Lexi POV
Pagkatapos ng matagumpay na operasyon, mabilis na tinungo ni Evie ang records department ng ospital upang suriin ang status ng kanyang pasyente. Sa bawat hakbang niya, ramdam pa rin niya ang pagod, pero mas matimbang ang bigat na dala ng puso niya.
Pagdating niya roon, hindi niya inaasahan ang isa pang pagsubok, dumating din si Lexi.
Tahimik. Walang gustong maunang magsalita.
Nakatayo silang dalawa sa magkabilang dulo ng mesa, parehong abala sa pagbubuklat ng mga file. Subalit kahit abala, ramdam nila ang presensya ng isa’t isa, ang dating komportableng katahimikan ay napalitan ng tensyon at pangungulila. Si Evie, pilit na itinuon ang atensyon sa mga papel sa harapan niya, kahit na alam niyang naroroon si Lexi. Ayaw niyang sumulyap, ayaw niyang ipakita kung gaano siya naapektuhan.
Si Lexi naman, paulit-ulit na sumusulyap kay Evie, umaasang kahit isang beses lang ay magtama ang kanilang mga mata. Pero walang nangyari. Ni isang tingin, hindi siya binigyan ni Evie.
Sa loob-loob ni Lexi, alam niyang deserved niya ito. Alam niyang masyado niyang sinaktan si Evie, at ito na ang kapalitang pagiging estranghero sa taong minsang nagmahal sa kanya nang buo.
Nang matapos si Lexi sa kanyang ginagawa, dahan-dahan siyang umalis. Sa huling pagkakataon, lumingon siya pabalik kay Evie.
Pero ni isang sulyap, hindi niya nakuha. Napabuntong-hininga si Lexi. Ramdam niya ang kirot sa kanyang puso, pero hindi niya masisisi si Evie.
Habang naglalakad palayo, alam niyang wala siyang ibang magagawa kundi tanggapin ang sakit.
Dahil sa pagkakataong ito, si Evie naman ang bumitaw.
Pagkalabas ni Lexi sa records department, pakiramdam niya ay may kung anong mabigat na bumagsak sa dibdib niya. Ilang hakbang pa lang siya palayo, pero ramdam niya ang pangungulila ito'y masakit at malamig na pagtrato ni Evie.
Nang makalayo siya nang kaunti, agad siyang tumakbo patungo sa rooftop ng ospital, isang lugar kung saan siya madalas magpunta kapag hindi niya na kaya ang bigat sa loob niya. Doon, hinayaan niyang bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan.
“Evie…” mahina niyang bulong, habang nanginginig ang kanyang kamay sa mahigpit na pagkakahawak sa railings. “I’m sorry… I’m so sorry…”
Gusto niyang bumalik sa nakaraan, gusto niyang baguhin ang mga desisyon niya. Pero paano? Paano kung wala nang natira kahit konting puwang sa puso ni Evie para sa kanya?
Samantala, sa loob ng ospital..
Nanatiling nakaupo si Evie sa records department, hawak ang isang folder na hindi naman niya talaga binabasa. Matagal siyang nanatili roon, hindi gumagalaw, hindi nagsasalita, pilit pinipigilan ang damdaming bumabalot sa kanya.
Nang wala nang ibang tao sa paligid, mahina siyang napapikit.
Akala ni Lexi, wala siyang nararamdaman. Akala ni Lexi, hindi siya nasasaktan.
Pero sa bawat pagpigil niyang hindi tumingin, sa bawat pagpigil niyang hindi lapitan ito ay mas lalong sumisikip ang dibdib niya. Dahan-dahang bumagsak ang isang luha mula sa kanyang mata.
Evie POV
“Bakit pa ako bumalik.?” mahina niyang bulong sa sarili. Gusto niyang umiyak nang malakas, gusto niyang isigaw ang sakit na matagal niyang itinago. Pero hindi siya puwedeng bumigay. Hindi siya puwedeng lumingon.
Dahil kung gagawin niya iyon, baka hindi na niya kayang bumitaw muli.
At iyon ang pinakaayaw niyang mangyari.
Dahil alam niyang sa huli… kahit anong pilit niyang itago ang sugat…
Siya pa rin ang talo.
Paglabas ni Evie sa ospital, bumungad sa kanya ang isang tanawing bumalikwas sa kanyang puso, si Lexi… at si Michael.
Magkasama.
Magkahawak-kamay.
At sa mga mata ni Lexi, kahit hindi siya tumingin nang diretso kay Evie, may isang saglit, isang iglap ay nagtama ang kanilang paningin. At doon, nakita ni Evie ang isang bagay na mas lalong nagpabigat sa kanyang loob.
Sakit.
Hindi lang siya ang nasasaktan. Pero bago pa siya makagalaw, bago pa niya maisip kung lalapitan ba niya ito o lalayo, nakita niyang mahigpit na hinawakan ni Michael ang braso ni Lexi.
Parang isang paslit na hinila palayo. Parang pagmamay-ari na wala nang karapatang agawin pa. “Lexi…” mahina niyang usal, hindi niya napansin na unti-unti na siyang lumalapit.
At doon, nakita niyang gusto sanang lumapit ni Lexi, pero pinigilan ito ni Michael, isang galaw na parang nagsasabing hindi ka na niya pag-aari.
Kitang-kita iyon ni Evie. At napa isip si Evie na baka may ginawa ito para hiwalayan ito. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nagmadali siyang kumilos.
Hinabol niya ito. “LEXI!” sigaw niya, habang mabilis niyang tinakbo ang kalsadang papalayo kay Lexi. Pero huli na siya. Bago pa siya makalapit, ipinasok na ni Michael si Lexi sa sasakyan nito at agad na pinasibad ang sasakyan palayo.
At sa huling saglit na nakita niya ito, nagawa pa siyang lingunin ni Lexi mula sa bintana.
Nagtagpo ulit ang kanilang mga mata. At doon niya nakita… Ang luhang pilit na pinipigilan ni Lexi. Ang sakit na pareho nilang pinapasan. Pero sa kabila ng lahat, nasasaktan Siyang Makita na lumuluha si Lexi.
Hahabulin pa sana Niya ito pero nag isip ito kung ano Ang gagawin pero kaylangan Muna niyang alamin kung bakit nakipaghiwalay sakanya si Lexi.
kahit anong habol ang gawin niya…
Hindi niya ito aabutan. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may liwanag na sumilay sa madilim na mundo ni Evie.
Si Kris. Matapos ang ilang linggong pagbakasyon sa kanila at bumalik ito mula sa Mexico, dala ang isang katotohanang babago sa lahat.
Pagpasok pa lang ni Kris sa bahay ni Evie, nakita na nito kung gaano ito naapektuhan. Walang ganang kumain, laging tulala, at kahit anong pilit ni Stella na pasayahin ito, hindi niya magawang itago ang lungkot. Dahil Wala sa Tabi Niya si Lexi.
“Evie…” Mahinang tawag ni Kris habang dahan-dahan siyang lumapit. Hindi ito lumingon. Nakaupo lang ito sa gilid ng sofa, hawak ang isang baso ng alak, habang nakatingin sa kawalan.
“Kailangan mong marinig ‘to.”
Tahimik.
Alam ni Kris na kailangan niyang sabihin ito nang diretso.
“Pinagbantaan ni Michael si Lexi.” Doon, nakita niyang bahagyang gumalaw si Evie.
“Kung hindi siya makikipaghiwalay sa’yo…” patuloy ni Kris, “…papatayin niya Ang pamilya nito pati ikaw.”
Sa wakas, lumingon si Evie. Pero hindi ito nagulat. Parang matagal na niyang pinaghihinalaan, pero hindi lang niya kayang paniwalaan. “Kaya siya bumalik kay Michael.” paliwanag ni Kris "binalikan ka Niya sa Paris pero huli na Ang lahat, umalis ka at hndi alam kung saan ka pumunta" pagpatuloy ni Kris.
Tuloy-tuloy ang paliwanag ni Kris. “Kaya siya lumayo. Para protektahan ka. Kasi mahal ka niya, Evie.” At sa unang pagkakataon, nabasag ang pader na matagal nang itinatayo ni Evie.
Mabilis niyang nilapag ang hawak niyang baso, tumayo, at napahawak sa noo niya.
“Bakit hndi mo sa akin sinabi Lexi…” bulong niya, at doon na pumatak ang kanyang luha. Sa lahat ng inakala niyang dahilan, ito ang pinakamasakit. At na realize Niya na si Lexi Ang pinaka nasaktan sa kanilang dalawa, para protectahan Siya sa pag-aakalang Hindi Siya nito mahal.
Iniwan siya ni Lexi… hindi dahil hindi na siya mahal. Iniwan siya nito para iligtas siya.
At mas lalong sumikip ang dibdib ni Evie sa katotohanang, sa kabila ng lahat, si Lexi ngayon ay nasa tabi ng lalaking banta sa buhay niya. Hindi siya sigurado kung anong mas masakit ang mawala si Lexi, o ang malaman niyang pinilit lang siya nitong iwan para sa kaligtasan niya.
Pero sa gitna ng sakit, sa gitna ng lungkot, isang bagay lang ang pumasok sa isip ni Evie.
Si Michael.
At doon, sa unang pagkakataon, bumangon sa puso niya ang isang matinding damdamin ang namumoong galit. Mabilis niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata at humarap kay Kris. “Hindi ko na hahayaang kontrolin niya ang buhay namin.”
Nagkatinginan sila ni Kris. At sa isang saglit, naintindihan nila ang dapat nilang gawin. “Anong plano natin?” tanong ni Kris, puno ng determinasyon. Tahimik lang si Evie sa loob ng ilang segundo. Hanggang sa unti-unti siyang ngumiti—hindi ng saya, kundi ng isang matibay na pagpapasya.
“Lalaban tayo.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Evie habang nakatingin sa malawak na lungsod mula sa bintana ng kanyang apartment. Ang mga ilaw ng New York ay kumikislap, ngunit sa kabila ng liwanag nito, ramdam niya ang bigat ng dilim sa kanyang puso. “Evie, sigurado ka ba dito?” tanong ni Stella na nakaupo sa sofa, habang si Kris naman ay tahimik na nakasandal sa dingding. “Hindi lang ako sigurado,” malamig na tugon ni Evie, “kailangan ko itong gawin.”
Dahan-dahang lumapit si Kris, inilabas ang isang sobre mula sa kanyang coat at iniabot ito kay Evie. “Nagawa ko nang mag-imbestiga. May hawak akong impormasyon tungkol sa mga negosyo ni Michael, pati na rin ang mga pruweba ng ilegal niyang gawain.” Kinuha ni Evie ang sobre at binuksan ito. Isa-isang pinag-aralan ang mga dokumento, mga litrato, at iba pang ebidensyang maaaring magpabagsak kay Michael. “Magagamit natin ‘to,” sabi niya habang nilapag ang mga papel sa lamesa. “Pero hindi lang ito sapat. Kailangan natin siyang sirain… hindi lang sa negosyo niya, kundi pati sa buhay niya.”
Nagkatinginan sina Kris at Stella. Alam nilang hindi ito basta paghihiganti lang—ito ay isang digmaan. “Ano ang plano?” tanong ni Stella, seryoso ang tingin. Malamig ang mga mata ni Evie nang sumagot siya. “Ibabalik ko sa kanya ang lahat ng sakit na ibinigay niya sa amin.”
Samantala, sa isang marangyang penthouse…
Hawak ni Michael ang isang baso ng alak habang nakatingin sa malaking bintana ng kanyang opisina. Sa kanyang tabi, nakaupo si Lexi at tahimik, malungkot, at halatang wala sa sarili. “Kailangan mong sanayin ang sarili mo, baby,” malamig na sabi ni Michael habang hinahaplos ang kamay ni Lexi. “Akin ka lng kaya wag Kang magkakamali kung ayaw mung mawala Ang lahat lahat sayo.”
Hindi sumagot si Lexi. Pero sa loob niya, nagsisigaw ang kanyang puso. Mahal niya pa rin si Evie. At bawat gabing kasama niya si Michael ay parang isang bangungot na hindi niya matakasan. Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit iniisip na sana… sana, isang araw, makalaya siya.
Pero hindi niya alam… Dumating na ang araw na iyon. At magsisimula na ang pagbagsak ni Michael.
To be continued...