“Lily, babalik ako at magpapaliwanag. Tigilan mo na itong eskandalo. Pinapalaki mo lang lalo.. Annulment? Seryoso ka?” malamig na sabi ni Enrique. “Sa tingin mo ba may tatanggap pa sa’yo kapag hiniwalayan mo ako?”
Matagal nang minamaliit ni Enrique si Lily. Mas masakit pa, may ilan pang nakisawsaw at sumang-ayon sa kanya kahit si Enrique na ang nagloko.
“Tama na, Lily. Tumigil ka na,” sabi ng isa. “Ikaw ang nauna, walang hiya. Isang babaeng walang pamilya, walang pangalan, at walang dignidad. Sino pa ang magkakagusto sa’yo kapag iniwan mo ang isang Escobar?”
Biglang nanlamig ang mukha ni Ethan. Sinabi nilang walang may gusto sa mommy ko? Lumingon si Ethan kay Renzo at mahina ngunit malinaw na nagsalita,
“Future Daddy… may nagsabi na walang may gusto sa mommy ko. Totoo ba ‘yon?” inosente niyang tanong. Mula sa madilim at malamig na mga mata ni Renzo ay sumilay ang nakakatakot na liwanag. Nagkatinginan sila ni Ethan at agad sumigaw ang bata sa kanyang inosenteng boses na ikinagulat ni Renzo.
“Sino ang nagsabing walang may gusto sa mommy ko?!”
Napaakunot-noo si Enrique nang tumingin sa bata sa ibaba ng stage.. “Ethan, anong ginagawa mo?” inis niyang tanong.
Lumapit si Ethan, ipinatong ang mga kamay sa baywang na akala mo ay malaking bata, napailing pa ito ng ulo, at mariing tumitig kay Enrique. “Sabi ko, may mga taong may gusto sa mommy ko!”
Bawat salita ay malinaw at matapang, kahit sa boses ng isang bata.
“Tumahimik ka!” singhal ni Enrique. “Ano bang alam mo? Gusto mo bang maghiwalay ang mommy at daddy mo? Gusto mo bang hindi ka na namin alagaan?” Hindi niya inakalang ganoon ang isasagot ng bata. “Ethan, tatay mo ako—ikaw—”
“Don’t worry,” malamig na sagot ng bata habang iwinawagayway ang kamay na parang diring-diri. “Hindi naman ‘yan magtatagal. Niloko mo ang mommy ko!”
Noon, kapag tinatawag niya si Enrique na Daddy ay naiinis ito. Ngayon, siya mismo ang nagsasalita pero walang kahit kaunting respeto. Hindi maunawaan ni Enrique kung paanong ang mag-inang dati ay tahimik at sunud-sunuran ay biglang naging ganito. Pero wala siyang oras para pag-isipan iyon.
“Ethan,” pilit na pakalma niya, “bata ka pa. Hindi mo naiintindihan. Pero tandaan mo, tatay mo pa rin ako. Hindi kami maghihiwalay ng mommy mo. At kung hiwalayan niya ako, walang tatanggap sa kanya.”
“Talaga?” bahagyang ngumiti si Ethan—isang ngiting may halong panunuya.
Taas-noong sumagot si Enrique, puno ng kumpiyansa. “Tanungin mo ang lahat na nandito. Sino ang mangangahas kumuha sa babaeng iniwan ko? Sino ang lalapit sa kanya? Meron ba?”
Sa paningin ng lahat, matagal nang sira ang reputasyon ni Lily, nakikisiksik sa pamilya, pinaghihinalaang gumamit ng paraan, at sinasabing umakyat sa estado sa maling paraan.
Sino nga ba ang gugusto sa isang babaeng iniwan ni Enrique?
Biglang humarap si Ethan kay Renzo at seryosong nagtanong, “Sabi nila walang may gusto sa mommy ko. Totoo ba ‘yon?”
Nabigla ang lahat. Hindi lang dahil sa tanong—kundi dahil si Renzo ang tinanong niya. Ang lalaking hindi naaabot, malamig, at mataas ang estado, magkakagusto ba siya sa isang babaeng may asawa na at may sirang reputasyon?
Nakakatawa. Marami ang tumingin sa mag-ina na may halong aliw at panunuya.
Parang hinihintay lang nilang mapahiya ang mga ito.
“Hindi totoo,” biglang sabi ng isang malalim at makapangyarihang boses. “Gusto ko si Lily.”
Biglang tumahimik ang buong lugar. Parang pinatay ang lahat ng ingay sa isang iglap. Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa lalaking seryosong nakatingin kay Lily habang nagsasalita.
Tama ba ang narinig nila? Sinabi ni Renzo… na gusto niya si Lily? Hindi pwede. Mali siguro ang dinig nila.
Nagliwanag ang mga mata ni Ethan. Future Daddy is awesome!
Napalingon si Lily sa lalaking nagsalita. Sa sandaling nagtagpo ang mga mata nila, parang bumilis ang t***k ng puso niya. Hindi siya makagalaw habang unti-unting umaakyat sa entablado ang matangkad at dominante niyang anyo.
“Uncle?” gulat na sambit ni Enrique.
Malamig na sinulyapan siya ni Renzo.
Nanigas ang katawan ni Enrique, mahigpit ang kamao, bakas ang galit at pagkabigla. “Uncle, anong ibig mong sabihin?”
“Literal,” sagot ni Renzo nang mabagal pero mabigat ang dating. “Kailan pa naging mahina ang comprehension mo?”
Hindi makapaniwala si Enrique. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. “Uncle… asawa ko siya.”
Hindi niya pinansin si Enrique…Humarap si Renzo kay Lily, at biglang lumambot ang boses niya. “Asawa ka raw ni Enrique? Hindi na ‘yan magtatagal, tama ba?”
Nagtagpo ang tingin nina Lily at Renzo. Sa sandaling iyon, punong-puno ang mga mata niya ng gulat at emosyon. Tinutulungan niya ako. At hindi niya iyon sasayangin.
Huminga siya nang malalim, saka tumingin kay Enrique. “Right.”
Bahagyang ngumiti si Renzo. Bihira para sa babaeng ito ang magising sa katotohanan. Namuti ang mukha ni Enrique sa galit. “Lily, alam mo ba ang ginagawa mo? Huwag kang magsisisi at babalik sa akin mamaya!”
“Regret? Ang mga pinagsisihan mo, nagawa mo na sa nakaraan. Hindi na siya gagawa ng kahit anong pagsisisihan pa niya. Ngayon, si Enrique na ang magsisisi.
“Tama na!” malakas na sabi ni Eduardo, ang boses ay puno ng awtoridad at galit. “Enrique, wala ka na bang hiya?”
“Grandpa,” pilit na depensa ni Enrique, “hindi talaga ako ‘yan sa video. May naninira lang sa akin…May nag-fake lang—”
Pero isang titig lang ni Eduardo ang nagpatigil sa kanya. Kung wala lang ang mga bisita, matagal na sana siyang hinampas ng tungkod.
“Bumaba ka rito. Ngayon din!”
“But Grandpa, you said earlier today na ia-announce mo na officially na ako na ang magiging heir ng Escobar family,” giit niya sa abuela. Hindi pa rin makapaniwala si Enrique. Paulit-ulit iyong umiikot sa isip niya.
“Grandpa, I really think you need to think this through carefully,” maingat na sabi ni Lily habang nakatingin kay Eduardo.
Biglang napataas ang boses ni Enrique. “Lily, shut up! Grandpa—”
“Ikaw ang tumahimik!” sigaw ni Eduardo, nanlaki ang mga mata sa galit. Sunod-sunod ang ubo niya, halatang nayanig ang dibdib sa sobrang emosyon.
Nagbago agad ang expression ni Lily. “Grandpa…”
Lalong namutla ang mukha ni Eduardo. Mariin niyang hinawakan ang tela ng kanyang damit, parang nahihirapan sa paghinga, bakas ang sakit sa kanyang mukha. Walang alinlangang inilabas ni Lily ang quick-acting heart medicine at agad itong inabot sa matanda. Alam ni Lily na may heart condition si Eduardo. Kaya mula pa lang kanina, handa na siya takot siyang baka atakihin ito kapag napasobra ang galit iyon kasi ang nangyari noon.
“Grandpa, please calm down,” mahinahon pero may pag-aalala ang boses ni Lily. “Your health is more important. I’ll take you downstairs so you can rest.”
Alam na ni Lily na successful na ang plano niya ngayong gabi, kaya wala na siyang balak manatili pa.
Una, anniversary party ito ng pamilya Escobar—hindi na dapat paulit-ulit pang ungkatin ang mga ganitong embarrassing issues, dahil lalong ikahihiya ng buong pamilya, pati na rin nila mismo. Pangalawa, sobrang hina na ng katawan ni Eduardo ngayon. Hindi na niya kayang i-handle ang ganitong stress.
Dahan-dahang sumandal si Eduardo sa wheelchair, ipinikit ang mga mata, at bahagyang kumaway ng kamay, isang malinaw na senyas na tapos na ang usapan at gusto na niyang umalis.