“I HAVE decided to legally adopt Fay,” mga salitang gumulat sa buong pagkatao ni Fay at salitang tila nakapagpabingi sa kaniya. “I will never allow that to happen,” matigas na pagtutol ni Storm habang mahigpit pa ring nakahawak sa kaniyang mga kamay. Lahat ng taong naroon ay sa kanilang dalawa na nakatingin, maging siya ay napatingin na rin sa galit nitong mukha. “Storm!” galit ding saway ng ama rito. “Sino kayo para paglaruan nang ganito ang buhay naming dalawa ni Fay! Hindi kami mga robot na kung anong gusto ninyong gawin namin, susundin na lang namin nang gano’n kabilis! Pinasok ninyong dalawa ‘yang relasyon niyo na ‘yan, nagpakasal kayo nang hindi namin nalalaman pagtapos ngayon gusto ninyo sumama kami sa sinasabi ninyong pamilya! That’s bullsh*t you know!” galit na mura ni Storm, b

