MARAHANG iminulat ni Sofia ang mga mata nang maramdamang tila may nakatitig sa kaniya. Napangiti siya nang mapagtantong si Euna iyon. Titig na titig sa kaniya ang bata na tila hindi makapaniwalang nasa tabi siya nito at yakap-yakap.
"Good morning, baby," nakangiti niyang bati, saka hinalikan sa pisngi ang anak.
Marahan nitong kinusot-kusot ang inosenteng mga mata. Tila ba sinisiguro nitong hindi ito nananaginip lamang.
She softly chuckled upon seeing Euna's cute kiddie gesture. "Baby, si mommy mo nga ito," natatawa niyang turan.
"Mommy, are you not angry with me anymore?" inosente nitong tanong.
She simply smiled, saka marahang umiling. All along ay akala talaga ng anak na galit siya rito. When in fact ay nadamay lamang ito sa muhi niya sa ama nito.
"I'm definitely not. Bakit naman ako magagalit sa baby ko, huh?" lambing niya. Ikiniskis pa niya ang sariling ilong sa mumunting ilong nito.
Napahagikhik si Euna, saka mahigpit siyang niyakap. "Yehey! Mabait na si mommy ko sa 'kin!" anitong tuwang-tuwa.
Siya nama'y napayakap din nang mahigpit sa anak. Maluha-luha siya sa matinding kaligayahang nadarama. It felt good that somehow, she was able to cross the first step of forgetting her bitter past—at iyon ay ang anak niya. Nagkaroon na siya ng sapat na lakas ng loob para tanggapin ang katotohanang ito ay anak niya—na regalo ito ng Diyos at hindi lamang bunga ng isang kapangahasan.
"Mommy, don't cry po," mayamaya'y saad ni Euna. Marahil ay nakita nito ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata.
Napatawa siya habang pinapahid ang luha. "Masaya lang si mommy, baby, kaya naiiyak. Tears of joy 'to," aniyang masuyong paliwanag.
"I'm gonna kiss you na lang po para hindi ka na mag-cry," anito, saka hinalikan siya sa magkabilang pisngi.
Gusto na naman niyang maluha sa sinabi at iginawi nito, subalit pinigilan lamang niya ang sarili. Baka mas lalong mag-alala ang anak sa kaniya. "I-I'm so sorry, Euna, anak. I'm sorry kasi naging bad sa 'yo si Mommy. F-From now on, magiging good na si Mommy sa 'yo," aniyang pumiyok sa pinipigilang luha. Hindi niya maiwasang maging emosyonal sa paghingi ng tawad dito.
"Nothing to say sorry po, Mommy. I understand naman po, eh. You were just busy with work kaya gan'on, 'di ba po?"
Marahan na lamang siyang tumango kahit hindi naman 'yon ang totoong dahilan. "But from now on, I won't be busy with work anymore. From now on, you will be my priority. I'll make it up to you, anak. I love you," emosyonal niyang saad.
"I love you, too, Mommy," tugon nitong may kislap sa mga mata, pero nasilayan niyang mukhang maiiyak ito, kaya naman pinupog niya ito ng halik at kiniliti sa iba't iba bahagi ng katawan.
"Mommy!" tili nito na sinabayan ng hagikhik. "Mommy, stop na po! Nakikiliti ako! Mommy!" Tatawa-tawang naglilikot ito sa kama.
"No, I won't!" Kiniliti pa rin niya ito na sinabayan ng halakhak. Habang si Euna naman panay ang hagikhik at iwas sa kaniya.
While they were sharing laughters of joy ay napagtanto niyang napakabait talaga ng kaniyang anak. Hindi ito mahirap i-please. Konting bagay lang ay nagiging masaya na ito at ganoon na ganoon siya noon—noong hindi pa siya nahahalay ng ama nito.
Sakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa mula roon ang nagtatakang si Brix. Sabado iyon kaya't wala itong pasok sa kompanya. Brix was wearing faded tight jeans and white fitted shirt, kaya naman bakat na bakat ang mga muscles nito na nasa tamang lugar. Hindi niya naiwasang lumunok habang pinapasadahan ito ng tingin. He was indeed a real hunk for Pete's sake!
Nakaawang ang mga labi ng binata. Tila hindi ito makapaniwala sa nasilayang eksena, sa narinig na malulutong na halakhakan nila ng bata.
"Daddy, friends na po kami ni Mommy!" Namimilog ang mga matang sumbong ni Euna sa ama-amahan nito. Bigla itong napatayo sa kama.
Unti-unting napangiti ang binata. Ngiting abot sa mga mata nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang mag-ina. Lumapit ito sa kama at umupo sa gilid n'yon.
Lumapit si Euna rito at hinalikan sa pisngi. Brix kissed Euna's forehead in return.
"Talaga? Eh, 'di matutulungan mo na 'ko nito na sagutin na 'ko ng mommy mo," kapagkuwa'y pilyong saad ni Brix. Kinindatan pa nito ang bata na tila partners in crime ang dalawa.
Agad naman iyong tinalima ni Euna. Humarap ito sa kaniya. "Mommy, sagutin mo na po si daddy. Sige na po." Nagpa-cute ito.
"H-hah? Ah... Eh..." Hindi siya makatugon. Bumangon siya at umupo sa kama. Binalingan niya ang binatang may pilyong ngiti sa mga labi. "Naku naman, Brix, nandamay ka pa ng bata sa panliligaw mo," aniyang biro na ikinahalakhak lang nito.
"Sige na po, mommy. Love mo naman po si daddy, 'di ba po?" pangungulit ng anak niya. Nag-puppy eyes pa ito.
May sumilay na mumunting ngiti sa mga labi niya. Napatitig siya sa binatang nakatitig din sa kaniya. Seryoso na ang mukha nito. Tila hinihintay talaga nito ang magiging kasagutan niya.
"Sige na nga. Makulit ka, eh," aniya sa anak.
"Ay, napipilitan lang si mommy!" nakangusong maktol nito. Ipinadyak-padyak pa nito ang dalawang paa sa kama.
Napahalakhak siya sa iginawi ng anak. "Okay, okay!" She raised her hands on air as a sign of retreat. "Sinasagot na po kita, Mister Brix dela Fuente," nakangiting baling niya sa binata. Umusod siya palapit dito, saka siya na ang kusang yumakap sa tila hindi makapaniwalang si Brix.
He froze for a moment. Ngunit mayamaya'y napasigaw ito. "Yes!" He raised his closed fist on air. Ginantihan siya nito ng mahigpit na yakap. Nasa mga mata nito ang nag-uumapaw na kaligayahan.
"Yehey! I will have a little brother soon!" pumapalakpak na bulalas ni Euna, sabay lapit sa kanila at nakiyakap na rin.
Humagalpak nang tawa si Brix sa narinig na sinabi ng bata. Siya nama'y biglang namula sa inosenteng tinuran ng anak. Madali lang sabihin iyon ni Euna sapagkat wala pa itong kaalam-alam sa nakapaloob na bagay sa sinabi nitong iyon. Wala pa itong alam kung paano gawin ang baby na request nito.
"Sure, baby. Sisimulan na namin ng mommy mo," Brix chuckled. Kinintalan siya nito ng mariing halik sa labi.
She felt a sudden tremor all over her body. Brix' warmth lips brought shiver down her spine. It was such a different and mysterious feeling she never had before. Oh, how she loved this man dearly.
"Yehey! Magkakar'on na 'ko ng kapatid! Sige na po, simulan niyo na po ngayon, mommy, daddy!" inosenteng anito na mas lalong nagpahagalpak nang tawa kay Brix habang yakap-yakap silang mag-ina.
Siya nama'y pulang-pula na sa pinagsasasabi ng anak. Pinandilatan niya ang nobyong patuloy pa rin sa kakatawa. Pilyo ang pagkakatitig nito sa kaniya.
"You're blushing, sweetheart." Kinintalan na naman siya nito ng halik sa labi, saka binalingan si Euna at hinalikan din ang bata sa pisngi bago sila nito niyakap nang napakahigpit.
They shared each others warmth embrace. It was the happiest and best morning Sofia had in her entire life. Somehow she felt that she left tiny bit of mournings from yesteryears. She was able to cross bridges of hope and courage to face the bitterness of her past...to fight the darkness in it.
Thanks to these two who was currently hugging her. Her two precious gem, the love of her life... Her Euna and her Brix!