Chapter 3

4353 Words
Author’s Narration “Ano na kaya ang nangyayari sa dorm natin?” Tanong ni Pierce habang tumitipa sa kanyang piano keyboard, he’s been stuck sa iisang melody pero wala pa rin siyang nabubuong kanta, dahil na rin sa pag-iisip sa katulong nilang nasa bahay. It’s been 3 hours nang maka-alis sila sa dorm at ngayon at nagre-rehearse ng kanta. “Makikita natin pagbalik mamaya sa dorm,” sagot naman ni Drew at saka tumayo mula sa kinauupan, medyo nanga-ngalay na din siyang mag-drums lalo na at paulit-ulit sa iisang phrase. Dahil ito kay Vaughn na sobrang strict pagdating sa rehearsals, kaya hindi sila tumitigil hanggat hindi perpekto. “I really don’t get the management, seriously, something is really off,” biglang sabi naman ni Blake saka binaba ang bass guitar niya. Tumango naman ang iba. It’s really strange dahil dati rati’y wala naman silang katulong sa dorm, may on-call services lang para maglinis sa dorm every day tuwing aalis sila. “I know, but we can’t really do anything cause that’s what the management wants,” mahinang sabi naman ni Lance habang inaayos ang timpla ng tono ng gitara niya. “Ano ba ang masama kung kasama natin siya sa dorm? I think it’s fine, para may kasama tayo sa bahay, at may magbabantay at higit sa lahat ay may magluluto, cause Kuya Drew sucks at cooking, bigtime,” sabi ni Pierce at saka nagbalat ng candy. “Suck me instead, do you want?” Drew replied. Napangiwi naman si Pierce. “But kidding aside, napansin nyo ba na nawala na yung mga security personnel around the dorm?” Sabi ni Drew at saka lumapit kay Vaughn at inakbayan siya. Lately, naging tahimik si Vaughn. “What’s with that maid anyway? And what’s her connection with the management?” Wala sa sariling sabi ni Vaughn, parang kausap niya ang sarili niya sa sobrang hina ng boses niya. Alam nilang may kakaiba sa kasambahay nila. They knew it, but what would a mere maid do besides cleaning? And she’s a woman. “Stop overthinking guys, she’s just a maid,” sabi ni Drew para matanggal ang pagkaseryoso ng bawat isa. “Are you sure she’s just a maid?” Biglang sabi ni Lance na kinatahimik nnila. “Let’s just trust the management, hindi naman siguro nila tayo ipapahamak,” sagot naman ni Blake. “And if she has hidden agenda then we need to figure that out immediately,” sabi naman ni Pierce na sinang-ayunan naman nilang lahat. After that discussion ay nagrehearse na ulit ang bandang EVE. They need to perfect every song dahil nalalapit na ang launching ng newest album nila. They rehearsed for an hour or so, pag tinopak kasi si Vaughn ay bigla-bigla na lang nagpapa-overtime. Sila na ang nagligpit ng ginamit nilang instruments ng matapos at saka bumaba para pumasok sa van. The best feeling talaga pag nasa sasakyan na, kasi nakakatulog sila sa sobrang haba ng byahe pabalik sa dorm. Namalayan na lamang nila na nasa sa harap sila ng dorm. Isa-sa silang bumaba at naglakad papasok. Hinanda na ang kanilang sarili sa makikita nilang sitwasyon sa loob ng dorm. For sure, hindi natapos ng maid ang maglinis dahil iyon pa lang paglalaba ng mga damit nila ay aabutin ng isang buong araw. Pero hindi nila inaasahan ang matutunghayan sa loob. Napanga-nga silang lahat sa gulat. Hindi nila ine-expect iyon. Napakalinis ng dorm, halos parang noong bagong lipat sila doon. Nakaayos ang lahat. “Paanong---” sabi ni Blake. “Kumusta? Tignan nyo naman mga Sir. Nalinis ko na ang buong dorm. Dapat pala pati yung sa kapit-bahay pinalinisan nyo na din eh,” sambit ni Happy na napakalapad ng ngiti. What? How? Who the hell is this woman? Tanong sa isipan ng bawat miyembro ng EVE. Patricia’s Point of View Gusto kong matawa sa nakikita ko na reaksyon nila ngayon. Para silang mga ignorante na sinusuri ang bawat sulok ng dorm at nakahain na din ang hapunan! Syempre, pinaluto ko na rin yan sa mga alagad ko at nagustuhan naman ng buong banda ang lasa, chef ba naman ang nagluto eh. Hindi ko mapigilang tumawa ng malademonyo, kung inaakala ninyong kayang-kaya ninyo akong alipinin pwes nagkakamali kayo. Pagkatapos ng hapunan ay nagtungo na sila sa kanya-kanya nilang kwarto at natukalasan ko silang nagmangha sa ganda ng kwarto nila. Paano ko nalaman? Well, sa paglilinis ko kanina. Naglagay na rin ako ng mga hidden cameras sa bawat sulok ng kwarto nila. Including sa bathroom, pero syempre di ko naman tinitignan yon pag nandoon sila. Alam ko pa naman ang privacy kahit papano. Sinuot ko ang headphone para marinig ang sinasabi nila. Improvise ang mga gadget ko kaya kahit bulong ay malinaw kong maririnig. High resolution din ang mga camera. Inuna ko na tignan si Blake na abala sa pagsusuri ng kwarto niya, ang laki kasi ng pinagbago, nawala na ang mga nagkalat na gamit. “Wow, where did she find this?” tTanong niya ng makita sa desk niya ang isang personalized guitar pick saka siya tumungo sa base guitar niya at sinubok ang Nakita niyang pick. I stopped looking at him and proceeded to Pierce. “Pwede na rin,” sabi niya saka kinuha ang bola ng soccer at binato sa kisame at sinalo inulit niya ito at ng hindi niya nasalo ay napunta ito sa sulok kung nasaan ang mga box. Sobrang daming papel! I get it na siya ang composer, pero grabe, totoo ngang siya ang pinaka-makalat! Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga papel na iyon kaya inutos ko na lang na ilagay sa isang box at lagyan ng label na draft songs. Next is Drew na napaka-challenging ng ginawang paglilinis sa kwarto niya as per my colleagues, dahil sa dami ng nagkalat na used aargh whatever, his paraphernalia’s. “Nice, nice!” sabi niya, nakita ko namang tuwang tuwa siya sa nakita niya na naging masinop na ang kwarto niya, at pinalitan ko na din ng mas matibay ang higaan niya. I don’t know, siguro dahil sobrang gamit na gamit na ang higaan niya kaya umuuga. Next na tinignan ko ang kwarto mula sa surveillance ay ang kwarto ni Lance na agad ko ding nilagpasan dahil nakatulog na siya agad. Yes, wala man lang appreciation at basta na lang siyang dumiretso sa higaan. Understandable, pagod lang siguro siya. Lastly, I checked Vaughn’s room. He was just staring at the window habang nakaupo sa bed niya. Wala din naman siyang naging reaksyon sa kwarto niya, I mean, konti lang naman ang binago sa kwarto niya. He’s the neatest among them, almost perfect na talaga ang lalaking ito kung hindi lang masungit. In-off ko muna ang cameo nila noong alam ko na nagbibihis na sila. Kailangan din nila ng privacy. I know, wala naman akong balak na bosohan sila. Never in my entire life that I would think to do that. Nag-scan na lang ako sa paligid ng dorm mula sa mga camera na kinalat ko sa buong compound. Wait a minute, nag scroll back ako dahil may kung ano akong nakikita sa bakuran na gumagalaw. Hindi naman mahangin sa labas pero bakit gumagalaw ang mga halaman? I decided to check it myself. Dahan-dahan akong bumaba at nagtago para marating ang back door. Kung talagang may utak ang taong yun, hindi siya dadaan sa main door kung ayaw niyang magpahuli. Nanguha ako ng baril at nilagyan ko ito agad ng silencer. Nagtago kasi ako ng mga baril sa paligid ng dorm pati na rin sa loob, in case there is a sudden attack. Narating ko na ang edge ng backyard. Nakiramdam muna ako at pinagana kong mabuti ang mga senses ko. “Ano ka ba naman ang bagal mo, baka mahuli nila tayo” sabi ng unang boses. “Ate. Natatakot ako, trespassing itong ginagawa natin. Baka makulong tayo” sabi naman ng ikalawang boses. “Ang arte mo. Pupuslit lang tayo ng pictures nila” sabat naman ng huling boses. “Oo nga, malay mo, maabutan pa natin silang naliligo, saan kaya banda yung cr nila?” boses na naman iyon noong una. Binaba ko ang baril ko at binalik sa hidden spot. Mga baliw na fans lang pala. Mga desperado dahil kailangan pa talagang mag akyat-bahay para lang makita ang idolo nila. Kung alam lang nilang may sa demonyo ang mga idolo nila. I need to stop their craziness. Sinadya ko na lakasan ang yabag ng paa ko para malaman nila ang presensya ko. “Sino kayo at anong ginagawa nyo dito?” Ma-awtoridad ko na sigaw sa kanila. Napaigtad sila saglit pero ng makita ako ay agad din silang nakabawi at tinignan ako na para bang nakakadiri ako. “At sino ka naman sa tingin mo? Oh my God. I know. From your outfit, halata naman na maid ka lang,” iyon yung unang boses na narinig ko. Anyway, mukha siyang espasol sa puti ng foundation niya, mga nasa late 20’s na rin siguro siya. Ang tanda-tanda na pero pang-i-stalk pa din ang inaatupag. “And excuse me. Kami ang #1 fan ng EVE band noh’. So, get out of our way. b***h!” ito pala yung huling boses na narinig ko no offense pero ang tulis ng mukha niya, sing-hugis ng buwan ngayon, crescent. “Bawal kayo dito. Umalis na kayo,” sabi ko ng mahinahon baka sakaling makuha sila sa kabaitan. “Wow ha. Kung makapagsalita ka akala mo naman ikaw ang nakatira dito. Eh katulong ka lang naman.” Sabi noong babaeng naligo ng foundation, ang kulit talaga niya. “Do not make me say it twice,” mahinahon ko na sabi, mukhang mapapalaban ako tonight. “Wait sige po aalis na kami,” sabi naman ng ikalawang babae, siya lang yata ang nag-iisip ng tama sa kanilang tatlo. “What/No!” Sabay na sigaw ng babaeng matulis ang mukha at babaeng mukhang espasol. “Hindi tayo aalis dito, dahil lang sinabi ng maid na ito,” Masungit na sabi ni espasol faced b***h at saka siya nagpamewang. What’s with the attitude girl? “If I know, mukhang pera ka lang. Name your price. I’ll give you a check,” aniya. Napahawak na lang ako sa sintido ko, baka gusto niyang siya pa ang bilhin ko? “Please, for the last time. Get out,” Sagot ko naman at saka hinigit ang siko ng dalawang babae at hinila sila sa backdoor exit. “You b***h. How dare you!” Sigaw ng isa. Naka-amba na ng pagsampal ang dalawang babae sa akin. But not fast enough, agad akong pumihit at pumunta sa likod nila habang hawak pa rin ang mga siko nila, kinuha ko iyong pagkakataon para pag-untugin sila na siyang dahilan ng pagkawala nila ng malay. Here are they now, lying on the ground yan ang napapala ng mga kagaya nila. Napatingin naman ko sa isa nilang kasama na ngayon ay nanlalaki ang mata na nakatulala sa akin. “Ikaw, dalhin mo sila palabas dito. Kung ayaw mong isunod kita.” Tumango naman siya bilang tugon at agad na hinala ang mg kasama niya. Tinignan ko ang relo ko, kailangan ko ng magsinop ang magsara ng dorm at bakuran. Baka kung sino na naman ang makapasok. Napatigil na lang ako ng maramdaman na naman ang nagmamasid sa akin, here he goes again, nagmamatyag sa ginagawa ko. Buti na lang at nakaalis na ang mga impakta bago niya ako makita. Ano ba ang fulfillment ang magagawa niya kung sakali? Mahuli ko lang siya sa akto sa ginagawa niya at talagang kokomprontahin ko siya, but not now. I will let him enjoy his nonsense plans, kung sa tingin niya ay may malalaman siyang clue sa tunay ko na prupose dito pwes kahit araw-arawin niyang magmatyag wala siyang makukuha. Tumungo na ako sa loob ng dorm at nagligpit. Tomorrow is another day, ano na naman kaya ang pakulo nila? We will see. Mas maaga akong nakagising ngayon kaysa kahapon, kaya naman maaga ko din nagawa ang mga household chores at pagluluto ng pagkain. Day-off ngayon ng EVE kaya naman hindi ko na sila ginising, ayon na din sa command nila sa akin. Magaalas-dies na ng makagising sila at magbreakfast, hindi ko nga alam kung breakfast pa ba iyon. Matinding katahimikan ang bumabalot sa buong dorm. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip na may binabalak na naman silang masama sa akin. “Happy. Gawan mo kami ng merienda!” utos sa akin ni Drew na naglalaro ng xbox with Pierce naka-indian sit sila sa harap ng giant flatscreen TV. “Anong merienda ho ang gusto nyo?” tanong ko habang nilalagay sa gilid ang vaccum cleaner. Linis na lang ako ng linis, di naman nawawala ang dumi dahil maya’t maya ang kalat. Sana pala araw-araw silang may trabaho para wala akong kasamang mga burara. “Pinapple juice and chicken sandwich. sa iyo Pierce ano?” sabi ni Drew na busy pa rin sa paglalaro. Siniko niya lang ang katabi niyang si Pierce. “Cucumber lemonade and Tuna sandwich please, thank you,” sabi naman ni Pierce. Tumingin muna siya sa akin at saka ngumiti pagkatapos sabihin yun. Buti pa itong si Pierce kahit papaano ay may modo, samantalang yung iba hay nakuuu. Naalala ko tuloy na pinabili ako ni Blake ng 3in1 na kape tapos noong binigay ko sabi niya paghiwa-hiwalayin ko daw yung ingredients. Gagong gago talaga. “Yow ang daya mo Kuya Drew,” Pagmamaktol ni Pierce ng mapansing natatalo na siya. “Happy ano na? Gutom na kami,” follow-up ni Drew. Sungit. “Sige po sir!” sarcastic ko na sagot at pabalag na nagpunta sa kitchen para ipaghanda sila ng merienda. Nakakainis. Feeling ko, anytime, magbaback-out na talaga ako. Kotang kota na ako for today, pagod na pagod na ako. Habang nagtitimpla ako ng juice, si Vaughn naman itong kanina pa pabalik-balik sa akin dahil nawala daw sa pagkaka-organize ang mga gamit niya. Kung anu-ano ang mga hinahanap sa akin eh malay ko ba? Hindi naman ako yung naglinis ng kwarto niya, kaya sinasabi ko na lang na nandoon lang sa cabinet niya kahit di ko talaga alam. Bahala siyang maghanap. “Next time, wag mong pakialaman ang mga gamit ko,” pabalang niyang sabi at saka umalis. Edi wag! Dinala ko na kila Drew at Pierce ang mga merienda nila pagkatapos ay nagtungo na ko sa garahe para linisin yung van nila. Ewan ko ba, may driver naman sila pero bakit sa akin pa nila inutos. Pwede rin naman magpa carwash sa labas pero sa akin pa rin talaga inutos. Pagdating ko sa garahe. Kulang na lang, umabot sa sahig ang panga ko. Saan ba na lupalop sila nakarating at sobrang dumi ng van nila? Pwede na yata itong ipabatak, gamit pa ba ito ng artista? Eh parang delivery van ito eh. Mas malinis pa kung tutuusin yung truck na nangongolekta ng basura. Itinda ko na kaya sa bakal bote tong van nila? “We’ll use it by tomorrow morning so make sure that you’ll clean it well,” Paglingon ko ay nakita ko na si Lance iyon. He’s wearing a gym outfit na nakalapat na ngayon sa katawan niya dahil sa pawis. Napa-iwas ako ng tingin. Don’t Patricia. “Yes sir! Ako na ang bahala, lilinisin ko itong mabuti,” sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya dahil hindi ako komportable. “What’s wrong?” Nagulat ako ng tumambad siya sa harapan ko. “Ha? Ano, sir wala, napuwing lang ako,” sabi ko na kunwari pumipikit-pikit habang umiiwas sa kanya. “Hey, let me see,” aniya at saka kinuha ang dalawang kamay ko na kinukuskos sa mga mata ko. He looked at me intently and carefully touches my face with his right hand. And for that moment, I thought time has stopped. Amoy na amoy ko ang pinaghalong perfume at pawis niya, but not to the extent na masangsang, he actually smells so masculine. At malalim din ang paghinga niya siyang pinagtataka ko. I also realize his little mole under his lips just above his cleft chin. “Aray!” Napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ang kung anong tumama sa ulo ko, tinignan ko kung saan iyon nanggaling and it was from Vaughn. He’s on the second floor, nakadungaw sa terrace mula sa kanyang kwarto. He looked so mad and I wonder why? Ano na naman ba ang nagawa ko? “Come here, I need you,” sabi niya at saka nag-crossed arms habang nakatingin pa rin sa akin. Gusto talaga ng lalaking ito ay nasusunod agad ang gusto niya, agad-agad. Bumaling muli ako kay Lance “sir Lance, puntahan ko lang si sir Vaughn,” paalam ko sa kanya at agad naman siyang tumango. Mabilis akong nagtungo kung saan naroroon si Vaughn, kumatok muna ako sa pinto bago pumasok at naabutan ko siyang naka-upo sa kama niya. Mukha na naman siyang badtrip. “Anong maipaglilingkod ko sir?” tanong ko at tumukhim muna siya bago itinuro ang cabinet niya. “Where’s my neck tie?” tanong niya. Napataas naman ang isang kilay ko sa tanong niya. iyon na yon? Naglakad ako patungo sa cabinet niya at binuksan iyon, inisa-isa ko na hawiin ang mga damit. Nang hindi ko mahanap ay sa mga drawer naman ako naghanap at ayun nga, voila! “Ito sir oh,” sabay turo ko sa drawer. iyon lang pala ang ipapahanap niya, nag-abala pa akong umakyat dito. “Alright, you can go now,” sabi niya at kinuha ang headset at cellphone at saka humiga sa kama. Okay, ano yon? Nagkibit balikat na lang ako at lumabas ng kwarto niya. Bahala siya, bipolar yata yung tao na yun. Ihinanda ko na ang mga gagamitin ko sa paglilinis at sinimulan ang dapat masimulan. “Sa wakas, natapos din!” Sigaw ko sa tuwa. Gosh! Never in my entire life na naglinis ako ng ganito kaduming kotse. Tinignan ko ang van ng may ngiti sa labi. Shiny na siya ngayon. What a great accomplishment. iyon na lang, ako naman yung naging madumi. I badly needed a shower. Sa backdoor na ako dumaan para hindi madumihan ang sala, nagdahan-dahan na lang ako paakyat sa taas para makarating ng kwarto ko, ayokong makita ako nila Drew at Blake, mag-uutos na naman yun. Mabilis lang ang pag-shower ko dahil marami pa akong kailangang gawin. Pagbaba ko ay nasa living area na silang lahat. “Ayan na pala siya eh,” sabi ni Drew. “Hey, wag ka na daw magluto, magdrive thru na lang daw tayo sa Mcdo,” sabi ni Pierce na mukhang excited. “No, Jollibee!” Sigaw naman ni Blake. Parang bata. “Stop, anong gusto mo Happy?” tanong naman ni Drew sa akin. Tinuro ko lang ang sarili ko, di makapaniwalang tinatanong nila ako. Ang slow ko today. “Di ba, Jollibee? Kasi bida ang saya, Happy!” halos matumba pa ako ng hilahin ni Blake ang kamay ko. “Then Jollibee it is,” sambit ni Vaughn