Chapter 6

1317 Words
Clyde's POV Nagulat ako nang makita si Nancy na humahaba ang leeg habang tila may sinisilip sa bahay namin. Pauwi pa lang ako galing sa trabaho. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. "Anak ng-oy! Clyde nanggugulat ka naman!" bulalas pa niya. Hinawakan niya ang kanyang dibdib sa may bandang puso. "Gulat na gulat ka?" "Sino iyong gwapong lalaking kakapasok lang kasama ang mga bata?" tanong niya sa'kin at hindi inintindi ang tanong ko. "Ah si Drake ba ang tinutukoy mo?" tanong ko. "Wow, pati pangalan ang gwapo!Sino ba iyon? Boyfriend mo?" tanong ni Nancy. Agad akong umiling. "Hindi! Siya ang nagbabantay sa mga bata habang nagtratrabaho ako." sagot ko. Tila may hinihintay pa si Nancy at hindi pa siya kuntento sa naging sagot ko. "Pi-pinsan ko siya." pagsisinungaling ko. "Ganoon ba! Ipakilala mo naman ako sa gwapo mong pinsan!" aniya na kilig na kilig. "Ha? Naku, may girlfriend na iyon!" wika ko pa. Isa pa may asawa na si Nancy at kinder garten teacher sya sa school na nasa village namin. Matagal na kaming magkakilala. At isa siya sa mga kaibigan ko. Bibihira ko lang makita ang asawa niya dahil seaman ito at hindi masyadong nauuwi sa kanila. "Oi, i-enroll mo na ang mga bata para naman may pagkaabalahan sila. At makita ko ang gwapo mong pinsan." anito. "Sige," "Aasahan ko kayo bukas ha. Bukas ang start ng enrollment." wika niya pa. Itinaboy ko na si Nancy dahil wala na siyang bukambibig kundi si Drake. Dalawang kanto mula sa bahay ang bahay nila. Kasama niya roon ang ina niyang may sakit at isa nilang katulong. Pumasok ako sa loob ng bahay. Nakabukas ang pinto ng banyo. At naabutan ko na pinapaliguan ni Drake ang mga bata. Basang basa narin si Drake dahil sa kakulitan nina Jiro pero hindi naman ito nagalit bagkos ay tuwang tuwa pa. Manipis ang suot na puting t-shirt ni Drake kaya kitang kita na biniyayaan siya ng magandang hubog na katawan ng langit. Agad akong tumalikod nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Jiro! Riu! Tama na iyan! Baka magkasipon kayo! Magbibihis muna ako!" Jared's POV "Pasyensya na hindi pa kasi ako pweding magleave kasi kakapasok ko lang sa trabaho." wika ni Clyde. Maaga niya akong pinakiusapan na i-enroll ko raw ang mga bata sa Kindergarten School na nasa village lang din. "Okay lang. Ako na ang mag-eenroll sa kanila." tinignan ko sina Jiro at Riu na parehong nakabihis ng pang lakad at may suot na mga backpack. "Excited na ba kayo?" tanong ko sa kanila. "Opo Tito Drake!" sagot naman ng dalawa. "Pero bago tayo pumunta ng school bilang gentlemen ihahatid muna natin si Mommy sa sakayan ng jeep." Tinignan ko si Clyde. "Naku, huwag ka ng mag-abala. Okay na ako." "Pagbigyan mo na kami. Minsan lang naman. Tsaka gusto talaga ng mga bata." pagpupumilit ko. Tinignan ni Clyde sina Jiro at Riu. Naghihintay ang dalawa sa magiging sagot ni Clyde "Sige na nga," Sabay kaming apat na naglakad para ihatid si Clyde sa sakayan ng jeep. "Kumusta ang trabaho? Wala bang nagpapalipad hangin sa'yo?" tanong ko. "Ha?" "I mean, wala bang nangugulo sa'yo doon?" tanong ko. Bwesit ka Jared. Nakalimot ka na naman. "Wala naman. Mababait naman sila sa'kin." sagot nito. "Mabuti kung ganun." "Mommy, hold my hand. Ako naman po kay Riu. At si Tito Drake naman po ang hahawak sa kamay ni Riu. " Tinignan ako ni Clyde. "Sure!" wika ko. Magkahawak kamay kaming naglalakad habang kumakanta sina Jiro at Riu. Sobrang saya ko ng mga oras na iyon. Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang mga simpleng bagay na hindi ko nagpagtuonan ng pansin dati. "Mommy, ingat po sa work ha." wika ni Riu. "Ingat din kayo. Tatawag si Mama mamaya." paalam ni Clyde. Hinalikan niya sina Riu at Jiro bago sumakay ng jeep. Naglakad kami papunta sa Kinder Garten School na nasa village lang din. Familiar ako kung saan iyon dahil nag-iisa lang naman iyon at nadadaanan ko rin dati. Nakasuot ako ng itim na cap at black facemask para walang makakilala sa'kin. "Drake! You're here!" tili ng isang babae. Base sa suot niyang uniporme at sa ID nya sya ata ang tinutukoy ni Clyde na nag-iisang teacher ng school. "Hi, " "Halika, pasok sa loob dali." hinila niya ako papasok sa loob. Kung saan nakita ko ang mga kaibabaihan na nakapila. Tulala sila nang makita ako. "Pinsan siya ni Clyde. At sya ang nagbabantay ngayon sa mga bata." paliwanag ni Nancy sa mga magulang na naroon. Tumango tango naman sila na para bang mga puppet at tulala lang na nakatingin sa'kin. Pinaupo ako ni Nancy sa upuan at binigyan ng makakain. Nakapalibot naman sakin ang mga ginang. Ang mga bata ay naglalaro sa may playhouse. "Mahiyain ka ba? Bakit balot na balot ang mukha mo?" tanong ng isang babae. Sophistikada sya at hapit na hapit sa katawan ang suot na maikling bestida. "Ah- eto ba ano kasi hindi pa gumagaling ang allergies ko." sagot ko sa tanong niya. "Alam mo may kakilala akong derma kung gusto mo pwedi kitang i refer sa kanya." wika naman ng isang ginang na hindi na ata kumukurap at nakatingin lang sa'kin. "Kung pagod ka na magbantay sa mga bata ni Clyde pwedi kitang kuning tagabantay ng milk tea shop namin..Sabihan mo lang ako, okay?" wika naman ng isang ginang na may mapulang labi at kulot na buhok. "Sige po maraming salamat pero hindi ko po iiwan ang mga bata." wika ko naman. "May asawa ka na ba?" tanong naman ng isa. "Wala pa po." "Aaaaaayyyyy!" sabay sabay silang tumili at may isa pang sinapak ako. "Kapag na biyuda ba ako pwedi ba kita kuning asawa?" wika naman ng isa na kinikilig pa. "Ho?" "Hahahaha. Biro lang." anito na humahagikhik pa. "Naku, tinakot ka ba nila? Pasyensya ka na ha? Unang beses kasing nagkaroon ng lalaking guardian dito. I mean halos mga babae kasi ang hands on sa mga anak nila dito. Okay na na register na sina Jiro at Riu." "Okay lang. " Parang ayaw ko na ngang bumalik bukas eh. Nangangain sila ng buhay rito. "8am to 11:30 lang ang pasok natin. Sana araw araw mong samahan ang mga bata. Para naman magkaroon kami ng inspirasyon este para naman ma inspire lalo ang mga bata na mag-aral ng mabuti." "Lalo na sa mga anak ni Clyde mukhang busy si Clyde sa trabaho nya." wika nito. "Makakaasa po kayo ma'am." "Contact number mo naman ito?" she asked. Nakatingin siya sa form na finill-upan ko kanina. Tumango ako. "Sige, i a-add din kita sa groupchat natin para aware ka sa mga delay activities natin." malandi pang sabi nito. "Sige Maam. Maraming salamat po." Nakita ko si Riu na nakatingin sa pamilyang naglalakad. Isang batang babae na kasama ang papa at mama niya. Nagkukulitan sila. "Oh, Riu may problema ba?" "Sana po andito pa si Daddy. Sana po hindi malungkot si Mommy." wika nito. "Namimiss mo ba si Daddy?" tanong ko. "Opo." tumango siya. "Pwedi mo naman akong maging daddy eh." "Talaga po?" "Ou naman. Kayo ni Jiro. Halika na nga." Kinarga ko siya at pinuntahan namin si Jiro na naglalaro sa slide ng school. Naglaro muna kami bago kami naglakad pabalik sa bahay. Dumaan din kami sa 7-eleven para bumili ng ice cream. May nakita kaming isang grupo ng mga teenager na kababaihan na panay ang tingin sa'kin. "Si Drake Montefalcon ba iyan?" rinig kong tanong ng isang teenager. "Kamukha ano?" "Picture-ran mo nga." Langya. Nakakabwesit. Bakit kasi sa katawan ako ni Drake napunta. Sobrang nahihirapan tuloy ako kumilos in public. "Oi, alam nyo bang kabastusan ang kumuha ng larawan ng hindi nagpapaalam?" sita ko sa kanila. "So-Sorry po sir. Ano kasi may kamukha po kasi ka-" Natigil siya dahil para akong baliw na sumasayaw na parang isang unggoy. "Sige, videohan mo na ako." "Hu-huwag na lang po pala kuya." wika nito na mukhang na weridohan sa ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD