TAHIMIK na nakatayo si Renzo, habang nakatitig sa kanya ang kanyang lolo na si Eduardo. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi na hindi siya makikialam sa love life ni Renzo, alam niyang hindi siya mapapanatag kahit sa hukay kung hindi ito mag-aasawa at magkakaanak man lang.. “Ummm,” maikling sagot ni Renzo. Nanlaki ang mata ni Eduardo. “Are you serious?” Napapikit ang matanda at napabuntong-hininga ng malalim. “Alright… lumabas ka na. Don’t stay here and stress me. Gusto ko pang mabuhay ng ilang araw.” Hindi niya talaga maintindihan kung bakit hindi magkasundo ang tatlong anak niya. Ang panganay niya na si Greg halos ubusin ang buong pamilya sa pakikipaglaban para sa mana. Ang pangalawa naman na si Kevin ay napakaraming girlfriend na parang kayang pumila mula dito hanggang overseas. At

