Chapter #15. I Love Her

1871 Words
Lexi POV Pagkarating nila sa harap ng bahay ni Lexi, pinatay ni Evie ang makina ng sasakyan ngunit hindi agad nagsalita. Alam niyang mabigat ang sitwasyon, at ramdam niyang kinakabahan si Lexi. Bago bumaba, hinawakan ni Evie ang kamay ni Lexi at maingat na nagtanong, "Gusto mo bang samahan kita?" Saglit na natahimik si Lexi, hinigpitan ang hawak sa kamay ni Evie bago umiling. "Hindi, Evie. Ako na muna ang kakausap kay Daddy." Alam ni Evie na hindi ito magiging madali para kay Lexi, ngunit iginalang niya ang desisyon nito. Marahan niyang pinisil ang kamay ng babae at tinitigan ito ng may pagmamahal at pag-aalala. "No matter what happens, Lex… andito lang ako," buong sinseridad niyang sabi at hinalikan nito sa noo. Napangiti si Lexi kahit bahagya, pinipilit maging matatag. Tumango siya bago tuluyang bumaba ng sasakyan, humugot ng malalim na hininga, at dahan-dahang lumakad papunta sa pintuan ng kanilang bahay. Naiwan si Evie sa loob ng sasakyan, nakamasid, umaasang magiging maayos ang lahat pero alam niyang hindi ito magiging madali. Pagpasok pa lang ni Lexi sa bahay, ramdam na niya ang tensyon sa paligid. Doon, naghihintay ang kanyang ama, nakaupo sa sofa na tila kanina pa siya hinihintay. Sa isang iglap, nagtagpo ang kanilang mga mata at alam na niyang hindi magiging madali ang pag-uusap na ito. "Lexi," malamig na bati ng kanyang ama. "Nakita mo na ba ang balita?" Napakurap si Lexi, hindi agad nakasagot. Kinakabahan siyang binuksan ang kanyang cellphone, at doon niya nakita ang isang viral post na isang litrato nilang dalawa ni Evie sa isang restaurant, nakangiti sa isa’t isa, tila walang pakialam sa mundo. Napakagat-labi siya. Wala siyang ideya kung sino ang kumuha ng litrato o paano ito kumalat, pero alam niyang ito ang dahilan kung bakit galit ang ama niya ngayon. "Anong relasyon mo sa babaeng 'yan?" diretsong tanong ng kanyang ama. Alam niyang wala nang dahilan para magsinungaling. Huminga siya nang malalim, tinapangan ang sarili, at matapang na sumagot. "Mahal ko siya, Daddy," diretsong sagot niya pero andon parin ang mahinahong Boses "I love her" Mabilis na bumagsak ang kamay ng kanyang ama sa mesa, dahilan para mapapitlag si Lexi. "Lexi! Alam mo bang anong sinasabi mo? Hindi ko kailanman inisip na magiging ganito ka!" Napakuyom ang kamao ni Lexi. "At ano'ng mali roon? Dahil babae siya? Daddy, hindi ko pinili kung sino ang mamahalin ko!" "Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa'yo!" sigaw ng kanyang ama. "Ayokong sirain mo ang pangalan ng pamilya natin dahil lang sa isang relasyong hindi dapat!" Hindi makapaniwala si Lexi sa narinig. "So mas mahalaga pa pala sa’yo ang pangalan natin kaysa sa akin? Sa kaligayahan ko?" nasasaktang Sabi Ng Lexi sa daddy Niya "Hindi mo naiintindihan, Lexi. Ginawa ko ang lahat para bigyan ka ng maayos na buhay, tapos ganito mo lang babalewalain ang lahat?" paalala Ng daddy nito "Ikaw ang hindi nakakaintindi, Daddy," mahinahon ngunit matigas na sagot ni Lexi. "Masaya ako kay Evie, at wala kang magagawa para baguhin 'yun." Huminga nang malalim ang kanyang ama, pilit pinipigilan ang galit. "Kung talagang hindi mo kayang hiwalayan ang babaeng 'yan, huwag ka nang magpakita sa akin. Simula ngayon, at wag ka nang pumasok sa companya natin" pero habang sinasabi Ng daddy nito ay ito Yung mas mabuti dahil alam niyang gagamitin Ng mga Harrington Ang anak para Gawin Ang masasamang balak para nila sa mga negosyo. Dahil gusto nila mapalawak pa Ang mga negosyo at gagamitin nila Ang Thompson sa mga illigal na gawain. Napatigil si Lexi. Nanginginig ang kanyang kamay habang iniisip ang sinabi ng ama niya. Pero sa halip na sumunod, mas lalong tumibay ang kanyang loob. Hindi niya kayang sundin ang gusto nito at hindi niya kayang talikuran ang taong mahal niya. Kaya imbes na sumagot, humakbang siya paatras, lumingon sa pintuan, at tuluyang umalis. Wala siyang ibang pinuntahan kundi ang kanyang apartment. Pagkarating niya roon, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang matalik na kaibigan. "Sofia…" humihikbing sabi niya nang sagutin nito ang tawag. "Lexi? Anong nangyari?" nag-aalalang sagot ni Sofia sa kabilang linya. "Tinatakwil na ako ni Daddy…" bulong niya, hindi na napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. "Ano?! Nasaan ka ngayon?" "Nasa apartment ko…" "Huwag kang gagalaw diyan! Pupuntahan kita!" Napangiti si Lexi sa kabila ng sakit na nararamdaman niya. Kahit papaano, may isang taong nagmamalasakit pa rin sa kanya. Hindi man siya tinanggap ng ama niya at hndi pa Niya alam ano magiging reaction Ng Kapatid na si Lara, pero alam niyang hindi siya nag-iisa. Pagdating ni Sofia sa apartment, agad niyang nakita si Lexi na nakaupo sa sofa, nakayakap sa sarili, at umiiyak nang tahimik. "Lexi..." malambing na tawag ni Sofia habang lumapit at naupo sa tabi niya. Walang pag-aalinlangan niyang niyakap ang kaibigan, hinahagod ang likod nito upang pakalmahin. "Alam kong masakit, alam kong mahirap," mahinahong sabi ni Sofia. "Pero kakayanin mo 'to, Lex. Alam kong matatag ka." Huminga nang malalim si Lexi, pilit pinapakalma ang sarili. "Sofia... hindi ko alam kung paano haharapin 'to. si daddy hndi nya tanggap na babae Ang gusto ko." At nag-ring Ang cellphone nito "Honey, where are you?" Txt Ng mommy nito "nasa apartment Po mommy" Reply naman nito "I'm sorry if Wala Ako diyan Ngayon at sinabi pero mag-usap Tayo pag dating ko ng New York, Okay. Everything is going to be alright, I'm here for you kahit sino man Ang mamahalin mo, Okay" at mangiyak ngiyak ngiyak si Lexi pero masayang malamang support Yung mommy nya sa kanya. "okay mom, at salamat. Ingat ka lagi sa byahe" at nag paalam na Sila sa isa't isa. "Hindi mo na kailangang harapin mag-isa," sagot ni Sofia. "Nandito ako, nandito si Evie at Ang mommy mo. Hindi ka nag-iisa, Lex." Dahan-dahang umangat ang tingin ni Lexi kay Sofia. "Sofia... ang totoo, naging kami na ni Evie," mahina niyang sabi. Napangiti si Sofia, halatang hindi nagulat. "Alam kung mangyayari yan!" Bahagyang natawa si Lexi sa reaksyon ng kaibigan. "Alam mo?" Tanong ni Lexi "Hindi naman ako bulag, Lexi," natatawang sagot ni Sofia. "Nakikita ko kung paano ka tumingin kay Evie. Ang mahalaga, masaya ka." Napangiti si Lexi, pakiramdam niya ay nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib. "Sofia... hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, pero iba si Evie. Hindi ko pa naramdaman ang ganitong klaseng saya dati." Tumango si Sofia, masayang hinawakan ang kamay ng kaibigan. "At kung masaya ka kay Evie, Lex, suportado kita. Hindi mo kailangang patunayan kahit kanino kung sino ang mahal mo. Ang mahalaga, pinipili mo ang kaligayahan mo." Naluha ulit si Lexi, pero sa pagkakataong ito, hindi lang lungkot ang nararamdaman niya, may halo itong pasasalamat. "Salamat, Sofia," mahina niyang sabi. Ngumiti si Sofia at yinakap siyang muli. "Ano ka ba? Kahit kailan, andito lang ako para sa'yo." Sa sandaling iyon, kahit hindi pa buo ang solusyon sa problema niya, alam ni Lexi na may mga taong handang sumuporta sa kanya. At iyon lang muna ang mahalaga. Habang nakatitig si Lexi sa cellphone niya, biglang nagtanong si Sofia, "So, ano na gagawin mo ngayon? Lahat na yata ng tao alam na may dine-date ka. Ang hindi pa lang nila alam… kayo na pala ni Evie." Napabuntong-hininga si Lexi, bumagsak ang katawan sa sofa. "Wala na akong magagawa, Sofia. Tatanggapin ko. Kakayanin ko kahit anong ibato sa akin ng mundo." Tinitigan siya ni Sofia nang may bahagyang pag-aalala pero may halong paghanga. "Sigurado ka?" Tumango si Lexi. "Oo. Dahil sigurado ako kay Evie. Hindi ako nagkamali nang sagutin siya, Sofia. Siya lang ang nagparamdam sa akin ng ganitong klase ng saya. Hindi ko ito ipagpapalit kahit kanino." Napangiti si Sofia. "Kung ganyan ka kasigurado, Lex, susuportahan kita." Habang nag-uusap sila, biglang nag-vibrate ulit ang phone ni Lexi. Isa na namang mensahe mula kay Evie. "Lex, susunduin kita bukas. Mag-usap tayo nang maayos. Pero ngayon, hindi muna ako makakapunta… pinatawag ako ng mga magulang ko." Napakunot-noo si Lexi. Kahit naiintindihan niya ang sitwasyon, hindi niya maiwasang mag-alala. "Okay, naiintindihan ko. Pero… okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Lexi. "Huwag kang mag-alala sa akin. Ikaw dapat ang iniintindi ko ngayon." Sagot ni Evie Napangiti si Lexi, pero hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Simula bukas, magbabago na ang buhay nila. Hindi na magiging madali ang bawat galaw nila dahil susundan na sila ng media. Iyon ang kinakatakot niya at hindi para sa sarili niya, kundi para kay Evie. "Evie… simula ngayon, may mga paparazzi na nakabatay sayo. Susundan ka na nila. Sigurado ka bang handa ka sa gulo na ‘to?" Tanong ni Lexi Mabilis ang naging sagot ni Evie. "Lex, sinabi ko na sa’yo. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin." Walang halong kaba na sinabi ni Evie Kay Lexi. Napakagat-labi si Lexi. Hindi niya alam kung paano, pero alam niyang may dahilan kung bakit. Napansin ni Sofia ang seryosong ekspresyon ni Lexi at muling nagtanong, "Lex, okay ka lang ba?" Bumuntong-hininga si Lexi bago tumango. "Nag-aalala lang ako para kay Evie." Ngumiti si Sofia at tinapik ang balikat niya. "Magtiwala ka sa kanya." Sa puntong iyon, kahit may kaba, may excitement din sa puso ni Lexi. Bukas, malalaman niya. Habang patuloy na nag-uusap sina Lexi at Sofia tungkol sa susunod na gagawin, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Lexi. Napakunot-noo siya nang makita kung sino ang nag-message. " Lexi, kahit anong mangyari, akin ka lang. Hindi ko matatanggap na may iba ka." -Michael Napangiwi si Lexi. Pakiramdam niya ay bumigat ang dibdib niya. Hindi pa rin pala sumusuko si Michael. Napansin ni Sofia ang pagbabago ng ekspresyon ni Lexi. "Sino 'yan?" tanong nito. Huminga nang malalim si Lexi bago sinagot, "Si Michael… at parang hindi pa rin niya matanggap na tapos na kami." Napailing si Sofia. "Hindi pa ba siya sumusuko? Akala ko ba matagal mo nang nilinaw sa kanya?" Tumango si Lexi at agad nag-reply. "Michael, ilang beses ko nang sinabi sa'yo. Wala na tayo. Hindi na kita mahal." - Lexi Halos ilang segundo lang ang lumipas bago muling nag-reply si Michael. "Hindi mo pwedeng sabihin 'yan, Lexi. Hindi mo ako pwedeng iwan. Hindi ko matatanggap na may iba ka, lalo na isang babae lang ang ipapalit mo sa akin!" - Michael Napalakas ang buntong-hininga ni Lexi. Hindi niya alam kung maiinis o maaawa kay Michael. Hindi niya ginusto ang ganito, pero hindi niya rin kontrolado ang nararamdaman niya. "Sofia, hindi siya titigil," sabi niya habang ipinapakita ang mensahe kay Sofia. Napataas ng kilay si Sofia matapos basahin. "Ang kapal ng mukha! Lexi, baka kailangan mo na siyang i-block." Napatingin si Lexi sa cellphone niya. Alam niyang maaaring mas lumala ang sitwasyon kapag ginawa niya iyon. Alam niya kung gaano ka-persistent si Michael. "Michael, tapusin na natin ‘to. Hindi mo ako pag-aari. Hindi mo ako pwedeng pilitin. Please, huwag mo nang ipagpilitan ang hindi na maaaring ibalik." - Lexi Tahimik ang sumunod na sandali. Walang sagot mula kay Michael, pero hindi rin mapakali si Lexi. Alam niyang hindi ito simpleng susuko. Napansin ni Sofia ang kaba sa mukha niya kaya hinawakan nito ang kamay niya. "Lex, hindi ka nag-iisa rito. Nandito ako. Nandiyan si Evie. Hindi mo kailangang harapin ‘to mag-isa." Tumango si Lexi, pilit na pinapalakas ang loob. Pero sa loob-loob niya, alam niyang hindi pa tapos ang gulong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD