PADABOG na naupo si Storm pagdating niya sa opisina ni Chase, tinawagan niya ulit ang mga pinsan. Pero si Chase at si Zevren lang ang dumating dahil busy na ang iba. Naiintindihan naman niya dahil alam niyang may sari-sariling buhay at negosyo ang mga ito na dapat asikasuhin. “Anong sabi mo? Sinundan mo sila Fay?” gulat na tanong sa kaniya ni Chase nang maikuwento niya ang ginawa niya. Hindi pa rin siya mapakali at hanggang sa ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya. “Oo nga, gusto pa paulit-ulit,” angil naman niya rito dahil kahit siya ay hindi niya maintindihan ang sarili. “Nasa harapan mo na, Storm, bakit hindi mo pa nilapitan? Iyon na nga ‘yong pagkakataon mo bakit mo pa sinayang?” kunot-noong tanong sa kaniya ni Zev. “Hindi ko alam! Hindi ko talaga alam.” Napatayo pa siy

