LAURA Habang naglalakad pauwi ay napansin ko ang kumukutitap na bagay na sumasayaw sa puno. Pinagmasdan ko iyon mula sa aking kinatatayuan. Ang dating tahimik kong bahay ay wala na. Simula noong dumating si Hans ay nagulo na ang aking isipan. Noong nasa Metro kami ay malambing at maasikaso ito. Pero tila nagbago siya nang samahan ako rito. Bigla kong naisip na puro sa trabaho lang umiikot ang mundo niya sa Metro at hindi masyadong nakakasalamuha ng mga kababaihan. Iniisip ko tuloy kung bakit malambing ito sa akin noon. Siguro ay dahil ako iyong malapit. Ako iyong madali niyang mapapaikot. Siguro ay napansin niya na may nararamdaman na ako sa kanya kaya niya ako pinahiya ng ganito. Hindi niya ako pinahiya sa mga bisita nila, bagkus ay pinahiya niya ako sa sarili ko mismo. Dalawang

