David's POV Parang dininig ng langit ang gusto ng mommy ko dahil dalawang buwan makalipas ang dinner sa mansion, napansin kong nagkaroon ng malaking pagbabago kay Cassie. Minsan nagtataka ako kung ilang oras pa ba ang natitira sa sarili niya lagi siyang puyat, iritable, mabilis uminit ang ulo, at parang wala nang ngiti sa labi niya kapag nasa hotel siya. Kanina lang, muntik na akong mabaliw sa inis at kaba. Lunch time iyon, bumaba ako sa lobby para yayain siyang kumain, gusto ko lang kahit sandaling oras na magkasama kami. Pagdating ko sa reception area, wala siya. Akala ko lumipat lang ng pwesto, pero nang wala akong makita, nagtanong ako sa kaibigan niya. “Where’s Cassie?” malamig kong tanong, tono ko ‘yong tipong walang tatanggi. Nagulat ang babae, halatang kabado. “Sir… ahm… ak

