BIGLANG inagaw ni Enrique ang cellphone ni Luna at agad niyang nakita ang video na laman nito. Sa isang iglap, dumilim ang kanyang mukha. Mas sinuri pa niya ang phone at doon niya napagtanto na ang video ay na-transfer mula sa phone ni Luna papunta sa hotel computer. “Impossible… paano nangyari ito? Enrique…” tarantang paliwanag ni Luna. Hindi niya rin maintindihan ang nangyayari, pero malinaw na nasa photo album niya ang video, at kahit noong in-upload ito sa hotel computer, galing mismo sa phone niya ang transmission. Halos mawalan siya ng salita. Alam ni Luna sa sarili niya na hindi siya yun. Hindi niya sisirain ang mga plano nila. “Enrique, kasama mo ako no’n! How could I have filmed it?!” nataranta niyang wika sa lalaki. “Hindi ko alam kung paano napunta ang files na yan sa phone

