Mahigpit na kinagat ni Luz ang kanyang mga labi sa sobrang galit. Halos nanginginig siya sa inis habang patuloy na nagsasalita kay Lily, kahit binalewala niya ang sinabi ni Kevin kanina. “Lily, people should have a conscience,” matalim niyang sabi. “Pinakasalan ka ni Enrique para protektahan ang reputation mo at para panagutan ka. Tatlong taon pa lang ang lumipas, gusto mo na agad ng annulment? Sa tingin ko nagbago na ang isip mo. May iba ka ng lalaki. Tama ako hindi ba?” Napangisi si Lily dahil sa sinabi ng kanyang biyenan. Tawa na may halong pang-aasar… “Kanina nga, nakita kitang nakangiti nang todo kay Renzo. You were smiling so brightly at him. Wala ka talagang hiya. Sa tingin ko ay inaakit mo siya.. Ginagamit mo si Renzo sa lahat ng nangyayaring ito.” Habang nagsasalita si Luz, ta

