Sey POV Pagka uwi ko sa bahay matapos ko manggaling sa school ay kaagad akong pumasok sa loob ng kwarto at tinignan ang mga anak ko. ''Hindi ko na alam ang gagawin ko,'' mahinang bulong ko sa sarili ko habang naghihina at napupuno ng kalituhan ang isip. Napakarami kong problema, sa school dito sa bahay, sa kung paano ko sasabihin kay Syx ang tungkol sa dalawa naming anak. Gulong gulo na ako! Nagbihis na ako bago humiga sa kama pero napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. ''Sey?'' tawag sa akin ni Alexa kaya napakunot ang noo ko. ''Hindi kayo gumala ni Harvey?'' tanong ko pagkapasok niya sa loob ng kuwarto ko at naupo sa may tabi ng kama ko. ''Hindi. Paano kami makakapag liwaliw kung hindi tayo buo? At saka sabihin mo nga Sey, may nangyari ba?'' sabi niya at napaiwas naman ako ng ti

