CHAPTER 2
HOUTEN POV
Pagkatapos kong maihatid si Sasha sa trabaho niya kanina, hindi ko maiwasang mapangiti habang nagmamaneho. Ewan ko ba… araw-araw na lang ganon. Parang naging routine ko na ang ihatid siya kahit pa sinasabi kong napipilitan lang ako.
“Napipilitan?” bulong ko sa sarili ko sabay tawa. “Ulol, Houten. Inaabangan mo nga eh.”
Napailing ako habang binabaybay ang daan pauwi. Ramdam ko pa rin yung yakap niya kanina yung higpit, yung init… at lalo na yung boses niyang parang sinasadya akong guluhin.
“Ang bango mo, Angkol…”
“Bwisit,” napamura ako nang mahina. “Ginugulo mo na naman utak ko, Sasha.”
Pero bago pa ako tuluyang malunod sa kakaisip sa kanya.
Prrrrt… prrrt…
“Ha?” napakunot-noo ako.
Biglang nanginig ang motor ko. “Huwag ngayon… huwag ngayon…” bulong ko habang pinipiga ang silinyador. Pero parang may sariling isip ang motor ko.
Prrt… prrrt… tuk!
“Put—!” Biglang tumirik.
“AY PUTANGINA NAMAN OH!” napasigaw ako sa gitna ng kalsada.
Napatingin ang ilang tao sa paligid, pero wala na akong pake. Bumaba ako at sinubukang i-start ulit pero wala. Patay na patay.
“Gago… hindi ba pwedeng sa bahay ka masiraan? Bakit dito pa sa init?” reklamo ko habang sinisipa nang bahagya ang gulong. Wala akong choice kundi itulak.
“Tulak-tulak na naman si Houten…” bulong ko sa sarili ko habang pinupunasan ang pawis sa noo. “Kung nakita ako ni Sasha ngayon, sigurado tatawanan ako no’n.”
Habang tinutulak ko ang motor, napadpad ako sa pamilyar na lugar isang maliit pero kilalang vulcanizing shop.
“At least may pag-asa pa,” sabi ko habang papalapit.
Pagdating ko sa harap, nakita ko agad ang kaibigan kong si Melchor Fernandez, nakahiga sa monoblock chair habang may hawak na electric fan na siya mismo ang umiikot.
“Melchor!” sigaw ko.
Biglang napabangon si gago. “Hoy! Sino” sabay napatigil. “PUTEK! HOUTEN?!”
“Oo, multo mo!” sagot ko.
Napakamot siya sa ulo. “Akala ko kung sinong nangungutang na naman eh.”
“Ulol! Hindi ako nangungutang, nasiraan ako!”
“Ahhh…” ngumisi siya. “Kaya pala mukhang pawis na pawis ka. Kala ko nag-jogging ka.”
“Tingnan mo ‘tong motor ko, ayaw umandar.”
Lumapit siya at tiningnan ang motor. “Hmm… mukhang pagod na.”
“Ha? Motor ba ‘to o ikaw?” sagot ko.
“Pareho,” sabay tawa niya. “Pero seryoso, mukhang kailangan lang ‘to ng pahinga… parang ikaw.”
“Gago ka,” sabay upo ko sa bangko.
Hindi pa kami nagtatagal, may dumating na pamilyar na boses.
“HOY! May delivery ako dito!”
Paglingon ko, si Juan Morales nakapasan ang dalawang galon ng tubig, pawis na pawis pero todo pa rin ang ngiti.
“Juan!” sigaw ni Melchor. “Buti dumating ka, nauuhaw na ako!”
“Ayaw mo kasi bumili ng ref, puro ka fan!” sagot ni Juan sabay baba ng tubig.
Napatingin siya sa akin. “Uy, Houten! Anong ginagawa mo dito? Mukhang pinagpawisan ka ah… may hinabol ka ba?”
“Motor ko ang hinabol ko, gago. Nasiraan.”
“Ay weh?” ngumisi siya. “Kala ko may hinahabol kang babae.”
“Wala kang alam,” sabay irap ko.
“Ahh, si Sasha ba ‘yan?” biglang banat niya.
“Hoy!” sabay hampas ko sa kanya. “Baka marinig ka ng hangin!”
“Bakit? Totoo naman ah!” sabay tawa niya.
Sumingit si Melchor. “Oo nga, pare. Araw-araw mo na yatang hinahatid ‘yon ah. Libre ba gasolina mo?”
“Hindi ah,” sagot ko.
“Eh bakit mo ginagawa?”
Natahimik ako saglit. “Trip ko lang.”
“Trip mo o trip mo siya?” sabay taas-kilay ni Juan.
“Putek kayong dalawa ha…” Biglang may dumaan na motor, huminto sa harap namin.
“Oy mga ulupong!” sigaw ng bagong dating.
“Pareng Joaquin!” sabay bati namin.
Naka-sumbrero siya at may dalang gamit pangsaka. “Sandali lang ako, dadaan lang bago pumunta sa bukid.”
“Akala ko ba marine engineer ka?” tanong ko.
“Oo, pero tambay muna. Next month pa sakay ko eh. Kaya nagsasaka muna ako—para hindi ako puro sakay lang sa babae.”
“Gago!” sabay tawa naming lahat biglang may sumingit na kotse at huminto sa tapat.
“Excuse me, may mekaniko ba dito?” tanong ng lalaki.
Pagbukas ng pinto si Lorenzo Serrano.
“Ay! Boss!” bati ni Melchor. “Anong problema ng sasakyan mo?”
“May kakaibang tunog eh. Parang may sumisigaw sa loob.”
“Baka kaluluwa mo na ‘yon,” sabat ni Juan.
“Ulol,” sagot ni Lorenzo. “Ikaw nga mukhang may sumisigaw sa katawan mo kulang sa pahinga.”
“Hindi ah, kulang lang sa lambing,” sabay kindat ni Juan.
“YUCK!” sabay sigaw namin.
Hindi pa natatapos ang tawanan, may isa na namang dumating si Traviz Zamora, may dalang paper bag.
“Mga pare!” sigaw niya. “May dala akong tinapay!”
“Uy! Sakto!” sabi ni Melchor.
“Ano ‘yan?” tanong ko bgumisi siya. “Pan de regla.”
“HOY!” sabay tawa naming lahat.
“Grabe ka naman, Traviz! Yan talaga pinili mong dalhin?” biro ni Joaquin.
“Ano ba? Masarap ‘to ah!” depensa niya.
“Masarap o mapula?” sabat ni Juan.
“Pare, wag mong ipaalala,” dagdag ni Lorenzo. “Baka mawalan ako ng gana.”
“Ulol kayo! Kain na nga lang!” Habang kumakain kami, tuloy-tuloy ang biruan.
“Hoy, Houten,” sabay siko ni Juan. “Kelan mo aaminin?”
“Ano na naman ‘yan?”
“Na may gusto ka kay Sasha.” Biglang natahimik ang lahat tapos sabay-sabay silang tumingin sa akin.
“Putek…” napakamot ako sa ulo. “Wala ah.”
“Wala?” taas-kilay ni Melchor. “Eh bakit parang kinikilig ka pag binabanggit pangalan niya?”
“Hindi ah!”
“Eh bakit namumula ka?” sabat ni Traviz.
“Mainit kasi!”
“Mainit o may init ka sa kanya?” sabay hagalpak ni Joaquin.
“Mga gago kayo!” sabay tawa ko rin pero sa totoo lang…
Hindi ko rin alam ang sagot habang nagtatawanan kami, napaisip ako. Sa lahat ng kalokohan, biruan, at asaran iisang pangalan ang paulit-ulit nilang binabanggit.
Sasha.
At kahit pilit kong itinatanggi… parang may tama nga ako at mas nakakatakot? Hindi ako sigurado kung gusto ko bang mawala ‘yon.
“Oy, Houten!” sigaw ni Melchor. “Ayos na motor mo!”
“Talaga?”
“Oo. Pero may kondisyon.”
“Ano?”
“Lilibre mo kami.”
“Ha?!”
“Eh ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkasama-sama ulit eh,” sabat ni Juan.
“Oo nga,” dagdag ni Lorenzo. “Tsaka para sa… inspirasyon mo.”
“Anong inspirasyon?” tanong ko sabay-sabay silang ngumisi.
“Si Sasha.”
“PUTEK KAYO!” sigaw ko habang nagtatawanan kami nang malakas.
At sa gitna ng init ng araw, ingay ng kalsada, at walang katapusang biruan. Isang bagay ang malinaw hindi lang motor ko ang nasiraan kanina. Pati puso ko… parang unti-unti nang sumasablay.