Chapter #20. Labanan

1632 Words
Maaliwalas ang gabi. Sa ilalim ng kumikislap na mga bituin, masaya sina Evie, Lexi, Stella, at Kris habang naglalakad palabas ng restaurant. Tawanan, kulitan, at kwentuhan ang namamagitan sa kanila na tila ba perpekto ang gabing ito. Ngunit sa kabila ng kasayahan, may nagmamasid. Sa hindi kalayuan, nakatayo ang ilang lalaking tahimik na nagmamanman. Ang ilan sa kanila ay may mga tattoo sa braso, habang ang iba ay mukhang sanay sa laban. Isa lang ang sigurado hindi sila naroon para makipagkaibigan. Alam ni Evie at Stella na sinusundan sila. Sa ilang segundo pa lang, napansin na nilang hindi natural ang kilos ng mga taong nasa paligid. Hindi lang iyon simpleng mga estranghero. Tahimik na siniko ni Evie si Stella. "Maging alerto ka?" Saad ni Evie Kay Stella. "Kanina pa," sagot ni Stella, walang kahit anong takot sa mukha. Hindi nila ipinahalata kina Lexi at Kris na may problema. Pinanatili nilang normal ang usapan, ngunit habang papalapit sila sa isang eskinita, agad nilang naisip na perpekto itong lugar para sa isang bitag. At hindi nga sila nagkamali. Sa isang iglap, may lumabas na mga anino mula sa dilim. Hindi lang isa, hindi lang dalawa kundi pito. Pinalibutan nila ang apat. Napatigil si Lexi, at napahawak Ng mahigpit Kay Evie. "Sino kayo" Si Kris naman ay mabilis na umaksyon, inilagay ang sarili sa harapan ni Lexi na para bang handang ring ipagtanggol ito. Isa sa mga lalaking may tattoo ang lumapit, may bahid ng pagmamayabang sa kanyang kilos. "Pasensya na, Miss Lexi, pero may gusto lang kaming kausapin sa’yo." Kahit kinakabahan, nagpakita ng tapang si Lexi. "Sino kayo?" Ulit ni tong Tanong sa mga lalaki. Napangisi ang lalaki. "Hindi mo na kailangang malaman. Pero kung gusto mong walang madamay, sumama ka na lang nang maayos." Bago pa man siya makalapit kay Lexi, agad nang humarang si Evie. Walang takot sa kanyang mga mata. "Subukan mong galawin siya, at sisiguraduhin kong hindi ka na makakalakad pabalik." Napahinto ang lalaki. "Matapang ka, ah." "Mas matapang pa ako kaysa sa iniisip mo," malamig na sagot ni Evie na Wala paring reaction na takot ito. Nagkatinginan ang mga lalaki, at sa isang iglap, mabilis nilang nilusob ang grupo. Pero hindi sila handa sa mangyayari. Bago pa man makagalaw ang unang lalaking umatake, naunahan na siya ni Evie. Isang mabilis na suntok sa kanyang panga ang nagpabagsak agad sa kanya. Si Stella naman, walang kahirap-hirap na iniwasan ang isa pang lalaking sumugod sa kanya. Sa isang mabilis na galaw, hinila niya ito gamit ang braso at tinuhod sa sikmura. Napaluhod ang kalaban, halos hindi makahinga. Si Kris, kahit mukhang hindi sanay sa ganitong laban, ay hindi nagpatalo. Isang suntok ang pinakawalan niya sa lalaking sumubok lumapit kay Lexi, dahilan para umatras ito habang hawak-hawak ang mukha. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi pa tapos ang laban. Isa sa mga lalaki ang biglang naglabas ng kutsilyo at mabilis na sumugod kay Evie. Ngunit bago pa man nito magamit ang kanyang armas, isang sipa mula kay Evie ang nagpatalsik sa kutsilyo mula sa kanyang kamay. Hindi nito inasahan ang bilis at lakas ng babae. "Akala ko ba matapang kayo?" asar na sabi ni Evie habang iniwasan ang isa pang suntok. "Tangina mo!" sigaw ng isa sa mga kalaban, ngunit bago pa man siya makalapit kay Evie, sinipa siya ni Stella sa likod ng tuhod, dahilan para bumagsak ito. Samantala, si Kris ay patuloy na nakikipaglaban, sinisikap na protektahan si Lexi. Kahit halatang kinakabahan, hindi siya umatras. Alam niyang hindi siya maaaring maging pabigat sa sitwasyon. Si Lexi, bagaman takot, ay hindi basta-basta nagpatalo sa kaba. Nakakita siya ng isang piraso ng kahoy sa gilid at mabilis na pinulot ito. Nang may isang lalaki na sinubukang dakmain siya, hinampas niya ito sa ulo. "Aray, gago ka!" sigaw ng lalaki, hawak-hawak ang kanyang ulo. Nakita ito ni Evie at napangiti. "Nice one, Babe." Sabay kindat ni Evie. Isa-isa, isa-isa, bumagsak ang mga kalaban. Hanggang sa ang natitira na lang ay ang lider nila, ang lalaking may tattoo na siyang unang lumapit kay Lexi. Bakas sa mukha nito ang gulat. Hindi niya inasahang ganito kahirap ang magiging laban. "Sabihin mo sa nagutos Sayo na wagmagkakamali ulit, dahil haha ulin ko Siya kahit Nasaan man ito tandaan mo," malamig na sabi ni Evie habang naglalakad palapit sa kanya, "kung gusto niyang lumaban, gawin niya nang harapan. Dahil kung hindi, sisiguraduhin kong hindi na siya makakalaban pa." Napalunok ang lalaki, sabay umatras. Alam niyang wala siyang laban dito. Tumakbo siya palayo, iniwan ang kanyang mga tauhan na nakahandusay sa kalsada.Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Evie at Stella, habang sina Kris at Lexi ay patuloy pang hinahabol ang kanilang hininga. "Wala na sila," sabi ni Stella, bahagyang napangiti. "Para silang mga daga na nagtakbuhan." "Yeah," sagot ni Evie, napabuntong-hininga. "Pero alam kong hindi pa ito tapos." Tumingin si Lexi sa kanya. "Ano'ng gagawin natin?" Napangiti si Evie, ngunit sa kabila ng ngiti ay may bahid ng tapang sa kanyang mga mata. Nagpatuloy ang gabi, ngunit hindi na ito tulad ng dati. Sa halip na masayang tawanan, napalitan ito ng bigat at tensyon. Habang naglalakad sila palayo sa pinangyarihan ng laban, tahimik si Lexi at Kris, tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Si Stella, bagaman kalmado pa rin, ay sinulyapan si Evie. “Alam mong kung sino Yun hndi ba?” napatango si Evie sa Tanong ni Stella. Napangiti si Evie, ngunit halata sa kanyang mga mata ang seryosong determinasyon. "Oo. Pero hindi rin tayo magpapatalo." Nang makarating sila sa sasakyan ni Kris, agad itong sumandal sa pinto at napabuntong-hininga. “Ano ba ‘yun? Para akong nasa action movie.” Ngumiti si Stella. “Ngayon mo lang ba nalaman?” sabay tawa ni Stella para gumaan Ang loob Ng dalawa. “Ganoon ba talaga kayo?” tanong ni Kris, nakatingin kay Evie at Stella na tila ngayon lang niya tunay na nakita kung sino sila. “we know how to defend ourselves so need namin mag train Minsan for self defence,” sagot ni Evie, hindi na nag-abalang magpaliwanag pa. Tahimik lang si Lexi. Hindi niya alam kung paano haharapin ang bagong realidad na ito. Simula nang makilala niya si Evie, unti-unti nang nagbago ang mundo niya. Dati, akala niya ay kontrolado niya ang lahat na walang sinuman ang maaaring magpabagsak sa kanya. Ngunit ngayon, kitang-kita niya kung paano nagpadala ng mga tauhan si Michael para kunin siya, at kung paano siya protektahan ni Evie, pero nangagamba parin ito na baka magpadala ito Ng masmagaling at mapapahamak si Evie. Ang tanong sa isip niya: Hanggang kailan ito magtatagal? "Babe are you okay?" tawag ni Evie, pansin ang tahimik nitong pagkilos. Napatingin siya kay Evie. "Yes I'm okay pero natatakot Ako, hndi ko alam kung bakit gusto nila akong isama, hndi ko naman Sila kilala?" Natataot na Sabi ni Lexi at inakap ito ni Evie. "Wag ka mag-alala poprotektahan kita." Saad ni Evie at hinalikan sa noo at napaakap si Lexi Kay Evie. Nagpalitan ng tingin sina Evie at Stella. Si Kris naman ay hindi nagsalita."hindi kita hahayaang makuha ni kung sino man Ng nagpadala sa mga lalaking yun." "Pero hindi mo ako responsibilidad." Ngumiti si Evie. “Pero girlfriend kita ayokong hayaang may may gustong manakit sa iyo, haharapin ko Sila at umalaban.” Napatingin lang si Lexi sa kanya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Sa loob ng mahabang panahon, siya ang laging lumalaban mag-isa. Pero ngayon, heto si Evie, nakatayo sa harapan niya, handang lumaban kahit hindi naman siya obligado. At sa isang bahagi ng puso ni Lexi, may kaunting init na bumalot sa kanya. Isang pakiramdam na matagal na niyang hindi nararanasan at ngayon hindi na siya nag-iisa. Makalipas ang isang oras, nakarating na sina Evie sa kanilang destinasyon. Bago bumaba ng sasakyan, tumunog ang cellphone ni Lexi. Nagkatinginan silang lahat. Walang pangalan ang tumatawag sa private number. Dahan-dahang sinagot ito ni Lexi. “Hello?” Isang malamig at pamilyar na boses ang sumalubong sa kanya. “Hindi ka na dapat nakikipaglaro, Lexi.” Nanlamig ang kanyang katawan. “Michael.” Nagkatinginan sina Evie, Stella, at Kris, halatang naghihintay kung ano ang sasabihin ng lalaki sa kabilang linya. “Akala mo ba matatapos ito nang ganito lang?” patuloy ni Michael, ang boses niya ay puno ng galit at pananakot. “Hindi mo ba naiisip na ang ginagawa mo ay mas nagpapahirap sa'yo?” "Mas mahirap kung susunod ako sa gusto mo," sagot ni Lexi, pilit na pinapakalma ang sarili. Napangisi si Michael. "Hindi mo alam kung anong pinasok mo, Lexi. Lalo na ‘yang mga kasama mo. Sa susunod, hindi lang ako magpapadala ng mga tauhan—ako mismo ang gagalaw." Mabilis na hinablot ni Evie ang cellphone mula kay Lexi at siya ang sumagot. “Pwes, subukan mo, Michael. Tignan natin kung sino ang unang bibigay.” Natahimik ang kabilang linya sa loob ng ilang segundo bago bumalik ang boses ni Michael. “Evie…” Humalakhak ito nang malamig. “Alam kong matapang ka, pero tandaan mo, may mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. Paano kung pati ang mga mahal mo sa buhay ay madamay?” Nanigas si Evie. Hindi niya gusto ang tono ni Michael. “Maging handa ka, Evie,” huling sabi ni Michael bago bumaba ang tawag. Nagkaroon ng mahabang katahimikan. Si Kris ay napakamot ng ulo. “Okay… hindi ‘yun maganda.” Sumandal si Lexi sa upuan, halatang kinilabutan sa sinabi ni Michael. Pero si Evie ay hindi siya natakot. Bagkus, mas lalo siyang nagalit. Binalik niya ang cellphone kay Lexi bago lumingon kay Stella. “Kailangan nating gumawa ng plano.” Ngumiti si Stella, halatang naiintindihan ang ibig sabihin ni Evie. “Alam mo na kung ano ang susunod?” Tumango si Evie. “Si Michael ang susunod na babagsak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD