“Magtetake ako ng exam para maging isang doctor, Grandpa. Iyon naman talaga ang tinapos ko,” mahinahong sabi ni Lily, ngunit sa loob niya ay may halong determinasyon at tapang. Napatingin si Eduardo sa kanya, bahagyang nagulat ngunit halatang natuwa. “You mean the medical board exam?” tanong ng matanda habang pinagmamasdan ang kanyang apo. Tumango si Lily. “Opo, Grandpa. I want to officially become a doctor. Hindi na ako pwedeng manatili lang sa bahay. Panahon na para gamitin ko ang lahat ng pinag-aralan ko.” Sandaling natahimik ang matanda bago siya ngumiti ng may halong pagmamalaki. “Good. Very good, Lily. I always knew you would go back to medicine,” sabi ni Eduardo habang bahagyang tinatapik ang kamay ng dalaga. “Kung kailangan mo ng tulong, review materials, connections sa hospi

