Patricia’s Point of View
Manuel Calling…
Nagising ako sa tunog ng phone ko, si Manuel lang pala ang panot ko na boss. Kinuha ko ang phone at walang kagana-ganang sinagot ang tawag, wala pa kasi ako sa huwisyo dahil kagigising ko pa lamang.
“Oh!” bungad ko at saka umupo sa kama at nagkamot ng ulo. Istorbo.
“Agent Montreal yan ba ang ibubungad mo sa akin?” Sabi naman niya.
“Okay fine. May problema ba diyan?”
“Nothing. Kinukumusta lang kita diyan.”
“Wow ha. May gana ka pang mangamusta samantalang pinatapon mo ako dito sa Maynila tapos kasama pa yung mga hinayupak na banda. Kung alam mo lang ang dinadanas ko na hirap dito, buti sana kung tinataasan mo naman ang sahod ko” pagrereklamo ko.
“Hahaha easy Agent M buhay ka pa naman diyan diba?”
“Of course, I am. Pero punung-puno na ako sa pang-aalipin nila sa akin…” gigil na gigil ko na pagkukwento kay Manuel, sinimulan ko ng sabihin ang lahat ng mga pang-aalispusta nila sa akin.
“Eh sino ba naman kasi ang may sabing magpa-api ka diyan? Top agent ka tapos hinahayaan mo lang na uto-utoin ka nila? Tsk tsk tsk”
“Seriously Manuel? Malamang kasi ito ang trabaho ko. Ang isang dakilang katulong. Magbasa-basa ka din ng job description ha,” sarcastic ko na sagot sa kanya.
“Yes, that’s your job but have you forgotten your other job? And I did say that you must act weak but it doesn’t mean na hahayaan mo lang yung mga ginagawa nila sa iyo na below the belt. You’re my best agent. Kung hindi mo sila pwedeng labanan, edi iwasan mo… ah, okay sige, tell them to wait… Patricia, I gotta go. I have an important meeting. Take good care of yourself,”
At nag-end na nga ang tawag. Napagisip-isip ko ang mga sinabi niya. Tama nga naman. Pero I’ll save it for the future. Sa ngayon, kaya ko pa naman magtiis. Hindi naman grabe ang pinapagawa nila. Oo tama, kaya ko pa. Tumayo na ako at saka ginawa ang aking morning routine. Let’s get the day started.
"Happy halika dito!" Tawag sa akin ni Pierce. Naka-upo sila ngayon sa sofa sa living room.
"Sandali lang ho!" Sigaw ko naman at saka minadali ang pag-spread ng palaman sa tinapay. Pinagpatong ko na lang ang mga sandwich na ginawa ko, of course with tissue wrap dahil hindi naman tayo salahula. Yung juice na ginawa ko ay dinala ko na din, mabuti at dinala ko na doon ang mga baso kanina pa.
"Ayan na pala si Happy eh ngayon nyo siya tanungin," sabi ni Pierce na bahagyang nakahiga sa mahabang sofa.
"Ano po ba yon?" Tanong ko habang nilalapag ang mga pagkain sa center table.
“Ano ba ang gusto nyong mga babae?” tanong niya. Napataas lang ang kilay ko? Ano ba naman na tanong yan?
“Easy! Flowers, bags, jewelry, fancy date, and so on. Women love material things,” sabat ni Drew. Speaking from experience siguro, sa dami ba naman ng naging girlfriend at fling niya eh.
“Hindi iyon Kuya Drew. What I meant is anong gusto ng mga babae sa lalake,” paglilinaw ni Pierce.
“Easy. Big c*ck,” mabilis na sagot ni Drew, muntik pa akong maduwal sa sagot niya. Natawa naman ang iba sa sagot niya. Si Pierce naman ay hinampas lang siya dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sagot.
“Tawa-tawa kayo diyan Lance at Vaughn! Like you knew better, kailan ba kayo huling nagka-girlfriend? Sige nga, anong gusto ng mga babae sa lalake?” hamon ni Drew kay Vaughn.
“Honest,” sagot ni Vaughn.
“Consistent,” matipid na sagot naman ni Lance.
“Respectful,” sagot ulit ni Vaughn.
“Emotionally invested,” si Lance naman ulit ang nagsalita. Silang dalawa na lang ang nagsasagutan.
“Sense of humor.”
“Appreciative.”
“Oh, edi kayo na! Akala mo talaga ang gagaling eh!” inis na sabi ni Drew at saka kumagat ng malaki sa sandwich niya. Natawa na lang ang iba. Iniba na din nila ang usapan pagkatapos noon.
Ito na siguro ang pinakamatiwasay na araw ko mula noong nag-stay ako dito. First day, nilagyan nila ng sandamakmak na chilli powder ang kinakain ko. Second day, pinaglinis nila ako ng bodega, este ng dorm nil ana ubod ng dumi, hindi ko nga alam kung totoo ba na may taga-linis sila dati kasi parang wala din naman nalinisan talaga. Third day, inutusan naman nila ako ng bonggang bongga na halos walang pahinga, ngayon lang talaga walang event. Nakakatuwa naman kung ganoon, sana lagi silang pagod noh?
In addition, wala naman talagang ganap ang banda ngayon. May kanya-kanya lang naman silang gawain at magaan lang naman ang mga pinapagawa nila. Si Drew, nagpaalam na aalis dahil may aasikasuhin. I’m assuming na may date siya today. Si Blake naman ay abala sa paglalaro ng mobile games na kanina pa nakikipag-murahan sa mga kalaro niya. Si Pierce naman ay naka-isolate since kailangan niya daw ng katahimikan para makapag-compose ng kanta. Si Lance naman ay di ko na matagpuan, sa sobrang tahimik kasi ng taong yon hindi ko na namamalayan na nawawala na pala siya. Si Vaughn naman ay nagtungo sa isang studio para sa brand endorsement niya at badtrip pa siya dahil bakit daw siya lang ang mayroon ang iba ay wala pero in the end ay kinailangan niya pa rin pumunta dahil baka makasuhan pa ang company dahil sa hindi pagtupad sa kontrata. Oh diba? Walang istorbo sa akin dahil busy sila, wala na din silang time mag-utos. Lalo na yan si Blake, may sa demonyo talaga, kagabi bago matulog ay pinapatay niya pa sa akin ang mga lamok sa kwarto niya.
Kaya heto ako, kunwari naglilinis ng kapaligiran, pakunwaring nagtatanggal ng agiw sa mga sulok kahit wala naman. May magawa lang ba? Hindi rin kami nagkasabay-sabay mag lunch since busy sila sa kani-kanilang gawain kaya dinalahan ko na lang sila ng food sa mga kinaroroonan nila. After noon ay nagpahinga lamang ako at saka naisipang lumabas ng dorm at magmasid sa bakuran.
“Ouch!” great, sa sobrang focus ko sa pagmamasid ay hindi ko namalayan ang bato na naapakan ko kaya naman natapilok ako at ngayon ay nakaupo sa lupa. Kung kanina sinasabi ko na swerte ang araw na ito, well binabawi ko na.
“You’re really a walking jinx,” napalingon ako sa likod ko ng marinig ko iyon. It was Lance. Lumapit naman siya sa akin at inalok ang kamay niya.
Nakatingala ako sa kanya, siya naman ay nakayuko sa akin. Tinulungan niya akong tumayo. Pinaupo niya ko sa bench na malapit at saka umupo sa harap ko.
“Saan ang masakit?” Tanong niya.
“Sir okay lang ako, hindi naman ho ako nasaktan,” mabilis ko na sagot sa kanya. Kung umasta siya ay para naman akong bata na kailangan niyang protektahan.
“Are you sure?” mariin ang pagtitig niya sa akin ng tanungin niya ako. Hindi ko tuloy maiwasang umiwas ng tingin. It’s too much.
“Oho sir. Oo nga pala sir, kumain ka na ba? Hindi kasi kita mahanap kanina kaya itinabi ko na lang ang pagkain mo sa fridge sandali lang po at iinitin ko,” sabi ko at saka tumayo pero na-out of balance ako kaya napakapit ako kay Lance.
“You’re not okay,” sabi niya habang ina-alalayan ako na makatayo. Nilagay niya sa kanyang balikat ang isang kamay ko habang nakapulupot naman ang kamay niya sa bewang ko.
“Let’s go inside,” tumango na lang ako pagkasabi niya noon. I had no choice, kaysa naman magpaika-ika akong maglakad. Hindi ko naman iyon iniinda dahil mataas ang pain tolerance ko.
Nakapasok kami sa dorm ng wala man lang nakapansin sa estado ko, masyado nga silang busy sa kani-kanilang gawain. Nagtungo kami sa kitchen, umupo naman ako sa isang upuan habang si Lance ay maingat akong inaalalayan.
“Wait here,” aniya at saka umalis. Nang bumalik siya ay may dala na siyang ice pack, siya na rin mismo ang naglapat niyon sa sprained ankle ko. Sobra-sobra ang pag-iingat niya sa paglapat niyon na para bang isang babasagin na bagay ang paa ko. Napanguso na lang ako, ingat na ingat siya sa akin samantalang ako sobrang careless. Sa nature ng trabaho ko ay hindi maiiwasan na hindi masugatan, masaktan, mabalian ng buto, at kung anu-ano pa. It’s natural. At pinili ko iyon kaya’t alam ko ang consequences. First time ko na may taong nag-iingat na hindi ako masaktan.
“What happened to you?”
Napalingon kami sa kararating na si Vaughn. He looked exhausted though naka-ayos naman siya dahil galling nga siya sa isang photoshoot. Binaba niya ang bag niya sa sahig at saka lumapit sa amin, bahagya niya pang naitulak si Lance ng tignan niya ang estado ng paa ko.
“Tsk. Hindi ka kasi nag-iingat,” masungit na sabi ni Vaughn habang hinihilot ang paa ko at napapamura na lang habang ine-estima ang pinsala sa paa ko. Gosh, chill! Sprain lang yan! Why is he so mad?
“Let’s go,” pagkasabi noon ni Vaughn ay hinigit niya ang kamay ko at saka pinatayo. Maglalakad na sana siya kasama ako pero napatigil kami ng hawakan ni Lance ang braso ko.
“Saan mo siya dadalhin?” tanong niya kay Vaughn.
Tinignan lang siya ni Vaughn ngunit hindi rin naman nagpatinag si Lance at nakipagtagisan ng titigan sa kanya. What is happening?
“Kwarto,” matipid na sagot ni Vaughn. Napatingin din ako kay Vaughn, anong pinagsasabi nito?
“Your room?” tanong muli ni Lance na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa braso ko.
“Her room, why? Got a problem with that?” Vaugh said while dragging me closer to him.
“Nothing, but can’t you be a little bit more careful with her? Can’t you see she’s hurt?” Lance replied as his grip tightened on my arm.
“I’m fully aware of that, now let her go,”
“No, you’re hurting her even more,”
“F*ck off, Lance,”
“No.”
Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. This situation is getting out of hand.
Author’s Narration
“Hey, what’s with the commotion?” tanong agad ni Pierce ng makababa siya. Galing siya sa music room kung saan nagkulong siya ng maghapon.
Speaking of the commotion. Kararating lang ni Vaughn at tinanong niya agad ang mga kasama kung nasaan si Happy. And the next thing, narinig na lang nilang lahat ang malalakas na boses ni Vaughn at Lance.
“Tsk. Babae lang yan, pag-aawayan pa,” sabi ni Drew na kararating lang din, humihigop siya ngayon ng kape habang nakatingin sa mga nagbabangayan sa kusina.
“Kailan ka pa dumating?” tanong sa kanya ni Blake.
“Kanina pa ako dito, dumaan pa nga ako sa harapan mo. Di mo ba ako nakita?” tanong ni Drew pabalik. Umiling naman si Blake, ganoon na ba siya ka pre-occupied sa laro to the point na hindi na siya aware sa paligid? Tanong ni Blake sa sarili habang napapailing.
Napatingin silang muli sa nagbabangayan sa kusina. Malala na yata ang nangyayari sa kitchen dahil tumataas na ang boses ni Lance. Kilala nila si Lance. Tahimik na tao si Lance, hindi makwento, sumasang-ayon lang sa sistema, pero once na mapuno siya o magalit, ay siguradong may hindi magandang mangyayari.
“Awatin mo na kaya Drew?” suhestyon ni Blake kay Drew dahil siya ang pinaka-matanda dito. Nagkibit-balikat lang siya. Bumaling naman si Blake kay Pierce at tumango sa kanya, nakuha naman niya ang gustong iparating ng isa kaya si Pierce na ang nagpunta sa kinaroroonan nila Lance, Vaughn at Happy.
“See kung anong nagagawa ng babae sa grupo?” sabi ni Drew.
“What do you mean?” tanong ni Blake.
“She will just destroy us.”
Hindi na ako kumibo pa si Blake pagkasabi noon ni Drew. Napatingin na lang din siya kina Lance at Vaughn na nagbabangayan at kay Pierce na pilit silang pinapahinahon. Muling nagsalita si Drew, “I’m fine with the maid thingy, but her living with us? Not really a good idea.”
“Then what should we do?” tanong muli ni Blake. Humigop muli sa kanyang kape di Drew bago tumingin kay Blake.
“She can’t stay Blake. If we want to work out as a band, if we want to stay as a group, then she has to leave. There’s no other option,” seryosong sambit ni Drew at saka ako iniwan si Blake.
Natulala na lang si Blake. Bumaling siyang muli sa kinaroroonan nila Lance at Vaughn. Marahil ay tama si Drew. Sa isip-isip ni Blake.
Patricia’s Point of View
“Guys! Bakit?Anong nangyayari?” tanong ng kararating na si Pierce. Napatingin naman sa akin si Pierce at saka bumaba ang tingin niya sa kamay at braso ko na mahigpit na hinahawakan nila Lance at Vaughn.
Napailing na lang si Pierce at saka lumapit sa amin. Ang dalawa naman ay hindi pa din nagpapatinag at nagtatagisan pa rin sa titigan. Mabilis na kinuha ni Pierce ang kamay ko na hawak nila. Nagulat naman sila at napabaling ang tingin kay Pierce.
“Nasasaktan na si Happy sa ginagawa nyo,” seryosong sabi ni Pierce at saka nilahad ang kamay ko para makita nila. Oo nga, may bakas na ng pamumula sa braso at wrist ko. Mukhang magkaka-pasa iyon.
“Sorry,” paumanhin ni Lance. Si Vaughn naman ay tumikhim lang.
“Ako nang maghahatid kay Happy sa kwarto niya,” pag-aannounce ni Pierce, wala naman nagawa ang dalawa. Sumunod na lang ako kay Pierce. Iniwan namin ang dalawa sa kusina.
“Pasensya ka na sa dalawang iyon, medyo tinotoyo lang siguro yung mga yon,” sabi ni Pierce ng maihatid niya ako sa pintuan sa kwarto ko.
“Magpahinga ka na lang muna, kami na ang bahala sa lahat. Okay?” masaya niyang sabi. Tumango naman ako at binalik ang ngiti saka ako nagpasalamat. Mabuti na lang talaga at dumating si Pierce kanina, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa kanila. Wala pa naman sa vocabulary ko ang umawat, hahayaan ko lang talaga silang magpatayan sa harap ko.
Nagtungo na lang ako sa kama at humiga, muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Tahimik lang ang buong dorm habang lumilipas ang mga oras, mataman ko lang silang pinagmamasdan sa surveillance. Lumipas pa ang isang oras ay kumatok na naman si Pierce sa pintuan ko at nagdala ng pagkain.
Muli kong binalikan ang surveillance pagkatapos kumain. Hindi sila magkakasama ngayon. Si Vaughn at Lance ay nasa kani-kanilang kwarto. Sana maging okay na sila. Napahikab ako, mukhang tinatamaan na ako ng antok dala na rin ng pagod. Humiga na muli ako, bukas ko na lang iisipin ang gagawin sa kanila. Sana bukas, maging okay na ang lahat.
Tahimik lang ang lahat ng mag-breakfast sila. Lagi ko naman silang pina-paunang kumain pero ngayon lang ako hindi inaya ni Drew na kumain, dati rati’y aanyayahan niya akong sumabay sa kanilang kumain pero ngayon ay hindi niya iyon ginawa. Anong nangyari?
Wala din halos kumikibo ng umalis sila para mag-rehearse ulit sa studio. Bahala nga sila, hindi ko naman na trabaho ang ayusin ang buhay nila. Magfofocus na lang ako sa trabaho ko. Pagkatapos magligpit at maglinis ay nag-ikot na ako sa dorm. Okay naman, walang kahina-hinalang mga bagay. Nagtimpla ako ng kape saka nagtungo sa terrace, uupo na sana ako ng may makitang dalawang lalaki na magka-angkas sa motor at kumukuha ng litrato sa dorm.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kinaroroonan nila pero bago pa ako makalabas ng gate ay pinaharurot na nila ang motor nila at saka nagmamadaling umalis. Tsk. Sayang.
That’s strange, kailangan kong alamin ang purpose nila kung bakit nila ginagawa iyon. Tumawag ako sa security ng village, pero ang nakakapagtaka ay wala daw sila diumanong record sa dalawang iyon. Nagdemand ako ng cctv footage pero hindi daw nila iyon pwedeng ilabas without orders sa mga kinauukulan. Like I care! I will get the footage no matter what.
Napahawak na lang ako sa sintido ko, I need to take this case seriously. Akala ko madali lang, pero hindi din pala. Masyado akong nagpaka-kampante which is very wrong.
Almost 7pm na ng makarating sa dorm ang buong banda. Nakapagtatakang tahimik sila ngayon at hindi nagpapansinan katulad ng dati. Nakakapanibago. Bagamat ganoon ang sitwasyon ay pinaghanda ko pa rin sila ng hapunan na dinaluhan naman nila.
"So anong update sa pag-uusap nyo ng CEO?" tanong ni Drew kay Blake.
"Nah, he disapproved it. She's a necessary employee according to the CEO," simpleng sagot ni Blake saka sumubo ulit ng pagkain.
Drew grinned and said, "told you, she's up to something. Even the CEO could not let her go."
"If we can't let her leave, then let's just make her leave." Sabi naman ni Blake.
"Sounds fun," sagot naman ni Drew at saka sila nag-fist bump ni Blake. What are they planning? At sino ang pinag-uusapa nila?
Bigla na lang tumayo si Vaughn saka nagpunas ng bibig gamit ang tissue at naglakad patungo sa hagdan pataas. Ang aga naman yata niyang matulog? Pagkatapos umalis ni Vaughn ay sumunod naman si Lance sa ka sinabing "I lost my appetite."
"Pag-usapan na lang natin ang plano sa labas Blake," Drew said as he carries his food plate. Sumang-ayon naman si Blake at sumunod sa kanya.
Natira na lamang kami ni Lance. "Upo ka. Kain tayo," aya niya sa akin. Nakatayo kasi ako sa gilid.
"Always remember that I'm always on your side Happy, okay? You're like a little sister to me." bigla niyang sabi sa kalagitnaan ng pag kain namin.
"Huh? Ano ho iyon sir?" maang-maangan ko na tanong. What's with the sudden drama?
"Wala! Sabi ko, kumain ka na lang." Pag-iiba niya sa usapan. Tahimik namin na tinapos ang kinakain. Nagpaalam na din siya after niyang kumain, may tatapusin pa daw siyang kanta kaya kailangan na niyang magtungo sa kwarto niya.
Mabilis natapos ang gabi. Hindi man lang lumabas ng kwarto ang mga amo ko. Tila may sari-sarili silang mundo. Isang araw lamang ang lumipas ngunit napakadaming nagbago. I shaked my head to remove that thought, malalaki na sila at hindi ko na sila kailangang alalahanin pa. What's important ay malaman ko kung sino at ano ang purpose noong dalawang lalaki na nagmasid at picture kanina sa dorm. Siguradong may nag-utos sa kanila, at iyon ang dapat kong alamin.
Kinabukasan, naging usual lamang ang gawain ko, ang magluto, maglinis, maglaba, at magligpit ng gamit. After lunch na nang makabalik ang banda sa dorm, nagperform lang daw sila sa isang entertainment show at agaran ding umalis dahil naaantala ang show dahil sa dami ng fans nilang nagwawala.
Kaya heto sila ngayon, nakatambay sa bahay. Nanumbalik na rin ang pagpansin sa akin nila Drew at Blake, pero may iba akong nase-sense sa kanila. Parang may-iba at parang may iba silang balak, partikular na sa akin.
“Happy! Halika at mag-merienda, mukhang sobrang pagod ka na sa paglilinis,” inaalok ako ngayon ni Blake ng cookies na parang oreo, samantalang may dala naman na juice si si Drew. Nakaupo kami ngayon sa couch dito sa receiving area. Himala? Bahagyang napataas ang isa kong kilay, anong meron ngayong araw at mukhang bumait sila?
“Hala sir! Nakakahiya naman dahil nag-abala pa kayo” sabi ko sa kanila habang kinukuha ang inaabot nilang meryenda.
“It's okay Happy, appreciation gift na namin sa iyo yan since sobrang sipag mo,” si Drew naman ngayon ang nagsalita. If I know may masama lang silang balak. I looked at them intently, bahagya naman silang napangiti ng pilit.
“Salamat ho sir,” sagot ko saka ineksamin ang hawak ko na cookies, siguro naman walang lason ito kaya titikman ko na. Akmang kakagat na sana ako ng cookies ng mapansin na titig na titig sila sa akin, anong meron? Bakit nila inaabangan ang pag kain ko?
Tinuloy ko ang pag-kagat sa cookies, pero bago ko iyon tuluyang makagat ay bigla iyong kinuha ni Pierce na kadarating lamang.
“Damn gutom na ako, grabe! Pahingi ako Happy ha,” sabi niya sa akin. Minadali niyang kainin yung oreo. Medyo natagalan siya sa pagnguya hanggang sa naibuga niya ito at buti na lang nailagan ko yung pagbuga niya.
“Pwe, bakit ganoon yung lasa? Panis yata!” ramdam na ramdam sa mga salita niya na ang sama talaga ng lasa noon, idagdag mo pa yung constipated look niya. Nakita naman niya yung juice na hawak ko at walang pag-aalinlangan niyang ininom yun.
“Pwe, anong klaseng juice ba ito?” sigaw ni Pierce na naiinip na, hindi naman makatingin sa kanya sila Drew at Blake.
"Hindi ka siguro nag-toothbrush?" pabirong sabi ni Blake at tumawa saka nakipag-apir kay Drew.
"Oo, bunganga mo talaga ang may problema Pierce!" sabat naman ni Drew na ngayon ay halos sumakit ang tiyan kakatawa.
At doon na nag-umpisa na magkagulo dito sa receiving area. Nasapo ko na lang ang noo ko, parang mga bata talaga. Nagpasya na lang akong tumungo sa kwarto ko upang makapaglinis ng katawan dahil kanina pa ako pinagpapawisan. Kung bakit naman kasi sadyang napakainit dito sa Maynila.
Hinubad ko ang aking mga damit at saka nagtungo na sa banyo. The feeling of the running water on my body feels very satisfying. I reached for the shampoo at kumuha ng tamang amount at nilagay iyon sa aking buhok. I gently massaged my hair nang ma-realize ko, bakit parang hindi naman bumubula? Ahh, maybe because of the brand at baka dahil sobrang dry na rin ng buhok ko. Kinuha ko naman yung body soap sa lagayan at sinabon ang katawan ko. Kanina pa ako hilod ng hilod pero bakit parang hindi naman bumubula yung sabon, bato yata itong sabon? Something is wrong. Sinuri ko na mabuti ang sabon at napag-alaman na nakacoat pala iyon ng clear nail polish. I stood still at saka humugot ng malalim na hininga at pilit na kinakalma ang sarili. Okay lang yan Patricia, be happy, your codename is Happy for a reason. Kalmado ko na kinuha ang tuwalya at pinunasan ang katawan ko ganoon na din ang buhok ko, pero ng tumingin ako sa salamin ay nanlaki ang mga mata ko! Why the hell is my hair kinky?
“Aaahhh!” sigaw ko, hindi ito maaaring mangyari! Agad akong lumabas ng banyo at naghanap ng pwedeng gawin o ilagay sa buhok ko. Nawala na rin sa isipan ko ang magsuot ng bathrobe o kung anu pa man ang mahalaga ay mai-ayos ang aking buhok. What the f*ck did they do? I will kill them! It must be Blake or Drew, it should be them, wala ng iba.
Natigilan ako ng paghahanap nang may kumatok sa pinto, "Happy, are you okay? You screamed bloody mary, what's up?" boses iyon ni Lanc, mababakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Open the door," ma-awtroridad naman na sigaw ni Vaughn. Sh*t sa isip-isip ko, wala pa akong saplot sa katawan! Sa sobrang panic ko ay hindi ko na tuloy alam kung ano ang kukunin ko, ang pantapal sa buhok ko o ang pantakip sa katawan ko. Sa huli ay kinuha ko na lamang ang aking kumot, dahil kung babalikan ko pa sa banyo ang tuwalya ay maabutan lamang nila akong hubad.
"Okay lang ako sir!" sigaw ko. Habang pinupulupot ang kumot sa katawan ko.
"We're going to enter," sabi ni Vaughn at kasabay niyon ay ang pagpihit niya sa door knob. Nai-lock ko ba iyon?
Tumambad sa b****a ng pintuan sina Vaughn at Lance, "what happened? Are you alright?" bungad agad ni Lance ng makita niya ako.
"The f*ck happened to your hair?" singit naman ni Vaughn na tinuturo ang buhok ko, mukhang nandidiri pa siya sa kalagayan ng buhok ko. I feel you Vaughn ako man ay ganyan din ang nararamdaman.
Naglakad ako papalapit sa kanila, "ayos lang ako sir- ahh!" napasigaw na lang ulit ako ng biglang may humila sa akin pabalik sa kama. Sh*t, sumabit pala ang kumot ko sa isang pako sa gilid ng kama dahilan para matigil ako sa paglalakad. Ang masama pa ay nahila mismo ang buong kumot pati na rin ako.
"F*ck/Sh*t!" sabay na reaksiyon nila Lance at Vaughn.
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig, bigla na rin akong nakaramdam ng lamig dahil na rin natanggal ang saplot ko sa katawan. Parang slow-motion ang mga pangyayari, nakita ko na lang sila Vaughn at Lance na nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat o dahil sa nasaksihan nila, ng makabawi ay nag-unahan pa silang daluhan ako. Sa mga ganitong pagkakataon ko hinihiling na sana ay kainin na lang ako ng lupa, but this is the reality.
It took a while bago ko tuluyang natanggap sa sarili ko that they just saw me butt naked!