Lexi's POV
"My family… hindi nila alam that I like girls. Kaya nag-aalala ako kung paano nila matatanggap ‘pag nalaman nila. Kahit si Sofia, hindi niya rin alam dahil hindi ko sinabi, pero alam kong ramdam niya. Siguro hinihintay niya lang akong umamin sa kanya," paliwanag ni Lexi habang nilalaro ang kanyang mga kamay isang bagay na palagi niyang ginagawa kapag kinakabahan siya.
Biglang tumigil sa pagmamaneho si Evie at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Wag kang mag-alala, andito lang ako. Maghihintay ako hanggang maging handa ka," sabi ni Evie. "Alam kong kakagaling mo lang sa breakup ng boyfriend mo, at naiintindihan ko ‘yon. Pero gusto ko lang malaman mo na… I really, really like you a lot." Pagkasabi nito, hinalikan ni Evie ang kanyang noo at tinitigan siya nang may pagmamahal.
Damang-dama ni Lexi ang sinseridad ni Evie, at sa bawat maliliit nitong kilos—mga matatamis na salita, banayad na hawak, at mga tingin na parang siya lang ang taong mahalaga sa mundo—ay mas lalo siyang nahuhulog dito. "Tara, bumili muna tayo ng kape," sabi ni Evie, dahilan para maputol ang malalim na iniisip ni Lexi.
Hindi niya namalayan na nasa Java Junction na pala sila. "Ooh, hindi ko napansin na nandito na pala tayo," sabi ni Lexi, sabay tawa. Natawa rin nang malakas si Evie. "Dami mo kasing iniisip, Babe," sagot nito bago sila pumasok para umorder ng kape.
Pagpasok nila, agad na binati ni Lexi ang kahera. "Hello, good morning, Kris," bati niya. "Good morning too, Ms. Lexi," sagot ni Kris, sabay palitan sila ng magiliw na ngiti. "Anong order po ninyo?" tanong ni Kris habang nilingon si Evie.
"Isang matcha latte. Ikaw, Evie?" tanong ni Lexi. "Isang hazelnut latte, please," sagot naman ni Evie. Napatingin si Kris kay Evie at may kapilyuhang tinanong, "B***h, hindi ka papasok?"
"Hindi na muna. Ikaw na muna ang bahala dito," sagot ni Evie. "Okay," sagot ni Kris, sabay smirk at kindat sa kaibigan bago niya iproseso ang kanilang order.
Samantala, si Evie at Lexi naman ay naghanap na ng mauupuan.
Hinila ni Evie ang upuan para kay Lexi bago ito umupo. "You know, Evie, you look familiar, pero hindi ko matandaan kung saan… parang may kahawig ka," saad ni Lexi habang pinagmamasdan ito. Kinabahan si Evie kaya nag-isip siya ng ibang sasabihin.
"Ohh, really?" sagot niya, sabay tawa upang maitago ang kaba. "Magtatrabaho na ako next month sa hospital doon sa SHT. At tama ba ang pagkakarinig ko na co-owner ang kapatid mo doon? Am I right?"
Napangiti si Lexi sa sinabi ni Evie na magtatrabaho ito sa SHT Hospital. Matagal na rin kasi niyang balak bumalik sa pagiging doktor. Tumigil lang siya dahil gusto ng pamilya niya na siya ang mamahala sa kanilang kumpanya—isang paraan ng mga magulang niya para ipalapit siya kay Michael, ang lalaking nais nilang ipakasal sa kanya. Pumayag siya noon, pero nagbago na ang isip niya mula nang malaman niyang niloloko siya ni Michael.
"Yes, kapatid ko," sagot ni Lexi. "Bakit? Mag-aapply ka na doon?" tanong nito, halatang may excitement sa boses. "Kind of," sagot ni Evie, sabay kamot sa ulo. "Kind of? What does that mean?" tanong ni Lexi, kunot-noo.
Bago pa man makasagot si Evie, biglang may tumawag sa kanya.
"Baby pawpaw!!"
Napalingon si Evie at tumingin kay Lexi, na halatang nag-aalab sa selos. Wala namang ibang tao sa paligid maliban sa kanila, kaya imposibleng may ibang "Baby" na tinatawag. Agad na napako ang tingin ni Lexi sa napakagandang babaeng papalapit sa kanila.
Pati si Kris ay napansin ni Lexi na namangha rin sa ganda ng bagong dating. Hindi niya masisisi si Evie kung nagkagusto ito sa babaeng ito—maganda naman talaga. Pero kahit anong pigil niya sa sarili, hindi niya maiwasang sumimangot at uminom ng kape nang walang imik habang nakayuko.
