Chapter #16. Princesa

1937 Words
Habang nagdi-dinner silang tatlo, mas naging magaan ang usapan. Masaya si Evie dahil hindi siya hinusgahan ng kanyang mga magulang, at masaya rin ang mga ito dahil nakikita nilang nagmamahal siya nang totoo. Habang kumakain, nagkwento si Evie tungkol sa kanila ni Lexi. "Mom, Dad, alam niyo ba, isang beses dinala ko si Lexi sa private house ko malapit sa dagat." Napatingin ang kanyang mom at dad sa kanya, interesado sa kanyang kwento. "Talaga? Anong reaksyon niya?" tanong ng kanyang ina na halatang curious. Ngumiti si Evie habang inalala ang nangyari. "Nagulat siya noong una, kasi hindi niya inaasahan na may gano’n akong lugar. Pero pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko sa kanya yung saya. Ang tagal niyang nakatitig lang sa dagat, parang ngayon lang siya nakalanghap ng gano'ng kalayang pakiramdam." Napatango ang kanyang ama. "Alam namin kung gaano kahigpit ang pamilya ni Lexi. Siguro nga, bihira lang siyang makaranas ng ganung kalayaan." Tumango si Evie. "Oo, Dad. Doon ko lalo siyang nakilala. Hindi lang siya yung Lexi na kilala ng mundo bilang anak ng isang billionaire. Doon ko nakita yung totoong siya, Dad. Yung Lexi na mahilig Pala sa tahimik na lugar, mahilig sa dagat, mahilig maglakad-lakad sa buhanginan na nakayapak. Para siyang bata na ngayon lang nakaranas ng ganun." Napangiti ang kanyang ina. "At ikaw ang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maranasan iyon." Napangiti rin si Evie. "Gusto ko lang na maramdaman niyang hindi siya nakakulong sa mundo ng mga magulang niya. Gusto kong malaman niya na may sarili siyang buhay na pwedeng mabuhay." Nagtama ang tingin ng kanyang mom at dad bago ngumiti. "Evie," sabi ng kanyang dad, "masaya kami para sa'yo. Kita namin na masaya ka at totoong pinapahalagahan mo siya." "At alam naming hindi ka basta-basta susuko para sa kanya," dagdag ng kanyang ina. Tumango si Evie. "Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko siya." Nagpatuloy ang kanilang dinner na puno ng kwento at tawanan. Pagkahiga ni Evie sa kama, agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan si Lexi. Ilang ring lang, sinagot na ito ng dalaga. "Hey..." Mahinang boses ni Lexi sa kabilang linya. Napansin ni Evie ang lungkot sa boses nito. "Hey, kamusta ka?" May ilang segundong katahimikan bago sumagot si Lexi. "Hindi ko alam, Evie. Ang bigat pa rin sa pakiramdam. Hindi ko akalain na malalaman agad ng daddy ko... at sobrang galit siya. Pati media, parang gusto na nilang kainin ang buong buhay ko." Napakagat-labi si Evie. Alam niyang hindi madali para kay Lexi ang sitwasyong ito. Kung siya ngang hindi bahagi ng pamilya Thompson ay ramdam ang bigat ng sitwasyon, paano pa kaya si Lexi na nasa gitna ng lahat? "Lex, gusto kitang yakapin ngayon," bulong niya. "Gusto kong iparamdam sa'yo na hindi ka nag-iisa." Narinig niya ang mahinang buntong-hininga ni Lexi. "Evie..." "Bukas mag-usap tayo, okay?" sabi ni Evie, pilit na pinapalakas ang loob ni Lexi. "Gusto kong makita kang okay. At kahit anong mangyari, hindi kita iiwan." Muling natahimik si Lexi, pero sa huli, nagsalita rin ito. "Evie, natatakot ako. Hindi dahil sa daddy ko, kundi sa kung paano maaapektuhan ang buhay mo. Simula ngayon, hindi na magiging tahimik ang mundo mo. Susundan ka na ng media, magiging usapan ang lahat ng kilos mo." Ngumiti si Evie kahit hindi nito nakikita. "Lex, may ilang bagay kang hindi alam tungkol sa akin. Huwag mong alalahanin ang media. Kung sa tingin mo hindi ako sanay dito, nagkakamali ka." Nagulat si Lexi. "Ano'ng ibig mong sabihin?" Bahagyang natawa si Evie. "Bukas, malalaman mo rin. Pero sa ngayon, gusto ko lang malaman mong ligtas ako, at masaya ako na nasa buhay kita." Hindi na masyadong nag-usisa si Lexi, pero halata sa boses nito ang pagkalito. "Ikaw talaga, palagi kang may surprise." Saad ni Lexi "Para lang