Evie’s POV
Habang patungo sina Evie sa opisina ni Lexi, may nadaanan silang isang babae na nakikiusap sa guard. "Hello, kuya. Anong nangyayari dito?" tanong ni Lexi. "Hello, Ms. Lexi. Gusto ka po niyang makausap," sagot ng guard. "Bakit hindi mo siya pinapasok?" muling tanong ni Lexi.
"Kasi po, wala po siyang appointment para makipagkita sa inyo ngayon. Tinawag ako ng receptionist kasi po pinipilit niyang makausap kayo," paliwanag ng guard. Napaisip sandali si Lexi bago tumango. "Okay, tara. Wala naman akong gagawin ngayon, sumama ka na. Salamat, kuya."
Habang papasok sila, biglang napatingin ang babae kay Evie at bahagyang naningkit ang mga mata. "You look familiar," saad ng babae. Biglang kinabahan si Evie. "Really? Siguro minsan na tayong nagkasabay o nagkasalubong."
Tumango ang babae pero hindi pa rin inaalis ang titig kay Evie. "Siguro nga… but you look like a model. And gosh, you’re so hot! You’re so sexy and so manly at the same time. I didn’t say this in a romantic way, but wow, you are really pretty and hot!" Napatawa na lang si Evie. Sa loob-loob naman ni Lexi "That’s my girl." Isang pilyong ngiti ang lumitaw sa labi niya.
Bigla siyang napakurap. "Wait, what?! My girl?!" bulong niya sa sarili, bahagyang nagulat sa sariling reaksyon. Samantala, ngumiti lang si Evie sa babae. "Oh, thank you!"
"I have a girlfriend. If she’s here, she will say the same thing." Ginantihan ni Evie si Belle sa sinabi nito sa kanya at tumingin Kay Lexi, na biglang napatingin sa kanya at kinindatan nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong init ang gumapang sa kanyang katawan.
"Good morning, Miss Lexi," bati ni Shiana sa kanya. "Good morning too, Shiana," ganting bati ni Lexi. "Maupo ka," sinenyasan niya ang babae. "Salamat po. Ako nga po pala si Anna, Miss Lexi. Gusto ko po sanang makiusap kung pwede po ba ninyo akong tulungan makapasok sa SHT Hospital?" pakiusap ni Anna.
Napaisip sandali si Lexi bago sumagot. "May interview bukas, pero hindi ako ang mag-iinterview sa inyo. Bukas, nandiyan din ang dalawang co-owners at ang kapatid ko. First time ko rin silang makikita. Si Ate, first time din niyang makikita si Doctor Smith, kaya hindi ako makakapagdesisyon ngayon. Doctor ka ba na mag-aapply?"
"Yes po!" sagot ni Anna.
Biglang nagliwanag ang mukha niya at tila may naalala. "Oh! I remember you, Miss…" saglit siyang nag-isip bago tumingin kay Evie. "Doctor Smith! Oh my gosh! Ikaw yung tumulong sa tatay ko noong naaksidente siya! It's been two years! Noon, dalawang taon na lang bago ako makapagtapos bilang doktor. Now I remember!" Ngumiti si Evie. "Oh, I remember you too. Belle, right? Ikaw ang tumulong sa akin noon. Thanks to you rin dahil naging matagumpay ang operasyon ng tatay mo." Nakikinig lang si Lexi sa kwento nilang dalawa. "Yes! Ako nga! My name is Anna Belle," pagsang-ayon ni Anna. Tumango si Evie. "Yes, magaling ito si Belle. She knows what to do kahit hindi ko pa siya sinasabihan. So yeah, masasabi kong magaling siya kahit hindi pa siya ganap na doktor."
"Oh, thanks sa compliment, Doctor Smith," pasasalamat ni Belle.
Ngumiti si Evie at sumagot, "Wag kang mag-alala, matatanggap ka niyan. Tiwala lang." Tumingin siya kay Lexi bago dagdagan ang sinabi niya. "Right, babe? Aaahmm I mean, right, Miss Lexi?" Napatingin si Lexi kay Evie, bahagyang nagtaas ng kilay habang may pilyang ngiti sa labi. Kumindat ito Bago sumagot "Yes! Doctor Smith" with a smirk on her face.
"You know, you look good together. Sorry to say this, Ms. Lexi, pero mas bagay kayo ni Doctor Smith kaysa sa boyfriend mo," saad ni Belle, sabay kindat kay Evie. Nagulat si Lexi, pero bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita si Belle. "Balitang-balita na naghiwalay kayo dahil sa pangangaliwa niya. Actually, you deserve someone like Doctor Smith."
Ngumiti si Evie, pero hindi nagsalita. Tahimik lang siyang nakikinig. "Alam mo, tama lang na hiniwalayan mo siya. Madami talaga siyang babae. Lagi ko siyang nakikitang may kasamang iba’t ibang babae. Sorry sa mga sinasabi ko… pero you deserve someone better, Ms. Lexi." Hindi na nagulat si Lexi sa rebelasyong iyon. Matagal na niyang alam ang totoo, kaya naman tama lang ang naging desisyon niya. "Wag kang mag-alala. Wala naman kami, kaya malaya na siyang gawin ang gusto niya," paliwanag ni Lexi.
Pero biglang seryoso ang mukha ni Belle. "Pero mag-ingat ka lang po, Ms. Lexi, dahil may koneksyon siya sa mga mafia." Nagpalitan ng tingin sina Evie at Lexi. Alam nilang hindi ito isang simpleng babala lang. Agad namang nagsalita si Evie. "Don't worry, I will protect her."
Tumingin si Belle kay Evie, saka tumango. "Mabuti kung gano’n." Natouch si Lexi sa sinabi ni Evie. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong init na bumalot sa kanyang puso. "Yun lang po, Ms. Lexi. Kailangan ko nang umuwi kasi nag-text ang kapatid ko. Dadating na siya sa bahay namin. Ilang taon din siyang hindi nakauwi."
"Okay, ingat ka," sagot ni Lexi. "Paalam po, Ms. Lexi. Paalam, Doctor Smith!" "Bye. Wag kang mag-alala, alam kong kaya mo ang interview bukas," saad ni Evie. Napangiti si Belle. "Thank you! Bye!" Pagkaalis ni Belle, agad namang nagpaalam si Evie. "Aalis na ako. May pupuntahan pa kami ni Stella." Napahinto si Lexi. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero parang bigla siyang nalungkot. "Okay… pakisabi na lang kina Kris at Stella, salamat sa pagtatanggol sa akin," sabi niya, pilit na itinatago ang lungkot sa boses niya. Ngumiti si Evie. "Wag kang mag-alala, makakarating. We will keep in touch. I will text or call you later, okay?" Tumango si Lexi. "Okay."
"Bye."
Bago tuluyang umalis, hinaplos ni Evie ang kanyang ulo at marahang hinalikan ang kanyang noo. Hindi niya alam kung bakit, pero parang huminto ang oras para kay Lexi. Habang papalayo si Evie, sinundan lang siya ng tingin ni Lexi. At bago tuluyang mawala sa paningin niya, tumingin pa ulit si Evie at kinindatan siya isang pilyong paalam.
Evie POV
Tahimik na nagmamaniho si Evie nag-vibrate ang kanyang telepono. Isang encrypted na tawag mula kay Jacob ang kanyang pinagkakatiwalaang impormante, isang taong bihasa sa paghuhukay ng mga sikreto mula sa pinakamadilim na sulok ng mundo. Sinagot niya ito.
"Evie, may bagong impormasyon ako tungkol kay Michael Harrington," walang paligoy-ligoy na sabi ni Jacob. Malamig ang ekspresyon ni Evie. "I'm listening." Ang Lihim na Emperyo ni Michael. "Ang pamilya Harrington ay hindi lang mayamang negosyante," patuloy ni Jacob. "May koneksyon sila sa iba’t ibang mafia sa Europe, Asia, at South America. Ang negosyo nila? Smuggling, drug trade, human trafficking, at illegal arms dealing. Pero hindi lang 'yan—si Michael mismo ang utak ng maraming maruruming transaksyon."
"Tell me everything," malamig na sagot ni Evie. "Number one, may casino siya sa Macau na ginagamit para sa money laundering. Ang mga perang galing sa drugs at smuggling, nililinis nila doon bago ipasok sa lehitimong negosyo ng pamilya nila."
"Number two, may underground auction house siya sa Dubai—doon ibinebenta ang mga babaeng kinikidnap nila. Mostly high-profile targets, models, at celebrities na nawawala nang walang bakas. May reports na may mga babaeng hindi na nakikita pagkatapos ng transaksyon." Napalakas ang kapit ni Evie sa kanyang baso. "Number three, may private island siya sa Caribbean, ginagamit bilang base para sa mga high-profile clients na gusto ng ‘exclusive services’ kung tawagin nila, isang paradise for the corrupt and powerful." Dumilim ang mga mata ni Evie.
"Lexi Thompson ay nasa listahan siya ng mga gusto niyang biktimahin," dagdag ni Jacob. "Mukhang gusto niyang gamitin ang pangalan ng pamilya ni Lexi para mas palawakin pa ang negosyo niya. At may balita akong plano niyang ipalabas na 'aksidente' ang lahat para sa kaso ng pagkawala ni Lexi, kung sakaling makuha niya ito." Biglang tumigil si Evie sa paghinga. Ang ideya na si Michael ay may balak na masama kay Lexi ay sapat nang dahilan para tuluyang mawala ang kanyang pasensya.
"Huwag kang mag-alala, Jacob," malamig na sagot ni Evie. "Hindi na niya magagawa 'yan."
Lexi POV
"May gusto ba kayong sabihin, Shiana?" tanong ni Lexi nang hindi iniaangat ang tingin mula sa kanyang mga papeles. Nagbigay ng bahagyang ngiti si Shiana bago tumugon. "Kung maaari lang po, gusto kong itanong kung kailan ninyo aaminin na may espesyal kayong nararamdaman para kay Miss Evie."
Napatigil saglit si Lexi, ngunit agad din siyang nagpatuloy sa pagsusulat, pilit na hindi ipinapahalata ang kanyang reaksyon. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo. Wala akong dapat aminin." Maingat na inilapag ni Shiana ang isang folder sa mesa bago muling nagsalita. "Pasensya na po, Ms. Thompson, pero bilang inyong assistant, napapansin ko ang mga bagay na maaaring hindi ninyo namamalayan. Ang paraan ng inyong pagtitig kay Miss Evie, ang pagiging alisto ninyo sa kanyang presensya, at higit sa lahat, ang tiwala na ibinibigay ninyo sa kanya hindi po ito mga bagay na basta-basta lamang."
Nagtaas ng tingin si Lexi, halatang hindi inaasahan ang diretsahang pananalita ng kanyang assistant. "Napakalayo ng iniisip mo, Shiana. Wala akong panahon para sa mga bagay na ganyan." Nanatili namang kalmado si Shiana. "Maaari po iyon, ngunit isang bagay ang sigurado ako deserve ninyo ang isang taong tulad ni Miss Evie. Isang taong handang protektahan kayo mula sa anuman, kabilang na ang inyong nakaraan."
Napakunot ang noo ni Lexi. "Anong ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Shiana bago nagpatuloy. "Alam kong hindi pa rin kayo tuluyang nakakalaya sa anino ng inyong dating kasintahan. Hindi ko nais makialam, ngunit bilang inyong assistant, nais ko lamang ipaalala na hindi ninyo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. May mga taong handang ipaglaban kayo at sa nakikita ko, isa na roon si Miss Evie."
Hindi nakasagot si Lexi. Sa loob-loob niya, alam niyang may katotohanan ang mga sinabi ni Shiana. Bago lumabas ng opisina, muling nagsalita ang kanyang assistant. "Pag-isipan po ninyo, Ms. Thompson. Baka sakaling ang hinahanap ninyong seguridad ay nasa harapan ninyo." Tahimik na napabuntong-hininga si Lexi, ngunit sa kanyang isipan, isang pangalan lang ang patuloy na naglalaro sa isip niya...Evie Smith.
Nakaupo si Lexi sa harap ng kanyang desk, ang ballpen sa kanyang kamay ay wala nang ginawa kundi mag-doodle sa isang blangkong papel. Kanina pa siya nakatitig sa screen ng laptop niya, pero kahit anong pilit niyang mag-focus, wala siyang maisulat. Sa halip na mga numero at reports, isang pangalan lang ang umiikot sa isipan niya.
Evie Smith.
Napapikit siya, iniiling ang sarili. Lexi, ano bang nangyayari sa’yo? Kailan pa siya naging ganito? Kailan pa siya naging isang taong hindi makapagtrabaho dahil lang sa isang babae? Pero kahit anong pilit niyang idistract ang sarili, bumabalik pa rin ang mukha ni Evie sa isipan niya—ang matamis nitong ngiti, ang malalim nitong boses, ang paraan ng pagsandal nito kanina sa kotse habang pinagmamasdan siya.
Napatingin siya sa phone niya. Walang text at Walang tawag. Napabuntong-hininga siya, Bakit ko inaasahan? Nagsimula siyang gumalaw muli, sinubukang ipagpatuloy ang mga kailangang gawin. Pero pagkalipas ng ilang minuto, natagpuan na naman niya ang sarili niyang nakatulala. Ang mga daliri niya ay walang malay na gumuhit sa notebook niya isang letra, isang pangalan.
E-V-I-E.
Napapikit siya at naramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Diyos ko. Buong araw na siyang ganito. Wala siyang nagawa. Hindi siya makapagtrabaho, hindi siya makapag-isip nang tuwid, at mas lalong hindi niya matanggal ang isang pangalan sa isipan niya.
Evie Smith.
At ang mas masama? Alam niyang hindi niya na ito matatakasan.