Napansin naman ni Evie ang pagseselos ni Lexi kaya napangiti ito.
"Ohh, baby paw! Ba't ka nandito?" tanong ni Evie kay Stella. "Susunduin kita, ‘di ba sabi ko kagabi habang kumakain tayo?" sagot ni Stella habang pasulyap-sulyap kay Lexi, halatang sinusubukang paselosin ito. Lalong sumama ang timpla ni Lexi, at halatang-halata ni Evie na pigil nito ang inis. Mas lalong natuwa si Stella sa reaksyon ni Lexi, kaya mas lalo pa niya itong inasar.
Tawang-tawa si Evie sa sitwasyon. Alam niyang puro pang-aasar lang ang ginagawa ni Stella, pero tila epektibo ito kay Lexi.
"Lexi, this is Baby Paw—Stella," sabay pang-aasar na pakilala ni Evie sa best friend niya, na para bang walang mali sa pagsabi nito. Biglang sumagot si Lexi, taas-kilay, "I thought I’m your Babe, and now just Lexi?!"
Direkta niyang sinabi ito, pero si Stella ang tinitigan niya nang matalim. Tawanan naman ang mag-bestfriend sa inis niyang reaksyon. "You’re so possessive, Babe Lex," saad ni Stella habang nakangiti, hindi matinag sa tingin ni Lexi.
"If looks could kill..." bulong ni Lexi sa isip niya habang patuloy ang titig niya kay Stella, na parang gusto niyang basahin kung ano ang totoong motibo nito.
"Relax, Baby Lex," sabi ni Stella, sabay lahad ng kamay kay Lexi. "Isa nga pala ako sa best friends ni Evie."
Namula sa kahihiyan si Lexi, pero tinanggap pa rin niya ang pakikipagkamay ni Stella. Laking gulat niya nang biglang hinila siya nito sa isang yakap.
"I’m just teasing you, Baby Lex," dagdag ni Stella, sabay ngiti. Sakto namang dumating ang order nilang kape, dala-dala ni Kris. "Hi, Babe," pabirong sabi ni Stella kay Kris, sabay kindat.
"Hello," sagot ni Kris na halatang namula, sabay balik sa counter. Sinundan naman ni Stella ng tingin ang paglayo nito.
Siniko ni Evie ang kaibigan, dahilan para mapatawa si Lexi. Napailing siya habang iniisip na mag-bestfriend nga talaga sina Evie at Stella—parehong natural na flirt.
"Gosh, I really, really like her a lot," bulong ni Stella, habang nakatingin kay Kris. Natawa na lang si Evie. "You know, she’s so bossy. It’s up to you." Tumingin si Lexi kay Evie at tinaasan ito ng kilay. "What’s the matter if she’s bossy? I am bossy too," sagot niya, may hamon sa boses. Napatameme si Evie, napasinghap, at napakamot ng ulo. Biglang tumawa nang malakas si Stella. "Napatahimik ka, Baby Paw!" sabay thumbs-up kay Lexi. Nagtawanan sina Lexi at Stella, kaya hindi napigilan ni Evie na hampasin ang kaibigan.
"Shut up!" asar na sabi ni Evie, pero halata sa mukha niya ang amusement.
Habang nagkakatuwaan sila, biglang dumating ang isang grupo ng mga tao. Sa gitna ng grupo ay si Michael, halatang may hinahanap. Nang makita niya kung sino ang magkasama, biglang dumilim ang mukha niya. Itinuro niya ang direksyon nina Lexi at Evie, at agad lumapit ang grupo sa kanilang mesa.
"Who do you think you are, stealing my girl?!" galit na saad ni Michael kay Evie.
Nasa kalagitnaan pa lang ng pag-uusap sina Evie at Lexi tungkol sa pag-apply nito sa SHT Hospital nang bigla silang harangin ni Michael at ng grupo nito.
"My girl? Wala na tayo, Michael! Hindi mo ba maintindihan iyon?" iritadong sagot ni Lexi.
Tumingin sina Evie at Stella sa sitwasyon, parehong kalmado ngunit alam nilang may gulong paparating. Nagkatinginan sila, napansin ang mga tattoo ng grupo ni Michael—mga Mafia. Pero sa kabila nito, hindi sila kinabahan. Sanay sila sa ganitong sitwasyon, at handa silang lumaban anumang oras.
"At bakit ayaw mo nang makipagbalikan sa akin?! Dahil ba sa babaeng 'to?!" singhal ni Michael, sabay turo kay Evie. "Wag kang mag-iskandalo dito! Gumagawa ka na naman ng kalokohan at nadadamay pa ang ibang tao!" galit na sagot ni Lexi. "Akala mo hindi ko alam na isa kang lesbian? At gusto mong agawin ang girlfriend ko?! Para saan? Para gamitin siya at magkapera ka?!" sigaw ni Michael.
Napatawa na lang sina Evie at Stella. "Anong pinagsasasabi mo? Pera? Hindi niya kailangan ng pera mo. She can make her own money," kalmadong sagot ni Evie. "Sa tingin mo, magugustuhan ka ni Lexi? Hindi siya papatol sa'yo!" dagdag pa ni Michael, tumatawa.
"Enough na, Michael! Pwede ba, umalis ka na dito at huwag kang gumawa ng eksena!" galit na sabi ni Lexi. Hinawakan niya ang kamay ni Evie. "Tara na, Evie. Umalis na tayo." Sumunod si Stella sa kanila, pero bago pa sila makaalis, biglang hinarangan sila ng grupo ni Michael. "Sinong nagsabing pwede na kayong umalis?" sabi ng isa sa mga lalaki.
"Padaanin mo kami," seryosong sabi ni Lexi. Ngunit biglang hinila ng isa sa mga lalaki si Lexi palayo kay Evie. "Aray! Bitawan mo ako!" sigaw ni Lexi. Napuno ng galit si Evie at mabilis na sinuntok ang lalaking humila kay Lexi. Nagulat ang lahat sa sobrang bilis ng galaw ni Evie, lalo na si Michael na natulala sa nangyari. "Don't you dare touch her!" matigas na sabi ni Evie. Humarang naman si Stella, handang protektahan sina Evie at Lexi.
Simula pagkabata, mula 12 years old, matalik nang magkaibigan sina Evie at Stella. Pareho silang nag-training sa self-defense upang protektahan ang kanilang sarili. Hanggang ngayon, patuloy pa rin silang nagsasanay. Sanay na si Evie sa gulo—at lagi siyang nananalo. Sa Japan, kahit mga gangster ay takot sa kanya. Kahit mga boss ng Mafia ay kilala siya—maliban na lang sa ibang Mafia mula sa ibang bansa na hindi pa nakikilala ang pangalan nila.
"Hindi mo ba kami nakikilala?" tanong ng isa sa mga lalaki. "I don’t care who you are," matapang na sagot ni Evie, titig na titig sa kanila.
Bumaling siya kay Lexi at inalalayan ito.
"Ayaw ko ng gulo o saktan kayo, so please, umalis na kayo," saad ni Evie, matalim ang tingin. Malinaw sa kanyang kilos na hindi sila takot, habang si Stella naman ay nakikiramdam, handang umatake anumang oras.
"Kunin niyo si Lexi! Wala akong pakialam kung mga babae man sila!" maawtoridad na sigaw ni Michael. Nang akmang kukunin na ng mga tauhan ni Michael si Lexi, mabilis na sinipa ni Stella ang isa sa kanila. Si Evie naman ay kalmado pa rin, pinapanood ang laban ni Stella.
"Need help, Babe?" pabirong tanong ni Kris kay Stella, may smirk sa labi habang sumasali sa laban. Habang abala sa pakikipaglaban sina Stella at Kris, lumapit si Evie kay Lexi. "Are you alright?" nag-aalalang tanong niya. "Yes, I’m okay. Pero sila... nakikipag-away!" sagot ni Lexi. "Wag mo silang alalahanin. Sanay na sila," sagot ni Evie, nananatiling kalmado.
Ilang sandali pa, bagsak na lahat ng tauhan ni Michael.
"Please, umalis na kayo kung ayaw niyong tumawag kami ng pulis," seryosong sabi ni Stella. Dahan-dahang nagsitayuan ang mga lalaki. Bago umalis, hinarap ni Michael si Evie.
"Hindi pa tayo tapos," banta niya.
Pero hindi natinag si Evie. Masyado na siyang sanay sa ganitong sitwasyon para matakot kay Michael. Sa dami ng pinagdaanan nilang dalawa ni Stella, wala itong binatbat.
Tuluyan nang umalis sina Michael at ang grupo nito.
"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Lexi. "Wag kang mag-alala. Walang-wala sila kumpara sa mga dati naming nakaaway," sagot ni Stella, sabay tawa. "Babe, you are so hot when you’re fighting!" manghang-mangha si Stella kay Evie. Kinindatan ni Kris si Stella bago bumalik sa trabaho. Samantala, inayos na nina Evie at Lexi ang kalat na nagawa nila. "Tara, ihahatid na kita sa office mo," sabi ni Evie. "Okay, okay. Thank you sa inyong dalawa," sagot ni Lexi.
Nag-akapan sila bilang pasasalamat bago tuluyang umalis.