Cassie’s POV Kung alam ko lang na ganito kahirap huminga habang may David Yao sa buhay ko, baka noon pa lang tinanggap ko na na wala na akong laban dito. Habang hawak niya ang kamay ko at paakyat kami sa elevator ng Yao mansion, pakiramdam ko parang dinadala niya ako sa altar pero walang kasal, walang singsing, puro kaba lang na baka mali ang maging impresyon ng nanay niya sa’kin. “Relax,” bulong ni David, hinahalikan ang kamay ko na para bang kami lang ang tao sa mundo. “Easy for you to say,” sagot ko, ramdam kong nanginginig ang mga daliri ko. “Ako ‘yong papasok sa lion’s den.” Narinig ko ang mababang tawa niya, mainit at parang kinikiliti ang tenga ko. “Trust me, hindi lion ang mom ko. Kung may kagat siya ngayon, ako ‘yon kung hindi kita inalagaan nang tama.” Napalingon ako sa kan

