Chapter #25. Protecting you Secretly

2027 Words
Evie POV Kinaumagahan, dumiretso si Evie sa Thompson Building, ang pinakamalaking korporasyong pinamumunuan ng pamilya ni Lexi. Hindi siya nagdalawang-isip. Alam niyang ito lang ang paraan para maipaglaban si Lexi at para mabawi ang babaeng mahal niya mula sa kamay ni Michael. Pagdating niya sa executive floor, sinalubong siya ng sekretarya ni Mr. Ricky Thompson. "Miss Evie Smith, hinihintay na kayo ni Mr. Thompson sa loob," anunsyo nito. Malamig ang ekspresyon ni Evie habang tumango at pumasok sa opisina. Sa loob, nakita niya ang isang matandang lalaki na nakaupo sa harap ng isang malaking lamesa. Si Ricky Thompson, ang ama ni Lexi. Matangos ang ilong nito, matalim ang tingin, at halatang hindi basta-basta naloloko. "Ano ang kailangan mo?" diretsong tanong nito. "Hindi ako magpapaligoy-ligoy, Mr. Thompson," panimula ni Evie. "Mahal ko ang anak niyo. At alam kong mahal niya rin ako." Nanatiling tahimik si Mr. Thompson, ngunit hindi nito maitago ang pagkagulat sa determinasyon ng dalaga. "Pero alam ko rin na natatakot kayo," dagdag pa ni Evie. "Natatakot kayong labanan si Michael dahil sa posibleng ganti ng pamilya niya. At higit sa lahat, natatakot kayong masaktan si Lexi." Napabuntong-hininga si Mr. Thompson. "Wala kang alam sa kung anong klaseng tao ang mga Harrington. Mas makapangyarihan sila kaysa sa iniisip mo." Isang mapait na ngiti ang lumabas sa labi ni Evie. "Mas makapangyarihan ba sila kaysa sa mga Smith?" Napakunot ang noo ni Mr. Thompson. "Anong ibig mong sabihin?" Huminga nang malalim si Evie at tumingin nang diretso sa mga mata ng matanda. "Hindi lang ako basta isang babae na umibig sa anak ninyo. Ako si Evangeline Smith, anak nina Lyka at Richard Smith." Namutla si Ricky Thompson. "Imposible," bulong nito. "Tatlo lang ang anak nina Lyka at Richard" pagtatakang sagot nito. "Oo, iyon ang alam ng mundo," malamig na sabi ni Evie. "Pero may isang lihim na itinago ng pamilya ko sa lahat. Ako iyon." Hindi makapaniwala si Ricky. Ang pamilyang Smith ay isa sa pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa mundo Ang ikinagugulat pa ay may lihim na anak? "Kung tutulong kayo sa akin, Mr. Thompson, sinisigurado ko sa inyo..." itinuloy ni Evie, ang mga mata'y nag-aapoy sa determinasyon. "Hindi lang natin mapoprotektahan si Lexi, pababagsakin din natin si Michael at ang buong imperyo niya." Nanatiling tahimik si Ricky Thompson. Kita sa mukha nito ang pag-aalinlangan, ngunit ramdam din ang unti-unting pag-asa. Makalipas ang ilang sandali, tumayo siya at humarap kay Evie. "Kung ganoon... Ano ang plano mo?" Tumayo si Mr. Ricky Thompson at tumingin nang diretso kay Evie. "Ano ang plano mo?" ulit niya, sa mas mababang tono. Isang matalim na ngiti ang gumuhit sa labi ni Evie. "Ibabagsak natin si Michael sa mismong mundong ginagalawan niya at sa mundo ng kapangyarihan, negosyo, at pera." Lexi POV Nakatayo si Lexi sa veranda ng isang mataas na gusali, pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod. Ramdam niya ang malamig na hangin ng gabi, ngunit hindi iyon kayang palamigin ang init ng sakit sa kanyang puso. "Lexi Baby," tawag ni Michael mula sa loob ng condo. Dahan-dahan siyang lumingon. Kahit anong pilit niyang ngumiti, alam niyang bakas sa mukha niya ang lungkot at pagod. "Yes?" mahina niyang sagot. Lumapit si Michael at inakbayan siya. "Alam kong mahirap para sa'yo ang nangyari, pero tandaan mo... Ginawa mo ito para sa pamilya mo, para kay Evie. Kung hindi mo ako sinunod, baka pare-pareho na tayong patay ngayon." Napakuyom ang mga kamao ni Lexi. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang ipamukha kay Michael na wala siyang karapatan diktahan ang buhay niya. Pero alam niyang wala siyang magagawa sa ngayon. "Tama ka," malamig niyang sagot. "Ginawa ko ito para sa kanila." Pero sa loob niya, may isang bahagi ng kanyang puso na umaasang bumalik si Evie… umaasang may gagawin ito para iligtas siya. Evie POV Nakaupo si Evie sa harap ng isang malaking mesa, hawak ang isang baso ng alak. Sa paligid niya, nandoon sina Stella, Kris, at ilang piling tauhan niya Ang mga taong pinagkakatiwalaan niya sa mga pinakamahirap na laban. "May balita na ba?" tanong niya kay Stella. "Oo," sagot nito habang may iniaabot na folder kay Evie. "May mga tauhan akong nagmamanman kay Michael. Mahigpit ang seguridad niya, pero may kahinaan din siya Yun ay ang negosyo niya sa iligal na armas at droga. Kapag naputol natin ang mga supply niya, babagsak ang imperyo niya." Binuksan ni Evie ang folder at binasa ang mga detalye. Napangisi siya. "Kung ganoon… simulan na natin." Michael POV Kinabukasan, Habang papasok si Michael sa opisina niya, sinalubong siya ng assistant niya, halatang balisa. "Sir, we have a problem." "Ano na naman?" iritang tanong ni Michael. Nagpakawala ng buntong-hininga ang assistant. "Isa sa mga biggest shipment natin ng armas at droga… nawala. Nasabat ng hindi kilalang grupo." Nanlaki ang mga mata ni Michael. "Ano?! Sino'ng may kagagawan niyan?" "Wala pa tayong kumpirmasyon, pero may bali-balita… na isang taong hindi natin inaasahan ang nasa likod nito." Napailing si Michael at napakuyom ang kamao. "Sino?" Tahimik na tumingin ang assistant sa kanya, halatang takot sa isasagot. Galit na galit si Michael habang naglalakad pabalik sa opisina niya. Hindi siya mapakali. Hindi niya matanggap na may sumabotahe sa kanyang shipment at ang mas nakakabahala, hindi niya matukoy kung sino ang may kagagawan. “Find out who did this. Now!” sigaw niya sa kanyang mga tauhan. “Yes, boss,” sagot ng isa sa kanila bago dali-daling lumabas ng opisina. Michael clenched his jaw. He knew someone was moving against him, but who? Samantala, sa isang pribadong ospital sa New York… Pumasok si Evie sa kanyang opisina, suot ang kanyang white coat. Para siyang isang normal na doktor sa paningin ng lahat, pero sa loob niya, isa siyang taong may dalang lihim na misyon. Umupo siya sa swivel chair at kinuha ang cellphone niya. Agad niyang tinawagan si Mr. Thompson. “Hello?” sagot ng matandang lalaki. “Sir, gusto ko lang ipaalala… manatili po kayong tahimik. Walang dapat makaalam sa galaw natin, lalo na si Lexi,” madiing sabi ni Evie. Alam niyang kahit anong oras, maaaring may makasagap ng balita tungkol sa kanya. Isa pa, ayaw niyang madamay si Lexi sa labanang ito. “I understand, hija. Pero sigurado ka bang kakayanin mo ito?” Ngumiti si Evie kahit hindi ito nakikita ng kausap. “I was born for this.” Lexi POV Nakatayo si Lexi sa loob ng kanyang apartment, titig na titig sa cellphone niya. Gusto niyang tawagan si Evie. Gusto niyang marinig ang boses nito, kahit isang beses lang. Pero hindi niya magawa. Napapikit siya, pilit na pinipigilan ang luha. Hindi niya naisip na ganito kahirap ang mawalay sa taong mahal niya. Maya-maya, dumating si Michael. Agad siyang lumapit kay Lexi at hinaplos ang pisngi nito. Michael frowned. “Lexi, hanggang kailan mo ako ituturing na parang wala?” malungkot na Saad ni Michael at galit at the same time. “Hanggang kaya ko pa,” mahinang sagot niya. Napuno ng galit ang mukha ni Michael. “You’re mine now, Lexi. Wag mo akong pilitin gumawa ng bagay na pagsisisihan mo.” Kinilabutan si Lexi. Alam niyang kaya ni Michael gawin ang kahit ano… at iyon ang kinatatakutan niya. Evie POV Sa isang tagong warehouse sa New York… “Boss, another shipment has been intercepted.” Napangisi si Stella habang kausap ang isa sa mga tauhan nila. Nakaupo siya sa isang luma ngunit matibay na bakal na mesa, hawak ang isang basong whiskey. “Good. Let’s keep it that way,” sagot niya. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Evie, suot ang isang leather jacket.. “Everything’s going as planned,” sabi ni Stella habang inaabot kay Evie ang isang dokumento. Binasa ito ni Evie, at isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi niya. “Michael won’t even see what’s coming,” bulong niya. Mabilis ang lakad ni Evie palabas ng ospital. Kailangan niyang puntahan ang isang impormante na maaaring may nalalaman tungkol sa mga ilegal na galaw ni Michael. Subalit bago pa siya makalayo, isang pamilyar na pigura ang sumalubong sa kanya. "Si Lexiiii" gulat na bulong nito sa Sarili. Napahinto si Evie. Napansin niya agad ang malaking pagbabago sa dating masayahing babae. Payat na ito, ang pisngi ay bahagyang lumubog, at ang dating makislap nitong mga mata ay puno ng lungkot. Para itong anino ng sarili niya noon. Nang magtama ang kanilang mga mata, biglang nagliwanag ang mukha ni Lexi at isang saglit lang, isang saglit ng pag-asa. Pero parang kandilang hinipan ng hangin, agad rin iyong naglaho. Nakita niya kung paano unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Evie na mula sa sorpresa patungo sa walang emosyon, isang maskara ng malamig na pag-iwas. Hindi na nakapagpigil si Lexi. Tumakbo siya palapit at niyakap nang mahigpit si Evie. “Evie…” humagulgol siya, yakap ang taong pinakamahal niya. “I’m so sorry… I didn’t want to leave you… I never wanted to hurt you…” Ramdam ni Evie ang panginginig ni Lexi sa kanyang mga bisig. Pilit niyang pinapatigas ang kanyang puso, pilit niyang nilalabanan ang damdamin. Pero nang marinig niya ang pabulong nitong pagsusumamo, parang isang matalim na kutsilyo ang tumusok sa kanyang puso. Pinikit niya ang kanyang mga mata. Hindi niya kayang makita si Lexi sa ganitong estado. Hindi niya kayang makita itong wasak dahil sa kanya. Kaya, sa halip na lumayo, marahan niyang hinawakan ang braso nito at hinila papasok sa kanyang opisina. Bago siya tuluyang pumasok, mabilis niyang sinilip ang paligid. Mabuti na lang at walang nakakita sa kanila. Pagkasara ng pinto, huminga nang malalim si Evie. Pero bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita si Lexi. “Evie, please, magsalita ka naman…” halos hindi na niya maintindihan ang sariling salita dahil sa paghikbi. “Kahit ano… kahit galit ka… sabihin mo lang na ayaw mo na sa akin” Hindi na natapos ni Lexi ang sasabihin nang biglang bumigay ang mga tuhod niya. Mabilis siyang sinalo ni Evie, mahigpit siyang niyakap, hinayaan siyang humagulhol sa kanyang dibdib. “Lexi…” sa unang pagkakataon, narinig ni Lexi ang lambot sa boses ni Evie. Hindi galit, hindi panlalamig. kung hindi isang kirot na pareho nilang dinadala. Pero bago pa lumalim ang sandaling iyon, tumunog ang cellphone ni Evie. Isang mensahe mula kay Stella. "Evie, we found something. You need to see this. Now." Sabi Ng nasakabilang lenya. "Okay pupunta na Ako" Ngunit paano niya iiwan si Lexi… "I will leave for now we will talk later, Okay" tinignan nito nang puno ng pagmamahal at hinalikan nito sa noo, at Bago umalis "Be careful maraming mata si Michael ayaw Kong Makita nya Tayo na magkasama baka Anong Gawin nya" at hinalikan uli sa noo ai Lexi at tumango na lng ito sa pagsang ayon. Nang tuloyan ng nakaalis si Evie ay maingat at masayang lumabas si Lexi sa Opisina ni Evie, kahit na halik lng sa noo Ang nakungang sagot ay malaking sagot na iyon para sa kanya. Dahil sinasabi nitong mahal parin nito si Lexi. Sa wakas, hawak na ni Evie ang sagot kung paano pababagsakin si Michae. Gusto niyang unti-unting maramdaman ni Michael ang matinding takot at kawalan ng kontrol, tulad ng ginawa nito kay Lexi. Habang nakaupo siya sa kanyang opisina, binuksan niya ang laptop at tumawag kay Stella. “Nakuha mo na ba ang mga papeles?” tanong niya. “Yeah, Evie. At sigurado akong magugustuhan mo ‘to. Ilang transaksyon ng Harrington Group ang hindi tumutugma sa kanilang tax records. Isang maliit na butas lang, pero kapag nahalukay, magdudulot ng malaking gulo.” Napangiti si Evie. “Perfect. Umpisahan na natin.” Michael POV Si Michael ay nakaupo sa kanyang opisina, hindi mapakali. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa kanyang mga tauhan. “Boss, may problema tayo. May lumabas na anonymous report tungkol sa kumpanya natin Ang sabing accounting fraud, illegal shipments, money laundering. Hindi pa alam kung sino ang naglabas ng impormasyon, pero kumakalat na ito sa media.” Nanigas ang panga ni Michael. “Alamin niyo agad kung sino ang may pakana nito.” Ngunit sa kaloob-looban niya, may kutob na siyang may kinalaman dito si Evie. At kung siya nga, alam niyang hindi pa ito nagtatapos. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD