KASALUKUYANG nag-iinuman ang magpipinsang Chavez. Nasa swimming pool area sila malapit lang din sa villa nila Storm doon sa Isla Chavez.
"Teka! Teka!" pagkuha ni Zevren sa atensiyon ng mga pinsan. "Spin the bottle naman tayo, truth or dare para naman may thrill 'di ba? Hind 'yong puro inuman lang, nakakatamad! Tatamaan tayo ng hindi man lang nag-e-enjoy!"
"Sige, sige. G ako riyan," pagsang-ayon naman ni Erze saka lumangoy palapit sa kinatatayuan ni Zev.
"Tara, dito muna lahat!" tawag muli ni Zevren sa mga pinsan. Nagsilapitan naman ang lahat dito maliban kay Storm at Ali, naglabas ito ng isang boteng walang laman nang makalapit na sina Chase, Jaxsen at Erze rito. "Ito ha, kung kanino tatama 'to, truth or dare. Bawal killjoy dito, minsan na lang tayo magsama-sama, eh!" Paliwanag naman nito.
"Sige, call!" sagot na rin ni Chase.
"Hoy Storm, Ali! Ano? Pinsan naman namin kayo, 'di ba? Sagot naman kayo riyan!" pukaw pa ni Zevren sa atensiyon nang dalawa.
"Uy, teka ako ba hindi kasali?" nagtatampong tanong ni Callie sa mga pinsan.
"HINDI!" Malakas na sigaw ni Jaxsen sa kapatid. "Bawal bata rito!" dugtong pa nito.
"Grabe! Ang daya n'yo naman besides I'm a grown up now! Pwede na akong sumama sa mga inuman ninyo!" reklamo naman ni Callie sa kapatid.
"MANAHIMIK KA RIYAN, CALIXTA! BAKA GUSTO MONG ISUMBONG KITA KAY PAPA!" bulyaw ulit nito. “For boys only lang ‘to kaya manood ka lang diyan!” dagdag pa nito kaya nakasimangot naman na naupo na lang si Callie sa gilid ng swimming pool habang pinapanood ang kapatid at ang mga pinsan.
"Teka lang, hindi pa sumasagot si Storm saka itong si Ali! Baka dayain tayo, eh!" angal pa rin ni Zev habang nakatingin sa dalawa.
"Oo na, call na ko!" sigaw na rin ni Storm upang manahimik na ito.
"Oh, ikaw, Ali?" pamimilit pa ni Zev.
"Hindi ako pwede niyan, allergy ako riyan, alam niyo naman ‘yon," mabilis na tanggi naman nito at tinabihan na lamang si Callie na nakaupo sa gilid ng swimming pool.
"Okay, sige game na!" sigaw ni Zev saka itinaas ang hawak niyang baso. "Para sa mga guwapong apo ni Don Juan Calixto at Donya Sandra Milena Chavez, cheers!" mas malakas na sigaw nito at mababakas na rito ang pagkalasing.
"ANO!? So, kaming dalawa ni Kuya Ali, hindi kami apo?" reklamo ni Callie sa pinsan.
"Oy! Wala akong sinabing ganoon, para lang 'to sa mga pwedeng uminom, kaya easy ka lang diyan mahal kong pinsan!" banat naman ni Zev kay Callie. "Sige, ganito rules, ha!" baling muli nito sa mga kasali sa spin the bottle. "Kapag tumapat sa inyo itong ulo ng bote, pipili lang kayo kung truth or dare, kapag hindi natin nasagot yung truth siyempre may dare tayo bukod pa roon ay iinom tayo ng tatlong shot nitong alak bago gawin yung dare, G na, ha?"
"Sige, go na!" Naiinip ng sagot ni Erze rito.
"Okay, unang ikot!" Inilapag ni Zev ang bote at pinaikot iyon sa harapan ng lahat. "Chancharararanchanchan!" pagbibigay sound effect pa nito sa umiikot na bote. Mababakas naman ang kaba sa mukha ng lahat, natatakot kung sinoman ang unang tatapatan ng boteng iyon. "Okay, okay!" Habang hinihintay iyong tuluyang huminto. "At ang masuwerteng napili ay..." pagtapos ay nagsimula nang magsigawan ang lahat. "Ikaw Jaxsen!" sigaw nito na may kasama pang malakas na tawa at palakpak. "Truth or dare?"
"Truth muna," mabilis na tugon naman nito.
"Woooo! Akala ko ako na agad, eh," kinakabahang wika naman ni Chase.
"Sige, ready na 'ko!" mayabang na wika ni Jaxsen, sa kanilang magpipinsan ito talaga ang pinakamayabang sa lahat ngunit hindi iyon makikita sa maamo nitong mukha.
"Sige, ano bang maganda?" saad ni Zev saka nag-isip na mabuti. "Have you ever cheated on someone?" tanong nito kaya nagulat ang lahat.
"'Yan na yung tanong mo? Sagad na 'yan?" sarkastikong wika ni Jaxsen dito.
"Parang g*go namang tanong 'yan, Zev! Walang kuwenta!" gatong pa ni Erze.
"Pasensiya naman! 'Di pwedeng magkamali?" sarkastikong wika naman nito. "'Yon kasi unang lumabas sa bibig ko, eh!" napipikon pang dagdag nito.
"Pero wala nang bawian natanong na, eh," angal naman ni Jaxsen.
"Oo na, sagot na!" naiinip na sigaw ni Zev.
"Siyempre, hindi 'no! Kahit tarantado ako, loyal kaya 'to!" mayabang pa ring wika ni Jaxsen kaya nagpalakpakan naman ang magpipinsan. "Sige, next next!" Pagtapos ay si Jaxsen naman ang humawak ng bote para paikutin iyon. "Ako magtatanong, ha!" Muling rumehistro ang kaba sa mukha ng magpipinsan noong umiikot nang muli ang bote. Pumainlanlang na naman ang malakas ng sigawan at tawanan nang huminto na iyon.
"Opps!" sigaw ni Chase dahil sa kaniya na tumapat ang bote.
"Game, game!" excited na wika ni Jaxsen. "Truth or dare?"
"I choose dare! Pambading 'yong truth-truth na 'yan, eh!" malakas na pang-aasar nito.
"Sige, tingnan natin 'yang yabang mo," saad ni Jaxsen ngunit tinagayan na muna nito ng alak si Chase. "Sige, inom ka muna. Painit ka muna bago kita i-dare!" natatawang wika ni Jaxsen, mabilis namang ininom ni Chase ang alak na inilatag ng pinsan. "Okay, let's start the dare!" excited na wika nito na may kasama pang nakakalokong ngiti. "Let me tickle you and try not to laugh, if you laugh three shots again," dare ni Jaxsen.
"Ang hirap naman no'n!" angal agad ni Chase.
"Wala pa nga! Puro ka kasi yabang!" singhal naman ni Jaxsen dito saka tumayo at lumapit kay Chase, ngunit hindi pa man ito nahahawakan ni Jaxsen ay tawa na agad ito nang tawa. "Para kang tanga, Chase! Wala pa nga, eh!" natatawang saad na rin ni Jaxsen, na maging ang mga pinsan na naroon ay nakikisali na rin sa tawanang iyon. "Parang gágo ang pota!" Naiinis na mura ni Jaxsen sa pinsan. "Ayan na!" Kumuha ito muli ng alak at inabot sa tawa nang tawang si Chase. "Uminom ka na lang!" napipikong wika nito dahil hindi na man lang nito nakiliti si Chase dahil sa kakatawa ng pinsan. Muli naman ininom ni Chase ang inilatag nito.
Matapos ang huling lagok ay ipinilig nito ang ulo na wari'y tinatamaan na. "Grabe! Anim na shot agad. Ang tataas pa ng tagay ni Jax! O, sige, ako naman," wika nito at hinawakan ang bote at pinaikot iyon.
Muling nagpalakpakan at nagkagulo ang magpipinsan habang umiikot ang bote. Walang tigil sa pagtambol si Zev sa upuang naroon bilang sound effect pa sa pag-ikot ng bote. Kung nang nauna ay mababakas ang mga kaba sa kanilang mukha nang oras na iyon ay kita na ang saya at excitement sa mukha ng mga ito.
"STORM!" Halos sabay-sabay na sigaw ng mga ito nang sa wakas ay tumapat dito ang bote. Mas lalong nabakas ang excitement sa mukha ni Chase nang dito tumapat ang bote dahil madalang nilang makasama sa mga ganoong libangan ang binata.
NAKAHIGA at pagulong-gulong lang si Fay sa kaniyang kama dahil wala siyang magawa at inip na inip siya. Nakatingin siya sa kisame ng silid niya ng makarinig siya ng marahang katok sa pintuan. Lumingon siya roon at ang Mama niya ang pumasok.
"Fay, bumaba ka na kakain na tayo ng hapunan," wika nito sa kaniya pagtapos ay nauna na ring lumabas at bumaba. Bumangon naman siya at inayos muna ang sarili bago tuluyang lumabas at sumunod sa ina.
Pagpasok niya ng komedor ay tatlo lamang silang nandoon. "Nasaan po si Storm?" di niya maiwasang itanong sa mga ito, nagkatinginan naman ang kaniyang ina at si Mr. Chavez.
"Kasama ng mga pinsan niya, matagal-tagal din kasing hindi nagkita-kita ang mga iyon kaya ganoong sinusulit nila kapag ganiyang magkakasama sila," tugon naman ni Mr. Chavez habang sumasandok ng pagkain.
Hay! Buti pa siya may kasamang mag-enjoy sa napakagandang isla na 'to. Di niya maiwasang makaramdam ng inggit dito.
"Hanggang kailan po pala tayo rito? Hindi po kasi pwedeng matagal akong absent sa school dahil hindi po 'yon maganda para sa grades ko," tanong naman niya habang sumasandok din ng pagkain.
"Huwag kang mag-alala, hija, nagpadala na ako ng excuse letter sa mga prof mo kaya ang dapat mo na lang gawin ay ang mag-enjoy at sulitin mo muna ang bakasyon mo rito sa Isla," nakangiting tugon naman ni Mr. Chavez sa kaniya. Kaya wala siyang magagawa dahil kahit inip na inip na siya roon ay kailangan niyang hintayin ang pagbabalik nila sa Davao.
Hindi na lamang siya sumagot dahil alam niyang wala siyang magagawa. Mabilis na lamang niyang tinapos ang pagkain niya.
"Pwede po ba akong lumabas pagtapos kong kumain?" paalam naman niya sa mga ito.
"Oo naman, hija, mabuti nga iyon ng makita mo naman ang ganda sa Isla lalo na kapag ganitong oras," masayang tugon ni Mr. Chavez kaya tumango na lamang siya.
“Basta’t huwag ka lamang lalayo dahil hindi mo naman ganoong kabisado rito sa Isla,” dagdag na bilin ng kaniyang ina kaya tumango lamang siya rito bilang tugon.
Gusto lang naman niya lumabas dahil naiinip siya at mag-isa lang siya sa silid niya. Wala man lang kasi silang pagkakataon ng kaniyang ina para makapag-usap man lang.
"Mauna na po akong lumabas," magalang na paalam naman niya sa mga ito.
"Sige, hija, nandiyan lang naman 'yan sila Storm," sagot naman nito.
"Mag-iingat ka riyan at huwag ka nang masyadong lumayo dahil gabi na," muling bilin naman ng kaniyang ina.
"Opo, Ma," tugon naman niya rito bago tuluyang lumabas.
Paglabas niya ay sinalubong lang naman siya ng napakaliwanag na buwan. Bilog na bilog iyon at nagsisilbing tanglaw sa kabuuan ng Isla.
Lumakad siya papuntang karagatan ngunit may narinig siyang ingay at katuwaan sa di kalayuan kaya naman nagpasya siyang puntahan at silipin iyon.
Nasa swimming pool area ang mga ito, marami silang naroon, anim na lalaki saka isang babae at kasama na nila roon si Storm.
"Ano ba, Storm?! Gawin mo na kasi napakadaya mo naman!" angal ni Chase rito at napansin ni Fay ang inaabot nitong alak sa binata.
Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagkalasing ng mga ito dahil mayroon na roon na sumasayaw mag-isa at mayroon pang naglalangoy sa simento na nasa gilid ng pool.
"Oo nga, para ka namang others, Storm, ngayon lang tayo ulit nagkasama-sama!" sumbat pa ni Zev dito. Nakita niyang kinuha naman ni Storm ang alak na inaabot dito at ininom iyon.
"Oh, mayroon pala kayong bisita rito, eh," anang isang tinig mula sa likuran ni Fay at tinulak siya nito palapit sa nagkakagulong magpipinsan.
"Oh, Fay! Nandiyan ka lang pala hindi ka man lang sumasama sa amin," wika ni Zev na mababakas ang pagkalasing sa bawat salitang binibitiwan nito.
"Sakto nandito na, Storm, oh!" wika naman ni Jaxsen na nasa likuran ni Storm.
"Anong gagawin dito sa stalker?" maarteng tanong ni Genevieve na ngayon ay nasa gilid na ni Fay. Lahat naman ng tao roon ay nakatingin na sa kaniya kaya hindi tuloy niya malaman kung ano ang gagawin.
"Just let her," walang emosyon na wika ni Storm kaya naman lahat ng atensiyon ng magpipinsan ay muling bumalik dito.
"Parang nagkakalimutan naman tayo, Storm!" angal ulit ni Chase rito.
"Do the dare! Do the dare! Do the dare!" kantiyaw naman ng lahat kay Storm.
"Kiss her!" Sigaw pa ni Zev habang nakaturo sa kalangitan ang dalawang kamay na wari'y excited pa sa magaganap. Kaya nagulat si Fay ng biglang tinawid ni Storm ang swimming pool na iyon at naglakad papalapit sa kaniya.
Kakaiba ang kabang kaniyang nararamdaman, lalo na nang mapansin niyang sa kaniya nakatingin ang binata. Hindi tuloy niya malaman kung aatras ba siya o kung ano, dahil habang unti-unti itong lumalapit sa kaniya ay kasabay ang unti-unti ring pagbilis ng tibong ng kaniyang puso.
Ngunit nagulat siya ng hindi siya kundi si Genevieve ang hinila nito papalapit at mariin nitong siniil ng halik sa labi ang dalaga. Hindi siya nakatingin sa mga ito bagaman kitang-kita sa gilid ng kaniyang mata kung gaano kainit ang pagpapalitan ng halik na iyon ng dalawa. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagkapit pa ni Genevieve sa batok ni Storm.
Hindi niya malaman kung bakit parang biglang may matulis na bagay na tumarak sa dibdib niya at ganoong klase yung nararamdaman niya, pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya ng mga oras na iyon.
"Wow!" sigawan ng mga tanong nandoon sa paligid habang nagpapalakpakan. “Awat naman, oy!” dagdag na biro pa ni Erze.
"Ang hot naman niyan, Storm!" kantiyaw pa ni Zev. “Sana all may masarap na kahalikan sa ganitong malamig na gabi.”
"Next na! Erze at Zev na lang di tinatapatan!" malakas na sigaw ni Chase, saka iniabot ang bote kay Storm upang ito naman ang magsagawa ng ritwal.