evie, saan ka unang nagtrabaho?" tanong ni Lara, sabay inom ng kape. "Sa Japan," sagot ni Evie. Nagtaas ng kilay si Lara, tila nag-aabang ng mas malinaw na sagot. "I see. What about love life? May boyfriend or girlfriend ka na?" Napangiti si Evie at bahagyang sumandal sa upuan, saka sinabing, "I like someone. And I will make sure she will say yes if I ask her to be my girlfriend. So yeah, I'm working on it."
Pagkasabi noon, diretsong tumingin si Evie kay Lexi, hindi iniwasan ang pagkakataong bigyan ito ng isang mabilis ngunit mapanuksong kindat. Para bang sinasabi niyang, Alam mong ikaw ‘yon. Ramdam ni Lexi ang kilig na gumapang sa kanyang katawan, lalo na’t patuloy pa rin ang paglalaro ni Evie sa kanyang paa sa ilalim ng mesa. Napatikom siya ng bahagya sa labi, pilit na hindi ipinapahalata ang nadarama. Samantala, si Stella naman ay pansamantalang napatingin kay Lexi, tila napansin ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon nito. Ngunit bago pa niya mas lalo pang mapagtuunan ng pansin, muling nagpatuloy si Lara sa kanilang usapan, hindi namamalayan ang matamis ngunit mapangahas na larong nagaganap sa pagitan nina Evie at Lexi.
Lexi POV
Habang palabas sina Lexi at Evie ng SHT Hospital, hindi maiwasang mapansin ng mga tao ang presensya ni Evie. Ang bawat hakbang niya ay puno ng kumpiyansa at karisma, kaya naman agad siyang naging sentro ng usapan. Naririnig ni Lexi ang bulungan ng mga nurse sa paligid. "Ang ganda niya… ang sexy… pero may pagka-manly rin." Sabi Ng Isang nurse. "Grabe, siguro ang sarap niya sa kama…" Sabi naman Ng isa. Napatingin si Lexi sa kanila, at sa isang saglit, naglaho ang mga ngiti sa labi ng mga nurse. Napalunok sila, biglang natakot sa posibleng kahihinatnan ng kanilang ginawa at lalo na’t alam nilang kapatid ni Lexi ang isa sa mga may-ari ng ospital.
Ngunit bago pa tuluyang magsalita si Lexi, marahang hinawakan ni Evie ang kamay niya. Napatingin siya kay Evie, na kalmado lang na nakangiti sa kanya. Pinisil nito ang kanyang kamay, para bang sinasabing, ‘Wag mo na silang pansinin.’ Nagpatuloy sila sa paglalakad palabas ng ospital, magkahawak-kamay. Ang bulungan sa paligid ay lalong lumakas. "Bagay sila." Saad Ng nadaanang nurse "Pero mas bagay si Evie, siguro kmi..." Sabi naman nang isa. Muling lalaban sana si Lexi, ngunit muling pinisil ni Evie ang kamay niya at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti at isang ngiti na nagsasabing, ‘Relax. I don’t care what they think.’ Napabuntong-hininga si Lexi at piniling huwag nang patulan ang mga sinasabi ng iba. Pagdating nila sa parking lot, dumiretso sila sa sasakyan ni Evie. "Sa’kin na tayo sasakay," ani Evie habang binubuksan ang pinto ng kotse. Wala namang reklamo si Lexi. Tahimik siyang sumakay, at nang makapasok na si Evie sa driver's seat, saglit siyang tumingin kay Lexi bago ito nginitian.
"Ready?" tanong ni Evie, bahagyang nakangiti. Hindi alam ni Lexi kung dahil ba sa bulungan kanina o sa titig ni Evie, pero parang may kung anong init ang dumaloy sa kanyang katawan. "Yeah," sagot niya, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. At sa isang iglap, pinaandar na ni Evie ang sasakyan, patungo sa apartment ni Lexi at habang sa loob ng kotse, tahimik ngunit puno ng tensyon ang hangin sa pagitan nilang dalawa.
Pagkarating nila sa apartment ni Lexi, ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Ilang beses nang nagtagpo ang kanilang mga mata, punong-puno ng hindi maipaliwanag na pagnanasa. Pagkabukas pa lang ng pinto, hindi na nakapaghintay si Lexi. Agad niyang isinara ito at walang pag-aalinlangang hinila si Evie sa isang marahas, nag-aapoy na halik.
Napakapit si Evie sa bewang ni Lexi habang sinusunggaban ng huli ang kanyang labi at gigil, mapang-angkin, puno ng gutom na tila matagal nang pinipigil. Bumangga sila sa dingding, at nang maramdaman ni Evie ang init ng katawan ni Lexi na dumidikit sa kanya, isang mababang ungol ang kumawala sa kanyang lalamunan.
Sinapo ni Evie ang mukha ni Lexi, hinila palapit at sinabayan ang halik na mas malalim, mas maalab. Ang kanilang mga labi ay nagtagpo sa isang sayaw ng dila at kagat, puno ng pananabik at paghahangad. Naramdaman niya ang kamay ni Lexi na gumagapang pababa sa kanyang likod, dumadaan sa kanyang balakang, at mahigpit siyang hinila palapit, hindi na mag-iwan ng kahit anong espasyo sa pagitan nilang dalawa. “Damn, Lexi,” bulong ni Evie sa pagitan ng kanilang halikan, habol ang hininga. “You’ve been waiting for this, huh?” Napangisi si Lexi, kasabay ng paghaplos niya sa ilalim ng shirt ni Evie, ang kanyang mga daliri ay dumaan sa mainit na balat nito. “Shut up,” sagot niya bago muling sakupin ang labi ni Evie.
Hindi nagtagal, pareho na silang nawalan ng saplot. Isang marahas na pagbagsak sa kama, katawan sa katawan, balat sa balat. Ang init ay bumalot sa kanilang dalawa, bawat halik at haplos ay nagpapadala ng kuryente sa kanilang mga ugat.
Pumikit si Lexi nang maramdaman ang labi ni Evie na bumaba sa kanyang leeg, nag-iiwan ng maiinit at mababagal na halik at sinisipsip ang kanyang balat, dinadama ang bawat bahagi niya na tila ba nais ipaalala na siya lamang ang may karapatang gawin ito. Napaliyad si Lexi nang bumaba ang labi ni Evie sa kanyang dibdib, ang dila nito ay dumaan sa kanyang sensitibong balat, nagpapasabik at nagpapaungol sa kanya nang hindi inaasahan.
“Evieeeee” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang maramdaman niyang bumaba pa ang mga labi nito, nag-iiwan ng maiinit na bakas sa kanyang katawan, nagpapainit sa kanyang dugo.
Sa bawat galaw, bawat pagdampi ng kanilang mga katawan, alam nilang wala nang makakapigil sa kanila ngayong gabi. Ito na ang gabi kung saan ilalabas nila ang lahat ng pinipigilang damdamin at hinding-hindi nila ito pagsisisihan. Habang pareho silang nakahiga, hinihingal at may mga ngiting hindi matanggal sa kanilang labi, mahigpit na magkayakap sina Evie at Lexi. Ang init ng kanilang katawan ay unti-unting humuhupa, ngunit ang t***k ng kanilang mga puso ay nanatiling mabilis at hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa damdaming ngayon lang nila hayagang inamin sa isa’t isa.
Si Lexi, nakasandal ang ulo sa dibdib ni Evie, ay bahagyang pumikit, ninanamnam ang init ng katawan ng babae sa tabi niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Evie bago siya nagsalita, ang boses niya ay mababa at puno ng tapat na damdamin. "I like you, Lexi… More than I thought I would." Napamulat si Lexi, bahagyang itinaas ang ulo upang tingnan si Evie. Ang seryoso ngunit malambing na ekspresyon ng babae ang unang bumungad sa kanya. "Evie…" Mahinang sambit niya, tila nag-aalangan ngunit ramdam sa tono niya ang pagkalunod sa damdamin. Ilang segundo siyang tumitig kay Evie, bago niya marahang hinaplos ang pisngi nito at marahang ngumiti. "I like you too." Napangiti si Evie, ngunit sa likod ng ngiting iyon ay ang determinasyon. Hindi siya ang tipo ng tao na basta nalang nagpapadala sa emosyon, ngunit iba si Lexi. Iba ang hatak nito sa kanya. Kaya naman, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Hinawakan niya ang kamay ni Lexi at mahigpit itong pinisil.
"Be my girlfriend."
Napakislot si Lexi sa biglaan ngunit seryosong pahayag ni Evie. Nakita niya ang matinding pagnanais sa mata nito ni hindi lang basta pagnanasa, kundi isang bagay na mas malalim. "Gusto kong ikaw ang nagpapasaya sa akin, at gusto kong ako ang nagpapasaya sa'yo." Sandali siyang natigilan. Sa dami ng taong sumubok sa kanya noon, wala pang nagpakita ng ganitong kaseryosong intensyon. Ngunit si Evie ay hindi lang niya ito gusto. Ramdam niyang sa piling nito, hindi lang siya malaya. Masaya siya. Dahan-dahang sumilay ang isang tunay at malambing na ngiti sa labi ni Lexi bago siya muling nagsalita.
"Then make me yours."
At sa sandaling iyon, walang iba pang kailangang sabihin. Sa pagitan ng kanilang mga titig, sa higpit ng kanilang yakap, at sa init ng kanilang mga puso.
Nagising si Evie sa tunog ng kanyang tiyan, isang malinaw na paalala na hindi pa siya nakakakain. Napangiti siya nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari kagabi. Ang paraan ng bawat haplos, bawat halik, at ang init ng kanilang katawan na nagtagpo at lahat ng iyon ay parang isang matamis na panaginip na ayaw na niyang magising mula rito.Habang iniisip iyon, may naramdaman siyang malambot at mainit na bagay na nakapulupot sa kanya. Nang tumingin siya sa gilid, nakita niya si Lexi, mahimbing na natutulog at nakayakap sa kanya. Hindi niya mapigilang ngumiti habang hinaplos ang pisngi ng dalaga, saka marahang hinalikan sa noo.
Dahan-dahang dumilat si Lexi, tila naguguluhan pa, ngunit nang makita si Evie na nakatitig sa kanya, isang matamis na ngiti ang bumungad sa mukha nito. "Good morning, Babe," malambing na bati ni Lexi. Napakislot si Evie. Siya lagi ang tumatawag kay Lexi ng "Babe," pero ngayon, ito ang unang beses na narinig niya itong tinawag siyang ganoon. Hindi niya mapigilang mapangiti, ramdam ang kilig sa simpleng salita. Hindi na siya nagdalawang-isip pa at hinaplos niya ang mukha ni Lexi, saka marahang hinalikan ito sa labi bago bumulong, "Good morning to you too, Babe." Ngunit bago pa sila muling mahulog sa isa’t isa, sabay na tumunog ang kanilang mga tiyan. Napatingin sila sa isa't isa bago tuluyang nagtawanan. "Mukhang may dapat tayong gawin bago ang kahit ano pa, Babe," natatawang sabi ni Evie.
"Oo nga! Hindi tayo nakakain kagabi… dahil sa ‘iba’ nating ginawa," pabirong sagot ni Lexi habang bahagyang tumingin sa kanya nang may kahulugan. Sabay silang bumangon at nagtungo sa kusina. Si Lexi ang nagluto habang si Evie naman ay nakaupo sa counter, nakatitig at nag-aalaskang nagpapacute lang kay Lexi. "Ang galing mo sa lahat, pero sa pagluluto… hindi ka marunong," pang-aasar ni Lexi habang abala sa paghahanda ng pagkain. Tumawa si Evie bago sumagot, "Well, hindi ko kailangang matutong magluto... kung may girlfriend akong kasing-galing mo sa kusina."
Napailing si Lexi, pero sa kabila ng pang-aasar ni Evie, hindi niya maitago ang saya at kilig sa puso niya. Sa simpleng umagang ito, ramdam nilang nagsisimula na ang isang bagong kabanata sa kanilang buhay at mas masaya, mas matamis, at puno ng pagmamahal.