laging may excitement ang buhay natin," pabirong sagot ni Evie. Nag-usap pa sila ng ilang minuto bago magpaalam. Bago ibaba ni Evie ang tawag, muli niyang sinabi, "Lex, matulog ka na, ha? Alam kong pagod ka. Bukas magkikita tayo, okay?" Tumango si Lexi kahit hindi ito nakikita ni Evie. "Okay. Good night, Evie." "Good night, my love." Pagkababa ng tawag, napangiti si Evie. Alam niyang mahaba pa ang laban nila, pero isang bagay ang sigurado siya na hindi niya papayagang mawala si Lexi sa kanya. Papalapit na sa pagtulog si Evie nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Napakunot ang noo niya nang makita kung sino ang tumatawag—Kris. Napabuntong-hininga siya bago sinagot ang tawag. "Ano na naman, Kris?" Sa kabilang linya, agad niyang narinig ang boses ng kaibigan, "B***h, nasaan ka na? Akala ko magkikita tayo ngayong gabi! Naglaho ka na lang bigla!" Napailing si Evie, medyo natatawa. "Sorry, bes. Ang daming nangyari kanina. Hindi ko na naalala." "Tsk! At ano naman ‘yang ‘madaming nangyari’ na ‘yan? Spill the tea!" Humiga ulit si Evie at ipinikit ang mata, iniisip kung paano ipapaliwanag ang lahat. "Lexi’s dad found out about us." "WHAT?!" Sigaw ni Kris. "Paanong nalaman?! Ano'ng nangyari?! At nasaan si Lexi ngayon?!" Napailing si Evie sa sobrang dami ng tanong ng kaibigan. "Chill, Kris. Hindi namin alam paano nalaman ng daddy niya. Basta, pag-uwi niya sa bahay nila, hinarap na siya agad. And of course, nagalit ‘yung matanda. Gusto niyang ipahiwalay kami." Narinig niya ang inis sa boses ni Kris. "Ugh! Typical. And then? Ano'ng plano mo?" "Wala pa. Pero I won’t let them control Lexi’s life. Hindi niya kasalanan na mahalin ako." May saglit na katahimikan sa kabilang linya bago muling nagsalita si Kris. "You really love her, don’t you?" Napangiti si Evie. "Yes, I do." "Then fight for her, b***h. Kasi alam mong hindi magiging madali ‘to." "I know. Pero worth it." Napabuntong-hininga si Kris. "Ugh, fine. Sige na, matulog ka na. Baka naman magka-eye bags ka pa diyan, tapos magreklamo ka." Natawa si Evie. "Ikaw rin, matulog ka na. Good night." Pagkababa ng tawag, muling humiga nang maayos si Evie. Habang nakapikit, bumalik sa isip niya ang masasayang sandali nila ni Lexi ang unang beses nilang nagdate, ang mga tawanan nila, ang yakap ng dalaga sa kanya noong isang gabi sa tabi ng dagat. Napangiti siya. "I won’t let you go, Lexi." Sa wakas, nakatulog siya nang mahimbing, dala-dala sa panaginip ang mga masasayang sandali nilang dalawa. Pagkapasok pa lang nina Evie at Lexi, agad na sumalubong si Kris na may malawak na ngiti sa labi. "B*h! Ang daming media sa labas! Mas lalong sisikat ang Java natin nito!" biro ni Kris bago tumawa. Napailing si Evie. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa atensyon nila." Natawa rin si Lexi. "Well, at least free publicity ‘to sa café mo." Umupo muna sila saglit bago nagtanong si Evie, "Nasaan si Jastine?" "Nasa office. Bakit?" sagot ni Kris habang nilalagok ang iniinom nitong kape. "Kakausapin ko lang." Tumayo sina Evie at Lexi at nagtungo sa opisina ng pinsan niya. Pagpasok nila, nakita nilang abala ito sa harap ng laptop, ngunit agad itong tumingin sa kanila nang makita si Evie. "Uy, pinsan, anong meron? May drama na naman ba sa buhay mo?" tanong ni Jastine na may halongbiro. Umupo si Evie sa harap nito at diretsong sinabi, "Aalis muna kami ni Kris sandali, may aayusin lang ako. Gusto ko lang ipaalam na magpapadala ako ng ibang tao para tumulong dito sa Java Junction. Alam mo naman ang sitwasyon ngayon, at siguradong dadagsa ang customers pati na rin ang media." Saglit na nag-isip si Jastine, bago tumango. "No problem. Basta make sure na maayos ‘yung mga ipadadala mo rito. Ayoko ng istorbong tao." "Of course," sagot ni Evie, saka siya tumayo. "Salamat, Jas. Malaking bagay ‘to para sa amin." "Walang anuman, pero in fairness, ang wild ng headlines ngayon ha. Handa ka na ba sa magiging gulo nito?" Nagkatinginan sina Evie at Lexi. Mahinang ngumiti si Lexi bago siya sumagot, "Handa na kami, basta magkasama kami." Napangiti si Jastine at tumango. "Then good luck, lovebirds." Bumalik na sina Evie at Lexi sa café, kung saan naghihintay si Kris. Naupo sila sa isang pribadong sulok at nagsimulang uminom ng kape at kumain ng kanilang order. Samantala, sinigurado naman ni Jastine na walang paparazzing makakapasok sa loob ng café. Inutusan niya ang mga tauhan niya na bantayan ang entrance, at kapag may sinubok pumasok na media, agad silang palalabasin. Sa kabila ng kaguluhan sa labas, sa loob ng Java Junction, ramdam ang katahimikan. Isang sandali ng kapayapaan para kay Evie at Lexi, bago nila muling harapin ang mundo. Habang kumakain at nagkakape, tahimik na napaisip si Lexi habang pinagmamasdan ang paligid. Sa kabila ng ingay ng mga tao sa loob ng Java Junction, pakiramdam niya ay unti-unti niyang naiintindihan kung bakit tila sanay na sanay si Evie sa ganitong atensyon. Tumingin siya kay Evie at biglang naitanong, "By the way, paano mo nga pala nakilala si Jastine?" Napangiti si Evie bago sumagot, "Pinsan ko siya." Napatigil si Lexi sa pag-inom ng kape. "Pinsan mo?" Tumango si Evie habang kinukuha ang isang piraso ng croissant. "Yup. Ang papa ni Jastine at ang mama ko ay magkapatid." Doon na nag-register kay Lexi ang sinabi nito. Agad siyang sumandal sa upuan, pilit iniisip kung paano hindi niya agad napagtanto ang koneksyon. "Wait, ibig sabihin..." Saglit siyang napatingin kay Kris, na nakangisi na tila inaasahan ang reaksyon niya. "...pinsan mo si Jastine, at ang tanging kapatid ng papa niya ay si Lyka Smith na ang pinakamayamang babae sa mundo?" Nang hindi sumagot si Evie at sa halip ay kinindatan lang siya nito, doon niya tuluyang napagtanto ang katotohanan. "Holy sh—" Napanganga siya. "Ikaw... ikaw ang anak ni Lyka Smith?!" Napatawa si Kris. "Finally! Natuklasan mo rin! Ang tagal mo, sis!" Hindi makapaniwala si Lexi. "So, all this time... you’re not just some incredibly smart, drop-dead gorgeous doctor... pero literal na isa ka sa pinakamayamang tao sa mundo?!" Napapailing na natawa si Evie habang inaabot ang tasa niya ng kape. "I never said I wasn’t." "Pero hindi mo rin sinabi na ikaw nga!" Umiling si Evie. "Lexi, I wanted you to like me for who I am, not because of my last name." Napabuntong-hininga si Lexi, iniisip ang lahat ng nangyari nitong mga nakaraang araw. Ang dahilan kung bakit kahit anong gawin nila ay tila walang takot si Evie, kung bakit parang hindi ito apektado ng media, at kung bakit laging parang may kontrol ito sa mga sitwasyon. "Kaya pala..." Mahinang sambit niya. "Kaya pala parang hindi mo alintana ang media. You’re used to this life." Hinawakan ni Evie ang kamay niya. "I may be used to it, but that doesn’t mean I enjoy it. Kaya nga pinili kong mamuhay nang malayo sa pangalan ko." Tinitigan siya ni Lexi, at doon niya nakita ang sincerity sa mga mata ni Evie. Hindi niya alam kung magagalit siya dahil hindi agad sinabi nito ang totoo o matutuwa dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya. "Lex, nothing has to change," dagdag ni Evie. "I’m still the same person you fell for." Huminga nang malalim si Lexi bago napangiti. "Yeah... I just need a minute to process this." Nagkatinginan sina Kris at Jastine, sabay nag-high five. "Tanggap niya pa rin! Akala ko tatakbo na ‘to eh!" biro ni Kris. Napailing si Lexi pero napatawa na rin. "Of course, hindi ako tatakbo. Mahal ko ‘tong loka-loka na ‘to." Ngumiti si Evie at hinila si Lexi palapit. "Good. Kasi wala ka nang takas sa’kin." At sa kabila ng mainit na kape at maingay na paligid, alam ni Lexi na wala na siyang ibang gustong puntahan kundi sa tabi ng babaeng ito kahit pa ito ang tinatagong prinsesa ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD