Cassie’s POV Pagmulat ko ng mata kinabukasan, ang una kong nakita ang araw na dahan-dahang sumisilip sa bintana at si David, nakaupo sa gilid ng kama, hawak ang laptop pero nakatingin sa akin. Para akong natutunaw sa init ng mga mata niya, pero at the same time, ramdam ko ang bigat ng responsibility niya sa akin. Parang sinasabi niya sa bawat titig: “Hindi kita papabayaan, Cassie. Hindi mo na kailangan mag-isa.” “Morning,” bati ko, medyo croaky pa ang boses dahil sa tulog. “Morning,” sagot niya, nginitian ako na parang may sikreto. “Sleep well?” Tumango ako, pinipilit hindi magpakita ng sobra-sobrang excitement. Pero halata sa sarili ko ramdam ko pa rin ang comfort ng huling gabi, ang init ng yakap niya na parang naka-stamp sa katawan ko. “Better than yesterday,” mahinang sabi ko.

