Chapter 2

3274 Words
Patricia’s Point of View Damn it! Drop the attitude, Patricia. Drop it. Inhale… Exhale… Kalma ka lang self! You need to think of ways, better ways rather kung paano ko nga ba iibahin ang impression nila sa akin? Aargh. I really messed up earlier, dapat ay hindi ganoon ang inasal ko. Magtataka lang sila kung suddenly magiging jolly and friendly ako, pero may paraan pa naman siguro. 7pm na pala. Kanina pa ako dito for almost 3 hours. At hanggang ngayon, wala pa akong maisip na pambungad sa kanila mamaya. Pasabugin ko na lang kaya itong dorm nila para walang problema? No, di nga pala pwede. Ako naman ang mawawalan ng trabaho, and no job means no money. Narinig ko na lang ang katok sa pintuan. Mukhang tinatawag na ako. “Happy, labas ka na diyan. Kakain na,” rinig ko mula sa pintuan. Malamang si Pierce yun. Lalabas na sana ako pero kailangan ko pang pag-isipan ang comeback ko! You’ve already fought a hundred criminals, Patricia. You can do this, drop the attitude!!! Be calm… “Ah. Sige Sir,” I said in my sweetest tone. s**t, nasusuka ako sa ginagawa ko. Aargh, trabaho lang ito, tandaan mo yan Patricia! Matitiis mong maging weakling! Kaya ko ito, fighting! Pagkalabas ko sa pintuan, tumambad sa harapan ko si Pierce na may hawak na tinidor at saka bahagyang nakanguso sa akin. Imagine, poker face at saka naka-pout. Only Pierce can do that, weird. “Ikaw na lang ang hinihintay. Kumakain na kami sa baba tinawag lang kita para makasabay ka sa amin,” sabi niya ng medyo may pagka-jolly tone. Mas matanda siya sa akin ng isang taon pero mukhang mas matured pa akong kumilos at mag-isip sa kanya. Pero sandali lang, parang may mali. Nawala yata ang dark aura niya, from pokerface, naka smile na siya sa akin. Nevermind, kanina pa din ako gutom eh. Ipagsawalang bahala ko na lang muna but I still have to guard myself. Sabay na kaming nagtungo ni Pierce sa kitchen, at isang napaka-pormal na hapag-kainan ang naabutan ko. Sila ba ang may gawa nito? Parang high class restaurant lang ang dating ha, may talent rin pala sila sa pag-aarrange ng dining table. Bakit di na lang kaya sila maging receptionists? Malawak ang ngiti nila sa akin ng masilayan ako, yung tipong walang hidden agenda. Ganito ba talaga sila? I don’t think so, it’s really strange, something’s wrong and I need to figure that out. “Pinaghanda ka namin ng makakain. Nagtulong-tulong kami para dito. Pa-welcome na rin namin sa'yo,” sabi ni Blake. Bahagyang napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kulang pa ba yung pag welcome nila sa akin kanina? Tsk tsk tsk. Halata na kayo hindi ko na lang ipinakita ang pagkadismaya ko. “Sit here” Sabi naman ni Lance at saka siya tumayo sa inu-upuan niya at kinukumpas ang kamay niya na umupo ako doon. noong una naghinala pa ko baka kasi pag-uupo na ako ay saka niya hilain, pero hindi iyon nangyari. Buti naman… katabi ko ngayon si Drew at Blake na napaka-lapad ng ngiti sa akin. Well, that's creepy! “Ate. Kumaen ka na. Ako ang nagluto niyan. Meatball spaghetti, specialty ko yan,” mayabang na sahad ni Drew habang ino-offer sa akin yung pagkain. Hindi na lang ako umimik sa kanya. Kinuha ko naman iyon at nilapag sa harapan ko. Lahat naman sila ay titig na titig sa akin na parang may kapana-panabik na eksena ang mangyayari. Alam ko na, akala nyo ha, nababasa ko kayo. Sigurado akong may kung anu-ano kayong nilagay sa pagkain ko. Pwes, hindi ako magpapa-uto sa inyo dahil bistado na kayo. Kinuha ko ang tinidor at saka kumuha ng spaghetti. Medyo nakikita ko na napapa smirk sila mula sa aking peripheral view. Ng akmang isusubo ko na… “Mga Sir. Pasensya na nga po pala sa inasal ko kanina. Medyo pagod lang talaga ako. Kaya hindi ako nakapagpakilala ng maayos,” sabi ko. Nakita ko na nag-iba ang itsura nila. Mukhang nabitin. Napa-cuss pa yung iba. Habang ang iba naman ay parang nahigit ng hininga. What's wrong guys? Did I spoil the show? Napapatawa na lang ako sa isipan ko. The EVE, what a pathetic trick! “Okay lang iyon Ate. Naiintindihan namin. Sige na, tikman mo na yung hinanda namin para sa iyo,” sabi ni Drew. Akmang isusubo ko na ulit ang pagkain pero binitin ko ulit. Nakita ko na napapakuyom na sila ng kamao. Galit na ba sila sa lagay na yan. This is getting exciting; I want to see them in their super evil mode. “Tawagin nyo na lang po akong Happy,” sabi ko. Napaigtad na naman sila sa pagkabitin. “Ah sige Happy, kumain ka na dali for sure masarap yan,” sabi ni Blake. “Hmm, okay sir,” at akmang isusubo ko na naman yung pagkain… kaya lang Cliff-hanger ako. I could sense their dark auras. What an epic face. “Ah oo nga pala mga sir. Wag nyo na akong tawaging Ate. 25 pa lang kasi ako. Mas ahead kayo sa akin,” sabi ko. Kung hindi lang ako nagpapanggap, tatawanan ko talaga sila. Mukhang bitin na bitin na sila sa eksenang mangyayari pag sinubo ko ang prinepare nilang pagkain para sa akin. “Sure thing Happy, now eat,” medyo may pagbabanta na sabi ni Vaughn. Tsk tsk tsk. This time. Sinuri ko ng mabuti yung isusubo ko, mukha naman siyang ordinaryong spaghetti. I wonder kung may chemicals ba silang nilagay, or powder pero, hindi naman kahina-hinala. Pero nang amuyin ko iyon, halos mapapikit ako. Hindi na normal ang amoy ng chilli flavor niyon, siguro binuhos na nila dito ang lahat ng chili powder at chilli sauce. I smirked secretly. Anong akala ninyo sa akin? Favorite ko kaya ang spicy flavor. Kung ano man ang nilagay nyong maanghang dito, no match sa akin yan dahil fresh na Carolina reaper ang kinakaen namin noong nagtraining ako, sobrang sanay na ako sa anghang. Sinubo ko na ang pagkain. Lahat sila ay nakatitig lang sa akin at inaantay ang reaksyon ko. Nakangiting tagumpay na silang lahat, habang ako naman ay ngumunguya at ninanamnam ang spicy hot flavor. “Wow! Ang sarap naman nito mga Sir,” sabi ko. Literal silang napanganga sa naging reaksyon ko noong malasahan ko ang pagkain na inihain nila. “Sino na nga ang nagluto nito? Grabe, ang sarap. Pahingi pa pa nga ng isang sandok!” Mababakas pa rin ang pagkagulat sa kanilang mga mukha. Akala nyo ha hindi ko kayo uurungan. Pero seriously, masarap talaga yung luto nila kaya lang nasobrahan sa anghang, pero paborito ko talaga ang spicy. “Hindi ba ma-anghang?” tanong ni Pierce. “Huh? Sakto lang naman, pero may chili sauce pa ba? Kasi nakukulangan ako eh. Favorite ko kasi ang spicy flavor,” I said innocently. Walang makikitang ibang reaksyon mula sa kanila kundi ang pagkagulat. I guess your plan for today has failed EVE, better luck next time. Nang matapos na kaming kumain ay bigla na naman silang nanlamig, aba himala. Bumalik ang mga sungay ng mga amo ko. Iwanan daw ba ako dito sa dining area, at nagtuloy-tuloy na sila sa mga sarili nilang kwarto. Take note, padabog pa silang nag walk-out huh. Nabadtrip siguro dahil hindi ako nahulog sa bitag nila kanina. Eh anong magagawa ko? Favourite ko talaga ang spicy flavor. Niligpit ko na lang ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos ko sa kitchen, sinunod ko namang linisin ang dining area then sa living room naman. Medyo natagalan ako sa pagliligpit ng mga kalat sa living area. Napakaraming kalat. Mind you, pati mga medyas at boxers nila, nandoon. Kung hindi ko lang talaga trabaho ito. Malamang, kanina pa nasa basurahan ang lahat ng gamit nila. Tutal mag-isa lang ako dito sa baba, nag-observed na muna ko sa paligid. Tinignan ko kung saan ako pwedeng maglagay ng mga hidden cameras pati na rin ng mga kung anu-ano pang gadgets. Kailangan mahusay ang pagkakalagay ng mga iyon para hindi nila mahalata. Nilagyan ko na lang ng marka ang ibang lugar na pupwede ko na lagyan niyon, ang iba ay tinandaan ko na lamang. Bukas ko na lang siguro ilalagay ang mga iyon. Tutal may schedule naman yata sila bukas, malaya akong makakagalaw dito sa dorm. Sa ngayon, wala muna akong gagawin. Umupo ako sa sofa, itinaas ang dalawang paa at saka pinatong sa round table. In-on ko ang TV para manood ng news. Nasa kalagitnaan ako ng panunuod ng may maramdaman akong nakatingin sa akin, pero nagpatay malisya nalang ako, it was one of the EVE’s members. Akala niya siguro hindi ko siya napapansin, pero alam ko na kanina pa siya nakatingin sa akin na parang sinusuri ako. Ramdam na ramdam ko ang presensya niya. Hindi ko man kilala kung sino siya pero alam ko na isa siya sa mga demonyo kong mga amo. Mga ilang minuto din siguro ang itinagal ng pag-oobserve niya sa akin, approximately 38 minutes, I don’t know his motives pero aalamin ko iyon. Sinigurado ko munang nakabalik na siya sa kanyang kwarto, I stayed for another 30 minutes bago umakyat sa taas. Humiga ako sa kama, I know mas magiging exciting ang magaganap bukas. Kung may balak man silang masama, then bring it on, hinding hindi ko sila uurungan. I woke up at 4:30 am. I did my morning routine, as usual then put on the maid’s suit. Dumiretso agad ako sa kusina at nagtingin ako ng pwedeng lutuin mula sa fridge. Naalala ko, probinsyang luto lang pala ang kaya kong iluto. Eh ano ba ang malay ko sa mga high-end restaurant dishes? Bahala sila kung kakainin nila ang iluluto ko, basta magawa ko ang trabaho ko, tapos ang usapan. Buti na lang, sa paghahalungkat ko sa fridge na puro beer at pampulutan ang laman ay nakahanap ako ng bacon and ham. Iyon na lang ang iluluto ko, the quickest and easiest food to prepare. Nagluto din ako ng fried rice at sunny side up na eggs. Bahala na talaga sila kung kakainin nila ang mga hinanda ko ngayon. I’m a decent cook naman. Binabalak ko ngang lagyan ng lason tong mga pagkain eh, o kaya naman ay lagyan din ng hot sauce tamang pambawi lang sa ginawa nila kagabi. Kung di ko lang trabaho ito hay naku. Halos 6:30 na ng matapos akong magluto at hinihintay ko na lang ang kanilang paggising. Pero makalipas ang isang oras ay hindi pa rin sila nagigising. Mamumuti na yata ang buhok ko at titirik ang mata sa kahihintay sa kanila. Wala ba silang balak lumabas mula sa mga kwarto nila? 30 minutes before 8am na pero wala pa rin sila. Kay aga-aga nilang natulog kagabi, tapos sila pa ang may ganang matulog ng masagana ngayon? Puyat ba sila? Ano pa ba ang pinagkaka-abalahan nila sa gabi para mapuyat? Papasabugin ko na ba ang mga kwarto nila? O di kaya… Lalagyan ng teargas ang mga kwarto nila? Aargh! Pakapalan na ito ng mukha, kakatukin ko na lang ang mga pinto ng kwarto nila. Inisa-isa ko na katukin iyon pero kahit isa ay walang sumagot, comatose na yata sila. Sinubukan ko ulit kumatok but still, no response. These boys are really getting into my nerves. Sila yata ang magiging kalbaryo ko sa buhay. I smirked; I got a bright idea! Tignan ko lang kung di kayo magising sa gagawin ko. Pumunta ulit ako sa kusina para kumuha ng dalawang palayok. Yung stainless ang kinuha ko para mas malakas at saka ako bumalik sa taas at pumwesto sa gitna. Humugot ako ng malalim na hininga, I stretched my arms widely and with my full strength, I banged the utensils to make a loud noise. Plaaaaaank! Plaaaaaank! Plaaaaaank!!! “Gising na!” sigaw ko. At ayun na nga, mga nagpupungayan na mga mata ang sumalubong sa akin pagbukas ng mga pintuan nila. Aba at tigmo nga naman halos sabay-sabay pa silang nagbukas ng mga pintuan nila. So totoo ngang mga tulog pa sila ng ganitong oras. Kanya-kanya naman sila ng tantrums sa ginawa ko. Parang mga bata. Bigla na lang may humigit ng kaliwang kamay ko… si Lance lang pala. “What do you think you’re doin’ huh?” taas kilay niyang tanong sa akin. Pinasadahan niya pa ako ng titig na para bang anytime ay sasakalin niya ako. “Ah kasi sir… 7am na. Nakapagluto na ho ako ng breakfast,” nakangiting sagot ko ng makabawi. Makuha ka sa charm ko! Pero dahil gumamit yata ng anting-anting ang lalaking ito, di siya tinablan. “You’re ruining our sleep,” poker face pa rin na sabi ni Lance sa akin. Kinuyom ko na lang ang palad ko sa likod bagamat nakangiti pa rin ako sa kanila, deep inside, kating kati na akong pagbabarilin ang mga demonyong amo ko. Ang aga-aga, bad vibes agad ang dala nila sa akin. "You’re annoying," sabi naman ni Blake na nagkakamot pa ng ulo at likod. “Hays, I was about to get to the c****x!” sabat ni Drew na nakapikit pa rin. c****x what? “Eh mga Sir, nakalagay ho kasi sa schedule nyo na may rehearsal kayo ngayon? 8am iyon sabi ni manager baka ho ma-late kayo. Mapapagalitan kayo tiyak ng CEO at ng manager nyo!” painosente ko na sabi sa kanila. “Next time, hintayin mo na lang kaming bumaba, okay? Wag kang maniwala sa sched na sinasabi ni manager because we make our own schedule understood?” Sabi ni Pierce na may pagkaseryoso iba palang magseryoso ang palatawa. Okay sabi mo yan eh, sino ng aba ako? Eh maid lang ako, pinanatili ko na lang tikom ang aking bibig. Napakamot na lang ako kunwari sa tuktok ko. Nagmumukha akong ewan pero mukhang effective naman ang acting ko. “Let’s go,” maigsi pero mariin na sabi naman ni Vaughn. I don’t know but something is really off with this man. Pagkasabi niya noon ay bumaba na sila. Aba, sinusunod siya ng buong banda? Anyways, hindi ko ba na-mention na naka-boxer shorts lang sila at walang pantaas. As much as I love the view of their muscular and athletic body plus their six or 8 pack abs, hindi pa rin ako komportable sa nakikita ko. Hindi man lang sila naging sensitibo sa part na may babae silang kasama sa dorm! Hindi na sila nahiya! Sumunod na lang ako sa kanila sa baba. Pagtingin ko sa dining area ay nagkakagulo na sila. Lumilipad pa sa ere ang ham and egg. Wala ng pag-asa ang mga ito, pinagmasdan ko lang sila habang kumakain. Nasa bar counter lamang ako sa kitchen, hindi nalalayo sa kanila dahil nasa tapat lang iyon mismo ng dining area. After few more minutes ay natapos na din sila. Ang kaninang masaya na EVE members ay bumalik na naman sa poker face at tumubo na naman ang mga sungay. What's with the sudden change of mood? Kailan ba ako masasanay sa pagiging bipolar nila? Nagtitinginan lang sila na para bang may secret code sila. I smell the scent of evil here. Nanatili lang ako sa isang sulok. “Do you think she’ll last here?” Sabi ni Blake. “I don’t know, but we’ll see,” sagot naman ni Lance. “What makes the management think that we need a maid anyway?” tanong ni Pierce. “Maybe because you’re too untidy Pierce,” Blake answered. “Why me? Kuya Drew has so many used condoms at the back of the van. That is untidy as f*ck!” Pierce exclaimed. “You’re just jealous I get to taste a lot of women.” sabat naman ni Drew. “Stop it, just do whatever it takes to send her out of here.” si Vaugh naman ang nagsalita. Parang may ideya na ako sa usapan nila at sigurado ako ang topic. Well, I don’t f*cking care cause I’m doing my job here. Bahala na sila kung anong plano man ang binabalak nila. Kung anuman iyon pwes, hindi ko sila uurungan. “Happy ikaw ng bahala dito sa dorm ha. Pakilinisan ang buong dorm lalo na ang mga kwarto namin hanggang sa kasulok-sulukan ng dorm. Pati mga damit namin ay labahan mo na rin, handwash dapat. Mayroon na din dapat naka-prepare na food. Understood?” sabi ni Blake saka siya nagpunas ng tissue sa labi. Easy. Sa isip-isip ko, wala bang mas mahirap? “Yes, sir!” masigla ko na sagot, habang naka saludo pa. “It's almost 1pm right now at 5pm ang balik namin. Pag dumating na kami at hindi mo nagawa lahat yan, you’re fired, okay? We do not tolerate laziness here," pagbabanta ni Drew sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pero saglit lang yun. I mean sino siya para tanggalin ako sa trabaho, hay nako. Kung alam mo lang, hinding hindi ako matatanggal sa trabaho. Nasa contract yan, maliban na lang kung na-breach ang contract ng both parties or ng isa. "Sure po ba na kailangan kong tapusin lahat ngayong araw?" tanong ko sa kanya. Kasi ang lawak ng dorm at may tig-iisa silang kwarto at gusto niya pa na maglaba ako. Kahit adik ay di kayang gawin iyon. "Hindi mo kaya? Then feel free to leave," cold ang pagsagot ni Vaughn sa akin. “Hehe Yes sir. Sabi ko nga kaya ko. Fighting, aja!” Medyo nag-aalangan pa ako sa sagot ko pero na-manage ko pa rin ngumuti at mag-fighting fist. Pagkatapos ng ilan pa nilang bilin ay nagtungo na sila sa van. Naiwan akong nag-iisip kung papaano ko gagawin ang lahat ng task. Pumasok ako sa loob at inisa-isa ang mga kwarto. Tsk tsk tsk. So, what am I going to do with this mess? How am I going to fix this whole crap within 4 hours? Napapailing na lang ako sa mga kalat na nandito sa buong dorm. Ang labahin na tinalo pa ang everest sa taas ng pagkakakumpol. Ano ba ang uunahin ko? Ang maglinis? Magsinop? Maglaba? Maghugas ng mga plato o ang magpakamatay? Pwes, hindi ko ito uurungan. I need to prepare my secret weapon, vacuum cleaner, gloves, air freshener, another spray, mop and facemask. Let’s do this! After 2 hours ay hindi pa din ako natatapos. Damn it! I never thought na ganito kahirap maglinis. Masama man ang loob ko na humingi ng tulong ay tumawag na ako ng back-up. Hindi ako pwedeng mabigo. Hindi maaari. Isang tawag ko lang sa mga tauhan ko ay agad silang nakarating dito sa dorm. Dalawang dosenang tauhan ang nakarating sa dorm, in-off ko muna ang security cameras at mga alarm para bigyan sila ng pagkakataon na makapasok. Sinabi ko naman sa kanila ang mga dapat gawin kaya heto ako ngayon, prenteng nakaupo sa sofa. Hays, this is life! Iba talaga kapag top ranked agent, sinasanto ka ng mga lower tier na agents. Kung nagtataka kayo kung bakit nandito na agad sila pwes nagpagawa ako ng temporary hideout ng mga tauhan ko malapit lang sa perimeter ng area dito sa dorm nila, cause why not? Nakangisi ako sa pintuan habang hinihintay na makapasok sila. Nakita ko na ang van nila na pumarada sa labas at isa-isa na silang bumaba. Pagbungad pa lamang nila sa pintuan ay sinalubong ko na sila. “Paanong---” sabi ni Drew na halos malaglag ang panga sa pagkamangha. “Kumusta? Tignan nyo naman mga Sir. Nalinis ko na ang buong dorm. Dapat pala pati yung sa kapit-bahay pinalinisan nyo na din eh.” masayang sabi ko. Natulala lamang sila sa akin. I laughed internally. Sinong nagsabi na katulong lang ako? May nagsabi ba na bawal magpatulong ang katulong? I got you again, EVE.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD