Author’s Narration Sa isang abandonadong gusali ay nagaganap ang isang transaksyon. Ito ay sa pagitan ng mga kilalang sindikato ng mga Portuguese at Chinese na nagpapakalat ng droga sa distrito. Ang buong paligid ng gusali ay napuno ng mga armadong lalaki. Nagharap ang dalawang lalaking lider ng bawat grupo. Naging maingat ang palitan sa dalawang grupo. Unang nagbigay ang mga Chinese at inabot ang male-maletang droga, kasabay noon ang pagkuha naman nila ng tatlong attaché case na naglalaman ng pera mula -sa grupo ng mga Portuguese. Matapos ang palitan ay nagkamayan na ang mga lider ng bawat grupo. Bilang katibayan ng pagtatapos ng transaksyon. “bom negócio com você (Good business with you)” “It’s nice to do business with you too.” Mariin pang hinawakan ng Chinese leader ang kamay ng P

