“Guys please, samahan niyo na ako please, alam niyo naman na di ako papayagan ng mga tita ko pag di ko kayo kasamang umalis” pagmamakaawa niya sa mga kaibigan.
“Halalalala, bakit naman kasi manonood ka pa dun eh mapapanood mo naman siya sa TV db guys?” nag babonding silang apat sa bahay nila Cheska at kinukulit niya ang mga ito na samahan siya manood ng live Game sa MOA Arena. Ang problema niya hindi siya papayagan umalis ng mga tita niya na mag-isa lalo na at gagabihin siya pero kung kasama niya ang mga kaibigan niya, sigurado na siya na papayagan siya,
“Kasi nga gagraduate na tayo diba, at least man lang mapanood ko siya once in person kasi pag may trabaho na tayo for sure di na natin magagawa ‘to, I will pay for the tickets and all, I just need your presence, please” pagmaamakaawa pa rin niya.
“What do you think mga pips”? tanong ni Lily kina Cheska at Timmy. Halatang nag-iisip ang mga eto dahil alam niya na may kanya-kanyang lakad ang mga eto kasama ang kanya-kanyang mga boylets pag Sunday.
Finally, nag agree ang mga eto on one condition, she would need to treat them to their favourite coffee shop. Mapapalaban siya sa gastos but she has no choice. Pinag-ipunan pa naman din niya ng ilang buwan ang balak niyang eto so it is now or never. But to her dismay, her efforts were totally wasted.
Her reminiscing ended when they went out the shop. After that game, takang-taka ang mga kaibigan niya kung anong nangyari sa kanya at tila namatay ang pagiging fanatic niya. Kahit yung mga posters and pictures niya, biglang nawala sa loob ng kwarto niya. Hindi na rin nagtanong ang mga ito dahil nabalita sa TV na nag quit na sa basketball si Terrence. After that, she never bothered about the guy and she never cared actually. For her, that night when they went out to watch the live game, whatever feelings she had for Terrence definitely died or she thought so.
SHIT! napapamura siya sa sobrang inis. Kung kelan siya nagmamadali para makapasok sa office saka naman siya hindi makapagbook sa Grab. Tinatry nya ang iba pang app pero wala din. What the heck! Ang hirap pa ng network sa area na yun nila Cheska. Nasobrahan sila sa kwentuhan ng nagdaang gabi kaya inumaga na sila ng tulog at siya tinanghali ng gising samantalang ang mga kaibigan niya borlogs pa rin. Tinawagan siya ni Cass kaya nagising siya, pag ganitong magkikita sila ng mga kaibigan niya, madalas nag leleave siya kinabukasan dahil alam na niyang tatanghaliin siya ng tulog lalo na at kina Cheska sila nag oovernight. Pero this time, wala siyang choice kundi ang pumasok dahil nagpatawag ang boss nila ng Emergency Meeting sa office at kailangan lahat ng Head ay nandun na before 11am.
For crying out loud, hindi nga siya nakapagpalit ng blazer dahil wala na pala siyang blazer sa bahay nila Cheska, all of them have extra clothes sa mga bahay bahay ng bawat isa para sa mga ganitong lakad.
Buti na lang at may dumaan na taxi, kaya nakasakay na siya at salamat na rin at hindi na rush hour, hindi na sila masyadong naipit sa traffic. Saktong 11am ay nakarating siya sa opisina, medyo sumasakit pa ang mata niya sa sikat ng araw kaya naka shades siya at parang may hang over. Di pa man din siya nakapag make-up. Kaya ng makarating siya ng work station niya mabilis siyang nag freshen-up at nag lipstick dahil sobrang late na siya..
Sakto naman na paalis na siya saka dumaan si Cass, “O nandito ka na pala, let’s go sasabay na ako sayo paakyat” parang sobrang kinikilig ito habang nakatingin sa kanya. Di na rin niya ito maxadong pinansin dahil nagmamadali na siya.
Patakbo silang sumakay sa elevator kaya di na niya masyadong napansin pa ang sinasabi sa kanya ni Cass. Medyo na-oover stress na rin siya dahil alam niyang late na siya. Hindi siya sanay ma late sa mga meetings dahil ini-emphasize niya yun among her staff na e-observe ang work ethics sa work place katulad na lang sa hindi pagiging late sa mga ganito at personally, bilang isa sa pinakabatang executives, pinapakita niya ang kanyang pagiging propesyonal para maibsan ang mga pamumuna ng mga nakakatanda sa kanya.
Ng makarating ang elevator sa 15th floor kung saan naroon ang Board Room mabilis siyang lumabas at tinungo ang board room. Ng nakaharap na siya sa pintuan inayos niya muna at kinalma ang sarili. Pipihitin na sana niya ang seradura ng pinto ng bigla na lang yun bumukas mula sa loob. Sa sobrang pagkabigla ay nawalan siya ng balanse at sumudsod sa rug floor ng kwarto. Parang gusto niyang matunaw sa kahihiyan, sigurado siyang nakamasid sa kanya ang lahat ng nasa loob ng biglang may narinig siyang magsalita sa harap niya.
“Miss are you okay?” it was a deep soothing voice she never heard before but seems familiar. Kaya naman ng iangat niya ang ulo niya para tingnan kung sino ang nasa harap niya akala niya nanaginip na siya dahil ang lalaking nasa harap niya ay walang iba kundi si Terrence Miguel Corpuz.
He was staring at her, impatience was clearly written in his handsome face. She was still shocked when he heard his masculine voice, “Miss do you want to stay on the floor? Because you are wasting our time here” clearly he was annoyed. At dun tila nawala siya sa isang binding spell, her face was beet red when she managed to stand-up and smoothen her clothes before she proceeded to her seat and composed herself.
Terrence on the other hand exited from the door and came back after a few minutes. He looked like he was in a bad mood the entire meeting based on the expression on his face since he keeps on frowning.