at saka kinuha ang susi na nakalagay sa sabitan malapit sa pintuan. “Exciting to! Happy magbihis ka na, magbibihis na din kami. We have to disguise kasi baka makilala kami. Wait here, makikita mo, master of disguise kaya kami! Kaya nga kahit lumalabas kami ay walang nakakakilala,” masayang sabi ni Pierce. Master of disguise huh? Nginitian ko na lang siya. Ilang minuto din akong naghintay sa kanila. Ang tagal naman pala ng preparations nila. Di ko napigilan ang pagtawa noong lumabas na sila. They were wearing super heavy clothes and wigs plus spectacles. They really had no idea what it really likes to diguise, it's not about the outfit but the attitude. "What do you think Happy?" tanong ni Blake saka umikot na tila ina-advertise ang kanyang damit. "Ayos sir, hindi na kayo makikila niyan," pagsang-ayon ko na lamang. Well, at least they tried. Kahit nagmukha na silang mga rugby boys na nasa kalye. Nagtungo kami sa van, si Drew na ang nag-drive, sa tabi niya ay si Blake. Magkakatabi naman sa iisang row sa gitna sina Vaughn, Lance at Pierce. Ako, magisa ko sa likod. Mas okay na iyon kaysa may makatabi ako sa kanila. Nagtungo kami agad sa pinakamalapit na Jollibee drive thru. Sobrang excited si Blake grabe, parang first time niyang makaka-kaen ng Jollibee. Nakwento naman ni Pierce habang nasa biyahe na madalas silang lumabas dahil sobrang boring sa dorm at saka para na din makapag-unwind. Natuto lang silang mag-disguise dahil noong minsan ay pinagkaguluhan sila sa isang mall ng magpasama si Drew na bumili ng undies niya. Nagkakawalaan yata ang undies niya kaya nauubos, kung saan-saan sigurong hotel niya naiiwan. Halos mapatalon sa tuwa si Pierce ng tumapat kami sa speaker para mag-order. Dinaganan na niya sina Lance at Vaughn para lang makalapit sa bintana. At dahil bunso nga ng banda ay pina-una na siyang umorder. "2-piece chicken, spicy, thigh part please!" parang bata na sigaw ni Pierce nakipag-unahan na din si Blake na mag-order. Dalawa na sila ngayon na nag-aaway dahil naguunahan silang maka-order. "Ikaw Happy anong gusto mo, don't worry, it's our treat," biglang baling sa akin ni Pierce. Sumagot naman ako at sinabing kahit ano lang, sila na ang bahala. Naging hudyat naman iyon sa kanya para umorder pa ng napakarami. Ng matapos mag-order ay tumungo naman kami sa kabilang station para magbayad at doon na naman umandar ang pagkababaero ni Drew. "You can come to my place if you want, anong oras out mo?" tanong ni Drew sa cashier. Halata naman sa cashier na kinikilig siya. Weak. Ganoon pa lang laglag na ang panty niya. Iba talaga ang karakas nitong si Drew. Kahit mukhang pulubi sa outfit, nakakakuha pa rin ng babae. Ang ibang miyembro naman ay halos masuka sa pakikinig sa mga punchlines niya. "Ahm okay sir," sambit ng cashier ng hingiin ni Drew ang numero niya, kinuha niya ang phone ni Drew at nag-type ng kaniyang numero. Malapad naman ang ngiti ni Drew matapos iyon. Naalala ko na naman ang kalat sa kwarto niya. Kakalinis lamang doon pero mukhang magugulo na naman. Sana lang hindi sila masyadong maingay para naman makatulog kami ng maayos. Katabi ko pa naman ang room niya. "You should take notes Pierce, ganiyan dumiskarte sa babae," Drew proudly said. Dahan-dahan naman siyang nagmaneho sa huling istasyon para i-pick up ang na-order namin. "Yes bossing!" sagot naman ni Pierce. Nanlaki na lang ang mga mata ko, akala ko ba good boy si Pierce? Balak pa palang impluwensyahan ni Drew. "Eto na, ipasa mo yung burger and fries Pierce," sabi ni Blake at saka inabot kay Pierce ang paper bag na may laman na burger and fries, kinuha naman niya iyon at saka binigay sa amin. "How about my chicken?" nakangusong reklamo ni Pierce. "Sa bahay na," maigsing sagot naman ni Blake habang abala sa pagtingin kung kumpleto ba ang orders, sunod na din niyang inabot ang drinks. Habang nasa biyahe pauwi ay bigla na lang kaming huminto sa gilid. Ang gaslaw naman kasi ni Pierce kumain. Katabi pa naman niya si Vaughn na napaka-mainipin. Halos kaltukan na niya si Pierce sa sobrang kulit niya. I get him, sobrang annoying naman kasi ng kakulitan ni Pierce, parang bata. "Go to the back, magpalit kayo ni Happy" ma-awtoridad na utos ni Drew. Iba din palang magalit ang panganay sa banda. Akala ko si Vaughn lang ang sinunsunod nila. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Nagmamaktol pa si Pierce nang bumaba sa sasakyan at magtungo sa huling row ng upuan. Ako naman ay pinaupo ni Lance sa gitna nila ni Vaughn, ayaw niya din yatang maging katabi si Vaughn dahil masungit. Hindi ko alam kung papaano niya naitatago sa madla ang ganitong ugali niya samantalang napakabait niya in public. Showbiz life nga naman, malayong malayo sa totoo nilang buhay. Tahimik lang akong kumakain ng burger habang nagkukwentuhan naman silang buong banda, si Pierce na parang bata ay nakadantay sa upuan namin, para siyang golden retriever. "Ay sh*t, sorry!" Biglang sabi ni Pierce at naramdaman ko na lang na may tumama sa gilid ng mukha ko hanggang sa buhok. Hinawakan ko iyon at nakumpirmang ketchup iyon. "Pierce!" pagalit na sigaw ni Vaughn, tila nag-iba ang awra niya. Matalim ang titig niya kay Pierce Nakakatakot. I mean, i'm nkt scared, but for people na hindi sanay sa ganoong reaksiyon ay tiyak na matatakot sila sa kanya. "Okay lang," sabi ko na lang para maalis ang tensyon sa paligid. "Here," inalok ni Lance ang tissue na hawak niya. Tinanggap ko naman iyon at pinunasan ang ketchup na tumalsik sa mukha ko. "May I?" tanong ni Lance, tumango naman ako at saka niya pinunasan ang ketchup sa buhok ko. I think kailangan ko na naman mag-shower mamaya dahil malagkit sa buhok ang ketchup. Narinig ko naman na napamura si Vaughn, I don't know, baka si Pierce ang minumura niya. What matters most ay matanggal ang ketchup sa akin. "Hurry up Drew," seryosong pagkasabi ni Vaughn, pinabilisan naman ni Drew ang pagmamaneho. Si Pierce naman ay sorry ng sorry sa akin kahit na kanina ko pa naman siya napatawad. Si Vaughn, badtrip sa tabi ko. Samantalang si Lance ay tahimik lang na kumakain. Si Drew at Blake may babae lang na pinaguusapan. Mabilis na bumaba ang iba ng makarating kami sa dorm. Nahuli akong bumaba dahil kinuha ko pa ang mga kalat nila sa loob ng van, mahirap na at baka langgamin iyon. Ng matapos ako ay nakita ko si Vaughn na nakatayo at nakahilig sa van habang nakahalikipkip. Tinitigan niya ako at sinabing "Come with me,". "Ha! Saan ho sir?" tanong ko. "To my room," simple niyang sagot. "bakit ho sir?" tanong ko muli na naguguluhan sa gusto niyang iparating. "Find my neck ties, it's missing again." pagkasabi niya noon ay iniwan na niya akong mag-isa. Napakunot na lang ang noo ko habang tinitignan si Vaughn na naglalakad papasok sa dorm. "Na naman?" Ano ba ang meron at hindi na naman niya mahanapan yung neckties niya? Sumunod na lang ako sa kanya. Wala naman akong choice kundi sundin ang gusto niya. May araw ka rin sa akin Vaughn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD