Pagkauwi nina Evie sa kanyang private house. Sa loob ng bahay, tahimik ang paligid. Isinara nila ang mga pinto at bintana, siniguradong walang sinuman ang makakapasok nang hindi nila nalalaman. Pagkapasok sa kwarto, napabuntong-hininga si Lexi at naupo sa kama. Ramdam niya ang kaba sa kanyang dibdib. Kahit na kasama niya si Evie, hindi niya maiwasang matakot.
“Hindi mo na kailangan mag-alala, Babe,” sabi ni Evie.
Lumapit si Evie kay Lexi at hinawakan ang kanyang kamay. “Babe, hindi ko hahayaang may mangyari sa atin. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa’yo.”
“Pero paano mo masisigurado ‘yan?” Mahinang bulong ni Lexi.
Ngumiti si Evie, pero kita sa mata niya ang determinasyon. “Dahil hindi ako kailanman magpapatalo.” Sa sandaling iyon, kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ni Lexi. Alam niyang hindi basta-basta si Evie. Ngunit kahit gaano kalakas ang tiwala niya rito, hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang puso. Habang pinag-uusapan nila ang susunod nilang gagawin, kinuha ni Evie ang cellphone niya at may tinawagan. Ilang sandali lang, sumagot ang nasa kabilang linya.
“Evie,” sabi ng lalaking boses, may halong pag-aalala.
“Jacob, kailangan ko ng tulong mo.”
“Ano’ng sitwasyon?” tanong ni Jacob. Sina nito Anong gagawin ni Jacob
“Gawin mo ang makakaya mo, Jacob,” sagot niya. “Hindi ako uurong.”
“Alam kong hindi,” sagot ni Jacob, at bago pa bumaba ang tawag, nagdagdag ito, “Mag-ingat ka, Evie.” Pagkababa ng tawag, tumingin si Evie kay Lexi.
Sa loob ng kwarto, nakayakap pa rin si Evie kay Lexi, hinahaplos ang likod nito upang pakalmahin ang kaba sa kanyang dibdib. Ramdam ni Evie ang bahagyang panginginig ni Lexi, kaya’t mas hinigpitan niya ang yakap dito.
"Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa'yo, Babe." bulong ni Evie.
Napatingin si Lexi sa kanya, ramdam niya ang init at katotohanan sa bawat salitang binitiwan ng dalaga. Ngunit kahit pa anong pilit niyang pakalmahin ang sarili, hindi niya maiwasang mag-alala.
"Alam kong kaya mong protektahan ang sarili mo, Evie, pero paano kung may mas malakas pa sa'yo? Paano kung hindi lang basta-basta ang kalaban natin?" may halong takot at pag-aalinlangan sa boses ni Lexi. "Hindi lang ako ang laban dito, Lex. Hindi mo kailangang matakot dahil hindi kita pababayaan." Saad ni Evie. "Matulog kana para magkapagpahinga ka" sabay halik sa noo at Maya maya nakatulog na si Lexi habang akap akap si Evie.
-kaumagahan-
Naalimpungatan si Lexi nang maramdaman ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana. Napabalikwas siya ng bangon at napansin niyang wala si Evie sa tabi niya.
Napatingin siya sa orasan alas-otso na ng umaga.
Agad siyang bumaba at nakita niyang nasa kusina si Evie, Kris at Stella, abala sa paggawa ng agahan. habang pababa si Lexi ay Nakita Siya ni Evie at napagat labi ito, dahil sa maiksi na da short at fit na t-shirt na makikita mo Ang hubog Ng magandang katawan nito. "Good morning, Babe." bati ni Evie nang mapansin siyang pababa sa hagdan. "Good morning, Babe" sagot ni Lexi, bahagyang nakangiti.
Hinila siya ni Evie palapit at pinaupo sa harap ng mesa. "Kumain ka na, may pupuntahan tayo mamaya."
"Saan naman?" Tanong ni Lexi. "malalaman mo mamaya" kaya Kumain na Muna Tayo.
Matapos nilang kumain, mabilis silang naghanda para sa pagpunta kay Jacob. Sumakay sila sa kotse ni Evie, at habang bumabagtas sa daan, hindi mapigilan ni Lexi ang kaba sa kanyang dibdib.
"Lexi, relax lang. Hindi tayo papunta sa giyera," natatawang sabi ni Stella nang mapansin ang tensyon sa mukha ng dalaga.
"Para kasing may mangyayaring masama," bulong ni Lexi. Tiningnan siya ni Evie at hinawakan ang kanyang kamay. "Basta ako, nasa tabi mo lang." Hindi na nagsalita si Lexi. Mas pinili niyang damhin ang init ng kamay ni Evie at huminga nang malalim.
Ilang minuto pa ang lumipas at narating nila ang isang malaking compound, isang pribadong lugar kung saan nakatira si Jacob. Pagbaba nila ng sasakyan, isang lalaking nasa late twenties ang sumalubong sa kanila.
Matangkad ito, may matalim na mga mata, at suot ang isang dark blue na fitted long-sleeve shirt na lalong nagpatingkad sa kanyang presensya. "Evie, it's been a while," bati ni Jacob na may bahagyang ngiti sa labi. "Yeah, it's been a while," sagot ni Evie, saka bumaling kay Lexi. "Jacob, this is Lexi." Tiningnan ni Jacob si Lexi mula ulo hanggang paa, saka tumango. "So, siya pala." Napakunot ang noo ni Lexi. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Nothing, I just heard a lot about you."
Nagkatinginan sina Evie at Lexi. Alam nilang hindi basta simpleng usapan lang ang pinuntahan nila rito.
"Pumasok muna tayo," anyaya ni Jacob.
Habang naglalakad papasok sa loob ng bahay, isang bagay ang gumugulo sa isipan ni Lexi, ano kaya ang alam ni Jacob na hindi niya pa alam tungkol sa sitwasyon nila kay Michael? At higit sa lahat, gaano kalalim ang koneksyon ni Evie sa mundong ito?
Pagpasok nila sa bahay ni Jacob, agad nilang napansin ang kakaibang aura ng lugar. Moderno ang disenyo, pero halata ang mataas na seguridad—may mga naka-install na CCTV cameras sa bawat sulok, at may mga lalaking naka-black suit na tahimik pero alertong nagbabantay.
Tumayo siya at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang madilim na kalangitan, pero hindi niya maiwasang maramdaman na may nagmamasid sa kanila.
"Evie, anong iniisip mo?" tanong ni Lexi habang lumalapit sa kanya. Tumingin siya sa kasintahan, ang kanyang mga mata puno ng determinasyon. "Kailangan nating lumabas sa lungga ni Michael. Hindi tayo pwedeng manatiling nakatago."
"Pero paano? Hindi natin alam kung anong plano niya." Bago pa man siya makasagot, isang kaluskos ang pumukaw sa kanilang pansin. Agad silang napalingon sa direksyon ng pinto.
Nagkatinginan sina Evie at Jacob. Pareho nilang alam na hindi iyon normal. Agad na kinuha ni Jacob ang kanyang baril at maingat na lumapit sa pinto. "Stay behind me," mahina niyang utos kay Lexi. Huminga nang malalim si Evie bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto. Sa una, wala siyang nakita. Pero nang mas tinitigan niya ang paligid, doon niya napansin ang isang anino na mabilis na gumalaw sa labas ng bahay.
"Someone's here," bulong ni Evie.
Hindi na sila nag-aksaya ng oras. Agad nilang nilibot ang paligid, ngunit bago pa man sila makalabas nang tuluyan, isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa hangin.
BANG!
Napasandal si Lexi sa pader, nanginginig habang mahigpit na hawak ang kamay ni Evie. "Evie! Anong nangyayari?!" Hinila siya ni Evie papasok sa isang sulok habang si Jacob naman ay mabilis na pumuwesto upang magbantay. "We're under attack," seryosong sabi ni Jacob habang mahigpit na hawak ang kanyang baril. Nagpalitan ng tingin sina Evie at Lexi. Ito na ang
Mabilis na nagdesisyon si Evie. "Jacob, we need to move." Tumango si Jacob at inutusan ang dalawa niyang tauhan na maghanda. Samantalang si Lexi naman ay pilit na nilalabanan ang takot na bumabalot sa kanya.
"Evie... paano kung hindi natin ito kayanin?" bulong niya, nanginginig ang tinig. Hinawakan ni Evie ang mukha niya at tinitigan siya sa mga mata. "Lex, hindi kita pababayaan. Lalaban tayo." At bago pa man sila makagalaw, isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong bahay, isang patunay na si Michael ay hindi titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya.
At sa gabing iyon, alam nilang hindi na sila maaaring umatras.
Sunod-sunod ang putok ng baril. Ang madilim na paligid ay mas lalong nagdulot ng tensyon habang patuloy na nagtatakbuhan ang mga tauhan ni Evie upang makahanap ng magandang posisyon sa laban.
Si Stella, ang matagal nang kanang kamay ni Evie, ay mabilis na nakapwesto sa likod ng isang nakaparadang sasakyan, hawak ang dalawang baril at handang lumaban. Samantala, si Kris, na kahit hindi bahagi ng organisasyon ni Evie ay marunong ding lumaban, ay nasa tabi niya, mahigpit na hawak ang isang patalim habang pinoprotektahan ang likuran nila.
"Evie, we need to move!" sigaw ni Jacob habang patuloy na nagpapaputok sa mga kalaban.
Ngunit sa gitna ng putukan, isang matalim na tunog ang umalingawngaw.
BANG!
Halos sabay-sabay silang napatingin kay Evie na unti-unting bumagsak. "BABE!" sigaw ni Lexi habang mabilis na lumapit dito.
Tinamaan siya sa kaliwang tagiliran. Kahit na sinusubukan niyang manatiling matibay, hindi niya maitatangging ramdam niya ang kirot ng tama ng bala. "I'm fine," mahinang sabi ni Evie, pero halata sa mukha niya ang sakit.
"Damn it, we need to get her out of here!" utos ni Stella, galit na galit. Alam niyang kahit gaano pa katapang si Evie, hindi siya pwedeng makipaglaban sa ganitong kondisyon.
At tamang-tama, dumating ang grupo ng mga tauhan ni Evie, mga lalaking naka-suit, armado ng matataas na kalibre ng baril. Mabilis nilang inabutan ang kanilang boss, pinoprotektahan ito habang pinapaalis sa lugar. Sa isang iglap, naitaboy nila ang mga tauhan ni Michael at nakalayo sa panganib.
Sa Ospital
Tahimik ang kwarto maliban sa mahinang tunog ng heart monitor na nakakabit kay Evie.
Mahigpit ang pagkakahawak ni Lexi sa kamay nito, habang si Stella at Jacob ay nakatayo malapit sa pinto, binabantayan ang paligid. Ang buong ospital ay tila naging isang fortress, punong-puno ng mga bantay na nakasuot ng itim na suit, nakatayo sa bawat sulok, handang lumaban anumang oras. "She’ll be fine," bulong ni Stella kay Lexi.
Pero hindi mapanatag ang loob ni Lexi. Hindi niya mapigilang sisihin ang sarili. "Dahil sa akin, nasaktan si Evie. Kung hindi ako ang target ni Michael, hindi ito mangyayari."
"No," sabi ni Jacob, nakatingin sa kanya. "Evie knew what she was getting into. At wala siyang pagsisisi. She will always protect you, no matter what." Hindi pa man siya nakakasagot, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Pagtingin niya sa screen, isang unknown number ang nag-text.
Unknown Number: "If you don’t meet me now, I will kill your family... and most especially, your girlfriend." Nanlaki ang mga mata ni Lexi. Halos mahulog ang cellphone niya mula sa kanyang kamay. Nanginginig siya habang binabasa ang mensahe. Tiningnan niya si Evie na mahimbing na natutulog, tila walang kamalay-malay sa banta na natanggap niya. Napakuyom ang kanyang kamao. Alam niyang wala na siyang ibang pagpipilian.
To be continued...