CHAPTER 7

1399 Words
THIRD PERSON Lumipas ang araw at buwan, naging matagumpay si Ezekiel sa pagiging CEO ng kumpanya. Tinawag siyang "the most eligible bachelor CEO in the industry." Kaliwa't kanan ang kanyang nakuhang parangal sa larangan ng negosyo. Nakilala rin ang kanyang pangalan, na dati ay hindi niya naisip na mararating siya sa tuktok ng tagumpay. Proud na proud sa kanya ang kanyang mga magulang; ang lahat ng pagpapakahirap nila at pagtitiwala sa kanya ay binalik niya sa kanila. Halos labas-pasok na lang siya sa iba't ibang bansa para maging bisitang pandangal at magbigay ng mensahe bilang CEO of the Year. Hindi niya akalain na ang kanyang pagpapakahirap ay triple ang balik; nakabili din siya ng lupa at sasakyan dahil sa kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho. Naging matibay lalo ang samahan nila na tinuring niyang mga magulang; ginawa nila ang normal na gawain ng isang pamilya. Hindi niya akalain na mamahalin siya ng kanyang mga magulang ngayon. Minsan, gusto niyang balikan ang kanyang nakaraan, pero baka isipin ng iba na ginagamit lang niya ang naging magulang niya, kahit gusto niya lang malaman ang magiging reaksyon ng pamilya ng kanyang Inay. Hindi pa sa ngayon, kaya balang araw ay ipapakita niya sa kanila na ang hinamak nila ay isang matagumpay na nilalang sa mundo. Lagi namang sinasabi ng kanyang Daddy na hayaan na lang at huwag isipin na gumanti dahil hindi maganda. Kaya hinayaan ko na lang. Isang araw, habang kumakain sila, nagsalita ang Daddy tungkol sa engagement; hinayaan ko lang sila. Sa susunod na buwan, darating ang anak ng kanyang kasosyo sa negosyo. Hindi ako nagreklamo para walang mahabang usapan. Hindi siya nagtanong kung sino man iyon; sapat na na alam niya. Hindi niya alam kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang nobya, puro fling-fling lang. Lalaki siya at nakakaramdam ng lutong ng Diyos. Pero sa labas niya ginagawa, ayaw niyang masira ang pagtingin ng kanyang magulang, kaya lahat gagawin niya para lang hindi nila malaman na pumupunta siya sa mataas na aliwan bahay. Iwan ko ba bakit sa tagal ng panahon na saka kung kailan siya nagka-edad at nakaramdam ng ganitong pakiramdam. Alam ko na normal lang ito sa amin, pero hindi ko maunawaan. Kailan ba darating ang babaeng nakatadhana sa kanya? Gusto niyang maranasan kung paano umibig, but how? Makapaghintay pa naman ako, siguro. Ang tamang babae para sa kanya! Gayunpaman, mas nagkaroon na siya ng kapanatagan na mamuhay na hindi kagaya noon na may takot kapag uuwi ng bahay na walang maiuwi na pera o pagkain, dahil abutin niya ang pagpapahagupit ng pamilyang itinuturing siyang ibang tao. Samantala, nasa bahay lang sila nag-aabang ng ayuda na parang pinalaking baboy sa kural. Kaya ngayon, hindi niya na hahayaan mangyari iyon. Ngayon pa, kung kailan namayagpag ang kanyang pangalan sa larangan ng industriya. Ang lahat ng iyon ay ginawa niyang motivation sa buhay; ayaw niyang mamuhay ng walang nabago sa buhay niya. Syempre, uulit-ulitin niya ang pasasalamat sa pamilya niya ngayon. Sana, huwag lang iyon ang maging dahilan para sila naman ay mag-alitan ng tunay na anak. Alinlangan sa puso niya ay naroon sapagkat hindi niya pa kabisado ang pagkatao ng tunay na anak. Masyadong kay hirap hanapin ang sagot kung wala pa kayong tamang pagkakilanlan sa isa't isa. Pero alam niyang maging maayos dahil sa kanilang mga magulang na may puso. Aalis ang kanyang magulang ng ilang araw, at wala siyang alam kung saan sila patungo. Pero ang paalam ay mahalaga sa kanilang pupuntahan. Hindi siya nagtanong ng kahit ano; sabi niya lang, "Mag-ingat kayo kung saan kayo patungo." Kaya ang lahat ay naiwan sa kanyang pamamalakad. Sana'y man siya, pero parang hindi siya makahinga, na parang hawak na hindi niya hawak ang oras niya. Marahil sa kanya ibinigay ang lahat ng ito para gawin ang mga bagay na hindi na pwedeng gawin ni Daddy. Malakas pa naman siya; marahil gusto na niyang magpahinga sa magulong lakaran ng industriya. Kaya siya ang pinalit na maging CEO. Parang sa lahat ng obligasyon ay sa kanya, at na-enjoy naman ang buhay niya, pero parang may kulang pa na hindi niya maunawaan kung ano iyon. Saka niya hahanapin ang sagot kapag dumating ang tamang panahon. Nagbilin din na lagi siyang magsulat sa kumbento, na ginagawa niya naman. Habang sinusulat niya ang mga nais sabihin, ay parang ang gaan-gaan sa pakiramdam. Hindi niya malaman kung ano ang emosyon na pinupukaw. Lalo na kapag sinusulat niya ang buong pangalan ng kinakapatid. May nararamdaman siyang iba, na hindi lang kapatid ang nararamdaman niya dahil may kasamang pagbilis ng t***k ng puso. Bakit ganun? Ika niya sa sarili na hindi niya nasisilayan kahit isang beses lamang. Kung ano man itong nararamdaman niya sa mga liham na ginagawa niya para sa babaeng hindi niya alam kung ano ang meron sa kanya. At siya mismo ang nagpapadala ng liham bago siya pumasok sa kumpanya; naglalaan siya ng oras para sa ganitong bagay na pakiramdam niya ay hindi lang obligasyon bilang isang bahagi ng pamilya. Naging routine na niya ang ganitong gawain. Minsan pa, may kasama pang mga bagay gaya ng teddy bear at marami pang iba na pwedeng itabi. Pagkatapos niyang gawin ito, bumabalik ang pagiging dominante niya bilang isang CEO, na parang may nakatago pang katauhan sa kanyang katawan. Minsan, bigla-bigla na lang nag-split ang kanyang pag-uugali; buti na lang nasanay na ang mga tauhan niya sa ganitong pagbabago sa kanya. It's a Sunday, kaya sa bahay lang siya. Hindi rin siya mahilig lumabas ng bahay; minsan, kapag talagang bored siya, pumupunta siya sa mga sikat na bar para lang kumanta. Pero ngayon, wala siyang balak umalis; pakiramdam niya ang bigat-bigat gumalaw. Kaya ang ginagawa niya ay nanood na lang ng balita sa TV. Habang nakikinig siya, bigla siyang napatayo sa narinig dahil may nangyaring aksidente sa kahabaan ng tulay sa Laguna. At hindi pa nakikilala ang nasa loob nito; sabog ang bintana. Napag-alaman na ang may-ari ng sasakyan ay walang iba kundi isang tanyag na tao sa industriya, kasama ang may-bahay, subalit walang nakitang katawan sa loob kundi ang mga dokumento na nagpapatunay na sina Ruben Orsos at Elisabeth Orsos ang nakasakay. Ngayon, ginagawa ng kapulisan ang lahat para mahanap ang mag-asawa. No, no, no! Ang kanyang sigaw, "Hindi pwede ito!" Dali-dali siyang umalis upang puntahan ang nasabing aksidente na naganap. Hindi niya namalayan na ang kanyang suot ay napakasimple lamang; ang dala niya lang ay ang magpapatunay na isa siyang Orsos. Panibagong problema at isipin ang nangyari, pero kailangan niyang patatagin ang sarili. Nang makarating siya sa pangyayari, nakumpirma niya sa mga magulang niya na ang sasakyan ay nabunggo ng isang truck. Halos nakapanglumo na ulit ang pakiramdam niya nang mamatay ang kanyang mga magulang. Binigay ng mga pulis ang mga kagamitan na nakita sa loob ng sasakyan. Nangako naman ang awtoridad na gagawin ang lahat para mahanap ang kanyang mga magulang. Naabutan niya ang mga kasambahay na umiiyak, na lalong nagbigay sa kanya ng kalungkutan. Kaya kailangan niyang isulat ang nangyari sa kapatid niya. Dali-dali siyang gumawa ng liham upang ipaalam ang aksidenteng nangyari. Gayunpaman, kailangan niyang gawin ang mga naiwan ng mga magulang at harapin ang mga hamon na may tatag. Hanggang walang sinabi ang kapulisan na patay na ang kanyang magulang, magtitiwala siyang buhay pa sila. Alam niyang ilang araw pa bago makarating ang sulat para kay Maria Theresa, pero alam niyang masasaktan siya at handa siyang damayan ito. Gagawin niya ang lahat para makita agad sila, at kahit mag-hire siya ng NBI at ano pang pwedeng gawin para sa madaling panahon at matagpuan sila. Ganun ang ginawa niya; lumipas ang ilang araw, wala pa ring report at wala pa rin ang kanyang kapatid. Gusto niyang sumuko, pero hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. Siya na lang kasama si Teresa, kaya dapat maging matatag siya kahit sino pa man. Nagtataka siya kung bakit walang response ang liham niya, kaya binalikan niya ang post office para tanungin kung nakuha na ba ang liham. Dalawang araw na nang ipadala iyon, ang sagot sa kanya; baka isang araw pa makarating sa taong pinadalhan niya. Mas okay iyon dahil mas may karapatan siya dahil siya ang tunay na anak. Gusto niyang tuparin ang pangako niya sa mga magulang nila na aalagaan niya sa abot ng makakaya niya. Umaasa siya nabasa na yun ng kanyang kinakapatid. Baka isang araw umuwi siya kaya dapat paghandaan niya ang pagkikita nila. Pareho namin harapin ang aksidenteng nangyari sa aming magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD