PAG-ANDAR pa lang ng sasakyan, hindi na mapakali ang bata. Palipat-lipat ang tingin niya, saka biglang umakyat sa kandungan ni Lily. Paikot-ikot siya, sumiksik sa isang sulok, at idinikit ang maliit niyang puwit sa gilid ng pinto. “Mommy, konting usog pa. Gusto kong umupo sa may bintana.” Binigay ni Lily ang upuan niya. Pero hindi pa rin sapat. Para siyang may almoranas sa puwit— walang tigil sa paggalaw, tuloy-tuloy na tinutulak si Lily palapit sa gilid. Tiningnan ni Lily ang anak at napakibot ang labi. “Ethan, ang laki ba ng puwet mo? Kailangan ba talaga ng ganyang kalaking space?” Halatang gusto ng batang ito na magkaroon ng sariling upuan, at siksikin siya at si Renzo sa iisang upuan..Dikit na dikit na ang braso ni Lily sa braso ni Renzo, halos nakaupo na siya sa kandungan nito.

