CHAPTER 6

1305 Words
Isa na akong CEO ng isa sa mga sikat na kumpanya sa Pilipinas. Sapat na siguro para maramdaman ko ang kaligayahan sa puso. Dagdag pa ang pagkakaroon ng mga magulang na tinuring akong sariling anak. Kaya napaka-swerte ko dahil sila ang nakakita sa akin noong gabi iyon sa aking pagtakas mula sa kamay ng kapatid ng aking nanay. Kahit gaano kahirap ang buhay, hindi ko pa rin sinisi ang mundo kahit na napaka-unfair nito sa lahat. Bigla kong narinig ang tawag ni Daddy. Son, ikaw na ang bahala dito? Kapag may tanong, pwede mo akong tawagan o pwede kang magtanong sa secretary. "Okay, Dad, ingat kayo sa pagbiyahe. "May tiwala ako sa anak ko, dahil anak ko siya. Alam ko mas hihigitan niya ako, at yon naman ang gusto ko.Kailangan ko din kausapin si Elizabeth, para hanapin ang dahilan kung bakit nawala ng pagkahabang panahon ang anak namin na si Ezekiel. Manong, daan muna tayo sa bakeshop; gusto ko bumili ng cake at cupcakes. "Okay, Don Ruben, tugon nito." Pagkaalis na Daddy, nagumpisa na ako pag-aralan ang mga files at dokumento na naka-save sa laptop. Ganda ng sales ngayon buwan, triple ang kita kumpara sa nakaraang buwan. Lunchtime na pala, kaya tumayo ako para magpaorder ng pagkain ko. Ayaw na ayaw ni Mommy na binabaliwala ang oras ng pagkain. "Yes, Sir Ezekiel, ano po kailangan niyo?" "Can you order my food, please?" Ezekiel said, "No problem, anytime! Sir Ezekiel, what would you like to eat? "Heavy meals, thank you." Bumalik na ako sa loob; check ko din ang mga record ng taong nagtrabaho. At anong department silang belong, para naman matandaan ko sila. Unti-unti ko silang nakilala; sa bagay, may name tag naman silang suot kaya hindi ko kailangang pang memories ang kanilang name.May kumatok. Come in... "Sir Ezekiel, pagkain niyo." "Yeah, pakilagay na lang sa table, Miss Secretary," kanyang tugon. Kumain na ako, dahil ramdam ko ang tunog ng aking tiyan. Ng matapos akong kumain, hinanap ko ang mini bar ni Daddy; meron daw siya dito, kaya hahanapin ko. Ng makita ko, agad akong kumuha ng wine saka ko ininom habang makatanaw sa paglubog ng araw. Binalikan ko ang panahon ng pagkapulot nila sa akin. Paano kung hindi sila ang nakapulot o nakakita sa akin? Ano kaya ang magiging buhay ko? Siguro isa rin akong taong kalye; sanay naman ako, kaya lang mahirap talaga kong naging parte ka ng taong kalye kundi isa kang holdaper o barumbado. Sinimsim ko ang natitirang kaunting wine sa baso. Saka ako bumalik sa lamesa para gawin ang trabaho na natitira pa. Habang ginagawa ko ang pag-check ng dokumento.Sumingaw ang secretaryko. "Sir Ezekiel, paalala ko lang may meeting bukas 9 am kay Mr. Valderrama, para sa project na itatayo natin sa Marikina, saad ni Miss Secretary "Okay, Salamat, anything else? kanyang tanong," "Kay Mr. Caisado, yong kasosyo ng Daddy niyo sa America, kailangan niyong dumalo sa meeting sa katapusan ng buwan. Yong ang email ng secretary Mr. Caisado, gusto ko lang malaman kung ano re-reply ko makakaattend kayo? Pwede niyo bang gamitin ang private airplane ninyo para makabalik din kayo agad? Kung gugustuhin ninyo," tugon niya. "Hmmm, okay, attend tayo, paki-settle ang date, para hindi na tayo tumanggap ng ibang invitation." "Okay, noted, Sir Ezekiel." "Yes, Miss Secretary, meron ka pa bang sasabihin?" Nakita ko kasi parang may sasabihin pa kaya tinanong ko agad. "E-eh kasi, Sir Ezekiel, oras ng uwian, magpapaalam lang sana ako kung pwede na akong umuwi? ang wika niyang nahihiya." "Sorry, you can go, Miss Secretary; hindi ko na pansin ang oras." "Salamat, paano mauna ako, Sir Ezekiel?" Napangiti na lang ako sa sarili, kaya nag-ayos na ako para umuwi na. Tinawagan ko muna ang driver na binigay ng magulang ko para ready ang sasakyan. Paglabas ko nakita ko agad si Mang Thomas, binigay ko sa kanya ang mga dala-dala kong gamit at dokumento. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng highway, nag-scroll muna ako sa social media ko. Nakita ko naman ang video ni Jay na Enhypen band, na favorite kong kanta, kaya sinabayan ko. 🎵Song played🎵 Always just a man when he holds you close, when he pulls you near when he says the words you've been needing to hear, I wish I were him. With these words of mine to say to you, 'til the end of time, that I will love you, baby, always, and I'll be there forever and a day, always. . . . . . . . Hindi ko na tinapos ang buong kanta. "Maganda pala ang boses niyo, Boss Ezekiel," wika ni Mang Thomas, "Salamat, ang ganda kasi ng kanta at favorite ko pa! Hilig kong kumanta, Manong, pero walang nakakaalam nahihiya kasi ako," kanyang tugon. "Meron kayong maganda boses Boss....Narito na tayo, Boss; hindi natin namalayan kasi sa dami nating pinagkwentuhan." "Kaya nga, Manong, see you tomorrow, Manong." Pumasok ako sa loob; tama ang instinct ko, nakaabang ang mga magulang ko sa pinto. "Kamusta ang araw ng binata namin at isang CEO na? wika Donya Elisabeth. "Ayos lang, Mommy. Mahirap pero pinag-aralan ko ang lahat ng dokumento at ibang ongoing na project. Nakaalalay po sa akin si Miss Torres, kaya madali lang ang lahat," tugon niya. " Kayang-kaya mo yan! Nasa dugo natin ang kagalingan sa business world, wika ni Don Ruben. "Kaya pala madali lang ang lahat para sa akin, ang kanyang tugon na biro". "Yan! Ganyan nga dapat ang confidence mo, Anak, wika ni Donya Elisabeth sa anak. "Yes, Mommy, parang ikaw lang din po. At sabay silang nagtawanan. Paano, aakyat na muna para magpalit ng damit, paalam niya sa magulang. Pag akyat niya sa kwarto, sa banyo na agad tumuloy. Bago siyang nagbihis, binuksan niya ang phone para play ang favorite niyang song.'Kung hindi lang siguro ako nagtapuan nila, siguro ang pursegihin kong pangarap ay maging isang singer. Sumasali ako sa mga paligsahan ng pagkanta. Kaya blessing talaga sa akin na sila ang nakapulot. Kaya masaya ako nang sila nakatagpo sa akin; hindi ko akalain na maging CEO ako ng malaking kompanya at ako na ang nag uutos. Kaliwa't kanan ang interview sa akin bilang new Ceo ng isang malaking kumpanya sa buong Pilipinas. Kaya hindi ko maiwasan mangaba na mapanood ng mga taong hindi ako tinuring pamilya. Paano kung malaman ng kapatid ni Nanay na mayaman na ako? Lahat ng nakakain ko dati halos pagtaguan nila ako ng pagkain.Wala na ang Carding Francisco, ako na ngayon si Ezekiel Hudson Orsos. Napahinto ang aking pagmumuni-muni dahil sa tinig sa labas ng aking silid.Pinagbuksan ko, si Manang Lydia lang pala. "Ezekiel, pinatatawag ka ng Mommy mo. Kakain daw kayo? May niluto siyang malagkit, wika nito." "Okay, Manang, susunod na lang ako.Kaya agad din ako bumaba, ayaw kong paghintayin sila sa pagkainan. Sa hagdan pa lang ako narinig ko agad ang boses ni Mommy. "Anak, kain na tayo. Nagluto kami ng favorite mong ulam na adobong pugita. Nagpunta kami ng daddy mo sa palengke kanina. Balak naming mag-picnic tayo bukas sa Tagaytay kung okay lang sayo. At ang Matamis na malagkit anak. "Ganun po ba? Wala namang problema sabado bukas, Mommy, tugon niya. "Oo nga pala, sorry, hirap kapag tumatanda na," sagot niya sa anak. "Siya, kain na tayo, baka lumamig na ang kanin, wika ni Ruben sa mag-ina. Ng tingnan ko ang magulang habang kumain kami. Kahit sino hihilingin na sila ang maging magulang. Kaya hihilingin ko na sana sila na ang tunay kong magulang. Kahit hindi sila mayaman, basta ramdam ko ang kanilang pagmamahal, sapat na yon. Madali lang naman kumita ng pera basta masipag ka at matiyaga. Wala ang pagod kung ang kasama mo ay pamilya. Napapawi ang pagod mo kapag nakikita mo sila. Ngayon ay nagtagumpay na ako sa buhay ng dahil sa kanila. Wala ang tagumpay na ito, kung wala sila. Kaya ngayon masasabi ko ang pagiging mabuting tao.Huli ay nagtatagumpay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD