⚓Troop Episode 14.2

2666 Words
  "Anong tinitigan mo diyan, Tontong Mortal?" nangangaliting tanong ng binatang bampira kung kaya y umiling lamang si Euzeine at kinuha ang naka-tuping papel sa kaniyang bulsa, iyon ang papel na sinampal sa kaniya ng hanging Amihan. "Para sa ating ika-limang misyon bilang kompletong Tropa!" eksayted nitong giit at saka binuksan ang papel. "Pupunta tayo sa Bundok Diwalwal!" masiglang giit nito kung kaya ay tuluyan nang napa-nganga ang apat sa sobrang frustrasyon. "Ang sakit ng mata ko, lagi kong nakikita ang pangit na mukha ng Tontong Mortal." pagdadahilan ni Devoene sabay talikod, ngunit kaagad namang nahila ng binatang magnanakaw ang kaniyang kwelyo sabay bulong ng. "Gusto mo bang ipa-tali ulit kita sa punong nara, Devoeneyo?" naka-ngising tanong nito sa kaniya kung kaya ay agad na namutla ang binatang bampira, bukod kasi sa tanong nito ay kitang-kita niya rin ang pagbago ng kulay ng mata nito ng ilang sandali lamang.   "Sa labas ng bahay matutulog ang hindi sasama." pambablackmail ni Euzeine sa tatlong isa-isa nang nag-alisan, ngunit imbes na matakot nagpatuloy pa ang mga ito sa paglalakad. "Ahh, sayang... may pabuya pa naman tong limang malaking barya ng pilak." kunwaring malungkot na giit niya kung kaya ay agad na tumakbo ang tatlo at nauna pa ito sa kanila na lumabas sa bahay. "PAG-WALA TALAGANG limang malaking barya ng pilak, itatali ko si Zie sa pinakatutok ng bahay sa labas at pauusokan." naka-busangot na giit ng dalagang si Ursaillune, ilang oras na rin kasi silang naglalakad sa mataas na bundok ng Diwalwal, sobrang haba pa ng mga talahib na naroroon at kung hindi ka mag-iingat tiyak na ika'y madudulas paibaba kung kaya ay mahigpit na nakakapit si Ursaillune sa hawak niyang baston, na napulot nya lamang sa gilid, nakatali rin doon ang lubid na kaniyang sandata. May dala rin siyang maliit na bag kung saan nakalagay ang mga gamot na gagamitin sakaling masugatan ang isa sa kanila.  Ito ang palagi niyang dala tuwing sila'y nagkakaroon ng misyon, ang unang misyon na ginawa nila ay yung sinagip nila ang batang kinidnap umano ng isang aswang, kasunod roon ay ang misyong pagsagip sa mga mangingisda matapos ito inakit ng halimaw na Berberoka, isa iyong nilalang na nakatira sa ikailaliman ng lawa, inaakit nito ang kaniyang mga biktima sa pamamagitan ng pag-sipsip ng lahat ng tubig sa isang lawa hanggang sa maglitawan ang mga isda na labis na ikinasaya ng mga mangingisda ngunit nang makarating sila sa gitna ng lawa, doon na ibubuga ng Berberoka ang tubig na naipon sa kaniyang katawan dahilan upang malunod ang mga kawawang manginisda.   Napailing na lamang si Ursaillune nang maalala ang magkasunod-sunod na misyong ginagawa nila, nagiging mas agresibo kasi ang mga halimaw na dapat ay nakakulong sa Kaharian ng Edwarden, hindi tuloy mapigilan ni Ursaillune ang mag-alala lalo na't nagsimula ang lahat ng ito noong nagkasama silang lima. Muli niyang naalala ang insidenteng nangyari sa gubat ni Makiling, hindi iyon mawala sa kaniyang utak kahit na anong gawin niya.   "SA IKA-limang pagsikat ng araw, sa gabi kung kailan dalawa ang buwan magtitipon muli ang bayaning kakalaban sa sangkatauhan at ang pagtitipon na iyon ay ang paggising ng puso ng lupain na siyang dahilan s apagkmataya ninyong mga salarin." narinig ni Aveone ang boses sa kaniyang utak, napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalakbay sa bukid. Bilang isang imortal na bampira hindi siya basta-bastang naniniwala sa mga propesiyang sinasabi ng mga anitu at anita ngunit nitong nakaraang araw ay may napapansin siyang kakaiba sa buong lupain, para bang mas lalo naging agresibo ang mga halimaw at mas lalo ito naging mapusok sa pagdudukot ng kahit sinong nakikita nito. Napa-buntong hininga na lamang si Aveone, naka-anyong uwak lamang siya kung kaya ay pasimple niyang tinitignan ang paligid mula sa itaas, mula roon ay kitang-kita niya ang binatang magnanakaw na pasimpleng tumatalon sa bawat puno. Sa iilang araw nilang pagsasama mas lalong napagtanto ni Aveone na hindi isang ordinaryong mortal si Euzeine, katabi nito si Devoene na kanina pa sumisigaw sa galit at ang nakakaasar roon ay rinig na rinig niya mula sa itaas ang nakaka-rinding boses ng kaniyang kapatid. "Tontong mortal! Wala namang halimaw dito ah." inis nitong giit kung kaya ay napairap na ng tuluyan ang dalagang si Aveone, ito kasi ang laging sinasabi ng binatang bampira tuwing sila'y pumupunta sa isang misyon ngunit kung makakita naman ito ng mga halimaw ay hindi ito tumutulong sa pakikipag-away bagkus ay sasandal lamang ito sa puno at hihintayin kung kailan matapos ang binatang magnanakaw sa pagpatay sa halimaw.   "Aray! Aray, ano bang problema mo Aveone?!" galit nitong giit sa kaniya, tinuka niya kasi ang ulo nito habang siya'y naka-anyong uwak pa. Hindi na niya napigilan ang sarili, puro kasi ito reklamo eh wala namang tulong. Bukod roon ay nakitira lang rin sila sa bahay ni Euzeine, kahit na sinasabi nitong bahay nilang lima iyon hindi pa rin niya mapigilan ang mailang lalo na't alam niyang kaguluhan lamang ang dala nilang apat sa bahay na iyon. Naubos na rin lahat ng pera nila at ayaw naman nilang umuwi sa kanilang mga tahanan lalo na’t nasasakal sila sa mga lugar na iyon, kung kaya ay napaka-swerte nila kung tutuusin dahil may isang binatang makakapitan nila.   "May nahanap ka ba mula sa itaas, Aveone?" narinig ng dalagang bampira ang tanong ng binatang si Euzeine, kaagad niyang itinagilid ang kaniyang ulo bilang senyales na may nahanap nga siya. "Anim na kilometro ang layo, sa gitna ng gubat naroon ang garuda." gamit ang kapangyarihan niyang telekinesis nagawa niyang makipag-usap sa apat na naglalakad gamit lamang ang kaniyang utak, bukod sa pagiging utak ng Troop Endeavour, nagsisilbi rin siyang gabay at mata ng grupo.   "Ano? Anim na kilometro? Legit ba 'yan Avery?" halos manlaki ang mata ng dalagang babaylan, kanina pa ito hinihingal at pagod na pagod na sa paglalakad, imbes na pansinin inirapan lamang siya ng dalagang bampira, samantalang napakamot ang binatang bampira sa kaniyang tenga sabay sigaw sa kaniyang kapatid na lumilipad sa kanilang tabi. "Wag ka ngang sumigaw sa utak ko!" sigaw niya kung kaya ay agad naman siyang tinuka ng dalagang bampira. Sa gilid naman ay tahimik na naghagikhikan ang dalagang si Ursailllune at ang binatang si Octavus ay naka-akbay na sa dalaga dahil inalalayan niya ito.   "Malalanding nilalang." naka-ngiwing giit ni Devoene, kahit nakatalikod ay rinig na rinig niya ang paglalampugan ng dalawa, kung kaya ay hindi na niya mapigilan pa ang maging ampalaya. Kaagad namang inalis ng binatang si Octavus ang pagkaakbay niya sa dalagang babaylan na ngayo'y namumula ang pisngi sa sobrang kahihiyan. Napailing na lamang si Aveone sa nakita, mukhang hindi pa rin siya naalala ng babae at iyon ang kinaiinisan niya, nag-iwas na lamang siya ng tingin at pinagmasdan ang binatang magnanakaw na nauna sa kanilang apat, palundag-lundag ito sa bawat sanga ng puno at seryosong nakatingin sa harapan. Laging ganito ang senaryo nilang lima tuwing may misyon. Seryosong-seryoso ang binatang si Euzeine tuwing may misyon, para bang nawawala bigla ang masayahin nitong awra at napapalitan iyon ng isang galit at nakakatakot na nilalang. "Andiyan na ba tayo?" pagrereklamo pa ni Devoene habang nakasunod sa binatang magnanakaw ngunit imbes na pansinin ay binalewala lamang ng binatang magnanakaw ang kaniyang presensya bagkus ay mas binilisan panito ang bawat lundag at takbo sa mga sanga ng puno. Hindi tuloy mapigilan ng binatang bampira ang magtaka. Ano bang problema ng tontong mortal na iyon? tanong nya pa.   Matapos ang ilang kilometro paglalakad, narating ng lima ang puso ng kagubatan ngunit ganoon na lang ang kanilang pagkagimbal nang makita nila ang nilalang na nasa kanilang harapan. Kaagad na napalunok ang dalagang si Ursaillune sa nakita, tumatayo ng higit sampung talampakan paitaas, nakatalikod sa kanila ang isang malaking ibon.   "K-kapitan, a-alis n-na lang tayo." nanginginig nitong wika, sa unang pagkakataon sa pagsasagawa ng ilang msiyon, ngayon lamang nakaramdam ng takot si Ursaillune sa nilalang sa kanilang harapan. Bukod roon ay rinig na rinig nila ang nakaka-bingi nitong iyak dahilan upang mas lalo siyang matakot, nagkalat rin sa hangin ang malansang na amoy ng naagnas na katawan kung kaya ay pinipigilan lamang ng dalagang babaylan ang masuka. "Ayos ka lang ba, Saillune?" nag-aalalang tanong ng binatang si Euzeine, kaagad namang tumango si Ursaillune kahit na gusto niyang umalis. Ayaw naman niyang sayangin ang pawis nila para lang maakyat ang bundok na ito, hindi kasi ito kagaya sa tatlong bundok na madali lang akyatin. Bukod sa liblib ito, napag-iwanan na rin ng panahon ang gubat kung kaya ay hindi kaduda-duda na magkaroon ito ng nilalang na nangangain ng tao.   "Ano bang gagawin natin, Kapitan?" tanong ni Octavus, abala pa rin ang halimaw sa pagkain ng dinukot nitong tao. Aaminin ng binata na siya'y natatakot sa naririnig niyang bali ng buto na nginunguya ng higanteng ibon, mas lalong gumapang ang kaba sa kaniyang dibdib nang marinig ang sunod-sunod na iyak na sa tingin niya'y anak ng halimaw na kilala sa tawag na garuda. "Nanganak pa ang pastilan." bulong ng Kapitan kaya nama'y napalingon sa kaniya ang apat at napalunok, mukhang mahihirapan sila sa pagpaslang sa nilalang.   "Nakahanda na ba ang plano mo Devoeneyo?" naka-ngising pangungutya ng binatang magnanakaw sa binatang bampira kung kaya ay inis naman siyang nilingon nito. "Tontong mortal! Anong tingin mo sa akin?" sigaw nito kaya napa-ngisi lamang ang binatang magnanakaw at kasabay iyon ng pagbago ng kulay ng kaniyang mata.           Mula sa lupa ay mabilis tumakbo at lumundag papunta sa itaas ang binatang si Euzeine, hawak niya ang maliit niyang punyal at naka-tutok iyon mismo sa dambuhalang halimaw na kasalukuyang nagwawala dahil sa matinding galit. Rinig na rinig sa gubat ang nakakabingi at nakakakilabot nitong iyak, halos masuka na si Euzeine nang makita ang karumal-dumal na krimeng gawa ng dambuhalang halimaw kung kaya ay mas lalong sumiklab ang galit sa kaniyang puso, lalong nangislap ang ngayo’y kulay ginto niyang mata.   “Kapitan, gumagalaw ang halimaw.” Giit ni Aveone at kasabay iyon ng pagpagaspas ng dambuhalang halimaw sa kaniyang mga pakpak, sobrang lapad ng pakpak nito at nasakup na ang puso ng gubat na iyon. Sa ibaba nama’y mabilis na kinuha ng binatang lobo na si Octavus ang isang lubid na yari sa matibay na kahoy,  upang itali iyon sa ibon upang hindi ito maka-alis ng tuluyan. Unti-unti kasi itong lumilipad kung kaya ay mabilis na itinali ng  binatang lobo ang dambuhalang halimaw bago pa naman ito  makalipad at buong lakas na hinila iyon. “Grabe ang lakas mo Otso!” naka-ngiting pagchecheer pa ni Ursaillune sa gilid dahilan upang mamula ang pisngi ng binatang lobo.   “Mamaya na yang landi niyo.” Naiinis na sigaw ni Devoene na abala sa pag-aatake sa anak ng dambuhalang halimaw, kaka-anak lamang ng mga ito ngunit sobrang lakas at laki pa. Sinusundan nito ang bawat galaw ng binatang bampira at basta-basta lang tumutuka ang mga ito, nag-aakalang pagkain ang binatang nakatayo sa kanilang harapan. “Punyetang garuda!” napipikon niyang sigaw at kasabay iyon ng pag-ilag niya mula sa mga tuka nito. “Hindi mo ‘ko makakain tontong garuda!” sigaw pa niya sa harapan nito kung kaya ay inis na sumigaw pabalik ang mga munting halimaw, na para bang naiintindihan nila ang sinabi ng binatang bampira at imbes na makaramdam ng takot mas lalong nakaramdam ng eksaytment si Devoene at mabilis na iginuhit ang kaniyang espada mula sa kaluban na nakadikit sa kaniyang pantalon, ngayon ay dalawang espada na ang hawak ng binatang bampira. Mabilis niyang winasiwas iyon sa ere at saktong dumampi iyon sa balat ng tatlong nakakakilabot na anak ng dambuhalang halimaw, sumigaw sa galit ang dambuhalang garuda nang makitang nasaktan ang kaniyang mga anak.  Kung kaya ay mula sa ere, mabilis na bumulasok paibaba si Euzeine at tuluyan nang nasaksak ang dambuhalang halimaw sa ulo nito dahilan ng pagbagsak nito sa lupa at gumawa pa yun ng kalabog at ramdam na ramdam ang pag-yanig ng lupa dahil sa kabigatan nito. Hinihingal na napaupo ang binatang si Euzeine, katabi niya si Octavus na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang lubid na gawa ni Ursaillune. Samantalang si Devoene naman ay kanina pa nagrereklamo lalo na’t nadudumihan na naman daw ang kaniyang espada, kaagad naman siyang inalalayan ng dalagang babaylan sa paglinis ng kaniyang espada.   “Now, what?” halos mapatalon sa gulat ang apat nang marinig nila ang boses ng dalagang bampira, nasanay kasi silang sa utak lamang ito nakikipag-usap kung kaya ay ganoon na lang ang kanilang reaksyon nang marinig ang boses nito sa mismong tenga nila. Hindi tuloy nila mapigilan ang mangilabot.   “Avery, paki-sabi naman sa’min kung magsasalita ka.” Alanganing giit ni Ursaillune lalo na’t matalim nang nakatingin sa kaniya ang dalagang bampira. “Aveone, ‘wag mo kong tawaging Avery! Hindi tayo close.” Malamig na giit nito kung kaya napa-nguso na lamang ang dalagang babaylan at naidala ang kaniyang mga daliri sa labi upang ngat-ngatin ang kaniyang kuko, gaya ng lagi niyang ginagawa.   “Hoy, inutil na mortal.” Baling ni Aveone sa binatang si Euzeine na ngayo’y nakatingin na sa langit, naka-ngiti pa ito na parang timang kung kaya ay agad naman siyang binatukan ng binatang bampira. “Tontong mortal.” Bulong nito. Napa-nguso naman ang binatang magnanakaw at napahimas sa sariling batok.   “Sobrang mapang-api niyo talaga sa akin!” nanghihimutok nitong sigaw kaya nama’y napa-ngiwi ang apat at sabay-sabay nilang binatukan ang kawawang binata. “Deserve ko ba to?” tanong pa nito.   “Tontong mortal.”   “Inutil na mortal.”   “Gagong Kapitan.”   “Abnoy na Kapitan.” Magkasunod na giit ng apat kung kaya ay hindi na napigilan ni Euzeine ang mapasimangot sa sobrang pagkapikon. Kapagkuwan ay napatayo ito at inilibot ang paningin sa paligid, kapansin-pansin ang ilang buto ng tao na pinabayaan lamang ng halimaw na pinaslang nilang lima.   “Anong susunod?” napatingala sa kalangitan ang binatang si Euzeine, kung kaya ay tuluyan nang nasapo ng apat ang kanilang mga noo. Base kasi sa tanong ng binatang si Euzeine, halatang hindi nito alam ang susunod na gawin. “Kapitan, diba sabi mo may pabuya itong limang malaking barya ng pilak?” pag-papaalala ni Octavus sa kapitan na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa kalangitan.   “Talaga?” tila ba’y gulat na sabi nito at nanlaki pa ang mga mata, nagsitinginan ang apat sa reaksyon ng Kapitan. “Pastilan..” tila ba’y namumroblema nitong giit kung kaya ay hindi na napigilan ng apat ang batukan ulit ang binatang magnanakaw. Napabuntong-hininga ang dalagang si Aveone, mukhang kailangan niyang mag-function bilang Utak ng Kulto kasi nagmamalfunction na naman ang kanilang Kapitan. Kapansin-pansin kasi ang usok na lumalabas mula sa magkabilang tenga nito, isang senyales na tumigil na sa pag-trabaho ang mga turnilyo nito sa utak.   “Pupunta tayo sa sentro, magdadala tayo ng palatandaan na tayo ang pumaslang sa halimaw na ‘yan para sa atin mismo mapunta ang pabuya.” Giit nito kung kaya ay hindi na napigilan ng dalawa ang mamangha sa sinabi ng dalagang bampira, samantalang napaismid naman ang binatang bampira sa sinabi ng kaniyang kapatid.   “Anong palatandaan ang dadalhin natin, aber ang laki ng hayop na to?” nangungutyang tanong nito sabay sipa sa ngayo’y hindi na gumagalaw na garuda at sinundan pa iyon ng mala-demonyong halakhak. Muling napailing si Aveone imbes na patulan ang sinabi ng kaniyang gagong kambal, mabilis niyang kinuha ang sundang na dala ng dalagang babaylan at diretso iyong itinaga sa ulo ng walang buhay na nilalang. Agad na nagsilagsikan ang dugo nito kung kaya ay nagsinghapan ang tatlo sa ginawa ng dalaga ngunit walang pakialam roon ang dalagang bampira, sa isang iglap ay nahiwalay ang ulo ng garuda mula sa katawan nito.   “Lobo, pakidala ng ulo.” Seryosong giit nito sabay talikod at anyong uwak saka lumipad palayo. Samantalang naiwang nakatulala ang tatlo sa ginawa ng dalagang bampira, sa tingin nga nila ay may malaking galit ito sa binatang bampira at halatang-halata iyon sa ulo ng garuda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD