Evie POV
Maagang nagising si Evie, pilit na nilalabanan ang antok habang tumatama ang sikat ng araw sa kanyang kwarto. Linggo ngayon at isang bihirang araw na wala siyang trabaho. Pagkatapos ng kanyang morning routine ay malamig na shower, pagsuot ng fitted black shirt at joggers at tumuloy siya sa gym para sa isang mabilis na workout.
Habang nagpapahinga, kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-type ng mensahe kay Lexi. "Sundate! Susunduin kita bandang 11 AM. See you later, Babe. Muah!" Ngumiti siya habang pinindot ang send. Hindi niya madalas tawaging Babe si Lexi, pero gusto niya ang pakiramdam nito.
Lexi POV
Nagising si Lexi dahil sa tunog ng cellphone niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mata at kinuha ang phone sa tabi ng unan. Nang makita ang mensahe ni Evie, bigla siyang napabangon. "Sundate?" bulong niya, medyo gulat pero nakangiti. Dali-dali siyang bumangon at sinimulan ang kanyang morning routine at isang mabilis na paliligo, pagpili ng damit (isang cream-colored na dress at light blazer), at pag-aayos ng buhok sa malalambot na alon. Eksaktong 11 AM nang marinig niya ang cellphone ni Lexi na nasa parking lot na ito ng apartment. Bumaba siya at nakita itong nakasandal sa pintuan ng sasakyan nito, nakasuot ng sunglasses at may pilyang ngiti. Tamang-tama sa oras. "Good morning, Babe." ani Evie Sabay halik sa noo. Inakap naman nito si Evie. "Good morning too, Babe" sabay lalik sa labi "Handa kana ba?," Saad ni Evie "Oo naman at pero naguguton na Ako hndi pa naka pag breakfast." Sagot ni Lexi.
Dumiretso sila sa isang eleganteng French restaurant sa lungsod. Tahimik at marangal ang ambiance, may marahang tugtog ng classical music and background. Pagkaupo nila, agad na binuksan ni Lexi ang menu at napakunot ang noo niya. "Hindi ko... mabasa," amin niya, nahihiyang ngumiti. Napatawa si Evie, kinuha ang menu at walang kahirap-hirap na umorder sa fluent na French. Malamig ngunit elegante ang kanyang tono, parang natural lang ito sa kanya.
Napanganga si Lexi habang pinapanood siya. "Ano?" tanong ni Evie nang mapansin ang titig nito. Umiling si Lexi, namamangha. "Ang galing mo. Marunong ka palang mag-French?" Ngumiti si Evie, may bahagyang kapilyahan sa mata. "Marami ka pang hindi alam tungkol sa akin, Babe." Hindi mapigilan ni Lexi ang kilig na naramdaman. "Gusto kong malaman lahat."
Dumating ang pagkain at unti-unting gumaan ulit ang usapan nila. Habang umiinom ng wine si Lexi, biglang lumapit ang isang lalaki sa kanilang mesa. Halata ang kaba nito pero puno ng determinasyon. "Excuse me, Miss Thompson?" Nagtaas ng kilay si Lexi at nilapag ang baso. "Yes?" sagot ni Lexi sa lalaki "Narinig ko kasi na wala ka nang boyfriend... so naisip kong baka pwede kong kunin ang number mo?" Napasinghap si Lexi, hindi inaasahan ang tanong. Pero mas nagulat siya sa reaksyon ni Evie.
Biglang tumigas ang postura nito, ang dating kalmadong ekspresyon ay naging malamig at matalim. Bago pa makasagot si Lexi, sumandal si Evie sa upuan at nag-krus ng braso. "Nakakatawa. Wala ba siyang sinabi na available siya?" Napakamot ng batok ang lalaki. "iiiii akala ko lang kasi..." At natakot Ang lalaki Kay Evie. "Nagkamali ka ng akala," putol ni Evie, malamig ang tinig. Napatawa si Lexi sa loob-loob niya. Nag-eenjoy siyang makita ng ganitong selosang Evie, at nakakatuwang panoorin. Binalingan niya ang lalaki at ngumiti nang magalang. "Pasensya na, pero hindi ako interesado." Agad namang tumango ang lalaki at umalis. Pagkatalikod nito, agad na tinapunan ni Lexi ng tingin si Evie. "You so jelly, Babe." Panonokso nito sa kasintahan Niya. Hindi itinanggi ni Evie, pero may konting tampo sa mukha. "Ayoko lang ng mga lalaking nag-iisip na pwede nilang sulutin ka kung kailan nila gusto." Lumapit si Lexi, may pilyang kislap sa mata. "At taken ba ako?" Napangisi si Evie, pinagmasdan siya saglit bago sumagot. "Ikaw ang makakasagot niyan, Babe." Napatawa si Lexi, pero hindi na itinangging natutuwa siya sa pagiging possessive ng kasintahan. Ang dapat ay simpleng Sundate lang, pero habang lumilipas ang araw, isa lang ang sigurado ni Lexi ay kapag kasama niya si Evie, palaging may bagong dahilan para kiligin at mainlove Dito.
