David’s POV
Three days. Three nights
Three freaking days sa gitna ng karagatan, sa loob ng isang yate na parang sinadya para sa honeymoon, pero ni isang halik, walang nangyari.
At ang mas nakakagulat?
Okay lang sakin.
No, wait scratch that. Hindi lang okay. Parang mas gusto ko pa nga.
Dahil sa halip na s*x, ang nakuha ko ay siya.
The real Cassie.
Yung Cassie na hindi naka-uniform, hindi nakatayo sa front desk, at hindi laging naka-fake smile.
Ngayon, sumasabay na siya kumain. Nagtatanong na kung anong gusto kong wine. Minsan tinatawag niya akong “Mr. Yao” na may halong pang-aasar, tapos biglang tatawa sa sarili niyang joke.
Weird, no?
Hindi ko siya binili para maging masaya, pero ito kami nagtatawanan habang kumakain ng grilled salmon at nagtatalo kung masarap ba talaga ang sparkling water o lasang battery acid lang.
“Admit it,” sabi niya noong isang lunch habang nagtuturo sa glass ko, “you’re only pretending to like sparkling water para feeling sosyal.”
Ngumisi ako. “And you’re only pretending na hindi ka impressed sa $3,000 wine natin.”
She rolled her eyes. “Wine is wine. Hangga’t kaya akong patulugin, okay na.”
Pucha.
Hindi siya mahirap pakisamahan. Hindi siya katulad ng ini-expect ko.
Oo, matigas pa rin siya. Hindi siya madaling paikutin. Pero unti-unti ko siyang naiintindihan. Nakikita ko na hindi siya perpekto pero hindi rin siya nabibili.
At kahit ilang beses ko pa ulit ipadala ang ₱10 million, hindi ko mabibili yung totoo niyang ngiti.
Kaya siguro ngayon, kontento na muna ako sa ganito.
Gabi ng ikatlong araw.
Nasa taas kami ng yate rooftop deck, stars above, hangin sa buhok niya, at tahimik na musika mula sa speakers.
Pareho kaming may hawak na wine. Hindi na fancy-fancy. She requested something “less intimidating,” kaya napa-bukas ako ng isang simpleng Merlot.
“Hindi ko akalain,” sabi niya habang nakatitig sa langit, “na ang pinaka-kalmadong gabi ng taon ko… eh kasama ka.”
“Ouch,” sabi ko. “That’s either the sweetest thing you’ve ever said to me, or the meanest.”
She chuckled. “Take your pick.”
Uminom ako. “I’ll take it as a win. That’s how desperate I am for your approval.”
Tumingin siya sa akin, medyo nakangiti. “You really are weird.”
I grinned. “Takes one to know one.”
Tahimik.
Hindi nakakailang. ‘Yung tahimik na parang hindi mo kailangang magsalita kasi sapat na ang presence niyo sa isa’t isa.
“She loves you, you know,” sabi ko after a few seconds.
“Who?” tanong niya.
“Your mom. You talk about her like she’s your anchor.”
Tahimik siya sandali. Tapos ngumiti.
“She is. She’s the reason I get up every morning. She’s the reason why I’m still standing.”
“Then that makes her powerful.”
“She is. Stronger than I’ll ever be.”
“No,” sabi ko, “she raised you. That makes both of you strong.”
Hindi siya sumagot. Pero nakita ko ang pagliit ng mata niya, parang may gustong itago. Saka niya tinagayan ulit ang baso ko.
“To strong women,” bulong niya.
“To the ones who never break,” dagdag ko.
Clink.
Makalipas ang ilang baso pa ng alak, napansin kong medyo namumula na ang pisngi niya.
“Lasenggera ka ba?” tanong ko.
“Hmph,” sabi niya, nakakunot-noo. “One glass lang ‘to. Huwag mo akong pintasan, ikaw nga yata ang may tolerance ng dragon.”
“Wow. Thank you. First time akong tinawag na dragon.”
“Well, bagay sayo. Mayaman, scary, madalas nag-i-spit ng fire.”
Tumawa ako. “Sobrang flattering.”
She smiled. That real, unguarded smile again.
Sa ilang buwan ko siyang pinanood mula sa malayo, hindi ko inakalang makikita ko itong side niya.
She was laughing now.
And it wasn’t forced.
Hindi ito dahil kailangan niyang gawin. Hindi dahil bayad siya.
But because… maybe, just maybe, she wanted to.
“Cassie,” tawag ko habang nagkukuwento siya tungkol sa isa sa mga annoying hotel guests na minsan tinawag siyang ‘reception robot.’
“Hmm?”
“Don’t take this the wrong way, pero… you’re a terrible paid companion.”
Napahinto siya. “Excuse me?”
“Wala man lang scandalous scene. No steamy nights. No desperate clinging. Like, hello, I paid ten million pesos and I didn’t even get a single scandal.”
“Do you want your money back?” mataray niyang tanong.
“No,” sagot ko agad. “But maybe at least a refund voucher? Half a hug?”
Binigyan niya ako ng pillow sa mukha.
“Shut up.”
Gusto ko sanang ituloy ang usapan. Gusto kong sabihing hindi ko na hinahanap ang kabayaran. Na kahit wala akong makuha sa kanya, ayos lang. Kasi sa kanya pa lang… parang kumpleto na.
Pero alam kong hindi pa ito ang tamang oras.
May mga bagay na hindi kailangan madaliin.
Lalo na kung totoo.
At kahit may kalokohan ako sa katawan, marunong din akong maghintay.
So that night, I let it be.
Hindi ko siya pinilit.
Hindi ko siya hinawakan nang hindi niya gusto.
Hindi ako lumapit nang sobra para matakot siya.
Basta nanatili lang ako sa tabi niya, habang pinapanood ang mga bituin na parang mas maliwanag sa gabing ‘yon.
Baka dahil kasama ko siya.
O baka dahil unti-unti na akong binabago ng presensiya niya.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin pagkatapos ng isang linggo.
Pero ang sigurado ko?
Hindi ko na siya basta-basta kayang pakawalan.
Kinabukasan.
Maaga pa lang, gising na ako.
Hindi dahil kailangan. At lalong hindi dahil may schedule. I mean, come on it’s my yacht. Kung gusto ko, puwede akong matulog hanggang hapon at magpa-massage buong araw.
Pero iba ngayon.
Hindi ako mapakali.
May isang part sakin na gustong sumilip sa kwarto niya, alamin kung gising na siya, kung kumain na ba, o kung okay lang ba siya.
Weird. Kasi dati, sanay akong hindi alintana kung may kasama akong babae sa isang trip. Usually, party lang kami nang party, walang pakialamanan sa umaga, tapos kanya-kanyang uwi pagkatapos.
Pero kay Cassie?
She was different.
Hindi siya maingay. Hindi demanding. Hindi clinger.
Pero nararamdaman mo ang presensya niya. Tahimik pero solid. Parang bagyong paparating di mo kita, pero ramdam mo na.
Naglakad ako papunta sa kusina at nadatnan siyang nagtitimpla ng kape.
Suot niya ang paborito niyang oversized shirt Nakapusod ang buhok. Walang makeup.
At kung tatanungin mo ako? That was the hottest she’s ever looked.
“Good morning,” Bati ko.
“Hmm,” maikling sagot niya. Hindi siya tumingin.
Tahimik.
Naglakad ako papunta sa fridge at kinuha ang orange juice.
“Kulang ba ang ₱10M? Gusto mo dagdagan ko para batiin mo ako nang maayos?”
Napalingon siya, kunot-noo. “Alam mo, kahit gaano mo pa dagdagan, hindi mo mabibili ang good mood ko sa umaga.”
“Noted,” sagot ko habang umiinom. “So grumpy until coffee. Got it.”
Umiiling siya habang umuupo sa bar stool. “Seriously, bakit gising kana? Thought ikaw ‘yung tipong 10am onwards ang gising.”
“Siguro dahil gusto ko lang makita ‘yung first smile mo today.”
“Huwag ka ngang cheesy,” sabay tulak ng asukal palapit sa kape niya.
I smiled. Kahit wala akong nakuha, ang simpleng pakikipagpalitan niya ng banat ‘yun na ‘yun. Progress na ‘yun.
Ilang oras pa, nagkayayaan kaming lumangoy.
She was hesitant at first, pero eventually pumayag din. Siguro dahil mainit ang panahon. Siguro dahil sawa na rin siya sa loob ng yate.
Paglabas niya suot ang simpleng black one-piece swimsuit. Nothing too revealing.
But God.
She looked breathtaking.
Nagbiro ako. “So ito na ‘yung part na ako naman ang babayadan mo for the view?”
She smirked. “Relax. Hindi kita papatulan.”
“Ay, sayang. Akala ko ‘yun na ‘yung plot twist.”
We swam. We laughed.
May sandaling halos mapahinto ako nang matawa siya nang sobra. ‘Yung tipong napapikit habang humahagalpak, tinatakpan ang bibig pero hindi maawat.
In that moment, I didn’t see the girl I paid for.
I saw the girl I could fall for.
Pagbalik namin sa loob, nagshower siya. Ako naman, naupo sa sala at nagtimpla ng whiskey.
Naisip ko ilang araw na lang.
Three down. Four to go.
At parang ayoko na matapos agad.
Akala ko one week would be more than enough to get her out of my system.
But here I am, counting hours like a prisoner, not because I want to escape... but because I don’t want to be released.
Later that night, nasa balcony ulit kami. Pareho kaming may hawak na baso. Mas tahimik ngayon. Wala nang masyadong biruan. Siguro dahil pagod. O baka dahil pareho na kaming nag-iisip.
“Cassie,” tawag ko, mahina.
“Hmm?”
“Do you ever wish your life turned out differently?”
Tahimik siya.
Saka siya humigop ng wine. “Araw-araw.”
“Like what?”
“Like... sana hindi ako laging kailangan maging matatag. Sana minsan, puwede rin akong mapagod nang hindi may kapalit na problema.”
Hindi siya tumingin sa akin. Pero naramdaman ko ang bigat ng boses niya.
“You can rest now, you know,” sabi ko.
Napalingon siya. “Just because I’m here? On this yacht? With you?”
“No. Not because of me. But because for once, you earned the right to breathe. And no one can take that away from you.”
Tahimik.
Saka siya tumingin sa langit.
“Maybe,” sabi niya. “Pero kahit tumigil man ang mundo... hindi ko pa rin kayang pabayaan ang mga naiwan ko.”
“That’s what makes you dangerous.”
“Dangerous?” tanong niya, nakakunot-noo.
“Oo. Kasi kahit anong gawin ko... hindi ko pa rin kayang tapatan ‘yung klase ng pagmamahal na meron ka. Kaya kahit nakuha kita... alam kong hindi kita hawak.”
She stared at me.
And for once, I didn’t smile.
Walang sarcasm.
Walang banat.
Just the truth.
Hindi ko alam kung ano ang tingin niya sa akin. Kung para sa kanya, isa lang akong mayamang lalaking dumaan para magtapon ng pera.
Pero ako? Unti-unti na akong nauubusan ng dahilan kung bakit hindi ko dapat siyang seryosohin.
At baka sa huli...
Ako pa ang tunay na nawalan.
-Itutuloy...