ISANG malakas na sampal ang dumapo sa mukha ni Enrique. Napahawak siya sa pisngi niya, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Hindi niya kailanman inasahan na maglalakas-loob si Lily na sampalin siya. Tahimik na kumurap si Lily at malamig na nagsalita.. “You said it.” “Enrique!” Agad tumakbo si Luna papunta kay Enrique at galit na tumingin kay Lily. Kahit kailan ay to the rescue talaga ito... Pakiramdam yata ni Luna ay legal na ang relasyon nito kay Enrique, mukha kasing wala itong pakialam sa paligid lalo na pagdating sa kanyang asawa “Lily! What are you doing?!” sigaw ni Luna kay Lily… Bahagyang ngumiti si Lily, malamig at mapanghamon. “Hindi ba obvious? Or… gusto mo ring subukan?” Bahagyang umatras si Luna. Naalala niya ang mga sampal na natanggap niya noon, kaya natakot siyang baka s

