Chapter #22. Isang Mapait na Desisyon

1634 Words
Malamig ang simoy ng hangin nang gabing iyon. Nakaupo si Lexi sa gilid ng kama ni Evie, pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng kasintahan. Mahina ang tunog ng heart monitor, tila nagpapaalala sa kanya na ligtas si Evie sa ngayon. Ngunit sa loob niya, parang pinipiga ang kanyang puso. Hawak niya ang cellphone kung saan nakasulat ang mensaheng nagbabanta sa buhay ng kanyang pamilya at kay Evie. “If you don’t meet me now, I will kill your family... and most especially, your girlfriend.” Nanginginig ang kanyang kamay habang paulit-ulit niya itong binabasa. Alam niyang seryoso si Michael. Hindi ito basta pananakot lang. Huminga siya nang malalim, pilit na pinipigilan ang luha. "I’m sorry, Evie..." bulong niya bago dahan-dahang hinawakan ang kamay nito.Hindi niya kayang mawala ang mga mahal niya sa buhay. Kung kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan, gagawin niya. -Kinabukasan- Nagising si Evie sa mahina at hindi mapakaling kilos ni Lexi. Agad niyang napansin ang lungkot sa mga mata nito. "Hey, what’s wrong?" tanong niya, pilit bumabangon kahit masakit pa ang sugat niya. Umiling si Lexi at tumingin sa malayo, hindi kayang salubungin ang mga mata ni Evie. "Evie..." Mahina ang kanyang boses, nanginginig. "Tapos na tayo." Napakurap si Evie. Parang isang suntok sa sikmura ang narinig niya. "What?" "Ayoko na. Hindi na kita mahal." Napatawa si Evie, hindi makapaniwala. "You’re joking, right?" Pero hindi tumawa si Lexi. Pilit nitong pinapanatiling matigas ang ekspresyon, kahit na ang puso niya ay parang dinudurog sa loob. "Totoo ang sinasabi ko. Hindi kita mahal. Nagkamali lang ako sa'yo." Nanlamig ang katawan ni Evie. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. "Lexi, what the hell are you saying?" Tumayo si Lexi, hindi tumingin kay Evie. "Mabuti pang kalimutan mo na lang ako." Bago pa siya mapigilan ni Evie, mabilis siyang lumabas ng kwarto. Naiwan si Evie, tulala, hindi alam kung paano tatanggapin ang sinabi ni Lexi. Pero isang bagay ang sigurado—may mali. At hinding-hindi niya hahayaang matapos sila ng ganito. Tuliro si Evie. Ilang minuto siyang nakatulala, pinoproseso ang sinabi ni Lexi. Hindi ito maaari. Alam niyang mahal siya nito, alam niyang hindi ito kayang magsinungaling sa kanya. May pumilit kay Lexi– Napakuyom siya ng kamao. Sa kabila ng sakit at panghihina mula sa sugat, pinilit niyang tumayo. Sakto namang pumasok si Stella at Kris, kapwa may bakas ng pag-aalala sa kanilang mukha. "Anong nangyari?" agad na tanong ni Stella. "Lexi just broke up with me." Mahinahon ang tono ni Evie, ngunit ramdam ng dalawa ang pag-aapoy sa likod ng kanyang mga mata. Nagkatinginan sina Stella at Kris. Alam nilang hindi ganito dapat matatapos ang lahat. "Michael," madiing sabi ni Kris. "Siya lang ang may kakayahang pilitin si Lexi na gawin ‘to." Napatingin si Evie sa kanya, ang panga’y mariing nakatiklop. "Hahabulin ko siya." "Evie, hindi ka pa gumagaling!" saway ni Stella. "Hindi ko siya hahayaang lumayo sa akin," sagot ni Evie, punong-puno ng determinasyon. "Kahit buhay pa ni Michael ang maging kapalit." Sa Tagpo ni Michael at Lexi Nasa isang mamahaling hotel si Lexi, nakaupo sa harap ni Michael. Wala siyang ibang magawa kundi pigilan ang sariling lumuha habang nakangisi sa kanya ang lalaking minsan niyang minahal—at kinatatakutan ngayon. "Good girl," sabi ni Michael habang humihigop ng alak. "Sinabi mo bang hindi mo na siya mahal?" Tumango si Lexi, pilit na pinipigilan ang pangangatog ng kanyang labi. "Good," aniya, inilapag ang kanyang baso at lumapit kay Lexi. "Dahil hindi na kita hahayaang makabalik sa kanya." Hinawakan niya ang baba ng dalaga, pilit itinaas ang mukha nito upang salubungin ang titig niya. "Ako lang ang dapat mong mahalin, Lexi." Nandidiri si Lexi, ngunit wala siyang nagawa. Hindi niya kayang ilagay sa peligro ang buhay ng pamilya niya—o ni Evie. Tahimik lang si Evie habang nakaupo sa balkonahe ng isang marangyang hotel sa Paris. Hawak niya ang isang baso ng alak, pero hindi niya ito iniinom. Malayo ang tingin niya sa lungsod na hindi na kasing ganda ng dati sa kanyang paningin. Naalala niya ang huling beses na nagkaharap sila ni Lexi. Ang mga mata nitong puno ng luha, ang nanginginig nitong labi habang binibitawan ang mga salitang pumunit sa puso niya. "Patawarin mo ako, Evie. Pero kailangan ko nang bumalik kay Michael." Sa una, hindi niya iyon maintindihan. Akala niya, napilitan lang si Lexi, pero nakita niya ang paraan ng paghawak nito sa kamay ni Michael. May bahid ng takot, oo. Pero may isa pang bagay na hindi niya kayang lunukin. Pagpapasakop. Hindi niya alam kung dahil ba sa takot si Lexi o dahil may natitira pang damdamin ito para sa lalaking muntik nang sumira sa kanya. Pero anuman iyon, isang bagay ang malinaw—umalis ito at iniwan siya. "Evie?" Napatingin siya kay Stella na lumapit sa kanya. Kasunod nito si Kris na may dalang isang bote ng whisky. "Alam mong hindi ka dapat magpakalunod sa lungkot," mahinang sabi ni Stella, umupo sa tabi niya. "Hindi mo kasalanan ang nangyari." Napangiti si Evie nang mapait. "Pero bakit ganito kasakit?" Walang sumagot. Maging sina Stella at Kris ay hindi alam ang tamang sasabihin. "Minahal ko siya, Stella," patuloy ni Evie, ramdam ang bigat sa kanyang dibdib. "At sa isang iglap, nawala siya sa akin. Bumalik siya kay Michael kahit alam niyang delikado iyon. Bakit? Dahil sa takot? O dahil gusto niya rin?" "Huwag mong hayaang lasunin ka ng tanong na hindi mo na masasagot," sagot ni Kris, ibinuhos ang alak sa baso ni Evie. "Nandito pa rin kami, Evie. Hindi mo kailangang danasin 'to nang mag-isa." Tumango si Evie, pero hindi niya maitatangging ang kirot ay nananatili sa puso niya. Sa New York Hawak ni Lexi ang telepono, titig na titig sa pangalan ni Evie sa kanyang contact list. Ilang beses na niyang gustong tawagan ito, pero hindi niya magawa. "Mahal mo pa rin siya, hindi ba?" Napalingon si Lexi kay Michael na nakatayo sa may bintana, hawak ang isang baso ng alak. Hindi siya sumagot. Napangisi si Michael at lumapit, inilagay ang kamay sa kanyang balikat. "Huwag ka nang mag-isip, baby. Wala ka nang babalikan." Napatigil si Lexi. Tama ba ang ginawa niya? Tama bang iniwan niya si Evie? Muli niyang pinisil ang cellphone sa kanyang kamay. Nais niyang humingi ng tawad, nais niyang sabihin kay Evie na wala siyang ibang pagpipilian. Pero paano kung hindi na siya nito tanggapin? Napalunok si Lexi, pilit na tinatago ang kirot sa kanyang puso. Para sa pamilya niya. Para sa kaligtasan ni Evie. Kailangan niyang manatili kay Michael. Kahit ang kapalit nito ay ang pagkawasak ng kanyang puso. Mabilis na lumipas ang mga araw, pero sa bawat sandali, parang may bumabagabag kay Lexi. Sa mata ng ibang tao, tila bumalik siya sa kanyang dating buhay—isang magandang babae sa piling ng isang makapangyarihang lalaki. Pero sa loob, siya ay isang bilanggo. Isang gabi, habang nakatayo siya sa veranda ng marangyang penthouse nila ni Michael, nagdadalawang-isip siyang i-dial ang numero ni Evie. Napatingin siya sa paligid—siguradong may mga tao si Michael na nagbabantay sa kanya. "Gabi na, anong iniisip mo?" Napapitlag siya nang marinig ang malamig na tinig ni Michael. Lumapit ito sa kanya, ang mga mata nitong malamlam ngunit puno ng kontrol. "Wala," mahinang sagot ni Lexi. Inilagay ni Michael ang kamay sa kanyang baywang, hinaplos iyon pababa sa kanyang likuran. "Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Mas ligtas ka sa tabi ko, hindi ba?" Hindi siya sumagot. Hindi iyon ang gusto niyang marinig. Sa Paris Sa isang exclusive underground club, tahimik lang si Evie habang umiinom sa kanyang VIP booth. Nakapaligid sa kanya sina Stella at Kris, pero alam nilang wala talaga siya sa sarili. "Evie, hanggang kailan ka magpapakaganyan?" tanong ni Stella, nag-aalalang tumitig sa kaibigan. "Oo, nasaktan ka, pero hindi pwedeng puro alak at away ang ginagawa mo." Ngumiti si Evie nang mapait. "Wala namang masama sa pagsasaya, hindi ba?" Biglang may lumapit na isang lalaki, mukhang isang mayamang negosyante na naghahanap ng kasama ngayong gabi. "Miss, gusto mo bang sumayaw?" Tumayo si Evie, hindi nagdalawang-isip. Pero bago pa siya makalayo, hinawakan ni Stella ang braso niya. "Hindi ka ganito, Evie." Tumigil siya, sandaling tinignan si Stella bago siya bumuntong-hininga. "Hindi ko alam kung ano na ako, Stella. Ang alam ko lang, hindi ko na siya kasama." Hindi na niya hinayaan pang pigilan siya ng kaibigan. Sumayaw siya sa gitna ng dance floor, hinayaan ang sarili na malunod sa musika, na parang kaya niyang takasan ang sakit kahit sandali lang. Pero kahit gaano pa siya magpakawala, kahit ilang baso pa ang inumin niya, hindi niya matakasan ang katotohanan—wala na si Lexi sa kanya. At mas lalong sumasakit iyon tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. Hindi na nakayanan ni Lexi. Sa kabila ng banta ni Michael, nagdesisyon siyang lumabas nang mag-isa. Sa isang maliit na coffee shop, tahimik siyang nakaupo habang hinihintay ang taong pinakiusapan niyang makipagkita sa kanya. Dumating si Jacob, ang best man ni Evie, at umupo sa kanyang harapan. Tinitigan siya nito ng matalim. "Alam mo bang muntik mo nang patayin si Evie sa ginawa mo?" malamig na bungad ni Jacob. "Hindi siya natamaan lang ng bala, Lexi. Naubusan siya ng dahilan para mabuhay." Napasinghap si Lexi. Hindi niya alam iyon. "Akala ko okay siya…" "Okay?" mapaklang ngiti ni Jacob. "Nasa Paris siya ngayon, nagpapakalunod sa alak at gulo. Kung hindi siya bantayan nina Stella at Kris, baka kung anong nangyari na sa kanya." Nanginig ang mga kamay ni Lexi. Mahal pa rin siya ni Evie. Mahal na mahal. At nasira niya ang lahat. "Ano ang gusto mong gawin, Lexi?" tanong ni Jacob. Napatingin siya dito, puno ng lungkot at takot ang kanyang mga mata. "Gusto kong bumalik kay Evie," sagot niya, pero agad siyang napapikit sa kaba. Dahil alam niyang hindi ganun kadali iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD