Sey, POV Inaantok akong naglalakad kasama sina Harvey at Alexa papunta ng cafeteria, isang umaga. “Sey, I’m sorry. Hindi ako nakapunta sa ininyo kagabi. Kasi naman gumawa ako ng mga plates eh. Pasahan na kasi no’n kanina,” paghingi ng paumanhin na sabi ni Harvey. “Wala iyon. At saka okay lang. Ano ka ba!” natatawang sabi ko dahil base sa kaniyang eskpresyon ay tila ba nahihiya ito. “Pero alam mo Sey, hindi ka makakapag focus sa mga lesson dahil diyan. Puyat ka oh,” sabi ni Alexa “Kaya ko pa naman,maayos lang ako, guys,” natatawang sabi ko. Pumila kaming tatlo sa counter at nang maka-order na kami ay umupo kami sa isang available na lamesa bago nagsimulang kumain. Habang kumakain ako ay bigla akong natigilan dahil sa narinig ko. “Look Sey, I can explain kung bakit bigla akong nawala

