Sey POV Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang nangyari iyong eksena naming dalawa ni Syx at hanggang ngayon ay pinag uusapan pa rin ako ng mga studyante rito sa University, kaya naman tuwing break time ay lagi akong sinasamahan nina Alexa at Harvey samantalang sa loob ng classroom naman ay nakabantay sa akin si Shayne. Si Syx, hindi na niya ako ginugulo at nalaman ko na lang na naging sila na ulit ni Yura kaya sigurado ako na tuwang tuwa na naman siya. Nandito ako ngayon sa restroom at nasa cafeteria naman sina Alexa at Harvey nang mapansin ko na palihim na ni lock ng isang babae na kapapasok pa lang ang pinto. “Hi, Sey!” sarksatiko ngunit nakangiting pagbati ng isang babae na hindi ko naman kilala. Pinatay ko ang faucet at nagpunta sa hand dryer. Hindi ko pinansin ang babae pe

