Jared's POV
"Salamat ha at na enroll na ang mga bata." wika ni Clyde. Nagluluto ako ng hapunan. Niluluto ko ang paborito niyang adobo. Naglalaro naman ng tablet sina Jiro at Riu sa may sala.
"Wala iyon." wika ko. Tinikman ko ang adobo. The best talaga ang luto mo Jared pang chef. Wika ko pa sa sarili ko. Pero kahit alam kong swak naman ang lasa ay tinanong ko parin si Clyde.
"Pwedi mo bang tikman kong okay na sa'yo ang lasa?" tanong ko matapos hipan ang kutsarang may lamang sabaw ng adobo.
Tulala si Clyde at maang na nakatingin sa kutsarang ginamit ko kani-kanina lang upang tikman ang lasa ng adobong niluluto ko.
"Ah-sorry." wika ko. Nilagay ko ang kutsara sa bowl at niligpit ko na ang mga ginamit ko sa kusina.
Lumapit si Clyde kumuha siya ng sarili niyang kutsara at tinikman ang niluto ko.
"Saan mo natutunan ang ganitong luto?" tanong niya sa'kin.
"Ha? Sa Mommy ko." wika ko. "Masarap magluto ang Mom ko." wika ko sa kanya.
"Ganoon ba." wika niya habang nakatingin sa adobo. Matagal niya itong tinitigan bago sya naglagay nito sa malaking bowl upang ilagay sa lamesa.
Nakaugalian ko ng kumain mag-isa sa silid ko doon sa may garahe. Kumukuha ako ng pagkain ko nang tawagin ako ni Clyde. Nasa may hapagkainan na sila nina Jiro at Riu.
"Sabayan mo na kami sa pagkain." wika niya.
"Ou nga Tito Drake sabay ka na pong kumain sa'min." wika naman ni Jiro.
"Okay lang ba?" alanganin kong tanong.
"Hindi ka na iba sa'min Drake. Halikana." wika ni Clyde. May kung ano sa puso ko ang natuwa sa sinabi ni Clyde.
Sa kauna unahang pagkakataon simula ng mamatay ako ay nakasabay ko sa pagkain sina Clyde. Masigla sina Jiro at Riu na kinukwento kay Clyde ang mga ginawa nila buong araw. Kinukwento naman ni Clyde ang nangyari buong araw sa opisina niya. Punong puno ng kasiyahan ang paligid. Naisip ko na sana matagal ko ng ginawa ito. Bakit nga ba ako nabulag sa mga panandaliang ligaya at hindi ko nakita kung gaano kasiya ang makasama ang pamilya ko.
Tinignan ko si Clyde. Inaasikaso niya ng mabuti ang dalawang bata. Masaya siya at mukhang nakalimutan na niya ako. Tila may tumusok na punyal sa dibdib ko. Gusto ko man siyang tanungin ay nag-aalangan naman ako. Talaga nga bang ganoon katindi ang galit ni Clyde sa'kin kaya ibinaon na lang niya ako sa limot?
"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan." prisinta ni Clyde.
"Huwag na. Ako na tiyak na pagod ka sa trabaho." wika ko. Sinimulan ko ng hugasan ang mga pinagkainin namin.
"Sige salamat. Pagkatapos mo dyan pwedi ka ng magpahinga." wika nya.
"Clyde..." tawag ko sa kanya. Papasok na kasi sana siya sa silid nya.
Gusto kong sabihin sa kanya na ako si Jared. Na bumalik na ako at labis na pinagsisihan ang mga kasalan ko. Pero maniniwala ba siya? Hindi niya ba ako ipagtatabuyan kapag nalaman niya ang totoo?
"May sasabihin ka ba?" tanong niya dahil matagal akong nakatingin sa kanya.
"Sasabihin ko lang sana na, cp number ko ang ginamit para sa groupchat ng School activities nina Jiro at Riu. Ia-add na lang kita sa group para mamonitor mo rin ang mga activities." wika ko sa kanya.
"Sige, maraming salamat Drake." wika niya.
Napahawak ako sa puso ko. Tuwing nakikita kong ngumingiti si Clyde ay basta basta na lang tumatalon ang puso ko.
"Clyde, bakit nagbago ang isip mo? Bakit mo'ko kinuhang katulong at pinaalis si Trining?"
"Because deep inside ramdam ko na hindi ka masamang tao. At ramdam ko rin ang malasakit mo sa mga bata." sagot nito.
Pagkatapos maghugas ng pinggan at maglinis ay napagpasyahan ko nang matulog. Nang gabing iyon nanaginip ako. Isang kakaibang panaginip.
Madilim sa bar na kinaroroonan ko. Tanging ang mga kumukutikutitap na ilaw lamang ang nagsilbing liwanag sa paligid. Iniwan ko ang mga kasama kong abala sa pakikipaglandian sa mga babaeng ni hindi ko man lang kilala. Papunta ako sa banyo nang may bumangga sa balikat ko.
"Sorry," paumanhin ng lalaki. Tinignan ko siya at nagulat ako ng mamukhaan ito.
"Drake!" sigaw ko. Napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal at pawisan ako.
"Tito Drake,did you have a bad dream?"
Nabungaran ko si Jiro na nag-aalalang nakatingin sa'kin.
"Ang sama ng panaginip ko. Loko. Ba't lumabas sya sa panaginip ko."
"Sino po Tito Draven?" tanong ni Jiro.
"Ha? Wa-Wala. Maaga ka atang nagising, Jiro?" pag-iiba ko sa usapan.
"Opo. Maaga po kasing nagising si Riu. Sinamahan nya po si Mommy at nanunuod po sila ng chu chu tv ngayon sa may sala." wika pa nito.
"Pakayap nga!" niyakap ko ng buong higpit si Jiro. "Alam mo bang miss na miss ka na ng Daddy mo." wika ko pa.
"Talaga po? Miss po ako ni Daddy?"
Tumango ako. " Ou at mahal na mahal ka ng Daddy mo."
Pagkatapos naming mag almusal ay sabay sabay kaming lumabas para ihatid si Clyde sa sakayan ng jeep. Magkahawak kamay kaming apat habang kumakanta ng mga kantang pambata. Game na game naman si Clyde at hindi inintindi ang mga taong napapasulyap sa'min.
Unang araw ngayon nina Jiro at Riu sa school. Excited ang dalawa. Marami kaagad silang naging kaibigan. Nasa labas lang kami at naghihintay ng magsimula ng maglecture si Ma'am Nancy. Paminsan minsan kong sinilisilip ang mga bata sa classroom.
"Alam mo ba, wala sa bahay ngayon ang asawa ko. May business trip siya sa Cebu." malanding wika ng babaeng sobrang hapit ng suot na bestida sa katawan. Siya rin iyong isa sa mga lumalandi sa'kin kahapon. At mukhang paborito niya ang damit na halos lumabas na ang kaluluwa niya sa iksi nito.
Siguro kung noong nabubuhay pa ako ay pinatulan ko na ang kalandian niya sa'kin pero ngayon hindi ko iyon maramdaman bagkus ay nandidiri pa ako sa kanya.
"Naisip mo ba ang anak mong nasa loob ng classroom at matiyagang nakikinig sa mga lecture ni Maam Nancy?Naisip mo ba ang magiging future nya kapag nalaman ng asawa mo ang panlalandi mo sa'kin ngayon?" tanong ko. Gulat sya at hindi nakaimik sa sinabi ko.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na hindi ako gaya ng ibang lalaking madaling mahulog sa mga gaya mong klase ng babae." wika ko pa.
"Huy, aba! Akala mo kung sino! Siguro nga ay totoo ang chismis na hindi ka naman pinsan ng Clyde na iyon kundi ikaw ang bago niyang kalandian!" sigaw pa nito.
"Mrs. Romero!" rinig kong sigaw ni Nancy mula sa aking likuran. "Hindi ganyang babae si Clyde. Ayokong makarinig ng kahit na anong chismis dito sa School ko. Lalo na sa kaibigan ko. "
"Drake, halika magmerienda ka muna sa classroom." sumunod ako kay Nancy. Kasalukuyang kumakain ang mga bata. Libre ang snack ng school at si Nancy mismo ang naghahanda noon para sa mga bata.
"Haist, pagpasyensyahan mo na sila. Ganyan talaga dito sa village mabilis kumalat ang chismis. Lalo na sa mga Misis na walang ginawa buong araw kundi ang makialam sa buhay ng may buhay."
"Isa pa, paki ba nila kung magkaroon ng bagong kasintahan si Clyde? Normal naman iyon diba? Isang taon ng wala ang asawa nya. Isa pa. Hindi naman siya minahal ni Jared sakit sa ulo lang ang ibinigay niya rito."
Tahimik lang akong nakinig kay Nancy. Hindi ko sya pweding sumbatan at hindi rin ako pweding magalit sa kanya dahil totoo naman ang mga sinabi niya.
"Hindi kami ganoon ka close ni Clyde. Pero kaibigan ko siya. Hindi man sabihin sa'kin ng detalyado ni Clyde ang mga pangyayari, ramdam ko na talagang hindi siya naging masaya totally noon kay Jared."
"Sana makahanap si Clyde ng taong totoong magmamahal sa kanya." wika nito at makahulugang nakatingin sa'kin. "She deserved to be happy after all " dagdag pa nito.
Pauwi na kami at tumatakbo parin sa isipan ko ang mga sinabi ni Nancy kanina. Paano nga ba kung may manligaw kay Clyde? Paano kung mahulog si Clyde sa ibang lalaki? Bakit parang ayaw tanggapin nun ng puso ko. Naiisip ko pa lang ng may ibang lalaking yayakap kay Clyde ay nabwe-bwesit na ako.
"Tito Drake, kilala mo po ba sya?" tanong ni Riu. Tinignan ko ang lalaking nagtatangkang pumasok sa bakod namin.
Agad kong kinuha ang payong na bitbit ni Jiro at malakas ko iyong pinaghahampas sa lalaki hanggang sa mahulog ito sa sahig.
"Aray! Aray! Tama na! Aray!'
"Magnanakaw ka ba! Bakit ka umaakyat sa bahay namin!" bulyaw ko sa kanya.
"Bahay nyo?"
Pareho kaming nagulat nang mamukhaan ang isat isa. Putcha.
"Drake?"
"Ray?"
Tinignan niya ang dalawang batang kasama ko.
"Anong ginagawa mo rito?!" magkasabay pa naming tanong.
Inis na inis si Ray at hindi maipinta ang mukha. Nasa sala siya at umiinom ng kape.
"Is he mad Tito Drake?" tanong ni Jiro.
"Hindi ganyan talaga ang mukha nyan kapag masaya sya. Diba Ray?"
He smirked. "Ou at magugulat ka kapag nagalit ako rawr!"
Agad na nagtago si Jiro sa likod ko.
"Ano ka ba tinatakot mo ang bata." inis kong wika sa kanya.
"Ano bang pumasok sa makitid mong utak at nag-appply kang babysitter dito ha?" inis din si Ray.
"Jiro, Riu, can you play outside mag-uusap lang kami ng monster. Este ng Tito Ray nyo."
Agad namang tumalima ang dalawa. Sumilip ako sa bintana at nakita kong naglalaro sila ng bike sa may garahe.
"Hindi mo maiintindihan kahit na i explain ko pa sa'yo " wika ko sa kanya.
"Obviously, hindi ko talaga maintindihan. At hindi ko iyon maiintindihan. Halos masiraan ako ng bait nang makita ang picture mo na inupload ng isang ginang noong isang araw sa internet. May kasama kang dalawang bata sa isang kinder garten school."
"Kahit na nga nakasuot ka ng facemask. Makikilala ka pa rin Drake and worst baka madamay pa sila. Anyway sino ba sila at mukhang matindi ang connection mo sa kanila?" tanong ni Ray.
"May hindi ba ako nalalaman?" tinaasan nya ako ng kilay.
"Hindi ako si Drake Montefalcon." wika ko.
"Ngayon din uuwi tayo ng Manila kailangan kang matignan ulit ni Chad." giit nya.
"Hindi ako nababaliw. I'm totally sane, Ray. Hindi nga ako si Drake. Ako si Jared Adrian Sandoval. "
"You are expecting me to believe that?Mas maniniwala pa ako na mga anak mo sila at itinago mo sila sakin, sa public ng ilang taon."
"Naniwala si Michael sa'kin si Michael."
"Hindi ko alam kung anong ginawa mo kay Michael at naniwala sya sa kabaliwan mo but not me.Iuuwi kita sa Manila ngayon din."
"Pero walang magbabantay sa mga anak namin ni Clyde."
"Anak nyo? Nagkaroon ka ng anak ng hindi ko nalalaman Drake? Sino si Clyde?"
"Hindi sa ganoon. I mean noong ako si Jared. Asawa ko si Clyde. At hindi si Drake."
Sinabunutan ni Ray ang ulo niya. At sumigaw siya.
"You're getting worst than I expected. Kailangan na talaga nating umuwi."
Hinila ako ng buong lakas ni Ray.
"I'll take you home to Manila even if it means dragging you out from this house. "
"Ano ba Ray. Hindi mo naiintindihan."
"Don't expect me to understand, Drake. Halika na. Hindi ko hahayaan na dito na lang magtatapos ang matagal na nating pinaghirapan."
"Arayyyy!"
"Bitiwan mo si Tito Drake!" kinagat ni Jiro si Ray sa kamay. Ang hindi ko inaasahan ay ang paghambalos ni Riu ng baseball bat sa likod nya.
Nanlaki ang mga mata ko nang matumba si Ray sa sahig at mawalan ng malay.
"Is he dead Tito?" tanong ni Jiro.
"Matagal mamatay ang masamang d**o, Jiro." sagot ko nang nakatulala.
"Ray, gising. Ray. Kailangan mo ng umalis bago pa dumating si Clyde." pinagsasapak ko ang mukha nya pero hindi sya nagising.
Patay na ba si Ray?
Binuhusan ko siya ng tubig sa mukha. Napabalikwas sya ng bangon.
"Langya! "
"Ray mabuti naman at nagising ka na."
"That rat almost killed me.did he?"
"He's not a rat but a kid Ray." wika ko. Ikinwento ni Michael sa'kin na ayaw na ayaw ni Ray sa mga bata. Maikli ang pasyensya nya sa mga ito. Hindi parin sya kinakasal dahil hindi daw ito naniniwala sa happily ever after at gastos lang ang tingin sa mga babae. Tinawagan ko kasi siya kanina at ipinaalam na sumugod dito si Ray.
"Uuwi parin tayo." giit nya.
"I'm not going home hanggat hindi mo ako pinapangkinggan. Give me a week para maniwala ka sa mga sinabi ko. Bakit di mo'ko samahan dito sa Davao para malaman mo ang totoo."
Tinignan ako ni Ray. "Talaga? One week lang? Sige pagbibigyan kita. Pero pagkatapos noon sabay na tayong babalik ng Maynila."
"First of all hindi mo sasabihin or babanggitin kay Clyde kung sino si Drake Montefalcon. Hindi niya ito kilala."
"Saang bundok ba siya galing? Sya lang ata ang hindi nakakakilala sa'yo."
"At hindi ka pweding pumunta dito sa bahay lalo na kung andito si Clyde."
Magsasalita pa sana si Ray pero narinig ko ang malakas na buhos ng ulan.
"Tito Drake, umuulan po. Naiwan ni Mommy ang payong " turo ni Riu sa kulay gray na payong na nasa may sala.
Clyde's POV
"Clyde, gusto mo bang ihatid na kita pauwi sa inyo?" prisinta ni Sir Simon. Nasa may bungad ako ng kompanya at naghihintay na tumila ang ulan.
"Naku, okay lang po ako sir. Hintayin ko na lang po na tumila ang ulan."
"But I insist, baka mahirapan kang makasakay ng jeep dahil malakas ang ulan. Bumabaha pa naman sa ilang areas ngayon dito sa Davao." aniya.
"Pero-"
"Nasa parking lot lang ang kotse ko Halika ka sumilong ka na rito sa payong ko."
"Clyde," nagulat ako nang dumating si Drake. Hingal na hingal sya at basang basa sa ulan.
"Anong ginagawa mo rito? Sino ang nagbabantay sa mga bata?" tanong ko sa kanya.
"Nakita ko kasing naiwan mo ang payong mo kaya pinuntahan kita dito. Huwag kang mag-alala may kasama sila sa bahay. Iniwan ko sila kay Manang Luz."
Tukoy ni Drake sa kapitbahay namin na hindi ko man lang napakiusapan noon. Strikta si Manang Luz at pili lang ang taong kinakausap. Nasa tapat ng bahay namin ang bahay nila. At may tindahan siya. Solo lang itong nakatira roon dahil nasa abroad na ang mga anak.
"Clyde, mas mabuti na ihatid na lang kita pauwi. Medyo malakas ang ulan at kahit magpayong ka pa, mababasa ka lang din naman sa lakas ng ulan." inis na tinignan ni Sir Simon si Drake. Nagulat ako nang makita na tinititigan din ni Drake si Sir Simon. At parang gustong maghamon ng suntukan.
"Sige, sir. Salamat. Okay lang ba na makisabay kami ni Drake sa'yo?" tanong ko kay Sir Simon.
"Sure , walang problema basta para sa'yo Clyde." wika nito sa'kin nang nakangiti.
"Tsss." narinig kong wika ni Drake. Hindi ba nya alam na ang sinusungitan nya ay ang supervisor ko? Ano bang nakain niya? At tila wala siya sa sarili ngayon.
"Clyde, mukhang mas malaki ang payong ko. Dito ka sumilong sa'kin.Nasa parking lot ang kotse ko." wika ni Sir Simon. Nabanggit na niya sa'kin kanina iyon. Pero mukhang si Drake ang pinaparinggan niya.
"Ba't di mo na lang muna kunin ang kotse mo sa parking lot. Dito kami maghihintay ni Clyde." napanganga ako sa sinabi ni Drake. Nababaliw na talaga ata sya. Naririnig pa ba nya ang mga pinagsasabi nya?