CHAPTER SEVEN

1368 Words
GUSTO sanang pigilan ni Enrique ang dalawa, pero biglang humakbang si Renzo na para bang handang iharang ang katawan sa kanya... Dahil sa matangkad at commanding niyang tindig, tuluyan niyang hinarangan ang daraanan, agad napahinto si Enrique. Wala siyang magawa kundi ang hayaan na bumaba ang abuela kasama ang kanyang asawa. Bago tuluyang umalis, hindi napigilan ni Lily na mapatingin kay Renzo. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya, parang muli itong lalabas sa dibdib niya. “Sige na, umalis na kayo. I’ll stay here,” malamig ngunit matatag na sabi ni Renzo. Mas lalong naging magulo ang emosyon ni Lily. Sa nakaraan niyang buhay, si Renzo ang nag-asikaso sa katawan niya at ng anak niya, siya rin ang gumanti para sa kanila. At ngayon, sa buhay na ito, siya na naman ang tumayo para ipagtanggol siya. “Thank you,” taos-puso niyang sabi. Bagamat may luha kunwari ang mga mata ay nagawa niya pang ngumiti. “Future daddy is awesome!” masayang sigaw ni Ethan, sabay taas ng hinlalaki kay Renzo. Ngumiti si Ethan ay sabay na umalis kasama si Lily. Pagkalakad nila ng ilang hakbang, biglang lumingon si Ethan at tinignan si Enrique, maputla ang mukha nito, halatang galit na galit. Ngumiti si Ethan, may halong pang-aasar. “By the way,” sabi niya casually. “It’s not that you don’t want my mommy anymore, it's my mommy and I who don’t want you,” ani ni Ethan na ikinabigla ni Enrique. Hindi alam kung paano iyon nasasabi ng isang three years old. Parang sasabog sa galit si Enrique. Wala na. Tapos na. Wasak na ang lahat. How did this even happen?! Hindi ito ang inaasahan niya na mangyayari. “Investigate!” sigaw niya sa mga tauhan niya. “Find out kung sino ang may gawa nito—NOW!” Pagkarinig nito, kumislap ang malalaking mata ni Ethan, parang ubas, may bahid ng tuso at katalinuhan. Sige, mag-imbestiga kayo. Gusto rin niyang malaman kung sino ang matalinong taong tumulong nang malaki sa kanya at sa mommy niya. Samantala, inihatid ni Lily si Eduardo sa rest room. Unti-unti nang bumuti ang kulay ng mukha ng matanda. Tumingin ito kay Lily, bakas ang guilt sa mga mata. “Lily… hindi ko alam kung bakit naging ganito si Enrique,” mahina nitong sabi. “I promise, Grandpa will give you an explanation,” paghingi sa kanya ng paumanhin ng matanda. Tahimik na nakinig si Lily, nakayuko ang ulo, bahagyang nakapikit ang mga labi. “Grandpa,” mariin niyang sabi. “Hindi po biro ang sinabi ko kanina. Hindi ko matanggap ang mga narinig ko kanina. Gusto kong makipaghiwalay kay Enrique.” Hindi nagbibiro si Lily. Kahit hindi pa niya maikwento ang tungkol sa past life niya, sapat na ang panloloko ni Enrique para tuluyan siyang humiwalay. Naging komplikado ang tingin ni Eduardo. “Lily, three years na kayong mag-asawa. Nakita ko lahat. May feelings si Enrique para sa’yo. I’ll personally investigate this matter. Kapag malinaw na ang lahat, saka mo ulit pag-isipan ang annulment.” Sa huli, naniwala pa rin si Eduardo kahit papaano sa mga sinabi ni Enrique. Sa panahon ngayon, sobrang dali nang mag-fake ng video. Alam ni Lily kung bakit ganoon si Eduardo, sa loob ng tatlong taon, sobrang husay magpanggap ni Enrique. Kahit nga siya hindi makapaniwala. Kung hindi pa siya namatay at muling nabuhay hindi niya malalaman na magaling magbalat-kayo ang asawa. Kahit sinong nakakakita sa kanila, iisipin talagang mahal nila ang isa’t isa. Masyadong biglaan ang nangyari ngayong gabi. Mahirap para kay Eduardo na paniwalaan na ang lalaking sobrang “mapagmahal” sa asawa ay kaya palang gumawa ng ganoon. Pagkarinig nito, si Ethan, na tahimik na nakaupo sa sofa habang yakap ang ipad, ay lalong binilisan ang pagta-type. Sa past life niya, mahilig na talaga siya sa gadgets at may natural talent siya rito. Noon, nakiusap pa si Lily kay Enrique na hanapan si Ethan ng computer expert na magtuturo sa kanya. Dahil kailangan ni Enrique ang tulong ni Lily noon para makuha ang shares mula kay Renzo, hindi niya tinanggihan ang simpleng request na iyon. Iyon na siguro ang nag-iisang mabuting bagay na ginawa ni Enrique bilang ama. Pagkalipas ng ilang minuto, may nadiskubre si Ethan. Galing pala sa phone ng mommy niya ang pinanggalingan ng video. Bahagya siyang nagulat. Hindi ito nangyari sa past life niya. Ibig bang sabihin… dahil nabigyan siya ng second chance sa buhay, may mga bagay na talagang nagbago? Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Agad niyang ibinalik ang atensyon sa ipad niya. Kung kaya niyang mahanap ito, kaya rin ni Enrique, kailangan lang ng oras. “No… that won’t do,” bulong niya sa sarili. “Otherwise, magagalit ulit si Enrique at baka saktan na naman niya si Mommy.” Nag-isip sandali si Ethan, saka muling gumalaw ang maliliit niyang kamay sa keyboard. Hindi ba araw-araw iniisip ng matandang bruha na si Luna kung paano paaalisin ang mommy niya at maging si Mrs. Escobar? Fine. Let’s see who wins this game. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang gusto niya. Mabilis na hinack ni Ethan ang cellphone ni Luna at binigyan ito ng isang malaking regalo. Matapos gawin ang lahat, napangiti si Ethan, malamig at kalkulado. “Let the dog father and the old witch fight each other.” Pagdating ni Enrique sa bahay, sobrang galit niya kaya ibinato niya ang cellphone sa sahig, nagkabasag-basag ito. Tatlong taon niyang pinagplanuhan ang lahat. Tatlong taon siyang naghintay at sa wakas, handa na si Eduardo na i-announce siya bilang official heir ng Escobar family. Pero biglang nasira ang lahat. Sino ba talaga ang gumugulo sa plano niya?! Huwag lang niyang mahuli kung sino dahil ililibing niya ito ng buhay. Nagulat si Luna sa lakas ng ingay. Napaatras siya, bahagyang napangiwi sa takot, bago dahan-dahang lumapit. “Enrique,” mahinahon niyang sabi, “calm down muna. Let’s think of a solution.” Umupo si Enrique sa sofa, tahimik pero puno ng galit. Ang pinaka-kinagulat niya ngayong araw ay sina Lily at Ethan. Si Lily… nagbanggit ng annulment. Noon, nahuli na siya ni Lily kasama si Luna, pero nagawa pa niyang lusutan at palabasing wala lang iyon. Hindi niya inasahan na ngayon sa harap ng lahat ay maglalakas-loob si Lily na banggitin ang hiwalayan. She was like a completely different person. Napakunot-noo si Enrique. Anuman ang mangyari, kailangan muna niyang pakalmahin si Lily. Kapag nakuha niya ulit ang loob nito, babalik sa dati ang lahat. Naniniwala siya na hindi talaga gusto ni Lily ang annulement—galit lang ito. “Hindi ko alam kung sinong demonyo ang may pakana ng lahat ng ito,” pabulong na mura ni Luna, halatang iritado. Lalong kumulo ang dugo ni Enrique sa tuwing naiisip ang video. Napatingin siya kay Luna, may halong paninisi. Kung hindi lang siya tinukso nito, kung hindi lang siya nadala sa sitwasyon… Hindi sana nangyari ang lahat. Ngayon, pagsisisi na lang ang natitira. Determinado siyang hanapin kung sino ang kumuha ng video. Hindi niya palalampasin iyon kahit kailan. Biglang tumayo si Enrique. Sakto namang pumasok ang isa niyang tauhan. “Sir,” seryoso nitong sabi, “we’ve identified the person who posted the video.” Biglang tumalim ang tingin ni Enrique. “Sino?” malamig niyang tanong. “Sabihin mo na. Hindi pwedeng makaligtas ang taong ’yan.” “Y-yes…” nag-alinlangan ang tauhan. “Si Miss Luna po.” “Ano?” singhal ni Enrique, kumitid ang mga mata. “Sir, the video was sent from Ms. Luna’s phone.” “Kalokohan!” sigaw ni Luna. Nanlaki ang mga mata niya habang nararamdaman ang pagdududa sa tingin ni Enrique. “Enrique, nonsense ’yan! I was with you the whole time. Paano ako makakakuha ng video?!” Agad binalingan ni Enrique ang tauhan. “Sigurado ka ba? Na-check niyo bang mabuti? How could it be Luna?” “Opo, sir. It’s confirmed—kay Miss Luna po nanggaling.” Hindi na napigilan ni Luna. Mabilis niyang inilabas ang cellphone niya, nanginginig ang kamay. “Enrique, he’s lying! Wala silang mahanap kaya gumagawa na lang sila ng kwento. Look, there’s no video on my phone—” Pero bago pa niya matapos ang sasabihin… Nanlaki ang mga mata ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD