CHAPTER 49 – LIGAW

1452 Words

LAURA MAY CASTILLO “Oh, ayan na pala siya.” Binuksan ni itay ang pinto ng unit. “Ako ay papasok na muna, bahala ka na.” Sumara ang pinto ngunit hindi pa rin kumikilos si Hans. Nakatingin lang ito sa akin habang papalapit ako sa kanya. Binasa niya ang ibabang labi at inayos ang damit. Tumalikod siya saglit at napakunot ang noo ko nang ayusin niya ang buhok bago muling humarap sa akin. Tumikhim siya at umayos ng tayo. “H-Hi, Laura. Magandang gabi. Uhm—” Tinaas ko ang aking kamay upang pahintuin siya sa pagsasalita. “Save it. Sa fire exit tayo mag-usap. Baka kung ano ang isipin ng mga kapit-bahay ko.” Pagkatapos kong sabihin iyon ay nilagpasan ko na siya at naglakad papunta sa fire exit door. Dahil sa tahimik na hallway ay naririnig ko ang bawat paghakbang niya at pumapaso sa aking li

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD