Cassie’s POV
Cassandra Cassie Rodriguez. Twenty-four years old. Breadwinner. Panganay sa tatlong magkakapatid. Laging may planong B kahit hindi pa tapos ang planong A.
Hindi siya prinsesa. Wala siyang glass slipper.
Wala rin siyang prinsipe.
Ang meron lang siya ay sipag, diskarte, at pusong sawang-sawa na sa salitang “sakripisyo.”
Nakapagtapos siya ng kolehiyo sa tulong ng scholarships at part-time jobs.
Nag-service crew, tutor, cashier, promo girl kahit pa paulit-ulit siyang sinasabihan ng nanay niya ng “Anak, pahinga ka naman.”
Pero sa mundo nila, ang pahinga ay luho.
At ang responsibilidad, parang utang na kailangang bayaran habang buhay.
Nagtatrabaho siya bilang receptionist sa Liora Grand Hotel, Isang kilalang hotel na Prestihiyoso at pag-aari ng Yao Empire.
Doon niya nakita at nakilala ng personal si John David Yao.
Ang tagapagmana ng imperyo na
pinanganak na may kutsarang platinum baka may diamonds pa. Gwapo. Matangkad. Charming.
Una niya itong nakita habang nag-aasikaso siya ng booking ng isang foreign guest.
Pumasok ang lalaki parang artista. Slow motion. Lahat napatingin. Except siya.
“Good evening, sir. How may I assist you?” Kalmado niyang bati.
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Walang kahihiyan. Tapos ngumiti ng ngiting alam mong sanay magpaikot ng babae.
“Hmm. Bagong recruit?”
“No sir. Isang buwan na po akong nagtatrabaho dito.”
Tumango ito. Naglakad-lakad sa harap niya, parang bored.
“Cassie,” ulit nito. “Cute name. But you don’t look like the usual hotel girl. Too serious. Parang… nagtatrabaho ka talaga.”
Nag-fake smile siya.
“Sorry, sir. Next time I’ll try smiling while suffering.”
Tumawa siya ng mahina.
“Wow. May sense of humor ka pala. I like that.”
Nagkibit-balikat si Cassie.
“And I like silence, sir. So maybe you should leave me alone.”
“Ouch. Pinapaalis mo ako?”
“Kung ‘yan po ang pagkakaintindi niyo.”
“Do you even know who I am?”
“Of course. Sino bang hindi nakakakilala sa John David Yao happy-go-lucky, charmer, womanizer. Feeling ko pati sanggol sa crib kilala ka na.”
Ngumiti ito, amused.
“Grabe. Ang sama naman ng image ko sayo.”
“Not all women, sir, are impressed by wealth. Just saying.”
“So… paano kung ligawan kita?”
“Pasensya na. Automatic rejection ka saakin.”
“Wow. Ang bilis ha. Challenge accepted.”
At bago siya makasagot, iniwan siya nito. May pa-wink pa.
Simula noon, araw-araw siyang pinapadalhan ng bulaklak at tsokolate nito.
Pinapabalik naman niya lahat iyon
Minsan naman pinapakain niya sa kapwa niyang receptionist.
Hindi dahil hindi niya gusto.
Kundi dahil ayaw niyang mapabilang sa koleksyon ng lalaki.
The night of JD’s 28th birthday.
Sa rooftop party at the hotel's champagne fountain, live music, and an exclusive guest list.
Everyone there was rich, powerful, and important.
She didn’t want to attend.
But it was “required for all staff.”
Pumunta siya pero pumuwesto siya sa pinakasulok. Hawak ang baso ng juice. Walang interest sa live band o sa overflowing champagne. Pinilit lang talaga siyang pumunta dahil kailangan.
“The mysterious front desk girl graces my party. I must be dreaming.” hindi na niya kailangan lingunin kung kanino boses iyon
“No choice. HR said mandatory,” sagot niya
“Mandatory? So hindi mo ako pinuntahan by choice? I’m offended.” Iniabot nito ang isang baso. “Here. At least pretend you’re enjoying.”
“Thanks, pero low alcohol tolerance ako. Baka magsabi ako ng totoo pag nalasing ako.”
Napangisi ang lalaki. “Please do. I’d love to hear real thoughts from the only girl in this room who doesn’t fake-smile at me.”
Umirap lang siya.
“Let’s cut to the chase,” ani JD habang nilapag ang hawak na baso sa nearest table. “I have a proposition.”
“Let me guess,” sagot niya. “Magpanggap akong girlfriend mo para magselos ang ex mo? O baka gusto mo akong i-model sa next billboard mo para 'raw and relatable'?”
Napatawa si JD, bahagyang yumuko. “Wow. You really don’t hold back.”
“Wala tayong time sa pa-cute,” balik ni Cassie. “So, anong deal mo?”
Tinapik ni JD ang sariling bulsa, dahan-dahang hinugot ang wallet at business card. Pero hindi iyon ang point.
“Ten million pesos,” aniya, diretso sa mata ni Cassie. “One week. With me. Anywhere I go, whatever I do ikaw ang kasama ko.”
Napanganga si Cassie. Tapos natawa. As in, tawang hindi makapaniwala.
“Wow. May bago ka bang psychological kink? Kasi ang weird mo na talaga.”
“Hindi ito weird,” kalmado pero tingin niya may ngiting demonyo ang lalaki. “This is business. I want your time. You need money. Fair exchange.”
“At one week lang?”
“Yup. No strings. No follow-ups. After a week, you walk away. Rich. Debt-free. Free as a bird.”
“Ang presko mo, Mr. Yao.”
“Salamat. I work hard for it.”
Tahimik si Cassie sandali. Hindi dahil kinilig kundi dahil naramdaman niyang totoo ang alok. Galing sa isang taong sanay makuha lahat ng gusto niya.
“Let me guess,” Ani niya. “You’ve done this before?”
“Actually,” sagot ng lalaki naglalakad paikot sa kanya, “never pa. Kasi nga, this isn’t lust-driven. Curious lang ako sayo. for why you keep rejecting me.
“So you’re buying my time kasi hindi kita gusto?”
“Exactly. It hurts my ego. And I’m a rich guy with a bruised ego. Dangerous combo.
"Hindi ako intresado. sagot niya
"May oras ka para pag-isipan ng mabuti ang offer ko, bukas hihintayin kita hanggang alas tres ng hapon
Inabutan siya ng lalaki ng isang white card at doon nakasulat ang address ng inaalok nito
3:30 PM, Kinabukasan
Mainit ang araw pero malamig ang hangin. Tahimik ang paligid ng private marina. Walang tao kundi ilang staff na nakauniforme at isang lalaki sa gitna ng yate.
Ang kinaiinisan niya ng subra
Relaxed. Naka-shades. Naka-white polo na bahagyang bukas ang dibdib. At kung gaano siya ka-informal, ganoon ka-formal ang pakiramdam ni Cassie habang papalapit.
Pigil ang bawat hakbang. Pigil ang damdamin.
Sa harap niya, nakasabit ang pangalan ng yate: Celestia
Paglapit niya, ngumiti agad ang lalaki.
“Wow. Look who decided to show up. Akala ko ghosting ang drama mo.”
Hindi siya ngumiti. Hindi siya nagpatinag.
“Kondisyon muna tayo,” diretsong sabi niya sa lalaki
Umangat ang kilay nito, halatang naaliw kanya.
“Wow. Kondisyon agad? Kala ko ako 'yung boss dito.”
“Not today,” Mr. Yao
"Say it.
"Pumayag ako sa alok mo pero gusto ko makasigurado. gusto ko bago ako umapak diyan sa yate mo gusto ko send mo sa account ko ang eksaktong halaga ng pinag-usapan natin.
Natawa ang lalaki na tumango habang parang ine-enjoy ang drama.
“You’re killing the mood. Pero sige. Bossy girls turn me on.”
Hindi siya natinag. “This isn’t flirting, Mr. Yao. This is business. Gusto mong bayaran ang isang linggo ko? Siguraduhin mong wala akong dahilan para magsisi.”
Kumindat ang lalaki “Wow. Sige na nga. For someone I’m technically renting, you’re surprisingly expensive huh!
Hinugot nito ang phone. Ilang tap at swipe lang. Then
Ping!
Vibration. Notification. Message.
Cassie pulled out her phone. Binuksan ang banking app.
₱10,000,000 – RECEIVED.
Napatingin siya sa lalaki.
“So what now?" tanong ng lalaki sa kanya
Hindi siya sumagot tahimik siyang umakyat sa yate.
Hindi para magbakasyon. Hindi para sa lalaki Hindi dahil gusto niya.
Ginawa niya ito para sa mga overdue notices nila Para sa foreclosure notice. Para sa nanay niyang pilit ngumiti kahit may iniindang sakit sa katawan. Para sa mga kapatid niyang nag-aaral pa at nangangarap.
Hindi ito kwento ng isang babaeng bumigay. Ito ang kwento ng isang babaeng walang ibang choice.
At habang papalayo ang yate sa daungan nito, alam niyang may parte ng sarili niyang naiwan sa lupa. Pero may parte ring naninindigan.
One week. Then I’m out. No feelings. No regrets.
Itutuloy...