Pagkababa ng eroplano sa Paris, hindi na nag-aksaya ng oras si Lexi. Agad siyang pumunta sa private house ni Evie, umaasang madadatnan pa niya ito. Pero sa kanyang pagdating, napansin niyang tahimik ang paligid wala na ang dati nitong sigla. Sa loob ng bahay, sinalubong siya ni Kris. Naka-cross arms ito, halatang hindi natuwa sa kanyang pagbabalik.
"Bakit ka nandito, Lexi?" malamig na tanong ni Kris. "Nasaan si Evie?" nag-aalalang sagot ni Lexi. Hindi agad sumagot si Kris. Umiling ito bago naglakad papalapit sa isang lamesa kung saan may nakapatong na sobre. "Huli ka na," mahinang sabi ni Kris habang iniaabot ang isang sulat. "Umalis na siya, hindi namin alam kung saan siya pumunta. At sa tingin ko, hindi niya rin gustong malaman mo." Nanginig ang kamay ni Lexi habang kinukuha ang sobre. Binuksan niya ito at nag-umpisang basahin ang sulat ni Evie.
To: Lexi
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong magalit? Malungkot? O matuwa na kahit papaano, bumalik ka pa rin? Pero alam kong huli na ang lahat.
Nagmahal ako ng sobra, at sa isang iglap, nawala ka. Hindi ako mahina, Lexi, pero sa pagkakataong ito, bumagsak ako. At hindi ko kayang manatili sa lugar kung saan lahat ng alaala natin ay parang multong hindi ako tatantanan.
Kaya aalis ako. Huwag mo akong hanapin. Siguro, hndi Muna ngayon pero sa ibang pagkakataon… baka kaya pa natin. Pero sa ngayon, ito muna ang tamang desisyon para sa akin."
Napaluha si Lexi habang pinipigilan ang sarili na humikbi. Hindi siya makapaniwala. Wala na si Evie. "Saan siya pumunta, Kris? Sabihin mo sa akin!" halos pasigaw niyang tanong.
Umiling si Kris. "Kahit gusto ko, hindi ko alam. Umalis siya Kasama ni Stella na walang sinabihan kahit sino. Ang iniwan nila lang ay ‘yang sulat." Nanginginig si Lexi sa sakit. Hindi niya akalaing ganito kabilis mawawala si Evie sa buhay niya. "Mahal ko siya, Kris…" humihikbing sabi ni Lexi. "Alam ko," sagot ni Kris. "Pero minsan, hindi lang pagmamahal ang sagot sa lahat. May mga sugat na hindi agad naghihilom. At ikaw ang nag-iwan ng pinakamalalim na sugat kay Evie, Hndi ko alam Anong dahilan bakit mo iyun nagawa sa kanya."
Wala nang nagawa si Lexi kundi umupo sa sahig, pilit hinahabol ang kanyang hininga habang bumabaha ng luha ang kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito, hindi niya alam kung paano pa babawiin ang lahat.
Sa kabila ng pag-alis ni Evie, hindi niya ito ginawang mag-isa. Kasama niya si Stella, ang matalik niyang kaibigan at kanang-kamay. Alam ni Stella kung gaano kasakit ang pinagdaanan ni Evie at hindi niya ito hahayaang magdusa nang mag-isa. Habang nasa eroplano patungo sa isang safe place nit sa Japan, tahimik lang si Evie habang nakatanaw sa bintana. Hindi niya alam kung kailan siya babalik. Ang tanging sigurado siya ay kailangan niyang lumayo upang buuin muli ang sarili niya.
"Okay ka lang ba?" basag ni Stella sa katahimikan. "Hindi ko alam," mahinang tugon ni Evie. "Ang alam ko lang, hindi ko kayang manatili doon… hindi ko kayang makita siya."
"Kaya mo ‘to, Evie," sagot ni Stella. "At kahit saan ka mapunta, hindi kita iiwan."
Napalunok si Evie at bahagyang napangiti. Kahit papaano, gumaan ang loob niya dahil alam niyang hindi siya mag-isa sa laban na ito. Samantala, sa New York... Kasabay ng pagbabalik ni Lexi sa New York, bumalik rin si Kris. Pareho silang tahimik sa biyahe, pareho nilang ramdam ang lungkot ng pag-iwan kay Evie at Stella. Sa isang linggo nilang pamamalagi sa Paris, ramdam ni Kris ang sakit na pinagdadaanan ni Lexi. Nakita niya kung paano ito napuyat sa kaiisip, kung paano ito palaging nakatingin sa telepono na parang naghihintay ng mensahe na alam niyang hindi darating. Pagdating sa New York, nagpaalam na si Kris kay Lexi. Ngunit bago siya umalis, may inabot siyang isang sobre rito.
"Ano 'to?" tanong ni Lexi.
Bahagyang ngumiti si Kris." Sulat ni Stella para sayo."
"Isang pangako. Hindi pa ito ang katapusan, Lexi. Sa tamang panahon, babalik siya. Pero sa ngayon, sasamahan ko muna si Evie. Hindi pa siya handa, pero kapag dumating ang araw na iyon… siguro, may pagkakataon pa kayo." Tumango si Lexi, kahit alam niyang sa ngayon, wala siyang ibang magagawa kundi ang maghintay.
Nang mag-isa.
"Bago Ang lahat pwede bang magtanong?" Si Lexi na mismo Ang nagsimula dahil alam na Niya Ang Tanong na gustong Malaman ni Kris.
"Pinagbantaan Ako ni Michael na papatayin nito Ang pamilya ko at lalong Lalo na si Evie kahit na masakit pero huli na Ang lahat, Kris!" humagogol si Lexi at inakap ni Kris at pinatahan nito.
"Bakit hndi mo iyun sinabi" at hinagod hagod Ang likod ni Lexi. "Alam mo naman kung ano Ang kaya niyang Gawin, Nakita mo naman Ang ginawa nya Kay Evie. Yun ay warning niya sa akin kaya natakot Ako pero, hndi ko matiis na kaya bumalik Ako Dito. Pero huli na Ang lahat, Kris" at maslalong umiiyak. Naawa namn si Kris pero Wala siyang magawa at inakap na lng ito. "I know her she loves you give her time to think, Okay." pagkokombensi nito Kay Lexi.
Sa pagkakataon, may liwanag siyang nakita sa kanyang puso, isang pag-asa na, sa tamang panahon, magkikita silang muli ni Evie.
Pagkalipas ng ilang buwan, nanatiling tahimik ang mundo ni Lexi. Bumalik siya sa kanyang dating buhay sa New York, ngunit hindi niya maitatangging may malaking parte ng kanyang puso ang nawala. Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis si Evie sa kanyang isipan.
Samantala, si Evie ay patuloy na bumuo ng sarili niya. Kasama si Stella at Kris, naglakbay sila sa iba't ibang lugar upang lumayo sa nakaraan at maghanap ng bagong simula. Ngunit kahit anong gawin ni Evie, hindi niya kayang burahin ang sakit na iniwan ni Lexi sa kanya. “Bakit hindi mo subukang mag-move on?” tanong ni Stella isang gabi habang nasa rooftop ng isang hotel sa Greece. Napangiti si Evie, pero halata sa mata niya ang lungkot. “Hindi ganun kadali, Stella. Hindi mo basta-basta makakalimutan ang taong minahal mo.”
“Pero Evie, hindi ka rin pwedeng habambuhay na mabuhay sa sakit.”
Bago pa makasagot si Evie, sumingit si Kris. “Tama si Stella. Hindi namin sinasabing kalimutan mo siya. Pero gusto ka naming makitang masaya ulit.” Napatingin si Evie sa malayo. Gustuhin man niyang maging masaya ulit, hindi pa siya handa.
Minsan, hindi mapigilan ni Lexi ang dumaan sa mga lugar na nagpapaalala kay Evie, ang café na madalas nilang puntahan, ang parke kung saan sila unang nag-date, at ang paboritong lugar ni Evie kung saan ito laging nagpapahangin kapag may iniisip.
Isang gabi, nagdesisyon siyang bumisita sa rooftop ng isang mataas na gusali sa New York, isang lugar kung saan madalas siyang dalhin ni Evie.
Habang nakatingin siya sa mga ilaw ng lungsod, may tumawag sa kanyang telepono.
Jacob- "Lexi, may dapat kang malaman..."
Lexi- "Ano ‘yon?"
Jacob-"Si Evie... Babalik na siya." Natigilan si Lexi. “Saan? Kailan?”
“Sa Dito sa New York. Pero hindi ko alam kung gusto ka pa niyang makita.”
Muling bumigat ang pakiramdam ni Lexi. Alam niyang may nagbago na. Pero handa ba siyang harapin ulit ang babaeng minahal niya?
Lumapag ang eroplano ni Evie kasama sina Stella at Kris. Matagal siyang nawala, at hindi niya alam kung anong babalikan niya rito. Habang naglalakad sa airport, nakatanggap siya ng isang mensahe mula kay Jacob.
Jacob- "May naghihintay sa'yo." Napakunot-noo si Evie. Hindi niya alam kung sino, pero hindi niya rin maiwasang mapaisip... Si Lexi kaya?
Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, bumalik na si Evie sa New York para simulan ang bagong yugto ng kanyang buhay. Ngayon, siya ay maguumpisa nang magtatrabaho bilang isang doktor sa kanyang ospital sa lungsod, isang pangarap na matagal na niyang pinaghirapan.
Ngunit hindi niya inasahang may isang bagay or isang tao ang magpapahirap sa kanyang pagbabalik.
Sa Ospital...
Maagang dumating si Evie sa kanyang unang araw ng trabaho. Nakasuot siya ng kanyang white coat, hawak ang clipboard, at handa nang harapin ang bagong simula.
Habang naglalakad siya sa hallway, biglang may dumaan sa kanyang tabi, isang pamilyar na presensya na nagpatigil sa kanya. Napatigil si Evie. Napalingon siya.
Si Lexi.
Ang babaeng pilit niyang kinalimutan pero hindi niya magawa. Pero may isang bagay ang agad niyang napansin, Si Lexi na nasa harapan niya ngayon ay hindi na ang parehong Lexi na iniwan niya noon. Nangayayat ito, halatang kulang sa tulog, at ang ningning sa mata nito ay parang nawala. “Lexi...” mahina niyang tawag.
Napahinto rin si Lexi, unti-unting lumingon, at nang magtama ang kanilang mga mata, hindi niya napigilan ang mapaluha. “Evie...” bulong nito, puno ng emosyon. Sa dami ng gustong sabihin ni Evie, wala siyang lumabas na salita. Sa halip, isang tanong lang ang nagawa niyang itanong.
“Anong nangyari sa’yo?” Napangiti si Lexi, pero halata ang sakit sa kanyang mga mata. “Wala. Ganito lang talaga siguro kapag iniwan ka ng taong mahal mo. karma is real!" pero may pait at sakit na naramdaman na pagkasabi niyang iyon. Ramdam ni Evie ang bigat ng sinabi ni Lexi. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit ganito ito ngayon. “Lexi, hindi ko ginusto na iwan ka, but you force me...” bumaba ang boses niya, puno ng pagsisisi.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. Alam nilang pareho silang nasaktan, parehong nahirapan, at parehong hindi pa rin nakaka-move on. Bago pa magsalita si Lexi, may tumawag kay Evie. Isang emergency sa ospital. Bago ito umalis Evie at malungkot na ngumiti. “Welcome back, Doc Evie.” At pagkatapos ay naglakad na ito palayo, iniwan si Lexi na tulala at may bigat sa puso. Hindi niya akalaing sa muling pagkikita nila, mas lalo siyang masasaktan.
Dahil kahit gaano pa niya gustong ayusin ang lahat... baka huli na ang lahat.