Matapos nilang kumain, hindi agad dinala ni Evie si Lexi sa apartment nito. Sa halip, dumaan sila sa isang tahimik at pribadong beach na pagmamay-ari ni Evie. "Saan mo ako dadalhin, Babe?" tanong ni Lexi habang nakatingin sa malawak na daan sa harapan nila. Ngumiti si Evie at hinawakan ang kamay nito. "Surprise. Basta sumama ka lang sa akin, Babe." Pagdating nila sa destinasyon, namangha si Lexi nang bumungad sa kanya ang napakagandang tanawin at malinis, maputing buhangin, malinaw na asul na dagat, at isang eleganteng beach house na nakatayo sa gilid. "Wow... Ang ganda naman dito!" bulalas ni Lexi habang hindi mapigilan ang paghanga sa paligid. "Nagustuhan mo?" tanong ni Evie, nakangiti. "Oo naman! Hindi ko alam na may ganito kang lugar." at ngumiti lng si Evie "Dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa at mag-relax. Pero mas gusto kong nandito ka kasama ko ngayon." Napangiti si Lexi at hinila si Evie palapit. "Aaaawe, thank you." Sabay halik nito sa pisnge "Para lang sa'yo." Saad naman ni Evie at sabay halik sa noo.
Magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa tubig. Tinanggal nila ang kanilang sapatos at dahan-dahang lumusong sa dagat, hinahayaan ang alon na sumayaw sa kanilang mga paa. Hindi nagtagal, nagharutan sila sa tubig at nagsasabuyan, naghahabulan, at walang tigil sa pagtawa. Maya-maya, biglang sinapo ni Evie ang bewang ni Lexi at buhat-buhat itong iniikot sa tubig.
"Babe!" sigaw ni Lexi habang natatawa. "Ibaba mo ako!" Pakiusap ni Lexi. "Kapag hinalikan mo ako." Namula si Lexi ngunit hindi na nagdalawang-isip. Yumuko ito at marahang hinalikan ang labi ni Evie. Ngumiti si Evie nang maramdaman ang malambot na labi ng kasintahan. "Hmm, hindi sapat." paglalambing na inis "Gusto mo pa?" tukso ni Lexi. "Mmmm yes please" with puppy eyes. Ngumiti si Lexi bago muling lumapit at mas matagal na hinalikan si Evie, mas malalim, mas may damdamin. Nang matapos silang maligo sa dagat, magkahawak-kamay silang naglakad papunta sa beach house ni Evie. Basa pa ang kanilang mga katawan, at malamig ang simoy ng hangin, pero mas mainit ang pakiramdam ni Lexi dahil sa presensya ni Evie.
Pagkapasok nila sa loob, bago pa makalakad si Evie papunta sa banyo para kumuha ng tuwalya, bigla siyang hinila ni Lexi palapit.
"Lex" hindi na natapos ni Evie ang sasabihin nang maglapat ang kanilang mga labi. Mas mainit, mas maalab, at mas puno ng pananabik. Napapikit si Evie at mahigpit na niyakap si Lexi, hinayaan ang sarili na madala sa init ng halik ng kasintahan. "Babe..." bulong ni Evie nang maghiwalay sandali ang kanilang labi. Nagkatitigan Ng may pagmamahal at lumapat ulit Ang mga labi nila. Habang naglalapat ang kanilang mga labi, unti-unting lumalim ang kanilang halikan. Ang bawat galaw ni Evie ay puno ng pagnanasa ngunit may halong pag-iingat, habang si Lexi naman ay buong pusong tumutugon, sinasabayan ang bawat dampi ng labi ng kasintahan. Nang bumaba ang mga labi ni Evie sa leeg ni Lexi, isang mahina ngunit mapupusok na ungol ang lumabas sa labi nito. "Evie..." Napangiti si Evie sa narinig ang tunog na iyon ay parang musika sa kanyang pandinig, isang patunay na siya lang ang makakapagbigay ng ganitong sensasyon kay Lexi. "Ang sarap pakinggan..." bulong ni Evie habang hinahaplos ang pisngi ng kasintahan. Hindi mapakali si Lexi sa ilalim ng haplos ni Evie. Bawat halik, bawat dampi ng labi nito sa kanyang balat ay nag-iiwan ng nakakakilabot na init.
"Evie, please..." Hindi na niya alam kung ano ang hinihingi niya, basta't nais niyang huwag matapos ang sandaling ito. Higit pang pinag-igihan ni Evie ang ginagawa, dinadama ang bawat reaksyon ni Lexi ang pag-arko ng katawan nito sa bawat haplos, ang pagbilis ng kanyang paghinga, at ang mga ungol na lalong nagpatindi sa sariling pagnanasa ni Evie. Sa gabing iyon, hindi lamang katawan kundi pati puso at kaluluwa nila ang naging isa, habang pinaparamdam nila sa isa't isa kung gaano sila kahalaga at kamahal ng kanilang kapareha.
Sa sobrang pagod, mahigpit na magkayakap na nakatulog sina Evie at Lexi na kapwa ramdam ang init ng isa’t isa, habang ang malumanay na tunog ng alon sa labas ay tila duyan na nagpapatulog sa kanila. Ngunit sa hindi nila nalalaman, isang litrato ang kumakalat na sa social media ang larawan nilang dalawa sa restaurant, kung saan nakuhanan sila sa isang malapit at tila romantikong pag-uusap.
"Sino ang babaeng kasama ni Lexi Thompson?"
"Ang anak ng isa sa pinakamayamang pamilya, may dini-date na babae?" Mabilis na naging usap-usapan ito online, lalo na’t si Lexi ay bihirang makita sa publiko na may kasamang espesyal na tao. Habang tahimik silang nagpapahinga, hindi nila alam na pagsapit ng umaga, isang bagong hamon ang kanilang kakaharapin, ang mundo na unti-unting nalalaman ang tungkol sa kanila.
Kinabukasan, pagmulat ni Lexi, agad niyang napansin ang sunod-sunod na messages at missed calls sa kanyang cellphone. Nanginginig ang kamay niya habang binubuksan ang pinakahuling mensahe mula sa kanyang ama. "Where are you? Are you in a relationship with a girl? Umuwi ka ng bahay ngayon din."
Napalunok si Lexi. Alam niyang hindi ito magiging madali.