Maagang-maaga kinabukasan, nagising si Lily na magaan ang pakiramdam. Ang sinag ng araw ay marahang pumasok sa bintana ng kanilang silid habang ang kalangitan sa labas ay maliwanag at kulay asul. It was a beautiful morning, parang walang anumang problema sa mundo. Dahan-dahang bumaba si Lily kasama ang kanyang anak na si Ethan para mag-almusal. Pagdating nila sa dining area, naroon na sina Enrique at Luna na tahimik na kumakain. Saglit silang tinignan ni Lily bago siya umupo kasama ang anak. Napasinghot si Ethan. “Great… first thing in the morning, ito agad ang makikita ko,” bulong ng bata sa isip niya. Tiningnan niya ang dalawa na parang gustong lamunin ng tingin ang kanyang mommy. Umikot ang mata ng bata at tumingin sa kanila ng may halong inis. “Bakit kayo nakatitig kay Mommy at

