Chapter 06

2138 Words
"YOUNG MASTER!" Nang marinig nila pareho ang tawag na iyon ay mabilis silang lumayo sa isa't-isa. Mabilis ding lumabas si Storm para salubungin kung sinoman ang tumatawag dito. "Nandito kami!" Narinig niyang tugon ni Storm kaya naman lumabas na rin siya ng kamalig. Sinalubong naman sila ng anim na katulong at may kasama rin ang mga itong pitong lalaki. "Naku, basang-basa po kayo, ah!" Nag-aalalang wika ng katulong nang makalapit na sa kanila, maagap itong sumenyas sa mga kasama nito kaya naman may lumapit sa kanilang dalawa pang katulong upang balutan sila ng tuwalya. Pagkatapos ay isang lalaki rin ang lumapit sa kanila at may akay itong puting kabayo. "Ito na po muna ang sakyan ninyo, wala po kasing ibang sasakyan na pwedeng magamit ngayon sa villa," magalang na wika nito kay Storm. Ngunit hindi na sumagot pa si Storm sa halip ay mabilis na lamang nitong isinampa ang sarili sa likod ng kabayo pagdaka'y inilahad ang mga palad sa kaniya. Mataman lamang niyang tiningnan ang kamay nitong iyon dahil nahihiya siyang tumingin diretso sa mga mata nito dahil na naman sa nangyari. "Sasakay ka ba o baka naman gusto mong maglakad mag-isa?" Naiinis na wika nito na parang wala lang dito ang nangyari kanina sa kamalig. Wala naman na siyang nagawa kundi ang abutin ang kamay nito, buong lakas naman siyang hinila nito paangat kaya hindi na rin siya gaanong nahirapan sa pagsakay sa likuran nito. "Humawak kang mabuti," utos nito sa kaniya kaya naman yumakap siya mula sa likuran nito. Dahil iyon ang una niyang pagkakataon ay hindi niya maiwasang matakot sa biglaang paglakad noon kaya naisiksik na lamang niya ang sarili rito. Pagdating nila ng villa ay inalalayan din siya nitong bumaba. Pagpasok pa lamang nila ng villa ay isang malakas na sampal na kaagad ang sumalubong kay Storm kaya pareho silang nagulat. "Ano na namang naisipan mo at naglakad kayo? At hinayaan mo pang mabasa ng ulan ang kapatid mo?" malakas at nakakatakot na sigaw ng ama nito. "Kapatid?" gulat at galit na bulalas ni Storm. "Sa pagkakaalam ko wala akong kapatid!" ganting sigaw ni Storm dito dahil doon ay akma na naman itong sasampalin ng ama ngunit mabilis na naiharang ni Fay ang sarili kaya sa kaniya tumama ang mga kamay nito ngunit dahil sa laki ng agwat ng taas ni Storm sa kaniya ay halos daplis lang ang tumama sa kaniya bagaman may sakit pa rin siyang naramdaman. "FAY!" gulat na sigaw ni Storm dahil hindi nito inaasahan ang biglaang pagharang niya. Maging ang ama nito ay nagulat sa ginawa niya, nasaktan man ay hinarap pa rin niya ito. "Nagkakamali po kayo, sir!" pagtatanggol niya sa binata. "Ang totoo po ako ang may kasalanan ng lahat, ako ang dahilan kung bakit kami natagalan at kung bakit kami inabutan ng ulan," paliwanag pa niya rito. "Sana po bago n'yo man lang siya naisipang saktan, nagtanong muna kayo kung ano ba talaga yung totoong nangyari," hindi niya mapigilang sumbat dito. Hindi niya kayang sikmurain ang hindi patas na pagdesiplina nito sa anak. "Ano bang sinasabi mong bata ka? Sa tingin mo magagalit ako ng walang dahilan diyan sa walang modong bata na 'yan! Si Genevieve mismo ang nagsabi sa akin na hinila ka niyan para paglakarin!" galit na sigaw pa rin ng ama nito sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng takot dito, iyon ang unang pagkakataon na makaharap siya ng isang ama na galit na galit sa kaniyang anak. "Hindi po totoo ang lahat ng iy—" "So, I am lying?!" anang isang tinig mula sa gilid nila. Kaya sabay silang napatingin doon ni Storm. Si Genevieve iyon na nakamasid lamang sa mga nangyayari. Hindi niya akalain na mas matindi pa pala ang sama ng ugali nito kumpara kay Storm. "Siguro, Sandro, tama na ito at pagpahingahin muna natin ang dalawang bata, pagod at basang-basa na rin sila," maagap na salo ng kaniyang ina sa sitwasyon. Kaya kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag. Bago pa man ulit makapagsalita si Mr. Chavez ay mabilis ng silang tinalikuran ni Storm at umakyat sa ikalawang palapag ng villa na iyon. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis, galit at awa. Halu-halong emosyon. Inis at galit kay Mr. Chavez pati na kay Genevieve at awa naman para sa binata. "Tara na, Fay," aya naman sa kaniya ng Mama niya saka siya inakay paakyat din ng ikalawang palapag. Tahimik lamang sila pareho habang paakyat pagkatapos ay binuksan nito ang pangatlong pintuan sa kanan. "'Yang katabi ng kuwarto mo ay ang kuwarto ni Storm ‘yan." Turo nito sa pangalawang silid na nadaanan nila. "Sa baba lang naman ang kuwarto namin ng Papa ninyo." "Ma!" mabilis na tutol niya sa huling sinabi nito. "Ganoon mo na lang ba siya kabilis na tatanggapin sa buhay natin?" hindi makapaniwalang tanong niya rito nang dahil sa nangyari ay naisip na niyang hindi ito ang nais niyang maging ama para sa kaniya. "Fay, walang perpektong tao kaya dapat lagi mong tatandaan na wala ring perpektong magulang," mahinahong tugon nito habang kumukuha ng panibagong tuwalya sa cabinet na nandoon. "We may all learn from the process. Ang kailangan lang matuto kang magbigay ng pagkakataon para sa mga bagong taong dumating sa buhay natin," dugtong pa nito bago lumapit sa pintuan. "Sige na, magbihis ka na muna. May mga damit na nandiyan sa cabinet, si Sandro ang bumili ng lahat ng iyan para sa 'yo. Mamili ka na lang pagtapos mong maligo, iiwanan na lang muna kita rito at maghahanda ako ng pagkain natin," wika pa nito bago tuluyang lumabas ng silid na iyon. Paglabas nito ay ini-lock naman niya iyon. Bagsak balikat na tiningnan niya ang sarili sa full-length mirror na nandoon. Modern-style ang silid na iyon na ang motif ay white at light gray. Nilibot niya ang buong silid, nang makalapit siya sa kurtina ay hinawi niya iyon, glass door ang nasa likod noon at may balcony sa labas. Binuksan niya ang pintuan at lumabas siya roon, tumambad sa kaniya ang maganda at asul na asul na kulay ng karagatan. Wow! Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng kaniyang nakikita. Rinig na rinig din niya ang hampas ng alon sa dalampasigan at ramdam na ramdam din niya ang malakas na hangin. Humawak siya sa rails ng balcony pagtapos ay pumikit at lumanghap ng sariwang hangin. Hmmm... amoy na amoy ang dagat! Napangiti siya sa pakiramdam na iyon. Ngunit nang biglang umihip ang malakas na hangin ay nakaramdam siya ng ginaw. Doon lamang niya naalala na hindi pa nga pala siya nakakapagpalit at ang basang damit pa rin ang suot niya. Napagpasyahan niyang pumasok na lamang muli ng kaniyang silid upang makapagpalit. Papasok na siya ng mapansin niyang nakaupo si Storm sa kabilang balcony, hindi pa rin ito nakakapagpalit at may hawak itong sigarilyo. Hindi siya nito napapansin dahil bahagya itong nakaharap sa kabilang panig ng villa ngunit mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang lungkot na mayroon sa mga mata nito. Sa nasaksihan niya ay hindi niya maiwasang itanong sa kaniyang sarili na kung si Storm ba talaga ang may mali o ang taong nagpalaki sa kaniya? Naiiling na hinayaan na lamang niya ito at pumasok ng kaniyang silid. Iniwan niyang bukas ang pintuan ng balkonahe upang pumasok ang sariwang hangin sa kaniyang silid bagaman may aircon ang silid na iyon ay mas gusto niya ang sariwang hanging nagmumula sa karagatan. Lumapit siya sa malaking built-in cabinet na nandoon para mamili ng damit. Bumulaga naman sa kaniya ang napakaraming damit na naroon. Binusisi niya ang laman noon at nakapili naman siya ng nais niyang suotin. Kulay gray na fitted short at white loose sando ang kaniyang napiling isuot. Hinila naman niya ang mga drawer na nandoon at hindi siya nagkamali ng hinaka na mga underwear ang laman noon, kumuha naman siya ng two-pieace swimsuit dahil iyon ang naisipan niyang ipang-doble sa damit na napili niya. Dala ang mga damit na napili ay pumasok na siya ng banyo at nagulat siya sa laki noon, halos kasing laki iyon ng silid na nasa labas. May malaking bathtub at mayroon ding clear glass shower. Ngunit mas pinili niyang gamitin ang bathtub, mayroon iyong hot and cold option at mas pinili niya ang hot option dahil nilalamig na rin siya. Habang pinupuno niya ng tubig ang bathtub ay lumapit siya sa malaking cabinet na nandoon, kasing laki rin iyon ng full-length mirror. Sabon, lotion, shampoo, skincare products at iba't-ibang perfume ang nilalaman noon. Kinuha lamang niya ang bathtub soap at nagbabad na doon. Ang sarap sa pakiramdam! Ganito pala ang buhay mayaman. Nang makaramdam na siya ng ginhawa ay nagbihis na rin siya at lumabas ng banyo na iyon. Naisipan niyang lumabas muna upang makapag-ikot sa tabi ng dagat. Kahit paano ay gusto niyang sulitin ang pagkakataong iyon. Pagkababa niya ay ang ina ang una niyang naisip hanapin ngunit kahit saang panig ng villa na iyon ay hindi niya ito maapuhap. Kaya naman nagpasya na lamang siyang lumabas mag-isa. Paglabas pa lamang niya ng pinto ay kitang-kita na ang malawak na karagatan. Lumakad siya palapit doon at matamang pinagmasdan ang kabuuan ng isla. Ang laki ng isla na iyon ngunit walang gaanong tao. Kita roon kung gaano ka-prominente ang mga taong may-ari noon. Dahil doon lamang niya napansin na may apat pang katulad ng villa na tinutuluyan nila at mayroon doong isa ring kasing laki ng mansyon nila Storm na nasa Davao. Maganda ang pagkaka-landscape ng lugar at na-preserve nila ang kagandahan ng isla na 'yon dahil sa dami pa rin ng puno na nakapalibot doon. Puting-puti at pinong-pino rin ang buhangin. "Miss!" Ang tinig na iyon ang pumukaw sa atensiyon niya. Paglingon niya ay isang super hunk guy ang naglalakad papalapit sa kaniya. "Bago ka lang ba rito?" nagtatakang tanong nito at pinasadahan siya ng tingin at tumango lang siya rito bilang tugon. "Ah. Kaninong bisita ka?" tanong nitong muli. "Kay Mr. Chavez," maikling sagot niya rito at ang pinagtataka niya ay bigla itong tumawa ng malakas. "Miss, hindi ka naman siguro nagbibiro 'no?" hindi makapaniwalang tanong nito kaya biglang nagsalubong ang mga kilay niya. "Lahat kasi kami ay Chavez dito? So, why are you referring it generally?" di pa rin makapaniwalang dagdag nito. "Anyway, I'm Zevren Chavez," pagpapakilala nito sa kaniya. "Ah." Nawala sa isip niya iyon kaya natawa rin siya sa nauna niyang isinagot dito. "Ako pala si Fay, Fay Ortega, bisita kami nila Mr. Sandro and Storm Chavez," pagtatama naman niya sa nauna niyang sinabi. Napatango naman ito at nagulat siya ng bigla nitong ilahad ang palad sa kaniya, nagtataka siyang muling tumingin dito. "Hindi ba ganito kapag pormal na nagpapakilala?" natatawa namang wika nito, siya naman ang napatango sa sinabi nito. At aabutin na sana niya ang mga palad nitong nakalahad pa rin sa harapan niya ng may naunang gumawa noon para sa kaniya. Sinundan niya ng tingin ang may-ari ng kamay na 'yon. "Old style, Doc!" Hindi niya maintindihan ang sinabing iyon ni Storm ngunit biglang tumawa si Zevren. "Sabi ko na may ibang naka-spot na, eh," makahulugang saad pa ni Zevren kay Storm. Si Storm naman ay seryosong nakatingin lang dito. "Sige, maiwan ko na kayo," paalam nito sa kanila pero bago ito tuluyang tumalikod ay muli siyang nilingon nito. "Fay, ingat ka sa pinsan ko na 'yan. Iba ang karisma niyan," pagkatapos ay kumindat pa ito sa kaniya. Pagkawala ni Zevren sa paningin nila ay marahas itong humarap sa kaniya. "Sa susunod huwag kang makikipag-usap kung kani-kanino, lalo na rito sa is—" Natigilan ito pagtapos ay pinasadahan siya ng tingin. "Saka pwede ba, Fay, huwag na huwag ka ngang lalabas na ganiyan ng suot mo!" galit na puna nito sa damit niya. "Bakit? Ano bang gusto mo mag-gown ako, eh, nasa tabing dagat tayo!? Saka ano bang problema sa suot ko?" nahihiwagaang tanong niya rito. "Tingnan mo nga 'yang sarli mo! Daig mo pa nang-aakit ng mga lalaki rito sa isla! Pumasok ka nga roon sa loob at magpalit ka!" matigas na utos nito sa kaniya. "Eh, yung babaeng nakakunyapit nga sa 'yo kanina halos maghubad na wala ka man lang sinabi! Sa akin na ganito ang suot ko galit na galit ka!" naiinis na sigaw niya sa binata. "Si Genevieve 'yon at wala akong pakialam kahit maghubad pa 'yon! Ang sinasabi ko ikaw ang magpalit!" matigas pa ring wika nito saka siya hinila pabalik ng villa. "ANO BA KASING PROBLEMA MO, STORM?" nagpupumiglas na sabi niya at pilit hinahatak ang brasong niyang hawak nito. "PROBLEMA KO 'YANG SUOT MO! KAYA KUNG AYAW MO NA AKO MISMO ANG MAGBIHIS SA 'YO, MAGPALIT KA NA!" banta naman nito sa kaniya. Aminin man niya o hindi ay natakot siya sa banta nitong iyon kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang bumalik ng villa at pumili ng ibang damit na naaayon sa kagustuhan ng stepbrother niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD